Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Kabanata 1451 - Kabanata 1460

Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1451 - Kabanata 1460

2479 Kabanata

Kabanata 1451

Tinignan ni Madeline ang likuran ni Ryan na nakaharap sa kanya at saka umalis. Pagkatapos, tinignan niya ang karagatan na nasa harapan ni Ryan. 'Ryan, siguradong matatalo ka sa larong ito.' Alam ni Ryan na magtatago na si Madeline ngayon. Tinignan niya ang tumatakbong oras sa kanyang relo. Lumingon lang siya sa kanyang likuran pagkalaipas ng sampung minutong palugit na binigay niya kay Madeline. Meron lang isang bahay sa isla at simple lang ang istraktura nito. Hindi niya inakala na hindi niya mahahanap si Madeline sa loob ng kalahating oras. Pero, pagkalipas ng ilang oras, bukod sa hindi niya mahanap si Madeline sa loob ng bahay, pero sinubukan din niyang hanapin ito sa yate na malapit sa dalampasigan at hindi pa rin niya mahanap si Madeline doon. Para bang naglaho na lang ito na parang bula mula sa isla at walang mahanap na kahit anong bakas nito. Paano nangyari yun?Kitang kita ang lahat ng bagay dito sa islang ito sa isang tingin lang. Isang maliit lang na bahay na wal
Magbasa pa

Kabanata 1452

“Sige, aalis na tayo sa islang ito ngayon,” sabi ni Ryan at lumingon papunta sa yate.Nagmadaling bumalik si Madeline sa bahay para magsuot ng bathrobe. Pagkatapos, mabilis niyang sinundan si Ryan sa may yate. Pagkalipas ng ilang sandali, pinaandar na ni Ryan ang yate.Nabunutan ng tinik as dibdib si Madeline. ‘Jeremy, malapit na akong makabalik sa piling mo.’Nasabi ni Madeline sa kanyang isipan habang nangungulila sa kanyang tatlong anak. Hindi niya lubos maisip kung ano ang pwedeng mangyari kapag may ginawang masama ang babaeng nagpapanggap na siya sa kay Jeremy at sa kanyang mga anak. Pero, nang maisip niya ito, naniniwala pa rin siya na hindi malilinlang si Jeremy ng ganung kadali at ang babaeng yun ay hindi maglalaks loob na saktan ang kanyang mga anak. Kung gusto nitong magpanggap bilang siya at palitan siya, kakailanganin niyang gampanan ang papel niya bilang isang mabuting asawa at mapagmahal na ina. Nang maisip niya ito, gumaan ang pakiramdam ni MadelineNaglaka
Magbasa pa

Kabanata 1453

Malamig na sinilip ni Madeline si Ryan na hahabulin na sana siya. “Kalayaan.” Buong tapang niyang sinabi at bigla na lang, humakbang siya sa gilid ng yate. Pakiramdam ni Ryan ay lumubog ang kanyang puso. “Eveline!” Inunat niya ang kanyang mga kamay para hablutin si Madeline, pero buo na ang pasya ni Madeline. Hindi ito nag-alinlangan bago tumalon sa karagatan.“Eveline!”Namutla sa takot si Ryan. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Madeline. Pero, hindi na ito kakaiba kung inisip lang niya ito ng maigi. Wala siyang pagkasuko at lagi itong lumalaban. Mabilis na lumubog ang kanyang katawan sa dagat at may lumitaw na mga bula sa lugar na kung saan siya tumalon. Nanlaki ang mga mata ni Ryan sa takot bago niya nakita ang ulo ni Madeline na umahon mula sa tubig. Ang takot at pag-aalala sa kanyang puso ay bahagyang naibsan. Nagpatuloy si Madeline sa paglangoy ng hindi man lang lumilingon pabalik. Alam niya na imposibleng lumangoy pabalik sa Glendale. Pero, pwede pa rin s
Magbasa pa

Kabanata 1454

Nung taon na yun, namumula ang mukha nito dahil as hiya. SAbi nito, “Patawad, pero isang dolyar lang ang dala kong pera.” Ang boses ni Madeline ay parang isang batis na dumaloy sa kanyang mabigat na puso. Ang isang dolyar na yun ang tumupad sa kanyang pangarap. Biglang ngumiti si Ryan. Maaaninag sa mga kulay abong mata nito ang mukha ng babaeng tunay niyang minahal at hinangaan. Bigla na lang, naramdaman niya na mabuti na ito. “Eveline,” sigaw niya kay Madeline, “Salamat.” ‘Salamat sa pagsulpot sa buhay ko at salamat sa pagpapatawad sa akin sa bandang huli.’“Ryan, bakit hindi ka pa tumalon? Talon!” Boom!Biglang sumabog ang yate. Ang malakas na ihip ng hangin at init ay lumapit kay Madeline. “Ah!”Napasigaw si Madeline habang mabilis niyang tinakpan ang kanyang mukha gamit ng kanyang mukha. Subalit, hindi niya kayang pigilan ang pwersang ito. Tumilapon siya sa malayo. At sa mga sandaling yun, ramdam niya ang init sa kanyang mukha at ang inagya sa kanyang tenga. Laha
Magbasa pa

Kabanata 1455

Nanlaki ang mga mata ni Madeline. Hindi niya matanggap na ang babaeng nakikita niya sa salamin ay sang sarili niyang repleksyon. Nakabalot ng gasa ang buo niyang mukha. Wala siyang makita na kahit na katiting na bahagi ng kanyang balat pwera sa kanyang mga mata. Ang kanyang mukha… Pakiramdam niya ay bumigat ang kanyang mga binti. Sa sobrang bigat ng mga ito ay hindi siya makagalaw. Inangat niya ang kanyang mga kamay at marahan na hinawakan ang kanyang pisngi. Hindi siya makapaniwala na ang kanyang mukha marahil ay nasira hanggang sa hindi na siya makilala. “Miss, ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ng kasama niyang katulong. Ibinaba ni Madeline ang mga nanginginig niyang kamay at nilingon ang katulong. “Ang mukha ko…” Gusto niyang tanungin ito, pero pagkatapos nitong sabihin ang mga salitang yun, napagtanto niya na naging garalgal ang kanyang boses. “Malubhang napinsala ang mukha mo. Sabi ni Dr. Lane ay matatagalan bago tuluyang gumaling ang mukha mo pero huwag kang m
Magbasa pa

Kabanata 1456

”Nasaan ako?” Tinanong ni Madeline ang lalakeng nakatalikod sa kanya. Binagalan ng lalake ang paglalakad nito at bahagya itong lumingon. Ang matikas at perpektong panga nito ang lalong nag angat sa kakisigan nito habang nasisikatan ng araw. . “Hindi na importante kung nasaan ka. Kung gusto mong umuwi, tigilan mo na ang pag-iyak.” Ang boses nito ay kasing lamig ng kanyang awra. Hinigpitan ni Madeline ang pagkakahawak niya sa panyo. “Ikaw ba ang nagligtas sa akin?” “Napadaan lang ako.” Diretso ang kanyang sagot. Naalala ni Madeline na may nakita pa siya na isa pang yate na papunta sa kanya bago sumabog ang yate na sinasakyan ni Ryan. Marahil ay ang lalakeng ito ay nagkataon na nakasakay sa yate na yun at nakita ang pagsabog ng yate kaya niligtas siya nito. "Salamat." Tinignan ni Madeline ang likod ng lalake at pinasalamatan ito. At kasabay nun, naalala niya si Ryan na nakasakay pa rin sa yate nung sumabog ito. "Nailigtas mo rin ba ang kaibigan ko?" "Kaibigan?" Naguluhan a
Magbasa pa

Kabanata 1457

Kinutuban ng masama si Madeline ng marinig niya ang sinabi ng lalake. Pero, nung maalala niya kung ano ang nangyari kay Jeremy nung sumabog ang yate, nakahanap siya ng pag-asa sa kalagitnaan ng kanyang mga pangamba.“Anong iniisip mo? Kung gusto mong malaman, sundan mo lang ako. Huwag ka nang mag-aksaya ng oras.” Naiinip at malamig na sabi ng lalake. Mabagal na humakbang si Madeline paharap. Dahil sa lakas ng pagsabog ng yate nung araw na yun, nanghihina pa rin ang buo niyang katawan, Mabagal siyang naglakad habang sinusundan siya ng dalawang katulong dahil sa nag-aalala ang mga ito na baka siya biglang matumba. Naantig ang puso ni Madeline dahil sa kalinga at alaga na pinapakita ng mga ito. Pakiramdam niya ay napaka swerte niya dahil sa nailigtas siya. Malaki ang lugar, at ang mga dekorasyon at ang lahat ng mga disenyo ay may impluwensya ng Ingles. Ang lahat ng nandito ay nagpapakita ng payak ngunit eleganteng sentimyento, mula sa maliliit na kagamitan hanggang sa mga lames
Magbasa pa

Kabanata 1458

Subalit, siya ang pumili ng kanyang wakas. Tahimik na tinitigan ni Madeline ang urn. Pagkatapos, narinig niya ang malamig na boses ng lalake mula sa kanyang likuran. “Walang magagawa ang kalungkutan. Pigilan mo yang mga luha mo at alagaan mo ng maigi ang sarili mo.” Nilingon siya ni Madeline at inangat ang kanyang malinaw at magandang mga mata. “Nakita mo ba akong umiyak?” Kalmado niyang tanong at tahimik na pinagmasdan ang urn na nakapatong sa may lamesita. “Ito ang landas na pinili niyang tahakin.” Pagkatapos niyang sabihin ito, bumalik na si Madeline kung saan siya nanggaling. Hindi inaasahan ng lalake na kalmado siyang sasagutin ni Madeline. Sa mga sandaling yun, hindi alam ng lalake kung ano ang gagawin niya habang lutang naman ang kanyang isipan dahil sa nangyari. Inangat niya ang kanyang ulo para tignan si Madeline na nakaalis na. Bigla siyang nagtaka. Na may mga matang puno ng determinasyon at lakas ng loob, ano kaya ang personalidad ng babaeng ito? Isa pa, ano kaya
Magbasa pa

Kabanata 1459

Nang marinig niya ito, binalik ni Madeline ang kanyang nakaunat na paa. ‘Jeremy?‘Ang lalake ba na ito ay nanonood ng isang video tungkol kay Jeremy?‘Bakit niya pinapanood ito?’Nagtataka si Madeline, at hindi mapalagay ang kanyang puso. Habang inaalam niya kung bakit nanonood ang lalakeng ito ng video tungkol kay Jeremy, napansin niya na nakita na siya ng lalake. Ang singkitan nitong mga mata ay diretsong nakatitig sa kanya na tulad ng buwan sa madilim na gabi. Mukha itong malamig ngunit malalim. “Halika rito at maupo ka.” Sabi ng lalake at inimbitahan siya nitong maupo kasama niya. Gustong maunawaan ni Madeline kung ano ang nangyayari, kaya pumunta siya doon para umupo.Ang katulong na nagsisilbi sa lalake ay binigyan si Madeline ng tsaa at magalang na inabot ito sa kanya ng may ngiti. Hinawakan ni Madeline ang tasa ng tsaa at naramdaman niya ang init na kumalat sa kanyang palad papunta sa kanyang puso. Sa totoo lang, napakaswerte niya. Kahit paano ay ligtas ang b
Magbasa pa

Kabanata 1460

Yumuko ang lalake at isa isang tinignan ang mga larawan. Hindi na makapagtimpi si Madeline. Tumayo siya para pumunta sa tabi ni Mr. Carter upang makita niya ang mga larawan. Tinitignan ng lalake ang mga larawan nang tumingala ito para tignan si Madeline. Nang makita niyang seryoso kung makatingin sii Madeline, malamig niyang sinabi, "Bakit mukha kang aligaga jan?" Pinigilan ni Madeline ang kaseryosohan sa kanyang mga mata at sumagot na para bang wala lang ito. "Gusto ko lang malaman kung ano ang itsura ng taong kapareho ko ng pangalan." Maayos naman ang kanyang rason, kaya hindi na nagduda pa ang lalake. Pagkatapos, binalik nito ang kanyang tingin sa nga larawan. "Anong opinyon mo tungkol sa babaeng kapareho mo ng pangalan? Sa tingin mo ba ay maganda siya?" Pinagmasdan ni Madeline ang babae sa larawan na sumailalim sa plastic surgery para lang maging kamukha niya. May bahid ng pandidiri ang kanyang mga mata. "Sakto lang." "Sakto lang?" Walang ekspresyon ang mukha nito, pe
Magbasa pa
PREV
1
...
144145146147148
...
248
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status