Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Chapter 1381 - Chapter 1390

All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 1381 - Chapter 1390

2479 Chapters

Kabanata 1381

Naguluhan si Madeline nang bigla siyang manakawan. Lumingon siya pataas at nakita ang isang reporter na kinuha sa kanya ang sulat para tignan. Pero, kapag nalaman ng lahat ang nilalaman ng sulat, ang pagkasira ng reputasyon ng mga Jones ay walang pinagkaiba sa pagambala sa nananahimik na kaluluwa ni Old Master Jones. Tumakbo si Madeline para agawin pabalik ang sulat ng biglang nakita niya ang reporter na babasahin ang nilalaman ng sulat ng walang pahintulot. Pero, nang babasahin na ng reporter ang sulat, kaagad siyang sinugod ni Mr. Jones na para bang isang leon na ginalit. Hinablot nito ang kuwelyo ng reporter at inutusan ito habang nagkakaskasan ang mga ngipin, "Ibalik mo sa kanya ang sulat!" Nagulat ang reporter. Pero, kasabay din nito, alam niya na may hawak siyang importanteng piraso ng balita, kaya hindi niya mabitawan ito. "Ibalik mo yan sa kanya." Nang bigla na lang, narinig nila ang boses ni Jeremy na hindi mabilis at hindi rin mabagal. Kahit na hindi mataas ang k
Read more

Kabanata 1382

Kapag nakikita niya ang lalakeng yun, naaalala niya ang mga kalupitan na ginawa sa kanya nito. "Linnie, umuwi na tayo." Hinawakan ni Madeline ang braso ni Jeremy. "Sige." Pero, nang paalis na sila, biglang hinawakan ni Mrs. Jones ang kamay ni Madeline. “Mrs. Whitman!”Nagmamadaling hinawakan ni Mrs. Jones ang kamay ni Madeline, puno ng pagsusumamo ang mga mata nito. "Mrs. Whitman, pakiusap. Pakiusap kausapin mo si Rye!" Hindi maunawaan ni Madeline kung ano ang nararamdaman ni Mrs. Jones sa mga oras na yun, pero ayaw niya talaga gustong makita si Ryan. "Mrs. Whitman, alam ko na marami akong masasakit na salita na sinabi sa iyo noon. Sa kabila ng nakaraan nating ugnayan bilang mag-ina at daughter-in-law, umaasa ako na mapapatawad mo ako sa pagiging bastos at sa pagiging mapusok ko."Mali si Rye. Hindi ka niya dapat sinaktan ng ganun. Kung ano man ang kaparusahan na haharapin niya ay karama na niya. Pero, Mrs. Whitman, nakikiusap ako sa inyo ngayon. Pwede mo ba kaming tulu
Read more

Kabanata 1383

''Ano ba ang sasabihin mo sa akin?'Gustong malaman ni Ryan habang nakatuon ang kanyang tingin sa malumanay at eleganteng babae na nasa kanyang harapan. Nasisinagan ito ng liwanag ng araw na galing sa bintana na para bang isang pinintang larawan. Napakaganda niyang tignan. Pero, alam niyang hindi siya pwedeng mapasakanya. "Sa totoo lang, importante pa ba kung ano ang gusto kong sabihin sayo? Gusto lang kitang bigyan ng pag-asa nung oras na yun. Ganun lang yun ka-simple." Ang paliwanag ni Madeline ang nagpalaho sa mga kinam sa mta ni Ryan. "Hindi, nagsisinungalin ka sa akin. Meron ka sigurong sasabihin sa akin." Puno ng pag-asa ang kanyang mga mata. Ang kanyang itsura ay nagbalik na sa dati niyang malumanay at eleganteng sarili pero ngayon ay puno na ito ng pag-aalinlangan. Lumapit si Madeline sa kama at tinignan ang maputla at aligagang mukha nito. Napansin niya na nakakatawa ito, pero naawa si Madeline kay Ryan ng mapansin niya ang komplikado nitong emosyon. Tinitigan
Read more

Kabanata 1384

Pagkasabi niya nito, ngumiti siya at sinabi niya ang mag huli niyang salita. "Sana ay maging masaya kayong dalawa ni Jeremy." "Salamat sa basbas mo. Magiging masaya kami ng aking asawa." Sinabi ni Madeline na may ngiti at lumingon paalis, pero bago pa man siya makaalis, bigla siyang pinigilan ni Ryan. “Eveline.”Huminto si Madeline. "Meron ka pa ba ibang sasabihin?" Malumanay na ngumiti si Ryan. "Ipauubaya ko sa isang abogado ang tungkol sa diborsyo. Simula ngayon, hindi na tayo kasal sa batas. Pwede ka nang bumalik sa tabi ni Jeremy at magpatuloy bilang Mrs. Whitman." Naisip din ni Madeline na makipag-diborsyo kay Ryan, pero hindi niya inaasahan na si Ryan pa mismo ang magsasabi nito. Tumango siya at pinihit ang hawakan ng pinto. Pagkabukas ng pinto at nagtagpo ang mga mata nila Madeline at Jeremy, muli nilang narinig ang boses ni Ryan sa likuran. "Yung nangyari sa hotel, ako ang may gawa ng lahat ng sitwasyon na yun para isipin mo na natlog ka sa kama kasama ko. Per
Read more

Kabanata 1385

Dilaw na rosas?Biglang naisip ni Madeline ang babae na may kasamang dalawang bata na may hawak na kulumpon ng dilaw na rosas na nakita niya sa may tabi ng kalsada nung araw na yun. Pero, ang sumopresa sa kanya ng husto sa sandaling yun ay ang boses ng babae.Malinaw na boses ito ni Cathy!Biglang lumingon si Madeline at hinanap ang taong may ari ng boses. Nagkataon, nakita niya ang isang batang lalake na may hawak na dilaw na rosas na naglalakad papunta sa pintuan ng tindahan ng bulaklak.Ang mapayat na hubog na ito ay galing sa babae na nakita niya sa may pinto ng tindahan ng bulaklak nung araw na yun.‘Si Cathy ba ito?’Lumitaw ang ideyang ito sa isipan ni Madeline ng hindi siya makapaniwala sa nangyayari. “Cathy!”Sumigaw si Madeline sa likuran ng babae, pero mukhang nagbingi-bingihan ang babae at naglakad palabas ng tindahan. Lumingon si Madeline at sinubukang habulin ito. Ang tindero ay mabilis siyang tinawag, “Madam, nakalimutan niyo ang mga bulaklak niyo.” “Sa
Read more

Kabanata 1386

”Ang boses ng babaeng narinig sa phone noong gabing yun ay kapareho ng kay Cathy, at ngayon lumitaw si Adam sa tabi ng babaeng ito. Anong relasyon nila? Kung si Cathy ito, bakit kasama niya si Adam?” Bumilis ang tibok nang puso niya at hindi na niya mahintay na makita ang mukha ng babaeng ito. Sa sandaling ito, naging berde na ang ilaw trapiko. Binilisan nila Jeremy at Madeline ang lakad nila at lumapit sila ngunit nagkataong dinala ni Adam ang babae at dalawang bata sa isang malapit na kotse. Huli na nang makahabol silang dalawa. Ngunit dahil din dito kaya lalong nagduda si Madeline. Malamang si Cathy ang babaeng kasama ni Adam. Kahit hindi alam ni Madeline ang dinanas ni Cathy pagkatapos, mabuti at buhay pa siya. Pagbalik sa Whitman Manor, di sinabi ni Madeline at Jeremy kay Felipe ang tungkol sa nangyari. Nag-aalala sila na baka umasa si Felipe habang hindi pa sila sigurado. Pagkatapos malaman na ginagawaq ni Jackson at Lilian ang takdang-aralin nila sa kwarto sa mga
Read more

Kabanata 1387

Di makapaniwala si Felipe sa nakikita niya, ngunit ang mukhang lumitaw sa harap ng luhaan niyang mata ay totoo. “Cathy, Cathy.” Bulong niya sa kanyang sarili. Tapos itinaas niya ang kanyang kamay at pinawi ang mga luha sa kanyang mata. Ang pamilyar na taong nakita niya ay lumingon at naglakad sa kabila. Nagmadaling humabol si Felipe ngunit ito ang oras na pauwi ang mga tao galing sa trabaho. Kahit na gusto niyang tumakbo kahit pula ang ilaw trapiko sa kabila, hindi siya magkakaroon ng pagkakataon. “Cathy, Cathy!”Sumigaw si Felipe sa likod ng babae, ngunit mula sa malayo, naglakad paharap ang babae habang walang pakialam. Para bang hindi niya naririnig si Felipe na sinisigawan siya. Para ding hindi niya alam ang pangalang Cathy. Hindi makahanap ng pagkakataon si Felipe na tumakbo sa kabila kaya dumaan na lang siya sa kanto para habulin ang babae. Di nagtagal, lumiko ang babae sadulo ng kalsada. “Cathy!” Di matanggap ni Felipe na hindi na niya makita ang katawan nito. H
Read more

Kabanata 1388

Nagsimulang maglakbay ang isipan ng babae habang nakatitig siya nang maigi sa katawan nito. “Mommy, Mommy…” Tulalang nahimasmasan ang babae nang marinig niyang tinatawag siya ng anak niya. “Mommy, uwi na. Kailangan na nating umuwi.” “Okay.” Tumango ang babae at lumingon ulit habang hawak ang kanyang anak. Ngunit pagkatapos tumalikod, hindi niya mapigilang tignan ang direksyon kung saan umalis si Felipe. … Sa Whitman Manor. Pagkatapos ng hapunan, ang buong pamilya ay umupo sa sala at nag-usap. Pakiramdam ni Madeline na nalulunod siya. Dinudumog siya ng tatlong bata at ng nanay niya. Buti na lang nakakaunawa si Jackson at Lilian at hindi kailangang suyuin masyado. Salungat nito, si Eloise ang kailangan ng kasama at pakikiramay. Sa sandaling ito, ang bunso niyang anak na si Pudding ay nakadagan din kay Madeline. Sumipa ito at gumapang sa sofa bago bulabugin si Madeline na yakapin at halikan siya. “Mommy, hug!” Kumurap nang masigla ang batang lalaki at inosenten
Read more

Kabanata 1389

Pagkatapos itong mabanggit ni Sean, nagkaroon ng bakas ng tuwa sa mata ni Jeremy. Ang mahahalagang alaala na nawalan sa kanya dahil sa espesyal na sigarilyong ginawa ni Lana para sa kanya sa oras na iyon ay malinaw na malinaw sa isip niya sa sandaling iyon. “Hindi ako ang nagsimula ng apoy noon.”Sa wakas nagkaroon na ng pagkakataon si Jeremy na sabihin ang totoo. Tinignan siya pabalik ni Sean at Madeline nang sabay. Kumunot ang noo ni Sean. “Sinabi mo na ito sa akin noon. Kahit na nawalan ka ng alaala at ginamit ka lang ni Lana noong oras na yun, ang sunog—” “May inutusan si Lana na magsimula ng apoy nang maaga. Tapos tinawagan niya ako para pumunta dito bilang panakip-butas. Ang layunin niya ay para isipin ni Eveline na ako ang nagsimula ng apoy at masira ang relasyon naming dalawa.” Nagulat si Sean at Madeline sa sagot ni Jeremy. Syempre hindi na sila nagduda sa sinasabi ni Jeremy dahil talagang kayang gawin ni Lana ang ganitong bagay. “Jeremy, bakit hindi mo ito sina
Read more

Kabanata 1390

Nakaluhod siya doon at hindi alam kung anong nahanap niya. Nakatingin siya dito nang emosyonal habang hawak ito. “Nahanap ko na ito, tignan mo! Si Eveline yun!” Lumingon si Eloise para tignan si Sean. Tumatalon siya nang paulit-ulit habang iwinawagayway ang family photo sa kanyang kamay. Nagmamadaling lumapit si Sean kay Eloise at tinulungan itong bumangon mula sa sahig. “Ellie, bumangon ka.” “Sean, tignan mo. Si Eveline.” Itinuro ni Eloise ang tao sa napakalabong larawan. “Nandito si Eveline.” Naluha ang mata ni Madeline nang makita niya ang nangyayari sa harap niya. Lumapit siya kay Eloise at hinawakan nang marahan ang kamay nito. “Mom, nandito si Eveline.” Tinignan ni Eloise si Madeline na parang naunawaan niya ito pero hindi talaga. Tapos biglang kumislap ang mata niya. “Oh? Kamukhang-kamukha ng Eveline ko ang Eveline na ito.” “...” Seryoso itong sinasabi ni Eloise. Nasaktan si Madeline sa pahayag na ito. Siya ang anak na inaasam ni Eloise araw-araw, pero tina
Read more
PREV
1
...
137138139140141
...
248
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status