Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Chapter 1371 - Chapter 1380

All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 1371 - Chapter 1380

2479 Chapters

Kabanata 1371

Bago matapos magsalita si Jeremy ay ngumiti si Felipe at tumango. Tumayo siya sa ilalim ng puno sa tabi ng tawiran at tinignan ang mataong kalsada. Ang kanyang mga mata ay napuno ng hindi maipaliwanag na matinding kalungkutan. "Wala na si Cathy at wala na akong masyadong dahilan para mabuhay. Hindi sana mamamatay si Cathy kung hindi ko pinili ang maling daan noon at hinawakan ang bagay na hindi ko dapat hinawakan." Binaba ni Felipe ang kanyang tingin sa pagsisisi. Nakahawak sa maliit na bote ng abo ang kamay niya na nasa bulsa ng kanyang pantalon. Ang taong pinakamamahal niya ay naroon. "Nagawa ko na ang lahat ng kailangan kong gawin. Wala na ang Stygian Johnson Gang, patay na si Yorick, ay naaresto na si Ryan, kaya dapat isuko ko na ang sarili ko."Pagkatapos niyang sabihin iyon ay huminga nang malinaw si Felipe. Sumuot ang araw sa pagitan ng mga luntiang dahon at mga tangkay habang gumawa ito ng sari-saring sinag ng ilaw sa gwapong mukha ni Felipe. Nakangiti siya, pero m
Read more

Kabanata 1372

May bitay pa rin sa F Country. Bitay ang eksaktong gusto niyang mangyari. Beep beep!Bigla na lang, isang malakas na busina ang narinig mula sa kanyang harapan. Hindi ito napansin ni Felipe habang nakatayo siya sa tabi ng daan. Habang papalapit nang papalapit ang kotse, isang mainit at maliit na kamay ang biglang humawak nang mahigpit sa kanyang kamay. Doon lang may naramdaman si Felipe at biglang nahimasmasan. Binaba niya ang kanyang tingin at nakita niya ang isang pares ang malilinaw at bilugang mga mata. Bago niya matignan nang maigi ang bata, napansin ni Felipe ang kotse na mabilis na papalapit sa kanila. Dahil dito, kinarga niya ang bata ligtas na pumunta sa daanan ng tao. Binaba ni Felipe ang bata at napansin niya na ang batang lalaki ay mga isa o dalawang taon pa lamang. Napakabata pa niya. Kumurap ang malalaking mata ng bata at tumingin sa kanya, pagkatapos ay binuka niya ang kanyang bibig para magsalita nang pabulol, "Delikado. Sabi ni Mommy delikado ang kotse."
Read more

Kabanata 1373

Huminto si Felipe habang bumilis ang tibok ng kanyang puso. "Pero ano?" Interesadong tanong ni Jeremy. Hindi nagpaligoy-ligoy si Felipe. Diretso siyang nagsabi, "Kasama ko ang doktor na to sa loob ng napakaraming taon kaya pamilyar din si Cathy sa kanya. Tinatrato niya si Cathy bilang anak at tinitingala naman siya ni Cathy." May naalala si Jeremy nang marinig niya ito. "Ang doktor na na sinasabi mo ay ang gumamot sa'kin noon?" Tumango si Felipe. "May ginawa si Cathy para makuha ang doktor na yun. Hindi makukuha ng kung sinong pangkaraniwang tao ang doktor na yun para gamutin sila." "Wag ka munang masyadong mag-isip. Tawagan mo kaagad ngayon ang doktor na yun para magtanong tungkol dito." Paalala sa kanya ni Jeremy. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Felipe. Kinuha niya ang kanyang phone at sa sandaling iyon, pakiramdam niya ay nanghihina ang kanyang kamay. Dapat ba siyang tumawag? Kung nakatanggap siya ng pagtanggi, masasaktan ang puso niya na para bang hinihiwa i
Read more

Kabanata 1374

Pagkatapos itong itanong ni Madeline, sumilab na naman ang pag-asa sa puso ni Felipe. Pagkatapos ng hapunan, sinundan niya si Jeremy palabas ng gate ng Whitman Manor. Pagkatapos ay bigla siyang huminto. "May gusto akong malaman." Tinaas ni Felipe ang kanyang tingin. Sa ilalim ng liwanag ng mga poste ng ilaw, malinaw na nakikita ang kinang sa kanyang mga mata. Tumalikod si Jeremy dahil matagal na niya itong naramdaman. "Magpapanggap ako na naisuko mo na ang sarili mo sa'kin at gagawin ko ang lahat para bigyan ka ng oras para magkaroon ka ng pagkakataon na imbestigahan kung anong meron sa babaeng kamukhang-kamukha ni Cathy." "Salamat." Tapat siyang pinasalamatan ni Felipe. "Gusto kong tignan ang lugar kung saan ko nakita ang babae. Babalik ako mamaya." Pagkatapos niya itong sabihin ay tumalikod siya. Nanatili si Jeremy sa kanyang kinatatayuan nang ilang sandali bago bumalik sa bahay. Nakaupo si Madeline sa sofa at kausap si Eloise. Nakikita ni Jeremy na mas gumanda na ang emo
Read more

Kabanata 1375

"Hello, sino to?" Pumasok sa tainga ni Madeline ang malinaw at matamis na boses ng babae. Hawak ni Madeline ang phone nang nakatulala. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Napakapamilyar ng boses na to. Nag-iwan ito ng impresyon sa pinakamalalim na parte ng alaala niya. "Cathy?" Mapang-usisang tanong ni Madeline. "Sino?" nagtatakang tanong ng babae. Para bang hindi niya alam ang pangalang 'Cathy'. Nabigla rin si Madeline. Nang magtatanong sana siya ulit, para bang iniabot ang phone sa ibang tao. Pagkatapos ay narinig niya ang boses ni Adam. Nang marinig ni Madeline ang boses ni Adam, nagmamadali niyang sinabi ang sitwasyon ni Jeremy. "Adam, umeepekto na naman ang mabagal na lason sa katawan ng asawa ko. May paraan ka para iligtas siya! Ibibigay ko sa'yo ang address ngayon. Pumunta ka rito sa kaagad." "Sige. Papunta na ako." Mabilis na pumayag si Adam. Inisip ni Madeline na naging magalang naman siya. Nang maisip niya ang pagkampi ni Adam kay Ryan noon, nakaramdam la
Read more

Kabanata 1376

Hindi maintindihan ni Madeline ang bagong impormasyon na nalaman niya. At saka naalala niya ang babaeng sumagot ng phone ni Adam kanina. "Adam, may girlfriend ka na ba ngayon?" Pang-uusisa ni Madeline. Nang sinabi niya iyon, nakita ni Madeline na bahagyang nabigla si Adam. Sa kabilang banda, tumingin rin si Jeremy kay Adam. "Linnie, bakit mo tinanong yan?" "Wala lang. Nung tinawagan ko si Adam kanina, sinagot ng isang babae ang phone niya at parang narinig ko na ang boses na yun dati," paliwanag ni Madeline nang nakangiti. Mukhang napakakalmado niya ngayon. "Adam, kilala ba namin ang babaeng yun?" "Hindi." Mabilis itong itinanggi ni Adam pero pagkatapos ay bahagya siyang umamin, "Pero, siya nga ang girlfriend ko." Sabi niya at tumingin sa oras. "Kailangan ko nang umalis. Mahinhin ang girlfriend ko at pakiramdam niya hindi siya ligtas kapag mag-isa siya sa bahay nang gabi." Sabi ni Adam bago tumalikod para umalis. Pagkatapos ihatid ni Madeline si Adam sa pintuan ay kaaga
Read more

Kabanata 1377

"Nangyari noon?" Interesadong lumapit si Madeline kay Jeremy. "Jeremy, alam mo ba ang relasyon sa pagitan nina Adam at Cathy?" "Hindi ako sigurado." Umiling si Jeremy. Pero mayroong saya sa kanyang singkit na mga mata. "Linnie, kung ganun, baka buhay pa talaga si Cathy. Hindi ordinaryong doktor si Adam. May kakayahan siya na buhayin si Cathy." Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline. "Maganda yun kung buhay pa talaga si Cathy. Ngumiti siya at niyakap ang lalaki. 'Jeremy, napakahirap para sa'tin na makapagsimulang muli. Umaasa talaga ako na magkaroon rin ng pagkakataon sina Cathy at Felipe.' "Basta't buhay si Cathy, sa tingin ko sasaya si Felipe kahit na wala silang pagkakataon na magsimula ulit." "Oo," sagot ni Madeline at sumandal sa dibdib ni Jeremy. Pakiramdam ni Madeline ay nawala ang lahat ng kaba niya nang maramdaman niya ang init at malakas na suporta ng dibdib ng lalaki. Kinabukasan, gustong sabihin ni Madeline kay Felipe ang tungkol sa posibilidad na buhay pa si Ca
Read more

Kabanata 1378

Ngayon ay mas lalong hindi natuwa si Mrs. Jones. "Bakit siya pwedeng pumasok tapos ako hindi ko pwedeng makita ang anak ko?" "Si Mr. Whitman ay mula sa Internal Investigation Unit ng Interpol at siya ang senior agent na tumitingin sa kaso ng anak mo. Kaya sabihin mo sa'kin kung sa tingin mo bakit pwede siyang pumasok?""..." Walang masabi si Mrs. Jones kaya umatras na lang siya. Pero habang lalo siyang naghihintay ay mas lalo siyang naiinis. Pagkatapos niya itong pag-isipan, lumabas siya para tumawag. Sa loob ng kwarto. Parang isang walang buhay na estatwa si Ryan habang nakatingin siya sa lalaking naglalakad papunta sa kanya nang walang emosyon. "Si Eveline ang gusto kong makita, hindi ikaw," sabi ni Ryan. Para bang gumamit siya ng maraming lakas bago niya masabi ang pangungusap na iyon. Malamig na dumaan ang panginin ni Jeremy sa mukha ni Ryan. "Sa tingin mo karapat-dapat ka na makita ang asawa ko ngayon?" Tinaas ni Ryan ang kanyang tingin at ang tono niya ay puno pa r
Read more

Kabanata 1379

Kinuha ni Ryan ang lihim at tinignan ng kanyang mga mata ang pamilyar na sulat-kamay. Ang bawat isang salita ay malinaw na nasalamin sa kanyang mga mata. "I-Imposible…" Naging mabilis ang paghinga ni Ryan. Kinuha niya ang lumang liham at binasang muli ang mga salita. Pero kahit na ilang beses niya pa itong basahin, hindi magbabago ang mga salitang iyon. "Hindi, hindi magagawa ni Lolo yun…" Hindi ito matanggap ni Ryan. Nagsimulang bumulong nang paulit-ulit ang kanyang maputla at tuyong labi. Napuno rin ng walang hanggang kawalan ang kanyang kulay abong mga mata. "Ryan, alam kong mahirap para sa'yo na matanggap ito pero ito ang katotohanan," binuka ni Jeremy ang kanyang labi at kalmadong nagsalita. "Imposible!" Ginamit ni Ryan ang lahat ng kanyang lakas para isigaw ang salitang iyon. Sa sumunod na segundo, hinawakan niya ang kanyang dibdib nang may nasasaktang ekspresyon. Nakikita ni Jeremy ang pagbabago sa data na nasa equipment at alam niyang baka naapektuhan si Ryan. P
Read more

Kabanata 1380

"Kung sa tingin mo ay matutulungan mo si Ryan na makatakas sa mga kasalanan niya, ibig sabihin talaga mas isip-bata ka pa kaysa sa mga anak ko." Isang maliwanag at malinaw na boses ang biglang narinig sa gitna ng maingay na madla. Napuno ng ligaya ang mabilis na puso ni Jeremy nang marinig niya ang boses na ito. Tinaas niya ang kanyang mukha at nakita si Madeline na naglalakad papunta sa kanya habang tinutulak palayo ang mga tao. Tinutok ng mga mamamahayag ang kanilang camera kay Madeline gamit ang pagkakataong ito. Pagkatapos ay nagsimula silang magtanong. "Mrs. Whitman, sinusubukan mo bang ipagtanggol si Mr. Whitman sa pagdating mo sa sandaling ito?" "Anong relasyon mo kay Ryan Jones?" "Narinig ko na hindi maganda ang kalagayan ng isipan mo sa ngayon at may nagsabi na isa ka nang tanga ngayon, totoo ba––" "Sa tingin niyo ba mukha akong isang tanga o isang baliw?" Lumapit si Madeline kay Jeremy bago lumingon. Pagkatapos, kampante niyang hinarap ang mga camera. "Hindi ako
Read more
PREV
1
...
136137138139140
...
248
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status