Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Chapter 1471 - Chapter 1480

All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 1471 - Chapter 1480

2479 Chapters

Kabanata 1471

Hindi ito inasahan ni Madeline. Sa sandaling iyon, hindi niya alam kung anong gagawin niya. Ang lalaking nasa kanyang harapan ay isang tao sa buhay niya na kanyang sinasandalan at pinagkakatiwalaan nang walang pag-aalala. Ngunit sa sandaling ito, sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Ang mga dalagang nahuhumaling sa itsura ni Jeremy ay nakatingin sa kanya nang hindi kumukurap. Umaasa sila na titignan sila ni Jeremy. Ngunit, diretsong naglakad si Jeremy papunta kay Madeline. Tinitigan niya ang mga mata ni Madeline nang ilang segundo bago nagsabing, "Nandito ka rin ba para sa trabaho?" Tanong niya. Malamig na hangin sa huling bahagi ng taglagas, pero ang mga salita ni Jeremy ay parang simoy ng tagsibol habang dumaan ito sa tainga ni Madeline. Sinara ni Madeline ang kanyang mga kamao at tumango. "Oo." "Naranasan mo na bang magtrabaho ng ganitong klaseng trabaho noon?" Nagpatuloy na nagtanong si Jeremy. Tumitig si Madeline sa malalalim at kaakit-akit na mga mata sa kany
Read more

Kabanata 1472

Totoo nga. Ang mga matang iyon ay talagang maaliwalas at napakaganda. 'Kung ganun, gusto ba ni Mr. Whitman ang lahat ng konektado sa taong minamahal niya?'Talaga bang kinuha niya ang babaeng yan dahil kamukha ng mga mata niya ang sa asawa niya?' Nang maisip ng lahat ang dahilang ito ay umamin na lang sila ng pagkatalo. Ang isang tao ay ipinanganak nang may kani-kanyang itsura at walang paraan para baguhin iyon. Kung kaya't umamin lang sila ng pagkatalo at umalis nang nadismaya. Sa sala ng Whitman Manor. Nakatayo si Madeline sa tapat ng coffee table habang hinarap niya ang mga taong pinakamalapit sa kanya. Ngunit sa sandaling ito, nagawa niya lang na magpanggap bilang isang estranghero. Ang babaeng gumaya sa kanya ay isa-isa siyang pinakilala sa kanyang pamilya, "Ito ang mother-in-law ko at ito naman ang nanay ko. Iyan naman ang bunsong anak namin ni Jeremy. Wala ngayon ang iba sa mga nakatira rito sa bahay na to pero ayos lang yun. Ang pinakamahalaga mong gagawin ngayon a
Read more

Kabanata 1473

"Ayos ka lang ba?" Ang malalim at nakakaakit na boses ni Jeremy ay parang matamis na tubig-sibol habang dumaan ito sa kanyang puso. Biglang lumakas at bumilis ang tibok ng kanyang puso, pero hindi siya nagtangkang tumingin nang diretso sa mga mata ni Jeremy. Hindi rin siya nagtagal sa mga bisig niya bago nagmadaling umalis. Subalit, nang bumitaw si Madeline sa pagkataranta, nakaramdam ng kawalan si Jeremy sa kanyang mga braso pati na sa kanyang puso. "Pasensya na, Mr. Whitman," yumuko si Madeline at humingi ng tawad. "Ayos lang," sabi ni Jeremy nang may malumanay na tono. Kahit ang kanyang mga mata ay napakalambing. Kahit na hindi niya ito nakikita, nararamdaman ni Madeline na nakatingin sa kanya nang maigi si Jeremy. Sa sandaling ito, narinig ang boses ng impostor mula sa malayo. "Jeremy, nandito sina Lily at Jack." Namangha si Madeline. Kaya ring kopyahin ng babaeng ito ang tono at boses niya at magawang maging katunog niya. Mukhang maraming sinayang na oras si R
Read more

Kabanata 1474

Tamad niyang tinanong ang tao sa kabilang linya. Napatingin si Madeline sa lalaki mula sa gilid ng kanyang mga mata. Pagkatapos, narinig niya si Jeremy na nagsabi sa pagtataka, "Patay na si Ryan?" Pagkatapos sabihin iyon ni Jeremy, napansin ni Madeline na ang babaeng nagpapanggap na siya ay biglang itinaas ang kanyang mukha. Dagdag pa rito, nagbago rin ang kanyang ekspresyon at ang tingin ng kanyang mga mata. Para bang nagulat siya. Pero, napansin rin ni Madeline ang isang bakas ng ekspresyon. Pagkatapos ibaba ni Jeremy ang tawag, nakita ni Madeline ang impostor na inayos ang kanyang ekspresyon bago lumapit para magtanong. "Jeremy, anong sabi mo? Patay na si Ryan? Nakakulong siya kaya paano siya biglang mamamatay?" tanong niya, ang kanyang mga mata ay puno ng matinding interes para sa impormasyon. Tinignan ni Jeremy ang impostor at direstong nagsabi, "Hindi ko alam ang detalye pero alam kong naghanda sila ng burol sa Jones family. Kumpirmado na na patay na si Ryan." Pagka
Read more

Kabanata 1475

Kaagad na may napagtanto si Madeline. Hindi niya natanggal ang singsing sa kanyang palasingsingan, at kasabay nito, mahirap para sa kanya na hubarin ito. Nakita niya si Jeremy na nakatulala sa singsing habang humigpit ang kanyang hawak sa kanyang palad. Tumagos ang kanyang init mula sa kanyang balat papunta sa kanyang dugo, at dumiretso sa kanyang puso. "Bakit nasa sa'yo ang singsing na to?" Tinignan niya ang mga mata ni Madeline at nagtanong. Dahil tinanggap niya ang trabaho, alam niya na makikita ni Jeremy ang singsing sa kanyang palasingsingan balang araw. Kalmado siyang ngumiti at nagsabi, "Sinuot to sa'kin ng lalaking mahal ko. Anong problema?" "Imposible." Pagtanggi ni Jeremy. "Imposible na magkaroon ng pangalawang singsing na kagaya nito sa mundong to."Nagpanggap si Madeline na kumunot ang noo sa pagtataka. Bakit mo nasabi yan, Mr. Whitman?" Ginalaw ni Jeremy ang kanyang maninipis na labi at tumingin sa mga inosenteng mata ni Madeline. May gusto siyang sabihin pe
Read more

Kabanata 1476

Bumalik si Madeline sa mansyon ni Carter at sa sandaling makapasok siya, nakita niya si Carter na nakaupo sa isang European-styled sofa sa sala. Elegante niyang nililipat ang pahina ng isang libro. "Magiging katulong ka ba ng mga Whitman?" hindi nagmamadaling tanong ni Carter. Huminto si Madeline sa paglalakad at lumingon sa lalaki na mayroong walang pakialam na ekspresyon sa kanyang mukha. Ngumiti siya nang peke at nagsabing, "Hindi ko alam na magiging interesado si Mr. Carter sa ginagawa ko. Masaya ako. Tama, magiging katulong ako ng mga Whitman." "Napakaespesyal ng paraan mo para maghiganti kay Jeremy Whitman," sabi ni Carter, binaba niya ang librong hawak niya bago tumayo. Malamig na tumitig ang kanyang malalalim na itim na mga mata sa makikislap na mga mata ni Madeline. "Ihahatid kita." “...”Si Carter ang nagmungkahi ng ideya na ito at pakiramdam ni Madeline ay mayroong mali. Pero alam niyang hindi niya siya matatanggihan. "Salamat sa pag-aabala ninyo, Mr. Carter."
Read more

Kabanata 1477

Nagulat si Madeline nang nakita si Jeremy. Hindi niya alam kung tadhana ito o nagkataon lang. Binuksan ni Jeremy ang pinto ng kotse at pagkatapos tignan si Madeline, nakita niya si Carter na nakatayo sa tabi niya. Malalim ang titig ng lalaki. Pagkatapos niyang tignan nang maigi si Carter ng ilang segundo ay nagtanong siya, "Quinny, sino to?" "Hello, Mr. Whitman. Ako ang fiancé ni Quinny," pinakilala ni Carter ang kanyang sarili. Bigla na lang niyang inabot ang kaliwang kamay ni Madeline para hawakan. Pero kusang gustong umiwas ni Madeline sa sandaling hinawakan niya siya. Kahit na ganoon, mahigpit na hinawakan ni Carter ang kamay niya. Nakita ni Jeremy na bahagyang kumunot ang noo ni Madeline. Mayroong magulong pakiramdam sa kanyang puso na hindi niya maintindihan. Pero sa huli ay hindi niya ito pinakita. "Hinatid ko mismo ang girlfriend ko rito. Mula ngayon, magtatrabaho na rito ang girlfriend ko kaya alagaan niyo siya, Mr. Whitman." Maamong ngiti ni Carter. Ito ang unan
Read more

Kabanata 1478

Huminto si Jeremy sa gitna ng kanyang pagsasalita. Nagtatakang nagtanong si Madeline. "Anong meron sa kanya?" Habang nakatingin sa kaakit-akit na mga mata ni Madeline na puno ng pagtataka, isang maliit na ngiti ang lumitaw sa gwapong mukha ni Jeremy. "Wala lang. Magpatuloy ka na sa ginagawa mo." Hindi siya nagpatuloy at nilampasan si Madeline para umalis. Lumingon si Madeline at tumingin sa walang lamang pintuan. Sa sandaling ito ay wala na ang puso niya. Pakiramdam niya ay nagdurusa siya sa kahit kapag kaharap niya ang lalaking minamahal niya at gusto niyang sandalan, pero hindi niya masabi sa kanya ang tungkol sa kanyang sakit at problema. Pero wala talaga siyang magagawa sa sandaling ito. Naglakad si Madeline sa bag na binigay sa kanya ni Carter. Pagkatapos niya itong buksan, nakita niya na ang laman nito ay mga araw-araw na kakailanganin niya at mga damit. Mukhang simple ang mga damit na para bang matagal na niya itong hinanda para sa kanya. “Carter.”Bumulong si
Read more

Kabanata 1479

Napahinto si Madeline nang ilang segundo bago yumuko sa takot para hindi niya matignan ang mga mata ni Jeremy. Pagtapos, inilayo niya ang mga kamay niya sa pagkataranta. Bahagya ring natulala si Jeremy. Kahit na nagkatinginan sila sa dilim, nakita niya pa rin ang maliwanag na kislap sa kanyang mga mata. Masyado siyang naantig sa kislap ng kanyang mga mata. Pero, ang mukha niya...Nahimasmasan si Jeremy na para bang bigla siyang nagising. Sa sandaling iyon, pakiramdam niya ay may naaninag siyang isang bagay na espesyal. Clank!Bigla na lang, nakarinig si Jeremy ng tunog na parang may bumagsak sa baba. Pagkatapos ay nakarinig siya ng boses na parang nasaktan. Kaagad siyang lumingon. Kahit na madilim ay alam niya pa rin ang direksyon kung saan dadaan. Bumaba si Jeremy. Gamit ng liwanag ng buwan sa labas ng bintana, nakita niya ang isang mapayat na anyong lumabas ng pinto. Tinaas ni Jeremy ang kilay niya pagkatapos makita ang anyong lumitaw sa kanyang paningin. “Linnie?
Read more

Kabanata 1480

Hindi alam ni Madeline kung sinasadya ito ng lalaki o hindi. Nakatayo lang siya roon nang hindi kumikilos na para bang isang pader. "Mr. Whitman, umalis ka sa dinadaanan ko." Nagawa na lang ni Madeline na palayasin siya habang hinanda ang kanyang kalooban. Pero hindi umalis si Jeremy. Sa halip ay seryoso siyang nagtanong, "Ms. Quinn, nagkita na ba tayo noon?" Kalmadong umiling si Madeline. "Nakita na kita sa maraming lugar, pero sa tingin ko ay hindi mo pa ko nakita noon, Mr. Whitman." "Talaga?" Parang interesado si Jeremy sa sagot niya. Yumuko siya para tignan ang tahimik na si Madeline. Pagkatapos ay nagpatuloy siya, "Bakit hindi ka tumitingin sa'kin?" "..." Hindi alam ni Madeline kung anong sasabihin. Pagkatapos ng ilang segundo, sabi niya, "Sinabi ko na sa'yo na nasira ang mukha ko. At saka hindi ako nakasuot ng mask ngayon. Nag-aalala ako na baka matakot ka kapag tinaas ko ang mukha ko." "May kilala akong magaling na doktor, kaya kung gusto mo, sa tingin ko matutulunga
Read more
PREV
1
...
146147148149150
...
248
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status