Kahit na inasahan na niya ang pagtatapat ni Jeremy, napakatamis pa rin nito nang marinig niya ito.Tinikom ni Madeline ang kanyang mga labi at ngumiti siya, tumingin siya sa mga mata ni Jeremy.“Ako din. Gusto kong makasama ka habambuhay mula pa noong una kitang makilala. Hanggang sa dulo ng mundo, kahit saan ka magpunta, sasama ako sayo.”Nang marinig niya ito, napuno ng pagmamahal at lambing ang mga mata ni Jeremy. “Sorry, Linnie, kung matagal kang naghintay para sa araw na ‘to.”“Kung ang paghihintay ang magdadala sakin sayo, handa akong maghintay kahit na gaano pa katagal.”Pagkatapos magsalita ni Madeline, hinalikan ni Jeremy ang mga labi ni Madeline, binuhos niya ang lahat ng emosyon na kinimkim niya sa kanyang puso.“Linnie, paano kung mag-anak tayo ulit?”“Kaya mo bang palakihin ang napakaraming anak, Mr. Whitman?”“Anong masasabi mo?” Natatawang nagtanong si Jeremy at pagkatapos ay seryoso siyang nangako. “Ayaw ko nang maghirap ka, Linnie. Kuntento na ako sa kanila Jac
”Ang lakas ng loob ng ampon mo na sabihing hindi karapat-dapat ang anak ko para sa kanya noong sinubukan siyang ligawan ng anak ko noon, Mrs. Montgomery, huh? Pinaglaruan niya ang anak ko at tingnan mo kung nasaan ang ampon mo ngayon? Patay na siya!"Naghalukipkip ang babae at napangiti siya dahil sa kamalasan nila Eloise. "Mrs. Montgomery, tinanggap mo bilang anak ang isang napakasamang babae at dahil dun naghirap ng husto ang tunay mong anak. Hindi ba matatawag na karma yun?" "Tama! Ang dinig ko, dahil sa kamalasan ng tunay niyang anak kaya muntik na niyang masira ang Whitman family. Noong makilala siya ng Montgomery family, nasunog ang bahay nila. Naiwang paralisado ang nanay niya at naging inutil. Nakamalas talaga! Haha…" "Tama ka! Haha…" Nagsimulang ngumisi ng masama ang dalawang babae. Nang makita niya ang dalawa, kumuha si Karen ng mansanas mula sa lalagyan ng mga prutas at binato ito ng malakas sa kanila. Biglang napahinto sa pagtawa ang dalawang babae at umiwas sa
Nang marinig niya ang sagot ni Karen, hindi makapaniwala si Madeline.Dumilat ang mga mata ni Jeremy at tumingin siya sa seryosong mukha ni Madeline.Nagkatinginan si Madeline at Jeremy habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi ni Karen sa phone.Di kalaunan, binaba ni Madeline ang phone.Niyakap siya ni Jeremy at tinanong siya, “May nangyari ba kay Mom?”Umiling si Madeline. “Ayos lang siya. Kaya lang…”“Kaya lang ano?” Tumingin si Jeremy sa naluluhang mga mata ni Madeline.Kinuha ni Madeline ang phone ni Jeremy at binuksan niya ang Twitter kung saan nakita niya ang number one trend ngayong araw. Sumama ang loob niya.“Tingnan mo, Jeremy.” Inabot niya ang phone kay Jeremy at lalong lumalim ang sama ng loob niya.Tiningnan ni Jeremy ang nilalaman ng balita at biglang lumamig ang kanyang mga tingin.Kalat na kalat na ang nilalaman ng sulat ni Old Master Jones para kay Old Master Whitman!Ang impormasyon ay nagmula sa isang tao na alam ang katotohanan sa likod ng hidwaan sa p
”May inutusan na ako para burahin ang lahat ng kaya nilang burahin at subukang takpan ang tungkol dito gamit ng ibang balita. Ginawa ko na ang lahat ng magagawa ko, kaya hayaan na natin ang Jones family na asikasuhin ang tungkol dito.” Sumagot si Jeremy at sinubukang pagaanin ang loob ni Madeline.“Wala tayong kasalanan, Linnie. Hindi rin natin mababago kung paano mag-isip ang ibang tao. Ang tanging magagawa natin ay gawin ang parte natin.”Dahil dito, huminahon si Madeline.Tama siya.Ginawa na ng Whitman family ang lahat ng magagawa nila. Ginawa na rin ni Jeremy ang magagawa niya para makatulong. Sapat na ang ginawa nila.“Dinala kita dito para maging masaya ka at makapagpahinga, Linnie. Huwag mo nang alalahanin yung mga ganun klaseng bagay, okay?” Dahan-dahang hinaplos ni Jeremy ang ilong ni Madeline.Pinulupot ni Madeline ang mga braso niya sa braso ni Jeremy at nagkaroon ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Tinanong niya si Jeremy, “Kung ganun, asawa ko, saan mo ako dada
Tumingin siya sa lalaking katabi niya at nakita niyang nakatitig siyang maigi sa kanya. Naramdaman ni Madeline na lalong umiinit ang kanyang mukha at bumilis ang tibok ng kanyang puso.Kahit na matagal na niyang mahal si Jeremy, natulala siya na para bang isa siyang dalagang lango sa pag-ibig.Tumingin siya sa propesor na masigasig sa pagtuturo. Walang magawa si Madeline kundi ang sakyan ang ginagawa ng lalaking katabi niya, hinayaan niyang hawakan ni Jeremy ang kanyang kamay. Magkahawak ang kanilang mga kamay hanggang sa tumunog ang bell na senyales ng pagtatapos ng klase.Hindi maisip ni Madeline kung anong mangyayari kung nagkaroon sila ni Jeremy ng pagkakataon na ulitin ang mga panahon na estudyante pa sila. Kung mababago nila ang nakaraan, iniisip niya kung magiging siya pa rin yung masungit na gwapong lalaki na laging umaaligid sa paligid niya pagkatapos ng klase, na pumipigil sa ibang lalaki na lumapit sa kanya.Malamang na maging ganun pa rin siya.Ngumiti ng matamis si Ma
”Wala nga ba?” Nakangiting nagtanong si Jeremy. “Hindi mo lang alam ang tungkol dun, Linnie, pero alam ng lahat ng lalaki na may gusto sayo at sinubukang manligaw sayo na akin ka.”“Ano? Anong sinasabi mo, Jeremy?” Lalong naguluhan si Madeline at nakita niya na bahagyang namula ang mukha ni Jeremy. “Sabihin mo na sakin, Jeremy. Ano bang ginawa mo na hindi ko alam?”“Ehem.” Umubo si Jeremy upang pagtakpan ang pagkataranta niya. “May inutusan ako para balaan yung mga lalaking may gusto sayo para malaman nila na gusto kita. Alam ng lahat kung anong mangyayari sa kanila kapag sinubukan nilang kalabanin ang number one bachelor ng Glendale.”“...” Nagulat si Madeline sa nalaman niya.Hindi niya inasahan na ginawa yun ni Jeremy ng hindi niya nalalaman.Ngayong iniisip niya ang tungkol dito, hindi na siya nagulat.Isang dominanteng lalaki si Jeremy. Ganun siya ngayon at ganun din siya noon.Hindi lang siya nangahas na isipin ang mga ganun klaseng bagay.Noong mga panahon na yun, ang
Pagkatapos ng lahat ng aksidente at mga di-inaasahang pangyayari sa buhay nila, nagdoble ingat na si Jeremy.Lalo na kapag apektado si Madeline. Ayaw niyang makampante.Pagbukas niya ng pinto, sumalubong sa kanila ang isang naka-unipormeng tagapagsilbi na nakangiti.“Dearest VIP customers, magkakaroon ng isang masquerade party sa terrace ng hotel namin sa loob ng isang oras. Malayang sumali ang mahal naming mga panauhin kung gusto nila. Heto ang mga imbitasyon niyo, at sana ay bitbit niyong dalawa ang hindi makakalimutanat masayang mga alaala niyo sa hotel namin sa pag-alis niyo.”Lumalabas na tungkol lang pala ito dito. Kinuha ni Madeline ang mga imbitasyon. “Salamat.”“Walang anuman.” Ngumiti ang tagapagsilbi at umalis. Nagpunta sila Madeline at Jeremy dito upang magsaya, kaya walang dahilan para palampasin nila ang isang event na gaya nito.Subalit, nagulat si Madeline nang malaman niya na alam ni Jeremy ang tungkol sa event at naihanda na niya ang mga susuotin nila. Tinulun
Sandali pa lang silang nakaupo sa bar noong sunud-sunod na dumating ang mga lalaking nakamaskara upang yayaing magsayaw si Madeline. Sa kabila ng makukulay na ilaw at sa maskara sa mukha ni Jeremy, madaling naisip ni Madeline kung anong ekspresyon ng mukha ni Jeremy.Pagkatapos niyang makita ang matinding lamig na bumubugso mula sa mga mata ni Jeremy, alam na agad ni Madeline na inis na inis na si Jeremy. Kahit na uminom pa siya ng malamig, siguradong hindi huhupa ang kanyang galit.Ngayong naisip niya ito, nakakapagtaka na walang babae na lumapit kay Jeremy upang yayain siyang magsayaw sa kabila ng pambihirang kagwapuhan ni Jeremy.Inabot ni Madeline ang malamig na inumin at aasarin sana niya ang naiinis na lalaki sa harap niya noong lumapit ang isang babae na nakasuot ng witch costume kay Jeremy.Maingay ang party, ngunit malinaw na narinig ni Madeline na binati ng babae si Jeremy.“Hindi ko inakala na makikita kita dito, Jeremy. Pagkakataon nga naman!”Hindi napansin ni Jere
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si