Nagulat si Madeline nang nakita si Jeremy. Hindi niya alam kung tadhana ito o nagkataon lang. Binuksan ni Jeremy ang pinto ng kotse at pagkatapos tignan si Madeline, nakita niya si Carter na nakatayo sa tabi niya. Malalim ang titig ng lalaki. Pagkatapos niyang tignan nang maigi si Carter ng ilang segundo ay nagtanong siya, "Quinny, sino to?" "Hello, Mr. Whitman. Ako ang fiancé ni Quinny," pinakilala ni Carter ang kanyang sarili. Bigla na lang niyang inabot ang kaliwang kamay ni Madeline para hawakan. Pero kusang gustong umiwas ni Madeline sa sandaling hinawakan niya siya. Kahit na ganoon, mahigpit na hinawakan ni Carter ang kamay niya. Nakita ni Jeremy na bahagyang kumunot ang noo ni Madeline. Mayroong magulong pakiramdam sa kanyang puso na hindi niya maintindihan. Pero sa huli ay hindi niya ito pinakita. "Hinatid ko mismo ang girlfriend ko rito. Mula ngayon, magtatrabaho na rito ang girlfriend ko kaya alagaan niyo siya, Mr. Whitman." Maamong ngiti ni Carter. Ito ang unan
Huminto si Jeremy sa gitna ng kanyang pagsasalita. Nagtatakang nagtanong si Madeline. "Anong meron sa kanya?" Habang nakatingin sa kaakit-akit na mga mata ni Madeline na puno ng pagtataka, isang maliit na ngiti ang lumitaw sa gwapong mukha ni Jeremy. "Wala lang. Magpatuloy ka na sa ginagawa mo." Hindi siya nagpatuloy at nilampasan si Madeline para umalis. Lumingon si Madeline at tumingin sa walang lamang pintuan. Sa sandaling ito ay wala na ang puso niya. Pakiramdam niya ay nagdurusa siya sa kahit kapag kaharap niya ang lalaking minamahal niya at gusto niyang sandalan, pero hindi niya masabi sa kanya ang tungkol sa kanyang sakit at problema. Pero wala talaga siyang magagawa sa sandaling ito. Naglakad si Madeline sa bag na binigay sa kanya ni Carter. Pagkatapos niya itong buksan, nakita niya na ang laman nito ay mga araw-araw na kakailanganin niya at mga damit. Mukhang simple ang mga damit na para bang matagal na niya itong hinanda para sa kanya. “Carter.”Bumulong si
Napahinto si Madeline nang ilang segundo bago yumuko sa takot para hindi niya matignan ang mga mata ni Jeremy. Pagtapos, inilayo niya ang mga kamay niya sa pagkataranta. Bahagya ring natulala si Jeremy. Kahit na nagkatinginan sila sa dilim, nakita niya pa rin ang maliwanag na kislap sa kanyang mga mata. Masyado siyang naantig sa kislap ng kanyang mga mata. Pero, ang mukha niya...Nahimasmasan si Jeremy na para bang bigla siyang nagising. Sa sandaling iyon, pakiramdam niya ay may naaninag siyang isang bagay na espesyal. Clank!Bigla na lang, nakarinig si Jeremy ng tunog na parang may bumagsak sa baba. Pagkatapos ay nakarinig siya ng boses na parang nasaktan. Kaagad siyang lumingon. Kahit na madilim ay alam niya pa rin ang direksyon kung saan dadaan. Bumaba si Jeremy. Gamit ng liwanag ng buwan sa labas ng bintana, nakita niya ang isang mapayat na anyong lumabas ng pinto. Tinaas ni Jeremy ang kilay niya pagkatapos makita ang anyong lumitaw sa kanyang paningin. “Linnie?
Hindi alam ni Madeline kung sinasadya ito ng lalaki o hindi. Nakatayo lang siya roon nang hindi kumikilos na para bang isang pader. "Mr. Whitman, umalis ka sa dinadaanan ko." Nagawa na lang ni Madeline na palayasin siya habang hinanda ang kanyang kalooban. Pero hindi umalis si Jeremy. Sa halip ay seryoso siyang nagtanong, "Ms. Quinn, nagkita na ba tayo noon?" Kalmadong umiling si Madeline. "Nakita na kita sa maraming lugar, pero sa tingin ko ay hindi mo pa ko nakita noon, Mr. Whitman." "Talaga?" Parang interesado si Jeremy sa sagot niya. Yumuko siya para tignan ang tahimik na si Madeline. Pagkatapos ay nagpatuloy siya, "Bakit hindi ka tumitingin sa'kin?" "..." Hindi alam ni Madeline kung anong sasabihin. Pagkatapos ng ilang segundo, sabi niya, "Sinabi ko na sa'yo na nasira ang mukha ko. At saka hindi ako nakasuot ng mask ngayon. Nag-aalala ako na baka matakot ka kapag tinaas ko ang mukha ko." "May kilala akong magaling na doktor, kaya kung gusto mo, sa tingin ko matutulunga
Hindi handa si Madeline sa biglaang kinilos ng impostor. Ngunit hindi hinayaan ni Madeline na magpatalo. Hinawakan niya ang braso ng babae at malakas siyang tinulak palayo. "Mrs. Whitman, anong ginagawa mo?" Inayos ni Madeline ang kanyang damit. Pakiramdam niya ay parang pupunitin ng babaeng ito ang kanyang kwelyo. Nang makita niya ang kalmdong ekspresyon ni Madeline, tumalikod ang babae at sinara ang pinto ng banyo. Pagkatapos, bumalik siya at tinignan ang mga mata ni Madeline. "Mayroon bang magkaparehong mga mata sa mundong ito?" Pangungutya ng babae at sinabi ito nang may tawa. Pagkatapos, naglakad siya sa harapan ni Madeline at bigla na lang, nakita niya ang matinding poot at galit sa mga mata ng babae na ginawang kamukha ng kanya. "Wag ka nang magpanggap. Alam kong ikaw yan!" Hininaan ng babae ang boses niya, pero parang sinisigaw niya ang pahayag na iyon sa kanya. Kaagad na naintindihan ni Madeline ang ibig sabihin ng babaeng ito. Lumabas na pinagdududahan niya siya
Naramdaman ni Madeline ang titig sa kanyang likuran. Binilisan niya ang lakad at bumulong sa kanyang sarili sa loob niya. Tama ang babae. Siya nga talaga si Eveline Montgomery, pero hindi niya ito ipapaalam sa kanya. Hinawakan ni Madeline ang kanyang damit at mabilis na bumalik sa kanyang kwarto. Pero nagkataon ay nakasalubong niya si Jeremy na paakyat ng hagdan. Bumalik na ang ilaw sa bahay at nang paakyat si Jeremy ng hagdan, nakita niya ang walang maskarang mukha ni Madeline. Sa sandaling iyon, pakiramdam niya ay nanigas siya. Hindi inasahan ni Madeline na makikita niya nang harap-harapan si Jeremy nang ganito. Nakita niya siya. Nakita niya nang malinaw ang mukha niya ngayon. Lumamig ang puso ni Madeline. Nakaramdam siya ng hindi matukoy na sakit na dahan-dahang sumiksik sa kanyang buto. Hindi niya ito tinago sa kanya. Sa kabilang banda, kalmado siyang lumingon palayo at naglakad papunta sa guest room bago sinara ang pinto. Sumandal si Madeline sa pinto. Pagkatapos n
Habang nakatingin sa mga umaasa at nagtatakang mga matang iyon, gustong-gusto ni Madeline na tumalon papunta sa yakap ng lalaking ito para mawala ang kanyang hinanakit. Pero nang maisip niya si Carter at ang kanyang pagkamisteryoso, kailangang pigilan ni Madeline ang kanyang sarili. Gusto niyang tumawa, pero isang patak ng luha ang tumulo mula sa gilid ng kanyang mga mata. Inalis niya ang kamay niya sa kamay ni Jeremy at pinunasan ang kanyang mga luha. Ginawa ni Madeline ang lahat para pilit na ngumiti. Pero, alam niya ang mas maganda at kaaya-aya niyang itsura noon kapag ngumingiti siya at ang mas pangit at nakakatakot na mukha niya ngayon. "Pasensya ka na. Natakot ba kita, Mr. Whitman?" Binaba ni Madeline ang kanyang tingin at mahinang nagsabi. Alam ni Jeremy na ang tinutukoy ni Madeline ay ang mukha niya. Nagulat nga siya, pero hindi siya natakot. "May kilala akong magaling na doktor at pwede kitang dalhin dun para matignan ka niya. Baka makatulong siya sa'yo. At saka,
Pagkatapos pumasok ni Madeline ay sinara niya ang pinto. Naglakad siya papunta sa coffee machine bago gumawa ng kape para kay Jeremy. Umupo si Jeremy sa harapan ng mesa habang pinanood niya si Madeline na gumawa ng kape. Isang mahinang ilaw ang lumitaw sa kanyang malalalim na mga mata. Wala siyang sinabi. Pinagalaw ng kanyang mahahaba at maninipis na daliri ang mouse habang nakatingin sa desktop ang kanyang singkit na mga mata, pero hindi siya nagtatrabaho. Sa halip, naglalaro siya para magpalipas ng oras. Wala siyang proposals na dapat tignan. Ang dahilan kung bakit siya nanatili sa study ay dahil hindi niya gustong pumunta sa kwarto niya nitong mga nakaraan. Naglalaro si Jeremy at tumitingin kay Madeline paminsan-minsan. Nang makita niya siya na nagdala ng kape nang handa na ito, sinara niya ang tab sa nilalaro niya at nagbukas ng isang file para sa trabaho para magpanggap na seryoso siyang nagbabasa ng ilang dokumento. Tinignan ni Madeline ang screen ng computer at nilapag