"Linnie." "Ah!" Bigla na lang, hinawakan ni Madeline ang ulo niya at kakaibang nagtanong, "Bakit nangyayari to? Bakit?" "Linnie!" Kinakabahang hinawakan ni Jeremy ang kanyang balikat at tinignan ang kanyang nasasaktan na itsura. Pakiramdam niya ay sumasakit ang kanyang puso kasama niya. "Linnie, wag mong pahirapan ang sarili mo. Wag mo na tong isipan. Pumasok na tayo sa bahay." Hinawakan niya ang kamay ni Madeline bago lumingon at pinaalalahan si Karen. "Tumawag ka ng pulis. Sabihin mo may nanggugulo sa tapat ng bahay natin." Tumango si Karen at tinitigan nang masama ang natatarantang mga mamamahayag. "Tatawag na ko ngayon na!" Pagkasabi niya nito, isa-isang nagsialisan ang mga mamamahayag. Kung ibang lugar lang ito, hindi sila aalis kahit na masangkot ang pulis. Pero ito ang gates ng Whitman Manor at hindi magandang ideya na galitin si Jeremy. Pero base sa reaksyon ni Madeline ngayon lang, karamihan sa kanila ay nakaisip na ng susunod nilang ilalabas na balita. Ang m
Kinabahan si Jeremy habang papalapit siya sa banyo sa kung anong dahilan. Sigurado siya na nasa loob ng banyo si Madeline, pero base sa kakaibang tunog na ito, hindi niya alam kung anong ginagawa ni Madeline. Tumakbo si Jeremy papunta sa banyo at tinulak ang pinto pabukas. Sumilip siya sa loob pero hindi niya nakita si Madeline. Narinig niya lang ang tunog ng tubig mula sa lugar kung nasaan ang bathtub. "Linnie?" Tinawag ni Jeremy ang pangalan ni Madeline at mabilis na pumasok nang hindi nagdadalawang-isip. Sa sandaling makita niya ang eksena sa kanyang harapan, pakiramdam ni Jeremy ay mayroong humihila sa kanyang puso habang nasasaktan ang buo niyang katawan. “Linnie!”Tumakbo si Jeremy para hawakan si Madeline na desperadong binubuhusan ng malamig na tubig ang kanyang sarili. Basang-basa ang buo niyang katawan pati ang kanyang maikling buhok. Ang kanyang maputlang mukha ay nababalot rin ng patak ng tubig. "Linnie, anong ginagawa mo?" Inagaw ni Jeremy ang showerhead a
Isang matibay na kinang ang lumitaw sa mga malalalim na mata ni Jeremy. Hinawakan niya ang mapapayat na balikat ni Madeline at gusto siyang dalhin sa kwarto para magbihis. Pero hindi sumunod di Madeline. Desperado siyang kumawala nang may aroganteng tingin sa kanyang mga mata. "Sinabi ko na sa'yo na iwan mo ko. Hindi mo ba naiintindihan?" "Kaya kong hindi pansinin ang kahit na sino sa buhay ko, pero hindi kita kayang matiis." Mas malakas ang aura ni Jeremy kumpara kay Madeline sa sandaling iyon. Hindi na niya ito hahayaang magpatuloy pa. Ngunit, nang hinawakan niya ang braso ni Madeline at humakbang paharap, bigla siyang nakatanggap ng isang malakas na sampal sa kanyang mukha. Sa isang sampal, mabigat na lumapag ang palad ni Madeline sa mukha ni Jeremy. Sandaling nabigla si Jeremy habang lumingon sa gilid ang kanyang gwapong mukha. Hindi niya maramdaman ang sakit sa kanyang pisngi pero napakasakit ng kanyang puso. Hindi niya alam kung anong pwede niyang gawin para kay Madel
Nang makita niya ang eksenang ito ay napahinto si Madeline. Lumitaw na naman sa kanyang mga mata ang pagbaril kay Ryan at ang pagtumba niya sa kanyang harapan. Ang init ng dugong tumalsik sa kanyang mukha ay para bang nakakapaso sa kanyang pisngi. Naramdaman ni Jeremy ang biglaang pagbaba ng temperatura sa kamay na nasa kanyang palad. Naging napakalamig nito. "Linnie, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Jeremy. Nahimasmasan si Madeline pagkatapos niyang marinig ang kanyang boses. Marahan siyang umiling. "Ayos lang ako. Bigla ko lang naaalala ang gabing yun. Sabi niya ay kailangan niya kong dalhin sa malayo, pero gusto ko lang bumalik sa'yo tapos––" “Eveline Montgomery!”Bago makatapos si Madeline, biglang sumugod si Mrs. Jones sa kanya nang may namumulang mga mata at sinubukang kaladkarin si Madeline. Hinila ni Jeremy si Madeline sa kanyang yakap para protektahan siya. Mayroong matalim na kinang sa kanyang mga mata. Hindi nahablot ni Mrs. Jones si Madeline at naga
Pagkatapos niya itong sabihin, lahat ay napatingin kay Madeline. Kasabay nito ay nabigla rin si Madeline. Pinunasan ni Mrs. Jones ang mga luha sa kanyang mukha at nagmadaling nagtanong, "Nurse, kumusta na ang anak ko? Magigising pa ba siya?" "Masyadong seryoso ang mga sugat niya at delikado pa rin ang buhay niya sa ngayon. At saka mukhang wala siyang kagustuhang mabuhay. Binabanggit niya lang ang pangalang Eveline paminsan-minsan."Tumingin ang nars kay Madeline habang sinabi niya ito. "Siya ba ang Eveline na binabanggit ng pasyente?" Tumango si Madeline. "Ako nga." "Kaibigan ka ba ng pasyente? Napakahina ng kagustuhan niyang mabuhay, pero mukhang hindi ka niya mapakawalan. Hindi ko alam kung gusto mong pumasok at tulungan siya––" "Nagkakamali ba kayo? Nagkaganito ang anak ko nang dahil sa babaeng to. Bakit gusto pa rin niya siyang makita?" Hindi matanggap ni Mrs. Jones ang katotohanang ito. Nang marinig ito ng nars, tinignan niya si Mrs. Jones sa gulat. "Madam, tungkol
Tumingin rin sina Madeline at Jeremy at nakita nilang bumuntong hininga ang doktor. "Ginawa namin ang lahat ng magagawa namin, pero walang kagustuhang mabuhay ang pasyente. Kailangan ninyong ihanda ang mga sarili ninyo." Nang marinig nila ito, sina Mr. at Mrs. Jones ay parehong nawalan ng sigla. Lumingon si Madeline sa ICU. Inisip niya ang mga salitang sinabi sa kanya ni Ryan bago tumumba at ang sinserong tingin sa kanyang mga mata sa oras na iyon. ‘Ryan. 'Hindi mo pa napagbabayaran ang mga ginawa mo. Talaga bang susukuan mo na ang lahat pati ang buhay mo nang ganito?'“Eveline!”Napahinto ang mga iniisip ni Madeline sa emosyonal na sigaw ni Mrs. Jones. Lumingon siya at nakita niya si Mrs. Jones na nagmamadaling sumusugod sa kanya. Inisip niya na pagbubuntunan siya ng galit ni Mrs. Jones at magpapatuloy na murahin at pagalitan siya, pero hindi niya inasahan na sa sandaling lumapit sa kanya si Mrs. Jones ay mayroong nagmamakaawang ekspresyon sa kanyang mukha. "Eveline, p
Sinabi ng doktor na nagawa na ang lahat ng kailangang gawin para gamutin si Ryan, pero masyadong mahina ang kanyang kagustuhang mabuhay. Karamihan ay gugustuhing mabuhay, pero para bang naghihintay siya sa kanyang kamatayan. Pero, parang ang tanging bagay na hindi niya mabitawan ay si Madeline dahil paulit-ulit niyang tinatawag ang kanyang pangalan. "Siguro ikaw lang ang natatangi niyang pagsisisi na hindi niya mabitawan sa kanyang puso," sabi ng nars. Pagkatapos makinig nang tahimik ay naglakad si Madeline oaoaunta sa tabi ng kama. Kasing putla ng niyebe ang mukha ni Ryan habang mahina ang kanyang paghinga. Nakasuot sa kanyang katawan ang ilang tubo para panatilihin ang kanyang namamatay na katawan. Para bang hihinto ang mga tunog mula sa electrocardiogram kahit na anong oras. Nilapitan siya ni Madeline, at sa sandaling makalapit siya sa kama, narinig niya si Ryan na nagsabing, "Eveline." Kagaya ng inaasahan, hindi niya siya mabitawan. "Ryan," tawag sa kanya ni Madel
Emosyonal si Mrs. Jones. Iniunat niya ang kanyang kamay para hilahin muli si Madeline, pero sa pagkakataong ito, hindi binigyan ni Jeremy ng tiyansa si Mrs. Jones na mahawakan si Madeline. Hinila niya si Madeline sa kanyang mga braso at hinarap si Mrs. Jones nang may malamig na ekspresyon. "Bakit? Sinusubukan mo bang abandonahin ang taong tumulong sa'yo pagkatapos mong makuha ang kailangan mo? Magsalita ka nang maayos," malamig niyang sabi. Medyo natatakot si Mrs. Jones kay Jeremy at hindi siya nagtangkang magsalita. Pero, nagsimula siyang tanungin muli si Madeline pagkatapos makita ang emergency sa ICU. "Eveline, ang tagal mo roon sa loob. Anong sinabi mo kay Rye? Sinadya mo bang magsabi kay Rye ng isang bagay na ayaw niyang marinig at kaya mas lumala ang kalagayan niya ngayon? Kung hindi, bakit nagmamadaling nagbibigay ng first aid ang mga doktor kay Rye?" "Eveline, hindi ko inasahan na ganito ka pala kasama!" Sumunod rin si Mr. Jones at pumuna. Mahal na mahal ni Jeremy a