Naluluha at namumula ang mga mata niya, napuno siya ng pag-aalala. “Jeremy, galit ka ba sakin?”“Bakit naman ako magagalit sayo?” Inalo siya ni Jeremy, ngunit hindi siya nasaktan o nalungkot kahit na nakita niya ang mga luha sa mga mata ni Madeline.Noong una, hindi bumibigat ang pakiramdam niya kahit na nakasimangot lang si Madeline.Subalit, wala siyang naramdaman na pagbabago sa emosyon niya kahit na naluluha na si Madeline.Namroblema si Jeremy, ngunit hindi na siya nag-isip, at nagpatuloy siya sa pagpapagaan sa loob niya. “Huwag ka nang malungkot, singsing lang naman yun. Mamaya, ibibili na lang kita ng isa pa. Sa ngayon, gumawa na lang tayo ng cake ng magkasama.”Biglang ngumiti si Madeline. “Maayos talaga ang pagtrato mo sakin, Jeremy.”“Asawa kita. Kung hindi kita tatratuhin ng maayos, sino pang tatratuhin ko ng maayos?” Ngumiti si Jeremy. Noong gagawa na sana siya ng cake kasama si Madeline, tumunog ang phone niya. “Linnie, sasagutin ko muna ang tawag na ‘to.”“Sige.”
Read more