Hindi maintindihan ni Madeline ang bagong impormasyon na nalaman niya. At saka naalala niya ang babaeng sumagot ng phone ni Adam kanina. "Adam, may girlfriend ka na ba ngayon?" Pang-uusisa ni Madeline. Nang sinabi niya iyon, nakita ni Madeline na bahagyang nabigla si Adam. Sa kabilang banda, tumingin rin si Jeremy kay Adam. "Linnie, bakit mo tinanong yan?" "Wala lang. Nung tinawagan ko si Adam kanina, sinagot ng isang babae ang phone niya at parang narinig ko na ang boses na yun dati," paliwanag ni Madeline nang nakangiti. Mukhang napakakalmado niya ngayon. "Adam, kilala ba namin ang babaeng yun?" "Hindi." Mabilis itong itinanggi ni Adam pero pagkatapos ay bahagya siyang umamin, "Pero, siya nga ang girlfriend ko." Sabi niya at tumingin sa oras. "Kailangan ko nang umalis. Mahinhin ang girlfriend ko at pakiramdam niya hindi siya ligtas kapag mag-isa siya sa bahay nang gabi." Sabi ni Adam bago tumalikod para umalis. Pagkatapos ihatid ni Madeline si Adam sa pintuan ay kaaga
"Nangyari noon?" Interesadong lumapit si Madeline kay Jeremy. "Jeremy, alam mo ba ang relasyon sa pagitan nina Adam at Cathy?" "Hindi ako sigurado." Umiling si Jeremy. Pero mayroong saya sa kanyang singkit na mga mata. "Linnie, kung ganun, baka buhay pa talaga si Cathy. Hindi ordinaryong doktor si Adam. May kakayahan siya na buhayin si Cathy." Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline. "Maganda yun kung buhay pa talaga si Cathy. Ngumiti siya at niyakap ang lalaki. 'Jeremy, napakahirap para sa'tin na makapagsimulang muli. Umaasa talaga ako na magkaroon rin ng pagkakataon sina Cathy at Felipe.' "Basta't buhay si Cathy, sa tingin ko sasaya si Felipe kahit na wala silang pagkakataon na magsimula ulit." "Oo," sagot ni Madeline at sumandal sa dibdib ni Jeremy. Pakiramdam ni Madeline ay nawala ang lahat ng kaba niya nang maramdaman niya ang init at malakas na suporta ng dibdib ng lalaki. Kinabukasan, gustong sabihin ni Madeline kay Felipe ang tungkol sa posibilidad na buhay pa si Ca
Ngayon ay mas lalong hindi natuwa si Mrs. Jones. "Bakit siya pwedeng pumasok tapos ako hindi ko pwedeng makita ang anak ko?" "Si Mr. Whitman ay mula sa Internal Investigation Unit ng Interpol at siya ang senior agent na tumitingin sa kaso ng anak mo. Kaya sabihin mo sa'kin kung sa tingin mo bakit pwede siyang pumasok?""..." Walang masabi si Mrs. Jones kaya umatras na lang siya. Pero habang lalo siyang naghihintay ay mas lalo siyang naiinis. Pagkatapos niya itong pag-isipan, lumabas siya para tumawag. Sa loob ng kwarto. Parang isang walang buhay na estatwa si Ryan habang nakatingin siya sa lalaking naglalakad papunta sa kanya nang walang emosyon. "Si Eveline ang gusto kong makita, hindi ikaw," sabi ni Ryan. Para bang gumamit siya ng maraming lakas bago niya masabi ang pangungusap na iyon. Malamig na dumaan ang panginin ni Jeremy sa mukha ni Ryan. "Sa tingin mo karapat-dapat ka na makita ang asawa ko ngayon?" Tinaas ni Ryan ang kanyang tingin at ang tono niya ay puno pa r
Kinuha ni Ryan ang lihim at tinignan ng kanyang mga mata ang pamilyar na sulat-kamay. Ang bawat isang salita ay malinaw na nasalamin sa kanyang mga mata. "I-Imposible…" Naging mabilis ang paghinga ni Ryan. Kinuha niya ang lumang liham at binasang muli ang mga salita. Pero kahit na ilang beses niya pa itong basahin, hindi magbabago ang mga salitang iyon. "Hindi, hindi magagawa ni Lolo yun…" Hindi ito matanggap ni Ryan. Nagsimulang bumulong nang paulit-ulit ang kanyang maputla at tuyong labi. Napuno rin ng walang hanggang kawalan ang kanyang kulay abong mga mata. "Ryan, alam kong mahirap para sa'yo na matanggap ito pero ito ang katotohanan," binuka ni Jeremy ang kanyang labi at kalmadong nagsalita. "Imposible!" Ginamit ni Ryan ang lahat ng kanyang lakas para isigaw ang salitang iyon. Sa sumunod na segundo, hinawakan niya ang kanyang dibdib nang may nasasaktang ekspresyon. Nakikita ni Jeremy ang pagbabago sa data na nasa equipment at alam niyang baka naapektuhan si Ryan. P
"Kung sa tingin mo ay matutulungan mo si Ryan na makatakas sa mga kasalanan niya, ibig sabihin talaga mas isip-bata ka pa kaysa sa mga anak ko." Isang maliwanag at malinaw na boses ang biglang narinig sa gitna ng maingay na madla. Napuno ng ligaya ang mabilis na puso ni Jeremy nang marinig niya ang boses na ito. Tinaas niya ang kanyang mukha at nakita si Madeline na naglalakad papunta sa kanya habang tinutulak palayo ang mga tao. Tinutok ng mga mamamahayag ang kanilang camera kay Madeline gamit ang pagkakataong ito. Pagkatapos ay nagsimula silang magtanong. "Mrs. Whitman, sinusubukan mo bang ipagtanggol si Mr. Whitman sa pagdating mo sa sandaling ito?" "Anong relasyon mo kay Ryan Jones?" "Narinig ko na hindi maganda ang kalagayan ng isipan mo sa ngayon at may nagsabi na isa ka nang tanga ngayon, totoo ba––" "Sa tingin niyo ba mukha akong isang tanga o isang baliw?" Lumapit si Madeline kay Jeremy bago lumingon. Pagkatapos, kampante niyang hinarap ang mga camera. "Hindi ako
Naguluhan si Madeline nang bigla siyang manakawan. Lumingon siya pataas at nakita ang isang reporter na kinuha sa kanya ang sulat para tignan. Pero, kapag nalaman ng lahat ang nilalaman ng sulat, ang pagkasira ng reputasyon ng mga Jones ay walang pinagkaiba sa pagambala sa nananahimik na kaluluwa ni Old Master Jones. Tumakbo si Madeline para agawin pabalik ang sulat ng biglang nakita niya ang reporter na babasahin ang nilalaman ng sulat ng walang pahintulot. Pero, nang babasahin na ng reporter ang sulat, kaagad siyang sinugod ni Mr. Jones na para bang isang leon na ginalit. Hinablot nito ang kuwelyo ng reporter at inutusan ito habang nagkakaskasan ang mga ngipin, "Ibalik mo sa kanya ang sulat!" Nagulat ang reporter. Pero, kasabay din nito, alam niya na may hawak siyang importanteng piraso ng balita, kaya hindi niya mabitawan ito. "Ibalik mo yan sa kanya." Nang bigla na lang, narinig nila ang boses ni Jeremy na hindi mabilis at hindi rin mabagal. Kahit na hindi mataas ang k
Kapag nakikita niya ang lalakeng yun, naaalala niya ang mga kalupitan na ginawa sa kanya nito. "Linnie, umuwi na tayo." Hinawakan ni Madeline ang braso ni Jeremy. "Sige." Pero, nang paalis na sila, biglang hinawakan ni Mrs. Jones ang kamay ni Madeline. “Mrs. Whitman!”Nagmamadaling hinawakan ni Mrs. Jones ang kamay ni Madeline, puno ng pagsusumamo ang mga mata nito. "Mrs. Whitman, pakiusap. Pakiusap kausapin mo si Rye!" Hindi maunawaan ni Madeline kung ano ang nararamdaman ni Mrs. Jones sa mga oras na yun, pero ayaw niya talaga gustong makita si Ryan. "Mrs. Whitman, alam ko na marami akong masasakit na salita na sinabi sa iyo noon. Sa kabila ng nakaraan nating ugnayan bilang mag-ina at daughter-in-law, umaasa ako na mapapatawad mo ako sa pagiging bastos at sa pagiging mapusok ko."Mali si Rye. Hindi ka niya dapat sinaktan ng ganun. Kung ano man ang kaparusahan na haharapin niya ay karama na niya. Pero, Mrs. Whitman, nakikiusap ako sa inyo ngayon. Pwede mo ba kaming tulu
''Ano ba ang sasabihin mo sa akin?'Gustong malaman ni Ryan habang nakatuon ang kanyang tingin sa malumanay at eleganteng babae na nasa kanyang harapan. Nasisinagan ito ng liwanag ng araw na galing sa bintana na para bang isang pinintang larawan. Napakaganda niyang tignan. Pero, alam niyang hindi siya pwedeng mapasakanya. "Sa totoo lang, importante pa ba kung ano ang gusto kong sabihin sayo? Gusto lang kitang bigyan ng pag-asa nung oras na yun. Ganun lang yun ka-simple." Ang paliwanag ni Madeline ang nagpalaho sa mga kinam sa mta ni Ryan. "Hindi, nagsisinungalin ka sa akin. Meron ka sigurong sasabihin sa akin." Puno ng pag-asa ang kanyang mga mata. Ang kanyang itsura ay nagbalik na sa dati niyang malumanay at eleganteng sarili pero ngayon ay puno na ito ng pag-aalinlangan. Lumapit si Madeline sa kama at tinignan ang maputla at aligagang mukha nito. Napansin niya na nakakatawa ito, pero naawa si Madeline kay Ryan ng mapansin niya ang komplikado nitong emosyon. Tinitigan