Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Chapter 1401 - Chapter 1410

All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 1401 - Chapter 1410

2479 Chapters

Kabanata 1401

Binalewala ni Madeline ang sakit at bigla siyang bumangon. “Uy, bakit di mo ako pinapansin?” Habang naiinis, hinawakan ni Eloise ang kamay ni Madeline. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa likod niya. “Bakit di kita papansinin, Mom?” Hinawakan ni Madeline nang mahigpit ang kamay ni Eloise. Sumakit ang puso niya nang makita ang dumi at alikabok sa inosenteng mukha ni Eloise. Hindi niya alam kung anong nangyari habang wala siyang malay, bukod sa gising na si Eloise at wala nang malay ang lalaki sa sahig sa tapat ng pinto. Wala nang oras si Madeline para isipin pa ito. Nang makita ang kumakalat na apoy na kanina pang nagsimula, hinawakan niya ang kamay ni Eloise at tumungo sa labasan. Humarang sa daan nila ang kumakalat na apoy, at inubo si Madeline sa makapal na usok. Doon lang napansin ni Eloise na nasusunog ang bahay. Habang nakatulala sa nagbabagang apoy, mukhang naguguluhan siya. “Mom! Ahem. Kailangan na nating umalis ngayon na!” Hinawakan ni Madeline ang kamay ni E
Read more

Kabanata 1402

Isa lang ang nasa isip niya at ito ay ang iligtas si Madeline. Hindi inasahan ni Madeline na biglang lalakas si Eloise para lang ilgitas ‘siya’. Napaatras siya nang dalawang hakbang bago niya nasagi ang bookshelf sa tabi niya. Gumewang ang bookshelf nang dalawang beses na parang babagsak ito. Masakit nang bahagya ang mabangga ito, pero wala nang oras si Madeline para mag-alala para sa kanyang sarili nang makita niyang nakaapak na sa apoy si Eloise. “Mom!” Napasigaw siya at tumakbo palapit para yakapin si Eloise nang tumulo ang luha mula sa mahapdi niyang mata. “Tumingin ka sa akin Mom. Ako talaga ang Eveline mo!” Niyakap ni Madeline si Eloise at idiniin ang salitang ito. “Ang aking Eveline…” Nabigla saglit si Eloise nang tumingin siya nang tulala sa mukha ni Madeline. Puno ng pagdududa at pagtataka ang mata niya. “Hindi, di ikaw. Di ako kakausapin ni Eveline. Ayaw niya sa akin. Hindi ikaw… ehem, ehem, di ikaw…” Hinigpitan ni Madeline ang pagkakayakap niya kay Eloise. “M
Read more

Kabanata 1403

"Nandito ako, Linnie." Umupo si Jeremy sa kama at niyakap niya si Madeline upang pakalmahin siya. "Ayos na ang lahat, Linnie. Huminahon ka." Unti-unting huminahon si Madeline nang maramdaman niya ang yakap ni Jeremy. Habang iniisip niya kung ano ang mga nangyari bago siya mawalan ng malay, kinuyom niya ang kanyang mga kamao at napuno ng kaba at pag-aalala ang kanyang mga mata. "Nadaganan ng bookshelf si Mom dahil niligtas niya ako." Hinawi ni Madeline ang kumot at bumangon siya sa higaan. Nagmadali si Jeremy at hinawakan niya si Madeline. "Saan ka pupunta, Linnie? Hindi ka magaling.""Alam kong nasa ospital rin si Mom! Dalhin mo ako sa kanya, Jeremy. Kailangan kong malaman kung anong lagay ni Mom." Natataranta siya, napuno ng takot at pangamba ang kanyang mga mata. Nagsalubong ang mga kilay ni Jeremy. "Ayos lang si Mom, Linnie. Magpakabait ka at magpahinga ka na lang muna, okay?" "Pangako, magpapahinga ako, pero kailangan ko munang malaman kung anong kalagayan ni mom." Hin
Read more

Kabanata 1404

Tinikom ni Madeline ang kanyang mga labi at ngumiti bago siya biglang sumimangot.“Anong nangyari sa lalaking dumukot kay Mom?”“Nahuli na siya ng mga pulis at nasa detention ward na siya ngayon. Inamin niya ang lahat ng ginawa niya.”“Anong sinabi niya?” Muling nagtanong si Madeline.Sumagot si Jeremy habang hinahaplos niya ang pisngi ni Madeline. “Sabi niya nakita daw niya si Mom sa tabi ng kalsada malapit sa Montgomery Manor. Nakilala niya siya sa itsura niya, kaya niloko niya si Mom para sundan niya siya sa bahay niya. Pagkatapos, tinawagan niya tayo para humingi ng ransom.”Noong sinabi niya iyon, medyo nakaramdam ng pagsisisi si Jeremy.“Nagkamali ako noong hinayaan kitang pumunta ng mag-isa. Kayang-kaya kong hulihin yung hayop na yun ng mag-isa, pero nalagay ka sa kapahamakan dahil sa naging desisyon ko.”Hinawakan ni Jeremy ang mukha ni Madeline, puno ng pagsisisi ang mga mata niya. “Takot na takot ako na baka masaktan ka ulit, Linnie.”Tumingin si Madeline sa mga mata
Read more

Kabanata 1405

Humigpit ang hawak ni Madeline sa manibela habang pinagmamasdan niya ang pamilyar na mukha na dumaan sa harap niya… Honk, honk, honk!Natauhan si Madeline nang malingawngaw mula sa likod ang tunog ng mga sasakyan na inuudyukan siyang paandarin ang kanyang sasakyan. Pagtingin niya ulit sa harap niya, wala na ang mukhang nakita niya.'Namamalikmata lang ba ako?' Napaisip sandali si Madelind, ngunit hindi na niya masyadong inisip ang tungkol dito at tinapakan niya ang accelerator. Nang magkita sila ni Jeremy, nalaman ni Madeline na kumuha ng flight tickets si Jeremy para sa holiday trip nila at bukas na ang alis nila. Hindi na tumanggi pa si Madeline dahil naiintindihan naman niya ang intensyon ni Jeremy. Kung tutuusin, hindi pa sila nakapag-honeymoon ni Jeremy dahil ilang beses silang naghiwalay at nagkabalikan sa mga nagdaang taon. Pagkatapos nilang pag-usapan ang mga gagawin nila, dinalaw nila Madeline at Jeremy si Eloise sa ospital. Aalis na sila bukas at nag-aalala si
Read more

Kabanata 1406

Sa mga sandaling iyon, biglang bumukas ang pinto ng ward at pumasok ang isang guwardiya. “May bisita ka, Ryan.”Dahan-dahang minulat ni Ryan ang mga mata niya nang marinig niya ang boses ng guwardiya.Hindi niya inasahan na may bibisita sa kanya maliban sa mga magulang niya. 'Sino pa bang bibisita sakin kung hindi yung mga magulang?' Napaisip siya, ngunit nagulat siya sa mukhang kailanman ay hindi niya inasahang magpapakita sa kanya. Hindi niya inakala na makikita niya siyang muli. Naisip din niya na yung pagkikita nila noong araw na iyon ay huli nilang pagkikita. Magsasalita na sana si Ryan nang marinig niyang suminghal ang babaeng kaharap niya. Isa itong tunog na sumira sa lahat ng kasiyahan at pag-asa ni Ryan. "Bilang ang taong umayos sa kinabukasan ko, Rye, hindi ba sumagi sa isip mo na ganito ang mangyayari sayo?" Puno ng galit ang ngiti sa mukha ng babae. "Masama ang loob ko sayo, Rye. Bakit ka nagkaganito? Ano pang saysay na nagkaganito ako kung magmumukmok ka la
Read more

Kabanata 1407

"Huwag mong titigan yung mga lalaking yun." Malinaw niyang narinig ang malalim at kaakit-akit na boses ng lalaki. Nang maramdaman niya na nagseselos siya, inalis ni Madeline ang kamay ni Jeremy na nakatakip sa kanyang mga mata. Humarap siya kay Jeremy at tumingin siya sa mga mata niya. "Bakit hindi ako pwedeng tumingin? Ginawa ang mga mata para pagmasdan ang kagandahan ng mundo." Sumagot si Madeline bago siya nagpatuloy sa pagtingin sa magandang tanawin ng beach. Lumapit si Jeremy kay Madeline at hinarang niya ang kanyang mukha sa paningin ni Madeline. "Magseselos talaga ako kapag di ka tumigil sa kakatingin mo, Linnie." Seryoso siyang nagsalita.Malokong ngumiti si Madeline. "Ayos yan. Gusto kung makita kung anong itsura ng asawa ko kapag nagseselos siya." "Sa tingin ko mas mabuti kung hindi mo makita yun." Bumigat ang ekspresyon ni Jeremy at makikita ang pagkainis sa kanyang mukha, ngunit muling naging mahinahon ang tingin niya pagkalipas ng ilang sandali. "Ipapakita ko yu
Read more

Kabanata 1408

”Sorry.” Humingi ng tawad si Madeline bago niya dinampot ang sumbrero at inabot ito sa babae.Noong sandaling tumingin siya sa babae, napansin ni Madeline na nakasuot ng malaking sunglasses ang babae na natatakpan ang halos kalahati ng kanyang mukha.Sa kabila nito, hindi napigilan ni Madeline na magulat sa itsura ng babae.“Ayos lang.” Kinuha ng babae ang sumbrero at ngumiti siya, pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad papunta sa beach.Pinagmasdan ni Madeline ang likod ng babae at natahimik siya sa loob ng ilang sandali.“Anong tinitingnan mo, Linnie?” Nilagay ni Jeremy ang kamay niya sa balikat ni Madeline. “Bumalik na tayo sa hotel.”“Nakita mo ba yung mukha ng babaeng yun, Jeremy?” Sumunod si Madeline kay Jeremy ngunit lumingon siya at tumingin siya ulit sa babae.Nagkataon lang siguro, ngunit lumingon din kay Madeline ang babae ng may ngiti sa kanyang mukha.“Hindi ako interesadong tingnan ang kahit sinong babae maliban sayo, Linnie.” Sumagot si Jeremy.Pakiramdam ni M
Read more

Kabanata 1409

Kahit na inasahan na niya ang pagtatapat ni Jeremy, napakatamis pa rin nito nang marinig niya ito.Tinikom ni Madeline ang kanyang mga labi at ngumiti siya, tumingin siya sa mga mata ni Jeremy.“Ako din. Gusto kong makasama ka habambuhay mula pa noong una kitang makilala. Hanggang sa dulo ng mundo, kahit saan ka magpunta, sasama ako sayo.”Nang marinig niya ito, napuno ng pagmamahal at lambing ang mga mata ni Jeremy. “Sorry, Linnie, kung matagal kang naghintay para sa araw na ‘to.”“Kung ang paghihintay ang magdadala sakin sayo, handa akong maghintay kahit na gaano pa katagal.”Pagkatapos magsalita ni Madeline, hinalikan ni Jeremy ang mga labi ni Madeline, binuhos niya ang lahat ng emosyon na kinimkim niya sa kanyang puso.“Linnie, paano kung mag-anak tayo ulit?”“Kaya mo bang palakihin ang napakaraming anak, Mr. Whitman?”“Anong masasabi mo?” Natatawang nagtanong si Jeremy at pagkatapos ay seryoso siyang nangako. “Ayaw ko nang maghirap ka, Linnie. Kuntento na ako sa kanila Jac
Read more

Kabanata 1410

”Ang lakas ng loob ng ampon mo na sabihing hindi karapat-dapat ang anak ko para sa kanya noong sinubukan siyang ligawan ng anak ko noon, Mrs. Montgomery, huh? Pinaglaruan niya ang anak ko at tingnan mo kung nasaan ang ampon mo ngayon? Patay na siya!"Naghalukipkip ang babae at napangiti siya dahil sa kamalasan nila Eloise. "Mrs. Montgomery, tinanggap mo bilang anak ang isang napakasamang babae at dahil dun naghirap ng husto ang tunay mong anak. Hindi ba matatawag na karma yun?" "Tama! Ang dinig ko, dahil sa kamalasan ng tunay niyang anak kaya muntik na niyang masira ang Whitman family. Noong makilala siya ng Montgomery family, nasunog ang bahay nila. Naiwang paralisado ang nanay niya at naging inutil. Nakamalas talaga! Haha…" "Tama ka! Haha…" Nagsimulang ngumisi ng masama ang dalawang babae. Nang makita niya ang dalawa, kumuha si Karen ng mansanas mula sa lalagyan ng mga prutas at binato ito ng malakas sa kanila. Biglang napahinto sa pagtawa ang dalawang babae at umiwas sa
Read more
PREV
1
...
139140141142143
...
248
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status