Pagkatapos niyang basahin ang nilalaman ng message, tumingin si Jeremy kay Madeline.Sa takot na maistorbo niya ang tulog ni Madeline, dahan-dahan niyang inangat ang kumot at bumangon siya sa higaan.Pagkatapos isuot ni Jeremy ang tsinelas niya upang umalis, narinig niya si Madeline na binanggit ang kanyang pangalan, “Jeremy.”Huminto si Jeremy at nakokonsensya siya. Noong mapagtanto niya na tulog pa rin si Madeline, nakahinga siya ng maluwag. Subalit, binabagabag siya ng kanyang konsensya.‘Linnie. ‘I’m sorry. ‘Babalikan kita kapag tapos na ako sa gagawin ko.’Tahimik na nangako si Jeremy bago niya sinuot ang kanyang jacket. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng kwarto nila.Wala nang tao sa terrace ng hotel at tahimik na dito ngayong tapos na ang party.Naglakad papasok si Jeremy at nakita niya ang isang babae na nakaupo sa may bar.Sa ilalim ng liwanag ng mga street lamp, makikita ang babae na may hawak na baso ng wine at iniinom ito. Nakaladlad sa kanyang mga balikat
Pinaikot niya ang wine sa baso niya at suminghal siya. "Hindi ako magpapatalo sayo, Adam. Sa tingin mo ba maililigtas mo talaga si Jeremy? Hmph. Hindi ako papayag na pakialaman mo ang eksperimento ko!" Tumakbo si Jeremy mula sa terrace pabalik sa entrance ng hotel ngunit biglang nawala sa paningin niya si Madeline. Nag-aalala siya na baka mali ang isipin ni Madeline pagkatapos niyang marinig ang usapan nila. Lalo na't hating gabi na at nasa kakaibang lugar si Madeline. Natatakot si Jeremy na baka maligaw si Madeline. Nagmadali siyang bumalik sa kwarto nila sa hotel. Nang makita niyang walang tao sa kama, nadurog ang puso ni Jeremy. Nilabas niya ang kanyang phone upang hanapin ang lokasyon ni Madeline. Noong papunta na sana siya sa entrance, narinig niya ang tunog ng tubig mula sa banyo. Biglang napahinto sa paglalakad si Jeremy at nakita niya si Madeline na nakatingin ng maigi sa kanya habang palabas siya ng banyo. Suot ang isang maluwag na sleeping gown, mukhang hindi si
Hindi inasahan ni Jeremy na lalapit si Madeline at palihim niyang sinilip ang sitwasyon sa labas bago siya sumagot, “Hindi, bubuksan ko pa lang sana ang pinto.”Ngumiti siya bago niya binuksan ang pinto.Noong binuksan niya ang pinto, tumambad kay Madeline ang isang magandang babae na nakatayo sa labas ng kwarto nila.Madilim man ang mga ilaw kagabi, ngunit hindi makakalimutan ni Madeline ang mukha na ito.Pinagmasdan ni Shirley si Madeline habang tinitingnan siya nito ng maigi at naalala niya kung paano nabisto ni Madeline ang naging pag-uusap nila ni Jeremy kagabi. Ngumiti siya at magsasalita na sana siya noong biglang lumapit sa kanya si Madeline ng may ngiti sa kanyang mukha.“Hello, ako si Eveline, asawa ni Jeremy. Sinabi na sakin ni Jeremy kung paano mo siya tinulungan noong masama ang kalagayan niya noong anim na buwan na yun. Salamat sa pagtulong mo sa asawa ko na makabalik sakin.”“...” Nagtaka si Shirley.Inisip niya na iniinsulto siya ni Madeline, ngunit totoo ang ngi
”Para sakin?” Tinanggap ni Madeline ang regalo at napansin niya na may sulat na nakadikit dito.Nakasulat dito na: [Nagmamadali na ako at wala na akong oras para maghanap ng mas magandang regalo. Sana magustuhan niyo ito.] Pinirmahan ito ni Shirley.Galing ba kay Shirley ang regalo na ito?Nagulat si Madeline. “May contact information ka ba ni Shirley, Jeremy? Gusto ko sana siyang pasalamatan.”“Wala,” Sumagot si Jeremy, “Tara na, Linnie. Iwan na lang natin yan sa front desk.”“Hindi ba parang ang sama ko naman kung ganun ang gagawin ko sa isang regalo na binigay sakin ng ibang tao?” Nag-isip ng maigi si Madeline at nagdesisyon siya na dalhin ito sa kwarto nila.Hindi gaanong nagsalita si Jeremy at bumalik siya sa kwarto kasama si Madeline.Habang pabalik sila, binuksan ni Madeline ang kahon at nakita niya sa loob nito ang isang aromatherapy kit.Kakaiba ang hugis ng bote nito dahil hugis ahas ito.Sensitibo sa mga amoy si Madeline at dahil na rin sa propesyon niya bilang isan
Tumakbo si Madeline palabas ng banyo at nakita niya si Jeremy na nakahandusay sa sahig sa tabi ng kama.“Jeremy!” Natataranta siyang tumakbo palapit kay Jeremy at lumuhod siya sa tabi niya. Nakakunot ang noo ni Jeremy habang tinitiis niya ang matinding sakit. Nataranta si Madeline at bumilis ang tibok ng kanyang puso.“Anong nangyari, Jeremy? Inaatake ka nanaman ba ng lason?”Hinila ni Madeline si Jeremy sa balikat niya para makasandal siya sa kanyang dibdib.Gusto sana niyang bitbitin si Jeremy at ihiga sa kama kung kaya niya ngunit hindi sapat ang lakas niya.“Anong nangyari? Sabi ni Adam na magiging mas mahaba na ang pagitan ng mga pagsumpong ng lason sa katawan mo. Bakit nangyayari ‘to ngayon?”Kinakabahan si Madeline at nagsimulang tumulo ang mga luha niya papunta sa mukha ni Jeremy.“Huwag kang mag-alala, Linnie.” Pinilit magsalita ni Jeremy at hinawakan niya ang pisngi ni Madeline sa kabila ng sakit na nararamdaman niya. “Sanay na ako sa sakit. Hindi naman ‘to magtataga
Nagmadaling umakyat si Madeline sakay ng elevator. Paglabas niya ng elevator, nakita niya ang isang pamilyar na mukha sa may pasilyo.“Shirley?” Nag-aalinlangan siyang tinawag ni Madeline.Huminto sa paglalakad ang babae at lumingon sa kanya. “Ako ‘to, Mrs. Whitman,” Ngumiti si Shirley at nagpaliwanag, “May naiwan ako sa kwarto ko kay bumalik ako para kunin yun.”Pagkatapos ay lumapit si Madeline kay Shirley. Walang pinagkaiba sa isang tagapagligtas ang babaeng ito para kay Madeline sa mga sandaling ito.“Umatake bigla ang lason sa katawan ni Jeremy, Shirley. Ginamot mo siya noon, di ba? Ibig sabihin matutulungan mo siya ulit! Please, namimilipit siya sa sakit!”Dahil dito, napuno ng pag-aalala ang ekspresyon ni Shirley. “Nasaan si Jeremy ngayon?”“Nasa kwarto!”“Dalhin mo ako doon!” Agad na sumunod si Shirley kay Madeline.Pagpasok nila sa kwarto, nakita ni Madeline si Jeremy na nakaupo at nakasandal sa gilid ng kama. Agad siyang lumapit kay Jeremy. “Magiging ayos ka na, Jerem
Nabigla si Madeline nang makita niya na nakasara ng mahigpit ang pinto ng banyo.“Malapit na ‘tong matapos, Jeremy. Konting tiis na lang.“Pwede mong ilabas ang lahat ng sakit gaya ng ginagawa mo noon.“Doktor mo ako pero kaibigan mo din ako. Matutulungan kita, ah…”Narinig ni Madeline ang boses ni Shirley mula sa banyo hanggang sa kahuli-hulihang salita. Pagkatapos, natahimik ang banyo.Kakaiba ang tingin ng staff sa banyo bago niya kinausap si Madeline.“Dinala ko na ang lahat ng yelo sa banyo, Mrs. Whitman. Aalis na ako kung wala na kayong ibang kailangan.”Natauhan si Madeline. “Salamat.”“Walang anuman.” Ngumiti ang staff at umalis.Dinala ni Madeline ang bagahe ni Shirley papunta sa banyo at sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit napagtanto niya na naka-lock mula sa loob ang pinto.“Dala ko na ang bagahe mo, Shirley. Kamusta si Jeremy?” Nagtanong si Madeline habang nakaharap siya sa pinto ng banyo ngunit walang sumagot sa kanya.“Shirley? Shirley? Jeremy! Jeremy!” Na
Hinawakan niya ang braso ni Jeremy, puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata dahil hindi man lang uminit ang temperatura ng katawan ni Jeremy. "Mababa ang temperatura ng katawan niya dahil nakalublob siya sa yelo." Narinig niya ang boses ni Shirley mula sa likod. Lumingon si Madeline at nakita niya si Shirley na dahan-dahang naglalakad palapit sa kanila ng may hawak na hiringgilya. "Pwede ka bang maghintay sa labas, Mrs. Whitman? Hindi ko talaga gusto na may nanonood sakin habang ginagamot ko ang mga pasyente ko." Naintindihan ito ni Madeline at tumayo siya, ngunit biglang hinawakan ni Jeremy ang kanyang kamay. "Huwag kang umalis, Linnie." "Magpakabait ka, Jeremy. Hayaan mo si Shirley na iturok sayo abg gamot at magiging ayos ka na, okay?" Pinatahimik ni Madeline si Jeremy na para bang isa siyang bata bago niya binitawan ang kanyang kamay. “Thank you, Shirley.”"You're welcome. Masaya akong makatulong." Ngumiti si Shirley. Hindi masyadong inisip ni Madeline ang tungkol