Hindi alam ni Madeline kung sinasadya ito ng lalaki o hindi. Nakatayo lang siya roon nang hindi kumikilos na para bang isang pader. "Mr. Whitman, umalis ka sa dinadaanan ko." Nagawa na lang ni Madeline na palayasin siya habang hinanda ang kanyang kalooban. Pero hindi umalis si Jeremy. Sa halip ay seryoso siyang nagtanong, "Ms. Quinn, nagkita na ba tayo noon?" Kalmadong umiling si Madeline. "Nakita na kita sa maraming lugar, pero sa tingin ko ay hindi mo pa ko nakita noon, Mr. Whitman." "Talaga?" Parang interesado si Jeremy sa sagot niya. Yumuko siya para tignan ang tahimik na si Madeline. Pagkatapos ay nagpatuloy siya, "Bakit hindi ka tumitingin sa'kin?" "..." Hindi alam ni Madeline kung anong sasabihin. Pagkatapos ng ilang segundo, sabi niya, "Sinabi ko na sa'yo na nasira ang mukha ko. At saka hindi ako nakasuot ng mask ngayon. Nag-aalala ako na baka matakot ka kapag tinaas ko ang mukha ko." "May kilala akong magaling na doktor, kaya kung gusto mo, sa tingin ko matutulunga
Hindi handa si Madeline sa biglaang kinilos ng impostor. Ngunit hindi hinayaan ni Madeline na magpatalo. Hinawakan niya ang braso ng babae at malakas siyang tinulak palayo. "Mrs. Whitman, anong ginagawa mo?" Inayos ni Madeline ang kanyang damit. Pakiramdam niya ay parang pupunitin ng babaeng ito ang kanyang kwelyo. Nang makita niya ang kalmdong ekspresyon ni Madeline, tumalikod ang babae at sinara ang pinto ng banyo. Pagkatapos, bumalik siya at tinignan ang mga mata ni Madeline. "Mayroon bang magkaparehong mga mata sa mundong ito?" Pangungutya ng babae at sinabi ito nang may tawa. Pagkatapos, naglakad siya sa harapan ni Madeline at bigla na lang, nakita niya ang matinding poot at galit sa mga mata ng babae na ginawang kamukha ng kanya. "Wag ka nang magpanggap. Alam kong ikaw yan!" Hininaan ng babae ang boses niya, pero parang sinisigaw niya ang pahayag na iyon sa kanya. Kaagad na naintindihan ni Madeline ang ibig sabihin ng babaeng ito. Lumabas na pinagdududahan niya siya
Naramdaman ni Madeline ang titig sa kanyang likuran. Binilisan niya ang lakad at bumulong sa kanyang sarili sa loob niya. Tama ang babae. Siya nga talaga si Eveline Montgomery, pero hindi niya ito ipapaalam sa kanya. Hinawakan ni Madeline ang kanyang damit at mabilis na bumalik sa kanyang kwarto. Pero nagkataon ay nakasalubong niya si Jeremy na paakyat ng hagdan. Bumalik na ang ilaw sa bahay at nang paakyat si Jeremy ng hagdan, nakita niya ang walang maskarang mukha ni Madeline. Sa sandaling iyon, pakiramdam niya ay nanigas siya. Hindi inasahan ni Madeline na makikita niya nang harap-harapan si Jeremy nang ganito. Nakita niya siya. Nakita niya nang malinaw ang mukha niya ngayon. Lumamig ang puso ni Madeline. Nakaramdam siya ng hindi matukoy na sakit na dahan-dahang sumiksik sa kanyang buto. Hindi niya ito tinago sa kanya. Sa kabilang banda, kalmado siyang lumingon palayo at naglakad papunta sa guest room bago sinara ang pinto. Sumandal si Madeline sa pinto. Pagkatapos n
Habang nakatingin sa mga umaasa at nagtatakang mga matang iyon, gustong-gusto ni Madeline na tumalon papunta sa yakap ng lalaking ito para mawala ang kanyang hinanakit. Pero nang maisip niya si Carter at ang kanyang pagkamisteryoso, kailangang pigilan ni Madeline ang kanyang sarili. Gusto niyang tumawa, pero isang patak ng luha ang tumulo mula sa gilid ng kanyang mga mata. Inalis niya ang kamay niya sa kamay ni Jeremy at pinunasan ang kanyang mga luha. Ginawa ni Madeline ang lahat para pilit na ngumiti. Pero, alam niya ang mas maganda at kaaya-aya niyang itsura noon kapag ngumingiti siya at ang mas pangit at nakakatakot na mukha niya ngayon. "Pasensya ka na. Natakot ba kita, Mr. Whitman?" Binaba ni Madeline ang kanyang tingin at mahinang nagsabi. Alam ni Jeremy na ang tinutukoy ni Madeline ay ang mukha niya. Nagulat nga siya, pero hindi siya natakot. "May kilala akong magaling na doktor at pwede kitang dalhin dun para matignan ka niya. Baka makatulong siya sa'yo. At saka,
Pagkatapos pumasok ni Madeline ay sinara niya ang pinto. Naglakad siya papunta sa coffee machine bago gumawa ng kape para kay Jeremy. Umupo si Jeremy sa harapan ng mesa habang pinanood niya si Madeline na gumawa ng kape. Isang mahinang ilaw ang lumitaw sa kanyang malalalim na mga mata. Wala siyang sinabi. Pinagalaw ng kanyang mahahaba at maninipis na daliri ang mouse habang nakatingin sa desktop ang kanyang singkit na mga mata, pero hindi siya nagtatrabaho. Sa halip, naglalaro siya para magpalipas ng oras. Wala siyang proposals na dapat tignan. Ang dahilan kung bakit siya nanatili sa study ay dahil hindi niya gustong pumunta sa kwarto niya nitong mga nakaraan. Naglalaro si Jeremy at tumitingin kay Madeline paminsan-minsan. Nang makita niya siya na nagdala ng kape nang handa na ito, sinara niya ang tab sa nilalaro niya at nagbukas ng isang file para sa trabaho para magpanggap na seryoso siyang nagbabasa ng ilang dokumento. Tinignan ni Madeline ang screen ng computer at nilapag
Inaantok pa si Madeline nang bigla na lang ay nakaramdam siya ng makati sa kanyang leeg. Tinaas niya ang kanyang kamay para kamutin ito pero hindi siya nagising. Tinignan ni Jeremy si Madeline na natutulog pa rin at tahimik na nakahinga nang maluwag. Pakiramdam ni Jeremy ay para siyang isang magnanakaw, pero ang gusto niya lang nakawin ay ang katotohanan… Lumipas ang gabi at nanaginip si Madeline. Napanaginipan niya na umiiyak sina Jackson at Lilian sa gulat nang makita nila ang mukha niya. Kahit ang kanyang bunsong anak ay tumakbo sa takot, pabalik sa mga kamay ni Naomi na nagpapanggap na siya. Pagkatapos ay tumawa si Naomi at aroganteng nanood na parang nanalo siya habang umiiyak si Madeline. Nang sumama ang pakiramdam ni Madeline, nakarinig siya ng isang pamilyar na boses na tinatawag siya. “Quinny, Quinny.”Binuksan niya ang kanyang mga mata at nakita niya ang gwapong mukha ni Jeremy sa kanyang harapan. Siguro ay malapit sila sa isa't-isa kaya bumilis ang tibok ng pu
'Mayroon ba akong espesyal na nararamdaman sa kanya dahil kamukha niya si Eveline?' Naisip niya bago lumabas. Naramdaman ni Madeline na pinapanood siya ni Sean. Naghilom ang sugat sa kanyang puso sa mga tingin na iyon. Yumuko siya at nakita niya si Eloise na nakatingin sa direksyon kung saan umalis si Sean at nakangiti siya. Ngumiti rin si Madeline. "Mrs. Montgomery, maglakad tayo sa labas, okay?" Pagkatapos niyang sabihin iyon, naramdaman niyang may humila ng damit niya mula sa likuran. Lumingon siya at nakita ang dalawang pares ng inosenteng mga mata na nakatingin sa kanya. "Miss, pwede mo rin ba kaming isama ni Lily? Linggo ngayon kaya walang oras si Daddy na makipaglaro sa'min." Umaasang nakatingin si Jackson kay Madeline habang naghihintay ng sagot. Gusto rin namang makasama ni Madeline ang mga bata kaya pumayag siya. "Sige, labas tayo." "Ang galing mo talaga, miss." Ngumiti si Jackson at hinawakan ang kamay ni Lilian para sundan si Madeline. Lumabas si Naomi
Biglang lang, naramdaman ni Madeline na may humihila sa kanyang puso nang marinig niya ang sigaw na iyon. Tinaas niya ang kanyang mukha para tignan ito. Pagkatapos, nakita niya ang isang lalaking nakasuot ng maskara at naka-sumbrero na sapilitang kinuha si Lilian. Mahigpit na hawak ni Jackson ang kamay ni Lilian. Pero bata pa rin siya kaya hindi siya mananalo sa lakas ng lalaki. Sa huli ay tumalsik siya palayo. "Jack!" Tumakbo si Madeline para hawakan si Jackson na muntik nang malaglag sa lawa. Pagkatapos niya siyang hayaang nakatayo, nag-aalala siyang tumingin sa kanya. "Ayos ka lang ba, Jack? Nasaktan ka ba? Sabihin mo kay Mom… este sa'kin!" Umiling si Jackson at tumingin sa direksyon kung saan dinakip si Lilian. Nagmamadaling tumalikod si Madeline at dinala si Jackson sa tabi ni Eloise. "Jack, tawagan mo ang tatay mo. Hahabulin ko ang kapatid mo!" Inabot ni Madeline ang phone niya kay Jackson at tumakbo papunta sa direksyon kung nasaan tinangay si Lilian. "Mag-ingat ka