Pagkatapos ng lahat ng aksidente at mga di-inaasahang pangyayari sa buhay nila, nagdoble ingat na si Jeremy.Lalo na kapag apektado si Madeline. Ayaw niyang makampante.Pagbukas niya ng pinto, sumalubong sa kanila ang isang naka-unipormeng tagapagsilbi na nakangiti.“Dearest VIP customers, magkakaroon ng isang masquerade party sa terrace ng hotel namin sa loob ng isang oras. Malayang sumali ang mahal naming mga panauhin kung gusto nila. Heto ang mga imbitasyon niyo, at sana ay bitbit niyong dalawa ang hindi makakalimutanat masayang mga alaala niyo sa hotel namin sa pag-alis niyo.”Lumalabas na tungkol lang pala ito dito. Kinuha ni Madeline ang mga imbitasyon. “Salamat.”“Walang anuman.” Ngumiti ang tagapagsilbi at umalis. Nagpunta sila Madeline at Jeremy dito upang magsaya, kaya walang dahilan para palampasin nila ang isang event na gaya nito.Subalit, nagulat si Madeline nang malaman niya na alam ni Jeremy ang tungkol sa event at naihanda na niya ang mga susuotin nila. Tinulun
Sandali pa lang silang nakaupo sa bar noong sunud-sunod na dumating ang mga lalaking nakamaskara upang yayaing magsayaw si Madeline. Sa kabila ng makukulay na ilaw at sa maskara sa mukha ni Jeremy, madaling naisip ni Madeline kung anong ekspresyon ng mukha ni Jeremy.Pagkatapos niyang makita ang matinding lamig na bumubugso mula sa mga mata ni Jeremy, alam na agad ni Madeline na inis na inis na si Jeremy. Kahit na uminom pa siya ng malamig, siguradong hindi huhupa ang kanyang galit.Ngayong naisip niya ito, nakakapagtaka na walang babae na lumapit kay Jeremy upang yayain siyang magsayaw sa kabila ng pambihirang kagwapuhan ni Jeremy.Inabot ni Madeline ang malamig na inumin at aasarin sana niya ang naiinis na lalaki sa harap niya noong lumapit ang isang babae na nakasuot ng witch costume kay Jeremy.Maingay ang party, ngunit malinaw na narinig ni Madeline na binati ng babae si Jeremy.“Hindi ko inakala na makikita kita dito, Jeremy. Pagkakataon nga naman!”Hindi napansin ni Jere
Hinabol ni Jeremy si Madeline. Ramdam niya na masama ang loob ni Madeline.Noong maisip niya ang mga nangyari noong anim na buwan na yun, isa itong alaalang ayaw na niyang balikan.Nakaupo si Madeline sa beach na malapit sa hotel at tinanggal niya ang kanyang maskara. Sinalubong niya ang pag-ihip ng hangin habang naglalakad siya patungo sa kawalan.“Linnie.”Narinig niya ang boses ni Jeremy mula sa likod at unti-unting huminto si Madeline sa paglalakad.Ayaw niyang makipagtalo kay Jeremy, ngunit hindi nito mababago ang katotohanan na masama ang loob niya.Naglakad si Jeremy papunta sa harap ni Madeline. Umihip ang hangin mula sa dagat at tinangay nito ang kanyang buhok. Sa ilalim ng mga dilaw na street lamp, malinaw na nakita ang kalungkutan sa mukha ni Madeline. Napasimangot si Jeremy st niyakap niya ng mahigpit si Madeline.“Mali ka ng iniisip, Linnie.” Hinawakan niya ng mahigpit si Madeline, dumaan sa tainga ni Madeline ang mabagal at mahinahon niyang boses. “Magkaibigan la
Unti-unting lumabo ang paningin ni Madeline habang nakatingin siya sa payapang ekspresyon sa mukha ni Jeremy.“Alam mo ba kung bakit nagbago ang kulay ng buhok ko at ng mga mata ko?” Nakangiting nagtanong si Jeremy. “May kinalaman nga dito ang lason na binigay sakin ni Lana, pero may iba pang dahilan.”Habang nagsasalita siya, biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay.“Mas malaki ang kinalaman ng iba’t ibang klaseng gamot na sinubukan ko para lang mapahaba ang buhay ko. Yung babae na yun kanina ang doktor na gumawa ng gamot na pumipigil sa pagkalat ng lason sa dugo ko. Anim na buwan akong nagdusa habang sinusubukan kong mabuhay.“Sinabi niya sakin na walang paraan para tuluyang alisin ang lason sa katawan ko at dalawang taon na lang ang itatagal ko. Yun ang dahilan kung bakit naguguluhan ako noong binalikan ko kayo ng mga bata.”Ang malungkot na sinabi ni Jeremy.“Gusto kong makasama ka at mahalin ka ng buong-buo, kaso natatakot ako na ipakita ang nararamdaman ko. Ayaw kong iwan
Pagkatapos niyang basahin ang nilalaman ng message, tumingin si Jeremy kay Madeline.Sa takot na maistorbo niya ang tulog ni Madeline, dahan-dahan niyang inangat ang kumot at bumangon siya sa higaan.Pagkatapos isuot ni Jeremy ang tsinelas niya upang umalis, narinig niya si Madeline na binanggit ang kanyang pangalan, “Jeremy.”Huminto si Jeremy at nakokonsensya siya. Noong mapagtanto niya na tulog pa rin si Madeline, nakahinga siya ng maluwag. Subalit, binabagabag siya ng kanyang konsensya.‘Linnie. ‘I’m sorry. ‘Babalikan kita kapag tapos na ako sa gagawin ko.’Tahimik na nangako si Jeremy bago niya sinuot ang kanyang jacket. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng kwarto nila.Wala nang tao sa terrace ng hotel at tahimik na dito ngayong tapos na ang party.Naglakad papasok si Jeremy at nakita niya ang isang babae na nakaupo sa may bar.Sa ilalim ng liwanag ng mga street lamp, makikita ang babae na may hawak na baso ng wine at iniinom ito. Nakaladlad sa kanyang mga balikat
Pinaikot niya ang wine sa baso niya at suminghal siya. "Hindi ako magpapatalo sayo, Adam. Sa tingin mo ba maililigtas mo talaga si Jeremy? Hmph. Hindi ako papayag na pakialaman mo ang eksperimento ko!" Tumakbo si Jeremy mula sa terrace pabalik sa entrance ng hotel ngunit biglang nawala sa paningin niya si Madeline. Nag-aalala siya na baka mali ang isipin ni Madeline pagkatapos niyang marinig ang usapan nila. Lalo na't hating gabi na at nasa kakaibang lugar si Madeline. Natatakot si Jeremy na baka maligaw si Madeline. Nagmadali siyang bumalik sa kwarto nila sa hotel. Nang makita niyang walang tao sa kama, nadurog ang puso ni Jeremy. Nilabas niya ang kanyang phone upang hanapin ang lokasyon ni Madeline. Noong papunta na sana siya sa entrance, narinig niya ang tunog ng tubig mula sa banyo. Biglang napahinto sa paglalakad si Jeremy at nakita niya si Madeline na nakatingin ng maigi sa kanya habang palabas siya ng banyo. Suot ang isang maluwag na sleeping gown, mukhang hindi si
Hindi inasahan ni Jeremy na lalapit si Madeline at palihim niyang sinilip ang sitwasyon sa labas bago siya sumagot, “Hindi, bubuksan ko pa lang sana ang pinto.”Ngumiti siya bago niya binuksan ang pinto.Noong binuksan niya ang pinto, tumambad kay Madeline ang isang magandang babae na nakatayo sa labas ng kwarto nila.Madilim man ang mga ilaw kagabi, ngunit hindi makakalimutan ni Madeline ang mukha na ito.Pinagmasdan ni Shirley si Madeline habang tinitingnan siya nito ng maigi at naalala niya kung paano nabisto ni Madeline ang naging pag-uusap nila ni Jeremy kagabi. Ngumiti siya at magsasalita na sana siya noong biglang lumapit sa kanya si Madeline ng may ngiti sa kanyang mukha.“Hello, ako si Eveline, asawa ni Jeremy. Sinabi na sakin ni Jeremy kung paano mo siya tinulungan noong masama ang kalagayan niya noong anim na buwan na yun. Salamat sa pagtulong mo sa asawa ko na makabalik sakin.”“...” Nagtaka si Shirley.Inisip niya na iniinsulto siya ni Madeline, ngunit totoo ang ngi
”Para sakin?” Tinanggap ni Madeline ang regalo at napansin niya na may sulat na nakadikit dito.Nakasulat dito na: [Nagmamadali na ako at wala na akong oras para maghanap ng mas magandang regalo. Sana magustuhan niyo ito.] Pinirmahan ito ni Shirley.Galing ba kay Shirley ang regalo na ito?Nagulat si Madeline. “May contact information ka ba ni Shirley, Jeremy? Gusto ko sana siyang pasalamatan.”“Wala,” Sumagot si Jeremy, “Tara na, Linnie. Iwan na lang natin yan sa front desk.”“Hindi ba parang ang sama ko naman kung ganun ang gagawin ko sa isang regalo na binigay sakin ng ibang tao?” Nag-isip ng maigi si Madeline at nagdesisyon siya na dalhin ito sa kwarto nila.Hindi gaanong nagsalita si Jeremy at bumalik siya sa kwarto kasama si Madeline.Habang pabalik sila, binuksan ni Madeline ang kahon at nakita niya sa loob nito ang isang aromatherapy kit.Kakaiba ang hugis ng bote nito dahil hugis ahas ito.Sensitibo sa mga amoy si Madeline at dahil na rin sa propesyon niya bilang isan