Humigpit ang hawak ni Madeline sa manibela habang pinagmamasdan niya ang pamilyar na mukha na dumaan sa harap niya… Honk, honk, honk!Natauhan si Madeline nang malingawngaw mula sa likod ang tunog ng mga sasakyan na inuudyukan siyang paandarin ang kanyang sasakyan. Pagtingin niya ulit sa harap niya, wala na ang mukhang nakita niya.'Namamalikmata lang ba ako?' Napaisip sandali si Madelind, ngunit hindi na niya masyadong inisip ang tungkol dito at tinapakan niya ang accelerator. Nang magkita sila ni Jeremy, nalaman ni Madeline na kumuha ng flight tickets si Jeremy para sa holiday trip nila at bukas na ang alis nila. Hindi na tumanggi pa si Madeline dahil naiintindihan naman niya ang intensyon ni Jeremy. Kung tutuusin, hindi pa sila nakapag-honeymoon ni Jeremy dahil ilang beses silang naghiwalay at nagkabalikan sa mga nagdaang taon. Pagkatapos nilang pag-usapan ang mga gagawin nila, dinalaw nila Madeline at Jeremy si Eloise sa ospital. Aalis na sila bukas at nag-aalala si
Sa mga sandaling iyon, biglang bumukas ang pinto ng ward at pumasok ang isang guwardiya. “May bisita ka, Ryan.”Dahan-dahang minulat ni Ryan ang mga mata niya nang marinig niya ang boses ng guwardiya.Hindi niya inasahan na may bibisita sa kanya maliban sa mga magulang niya. 'Sino pa bang bibisita sakin kung hindi yung mga magulang?' Napaisip siya, ngunit nagulat siya sa mukhang kailanman ay hindi niya inasahang magpapakita sa kanya. Hindi niya inakala na makikita niya siyang muli. Naisip din niya na yung pagkikita nila noong araw na iyon ay huli nilang pagkikita. Magsasalita na sana si Ryan nang marinig niyang suminghal ang babaeng kaharap niya. Isa itong tunog na sumira sa lahat ng kasiyahan at pag-asa ni Ryan. "Bilang ang taong umayos sa kinabukasan ko, Rye, hindi ba sumagi sa isip mo na ganito ang mangyayari sayo?" Puno ng galit ang ngiti sa mukha ng babae. "Masama ang loob ko sayo, Rye. Bakit ka nagkaganito? Ano pang saysay na nagkaganito ako kung magmumukmok ka la
"Huwag mong titigan yung mga lalaking yun." Malinaw niyang narinig ang malalim at kaakit-akit na boses ng lalaki. Nang maramdaman niya na nagseselos siya, inalis ni Madeline ang kamay ni Jeremy na nakatakip sa kanyang mga mata. Humarap siya kay Jeremy at tumingin siya sa mga mata niya. "Bakit hindi ako pwedeng tumingin? Ginawa ang mga mata para pagmasdan ang kagandahan ng mundo." Sumagot si Madeline bago siya nagpatuloy sa pagtingin sa magandang tanawin ng beach. Lumapit si Jeremy kay Madeline at hinarang niya ang kanyang mukha sa paningin ni Madeline. "Magseselos talaga ako kapag di ka tumigil sa kakatingin mo, Linnie." Seryoso siyang nagsalita.Malokong ngumiti si Madeline. "Ayos yan. Gusto kung makita kung anong itsura ng asawa ko kapag nagseselos siya." "Sa tingin ko mas mabuti kung hindi mo makita yun." Bumigat ang ekspresyon ni Jeremy at makikita ang pagkainis sa kanyang mukha, ngunit muling naging mahinahon ang tingin niya pagkalipas ng ilang sandali. "Ipapakita ko yu
”Sorry.” Humingi ng tawad si Madeline bago niya dinampot ang sumbrero at inabot ito sa babae.Noong sandaling tumingin siya sa babae, napansin ni Madeline na nakasuot ng malaking sunglasses ang babae na natatakpan ang halos kalahati ng kanyang mukha.Sa kabila nito, hindi napigilan ni Madeline na magulat sa itsura ng babae.“Ayos lang.” Kinuha ng babae ang sumbrero at ngumiti siya, pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad papunta sa beach.Pinagmasdan ni Madeline ang likod ng babae at natahimik siya sa loob ng ilang sandali.“Anong tinitingnan mo, Linnie?” Nilagay ni Jeremy ang kamay niya sa balikat ni Madeline. “Bumalik na tayo sa hotel.”“Nakita mo ba yung mukha ng babaeng yun, Jeremy?” Sumunod si Madeline kay Jeremy ngunit lumingon siya at tumingin siya ulit sa babae.Nagkataon lang siguro, ngunit lumingon din kay Madeline ang babae ng may ngiti sa kanyang mukha.“Hindi ako interesadong tingnan ang kahit sinong babae maliban sayo, Linnie.” Sumagot si Jeremy.Pakiramdam ni M
Kahit na inasahan na niya ang pagtatapat ni Jeremy, napakatamis pa rin nito nang marinig niya ito.Tinikom ni Madeline ang kanyang mga labi at ngumiti siya, tumingin siya sa mga mata ni Jeremy.“Ako din. Gusto kong makasama ka habambuhay mula pa noong una kitang makilala. Hanggang sa dulo ng mundo, kahit saan ka magpunta, sasama ako sayo.”Nang marinig niya ito, napuno ng pagmamahal at lambing ang mga mata ni Jeremy. “Sorry, Linnie, kung matagal kang naghintay para sa araw na ‘to.”“Kung ang paghihintay ang magdadala sakin sayo, handa akong maghintay kahit na gaano pa katagal.”Pagkatapos magsalita ni Madeline, hinalikan ni Jeremy ang mga labi ni Madeline, binuhos niya ang lahat ng emosyon na kinimkim niya sa kanyang puso.“Linnie, paano kung mag-anak tayo ulit?”“Kaya mo bang palakihin ang napakaraming anak, Mr. Whitman?”“Anong masasabi mo?” Natatawang nagtanong si Jeremy at pagkatapos ay seryoso siyang nangako. “Ayaw ko nang maghirap ka, Linnie. Kuntento na ako sa kanila Jac
”Ang lakas ng loob ng ampon mo na sabihing hindi karapat-dapat ang anak ko para sa kanya noong sinubukan siyang ligawan ng anak ko noon, Mrs. Montgomery, huh? Pinaglaruan niya ang anak ko at tingnan mo kung nasaan ang ampon mo ngayon? Patay na siya!"Naghalukipkip ang babae at napangiti siya dahil sa kamalasan nila Eloise. "Mrs. Montgomery, tinanggap mo bilang anak ang isang napakasamang babae at dahil dun naghirap ng husto ang tunay mong anak. Hindi ba matatawag na karma yun?" "Tama! Ang dinig ko, dahil sa kamalasan ng tunay niyang anak kaya muntik na niyang masira ang Whitman family. Noong makilala siya ng Montgomery family, nasunog ang bahay nila. Naiwang paralisado ang nanay niya at naging inutil. Nakamalas talaga! Haha…" "Tama ka! Haha…" Nagsimulang ngumisi ng masama ang dalawang babae. Nang makita niya ang dalawa, kumuha si Karen ng mansanas mula sa lalagyan ng mga prutas at binato ito ng malakas sa kanila. Biglang napahinto sa pagtawa ang dalawang babae at umiwas sa
Nang marinig niya ang sagot ni Karen, hindi makapaniwala si Madeline.Dumilat ang mga mata ni Jeremy at tumingin siya sa seryosong mukha ni Madeline.Nagkatinginan si Madeline at Jeremy habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi ni Karen sa phone.Di kalaunan, binaba ni Madeline ang phone.Niyakap siya ni Jeremy at tinanong siya, “May nangyari ba kay Mom?”Umiling si Madeline. “Ayos lang siya. Kaya lang…”“Kaya lang ano?” Tumingin si Jeremy sa naluluhang mga mata ni Madeline.Kinuha ni Madeline ang phone ni Jeremy at binuksan niya ang Twitter kung saan nakita niya ang number one trend ngayong araw. Sumama ang loob niya.“Tingnan mo, Jeremy.” Inabot niya ang phone kay Jeremy at lalong lumalim ang sama ng loob niya.Tiningnan ni Jeremy ang nilalaman ng balita at biglang lumamig ang kanyang mga tingin.Kalat na kalat na ang nilalaman ng sulat ni Old Master Jones para kay Old Master Whitman!Ang impormasyon ay nagmula sa isang tao na alam ang katotohanan sa likod ng hidwaan sa p
”May inutusan na ako para burahin ang lahat ng kaya nilang burahin at subukang takpan ang tungkol dito gamit ng ibang balita. Ginawa ko na ang lahat ng magagawa ko, kaya hayaan na natin ang Jones family na asikasuhin ang tungkol dito.” Sumagot si Jeremy at sinubukang pagaanin ang loob ni Madeline.“Wala tayong kasalanan, Linnie. Hindi rin natin mababago kung paano mag-isip ang ibang tao. Ang tanging magagawa natin ay gawin ang parte natin.”Dahil dito, huminahon si Madeline.Tama siya.Ginawa na ng Whitman family ang lahat ng magagawa nila. Ginawa na rin ni Jeremy ang magagawa niya para makatulong. Sapat na ang ginawa nila.“Dinala kita dito para maging masaya ka at makapagpahinga, Linnie. Huwag mo nang alalahanin yung mga ganun klaseng bagay, okay?” Dahan-dahang hinaplos ni Jeremy ang ilong ni Madeline.Pinulupot ni Madeline ang mga braso niya sa braso ni Jeremy at nagkaroon ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Tinanong niya si Jeremy, “Kung ganun, asawa ko, saan mo ako dada