Kaagad naramdaman ni Jeremy ang paggising ni Madeline. Pero, ng ibinaba niya ang kanyang tingin, nakita niya na puno ng takot at pagkalito ang mga mata ni Madeline. Tumingin siya sa kisame at napatulala, at pagkalipas ng ilang segundo, mukhang napagtanto ni Madeline na merong tao sa kanyang tabi. Nang makita niya na masyadong malapit si Jeremy sa kanya, hinablot niya ang kumot at kaagad na tumalon palayo. “Lumayo ka sa akin!” Nalungkot si Jeremy. At sa sandaling yun, pakiramdam niya ay nahulog siya sa ilalim ng isang malamig na lawa. Ganun pa man, nangyari na ang kanyang kinatatakutan. “Linnie, ako si Jeremy.” Paliwanag ni Jeremy. Pero, mukhang hindi siya pinapansin ni Madeline. Nagtago siya sa sulok ng kama na may natatarantang ekspresyon. Ang kanyang malaki, matalino, at magandang mga mata ay nakatingin lang at naguguluhan. Wala ito sa pokus. "Linnie, anong problema, Linnie? Si Jeremy to. Huwag kang matakot." Dahan dahang lumapit si Jeremy habang matiyagang nagpapal
Read more