All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 1481 - Chapter 1490

2479 Chapters

Kabanata 1481

Hindi handa si Madeline sa biglaang kinilos ng impostor. Ngunit hindi hinayaan ni Madeline na magpatalo. Hinawakan niya ang braso ng babae at malakas siyang tinulak palayo. "Mrs. Whitman, anong ginagawa mo?" Inayos ni Madeline ang kanyang damit. Pakiramdam niya ay parang pupunitin ng babaeng ito ang kanyang kwelyo. Nang makita niya ang kalmdong ekspresyon ni Madeline, tumalikod ang babae at sinara ang pinto ng banyo. Pagkatapos, bumalik siya at tinignan ang mga mata ni Madeline. "Mayroon bang magkaparehong mga mata sa mundong ito?" Pangungutya ng babae at sinabi ito nang may tawa. Pagkatapos, naglakad siya sa harapan ni Madeline at bigla na lang, nakita niya ang matinding poot at galit sa mga mata ng babae na ginawang kamukha ng kanya. "Wag ka nang magpanggap. Alam kong ikaw yan!" Hininaan ng babae ang boses niya, pero parang sinisigaw niya ang pahayag na iyon sa kanya. Kaagad na naintindihan ni Madeline ang ibig sabihin ng babaeng ito. Lumabas na pinagdududahan niya siya
Read more

Kabanata 1482

Naramdaman ni Madeline ang titig sa kanyang likuran. Binilisan niya ang lakad at bumulong sa kanyang sarili sa loob niya. Tama ang babae. Siya nga talaga si Eveline Montgomery, pero hindi niya ito ipapaalam sa kanya. Hinawakan ni Madeline ang kanyang damit at mabilis na bumalik sa kanyang kwarto. Pero nagkataon ay nakasalubong niya si Jeremy na paakyat ng hagdan. Bumalik na ang ilaw sa bahay at nang paakyat si Jeremy ng hagdan, nakita niya ang walang maskarang mukha ni Madeline. Sa sandaling iyon, pakiramdam niya ay nanigas siya. Hindi inasahan ni Madeline na makikita niya nang harap-harapan si Jeremy nang ganito. Nakita niya siya. Nakita niya nang malinaw ang mukha niya ngayon. Lumamig ang puso ni Madeline. Nakaramdam siya ng hindi matukoy na sakit na dahan-dahang sumiksik sa kanyang buto. Hindi niya ito tinago sa kanya. Sa kabilang banda, kalmado siyang lumingon palayo at naglakad papunta sa guest room bago sinara ang pinto. Sumandal si Madeline sa pinto. Pagkatapos n
Read more

Kabanata 1483

Habang nakatingin sa mga umaasa at nagtatakang mga matang iyon, gustong-gusto ni Madeline na tumalon papunta sa yakap ng lalaking ito para mawala ang kanyang hinanakit. Pero nang maisip niya si Carter at ang kanyang pagkamisteryoso, kailangang pigilan ni Madeline ang kanyang sarili. Gusto niyang tumawa, pero isang patak ng luha ang tumulo mula sa gilid ng kanyang mga mata. Inalis niya ang kamay niya sa kamay ni Jeremy at pinunasan ang kanyang mga luha. Ginawa ni Madeline ang lahat para pilit na ngumiti. Pero, alam niya ang mas maganda at kaaya-aya niyang itsura noon kapag ngumingiti siya at ang mas pangit at nakakatakot na mukha niya ngayon. "Pasensya ka na. Natakot ba kita, Mr. Whitman?" Binaba ni Madeline ang kanyang tingin at mahinang nagsabi. Alam ni Jeremy na ang tinutukoy ni Madeline ay ang mukha niya. Nagulat nga siya, pero hindi siya natakot. "May kilala akong magaling na doktor at pwede kitang dalhin dun para matignan ka niya. Baka makatulong siya sa'yo. At saka,
Read more

Kabanata 1484

Pagkatapos pumasok ni Madeline ay sinara niya ang pinto. Naglakad siya papunta sa coffee machine bago gumawa ng kape para kay Jeremy. Umupo si Jeremy sa harapan ng mesa habang pinanood niya si Madeline na gumawa ng kape. Isang mahinang ilaw ang lumitaw sa kanyang malalalim na mga mata. Wala siyang sinabi. Pinagalaw ng kanyang mahahaba at maninipis na daliri ang mouse habang nakatingin sa desktop ang kanyang singkit na mga mata, pero hindi siya nagtatrabaho. Sa halip, naglalaro siya para magpalipas ng oras. Wala siyang proposals na dapat tignan. Ang dahilan kung bakit siya nanatili sa study ay dahil hindi niya gustong pumunta sa kwarto niya nitong mga nakaraan. Naglalaro si Jeremy at tumitingin kay Madeline paminsan-minsan. Nang makita niya siya na nagdala ng kape nang handa na ito, sinara niya ang tab sa nilalaro niya at nagbukas ng isang file para sa trabaho para magpanggap na seryoso siyang nagbabasa ng ilang dokumento. Tinignan ni Madeline ang screen ng computer at nilapag
Read more

Kabanata 1485

Inaantok pa si Madeline nang bigla na lang ay nakaramdam siya ng makati sa kanyang leeg. Tinaas niya ang kanyang kamay para kamutin ito pero hindi siya nagising. Tinignan ni Jeremy si Madeline na natutulog pa rin at tahimik na nakahinga nang maluwag. Pakiramdam ni Jeremy ay para siyang isang magnanakaw, pero ang gusto niya lang nakawin ay ang katotohanan… Lumipas ang gabi at nanaginip si Madeline. Napanaginipan niya na umiiyak sina Jackson at Lilian sa gulat nang makita nila ang mukha niya. Kahit ang kanyang bunsong anak ay tumakbo sa takot, pabalik sa mga kamay ni Naomi na nagpapanggap na siya. Pagkatapos ay tumawa si Naomi at aroganteng nanood na parang nanalo siya habang umiiyak si Madeline. Nang sumama ang pakiramdam ni Madeline, nakarinig siya ng isang pamilyar na boses na tinatawag siya. “Quinny, Quinny.”Binuksan niya ang kanyang mga mata at nakita niya ang gwapong mukha ni Jeremy sa kanyang harapan. Siguro ay malapit sila sa isa't-isa kaya bumilis ang tibok ng pu
Read more

Kabanata 1486

'Mayroon ba akong espesyal na nararamdaman sa kanya dahil kamukha niya si Eveline?' Naisip niya bago lumabas. Naramdaman ni Madeline na pinapanood siya ni Sean. Naghilom ang sugat sa kanyang puso sa mga tingin na iyon. Yumuko siya at nakita niya si Eloise na nakatingin sa direksyon kung saan umalis si Sean at nakangiti siya. Ngumiti rin si Madeline. "Mrs. Montgomery, maglakad tayo sa labas, okay?" Pagkatapos niyang sabihin iyon, naramdaman niyang may humila ng damit niya mula sa likuran. Lumingon siya at nakita ang dalawang pares ng inosenteng mga mata na nakatingin sa kanya. "Miss, pwede mo rin ba kaming isama ni Lily? Linggo ngayon kaya walang oras si Daddy na makipaglaro sa'min." Umaasang nakatingin si Jackson kay Madeline habang naghihintay ng sagot. Gusto rin namang makasama ni Madeline ang mga bata kaya pumayag siya. "Sige, labas tayo." "Ang galing mo talaga, miss." Ngumiti si Jackson at hinawakan ang kamay ni Lilian para sundan si Madeline. Lumabas si Naomi
Read more

Kabanata 1487

Biglang lang, naramdaman ni Madeline na may humihila sa kanyang puso nang marinig niya ang sigaw na iyon. Tinaas niya ang kanyang mukha para tignan ito. Pagkatapos, nakita niya ang isang lalaking nakasuot ng maskara at naka-sumbrero na sapilitang kinuha si Lilian. Mahigpit na hawak ni Jackson ang kamay ni Lilian. Pero bata pa rin siya kaya hindi siya mananalo sa lakas ng lalaki. Sa huli ay tumalsik siya palayo. "Jack!" Tumakbo si Madeline para hawakan si Jackson na muntik nang malaglag sa lawa. Pagkatapos niya siyang hayaang nakatayo, nag-aalala siyang tumingin sa kanya. "Ayos ka lang ba, Jack? Nasaktan ka ba? Sabihin mo kay Mom… este sa'kin!" Umiling si Jackson at tumingin sa direksyon kung saan dinakip si Lilian. Nagmamadaling tumalikod si Madeline at dinala si Jackson sa tabi ni Eloise. "Jack, tawagan mo ang tatay mo. Hahabulin ko ang kapatid mo!" Inabot ni Madeline ang phone niya kay Jackson at tumakbo papunta sa direksyon kung nasaan tinangay si Lilian. "Mag-ingat ka
Read more

Kabanata 1488

"Lilian, wag kang matakot. Iuuwi na kita ngayon din.* "Huhu…" Umiiyak si Lilian at aklas ni Madeline ay natatakot siya, pero nang maramdaman niya ang anino na papalapit sa likuran niya, naintindihan niya kung anong ibig sabihin ni Lilian. Bumalik na naman ang lalaking lumabas! Nang lumingon si Madeline, nakita niya ang lalaki na may hawak na pamalo at ihahampas sana ito sa kanyang leeg. Mabilis niya itong iniwasan at nagtago sa isang tabi habang hawak si Lilian. "Sino ka? Bakit mo kinuha ang batang to? Ano bang gusto mo?" Prinotektahan ni Madeline si Lilian. Kahit na kabadong-kabado siya, hindi niya pwedeng ipakita ang kaba niya sa kanyang mukha. Sa kabilang banda, mabangis niyang tinanong ang lalaki. Ang lalaking mukhang kawatan ay mayroong sigarilyo sa kanyang bibig, at suminghal siya. Pagkatapos, tinaas niya ang kanyang pamalo para ihampas itong muli kay Madeline nang walang pagdalawang-isip. Mahigpit na niyakap ni Madeline si Lilian. Habang iniiwasan niya ang pamalo
Read more

Kabanata 1489

Narinig ng kawatan na may hawak sa leeg ni Madeline ang mga yabag na papalapit sa kanyang likuran. Pero bago siya makalingon, nakatanggap siya ng isang mabigat na suntok sa kanyang kaliwang pisngi. "Aray!" Napasigaw sa sakit ang lalaki at napilitan siyang bitawan ang leeg ni Madeline. Gusto niyang magmura at sumigaw, pero bigla na lang, isang binti ang sumipa sa kanyang kanan at bumagsak siya sa putik. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman na hindi man lang siya makatayo. "Ahem, ahem, ahem…" Hinawakan ni Madeline ang kanyang leeg at umubo sa sakit. Mabilis na tumakbo si Jeremy papunta kay Madeline at hinawakan ang kanyang balikat nang natataranta. "Kumusta ka? Ayos ka lang ba? Ano pang ginawa niya sa'yo?" Umubo nang malakas si Madeline. Nang marinig niya ang nag-aalalang mga tanong ni Jeremy ay umiling siya. "Si Lily. Naunang tumakbo si Lily. Hanapin mo ang batang yun." Hirap niyang tinaas ang kanyang braso at tumuro paharap. Pagkatapos, tinaas niya ang kanyang mukh
Read more

Kabanata 1490

Napahinto si Jeremy sa kanyang paglalakad. Narinig niya si Lilian na tinatawag si Madeline nang walang humpay, "Mommy, Mommy." Nagulat si Jeremy. Nasasabi na ni Lilian ang salitang 'Mommy'. Para wala siyang sinabi. Hinaplos niya ang ulo ni Lilian at nagpatuloy na naglakad papunta sa kotse na nakaparada sa tabi ng daan. Nang makita ni Madeline si Jeremy na papalayo ay tinanong niya si Carter, "Paano ka lumitaw sa ganitong pagkakataon? Palihim mo bang pinoprotektahan ang tinatawag mong fiancée?" Gustong sabihin ni Madeline na pinapanood siya nito, pero nasabi niya na lang na pinoprotektahan siya nito. Tumingin ang mga itim na mata ni Carter sa mga mata ni Madeline bago naglakad paharap. "Sundan mo ko kung ayaw mong matigil ang paggamot sa mukha mo." Alam ni Madeline na kailangan niyang palitan ang bakit ng kanyang mukha araw-araw sa isang eksaktong oras. Pero hindi niya alam na pupunta rito ang lalaki para dalhin siya sa pagpapalit ng balot ng kanyang sugat. Pagkatapos ni
Read more
PREV
1
...
147148149150151
...
248
DMCA.com Protection Status