Emosyonal si Mrs. Jones. Iniunat niya ang kanyang kamay para hilahin muli si Madeline, pero sa pagkakataong ito, hindi binigyan ni Jeremy ng tiyansa si Mrs. Jones na mahawakan si Madeline. Hinila niya si Madeline sa kanyang mga braso at hinarap si Mrs. Jones nang may malamig na ekspresyon. "Bakit? Sinusubukan mo bang abandonahin ang taong tumulong sa'yo pagkatapos mong makuha ang kailangan mo? Magsalita ka nang maayos," malamig niyang sabi. Medyo natatakot si Mrs. Jones kay Jeremy at hindi siya nagtangkang magsalita. Pero, nagsimula siyang tanungin muli si Madeline pagkatapos makita ang emergency sa ICU. "Eveline, ang tagal mo roon sa loob. Anong sinabi mo kay Rye? Sinadya mo bang magsabi kay Rye ng isang bagay na ayaw niyang marinig at kaya mas lumala ang kalagayan niya ngayon? Kung hindi, bakit nagmamadaling nagbibigay ng first aid ang mga doktor kay Rye?" "Eveline, hindi ko inasahan na ganito ka pala kasama!" Sumunod rin si Mr. Jones at pumuna. Mahal na mahal ni Jeremy a
Hindi gusto ni Jeremy na manatili si Madeline sa isang lugar na kagaya nito. At saka sobra siyang nagalit sa ugali nina Mr. at Mrs. Jones. Nang makita ni Mrs. Jones na aalis na sina Madeline at Jeremy, malamig siyang tumingin saka ika at sumigaw kay Madeline habang hindi tinatanggap ang nangyari kanina, "Eveline, wag mong isiping pasasalamatan kita paggisising ni Rye!" Huminto si Jeremy sa kanyang paglalakad. Halatang hindi siya natutuwa pero pinigilan siya ni Madeline. "Jeremy, wag na." Kalmado si Madeline. Bahagya niyang nilingon ang kanyang mukha at ang kanyang magagandang mga mata ay tumingin kina Mr. at Mrs. Jones. "Sa tingin mo inaasahan ko ang pasasalamat ninyo? Ginagawa ko lang ang gusto kong gawin." Pagkatapos niyang sabihin iyon, hinawakan niya ang braso ni Jeremy at tinignan ang lalaki na puno ng inis. Kasunod nito ay ngumiti siya sa kanya. Lumambot ang tingin ni Jeremy. Hindi na niya gustong makipagtalo kina Mr. at Mrs. Jones. Kung kaya't hinwakan niya ang kam
Anong sinabi niya sa kanya?Naalala ni Madeline ang nangyari sa ICU kanina. Nagpakita si Madeline ng isang pambihirang tusong ngiti pagkatapos niyang makita ang interes sa kaakit-akit na mga mata ni Jeremy. "Jeremy, gustong-gusto mo bang malaman kung anong sinabi ko kay Ryan?" Tumango si Jeremy at parang nagseselos siya nang sumunod siyang magsalita, "Gusto kong malaman kung paanong binigyan ng lakas ng asawa ko ang lalaking nagdala ng kapahamakan sa sarili niya." Naramdaman ni Madeline ang selos sa tono ni Jeremy. Ngumiti siya. Pagkatapos ay seryoso siyang nagsabi, "Sa gabing iyon sa firework viewing platform, may sinabi sa'kin si Ryan bago siya mabaril at tumumba"Humingi siya ng tawad sa'kin." Pagkatapos itong marinig ni Jeremy, nahuhulaan niya kung ano ang sinabi ni Madeline kay Ryan sa ICU. "Sa araw na yun, kinidnap niya ko sa bookstore. Sinabi niya sa'kin na dadalhin niya ko sa'yo kaya sumunod ako sa kanya. Noon, malabo talaga ang pag-iisip ko at naniwala ako sa lah
Ngunit, pagkatapos malaman ni Felipe ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng kanyang mga magulang ay naglaho siya. Bago umalis si Felipe sa Whitman Manor, tinanong siya ni Madeline kung anong gusto niyang gawin. Pero nagsabi lang siya ng isang pangungusap kay Madeline. Sinabi niya na pagsisisihan niya ang mga kasalanan niya at tiyak na alam ni Cathy kung anong gagawin niya. Ngunit patay na si Cathy. Hindi nila mahulaan ni Madeline ang iniisip at nararamdaman ni Cathy. Sa kanilang daan pauwi, umupo si Madeline sa kotse habang nagsimulang maglayag ang kanyang isipan. "Napakabuting tao ni Cathy." Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline. "Wag mong isipin ang mga malulungkot na bagay." Bumuntong hininga si Madeline sa panghihinayang. "Mabuti sana kung naging maswerte si Cathy kagaya ko noon. Alam ko na pinagsisisihan to ni Felipe at nalulungkot siya na malamang si Cathy ang taong minamahal niya kung kailan huli na ang lahat at…" “Linnie.”"Oo." Alam ni Madeline na nag-aala
Sa tingin ko hindi ka namamalik-mata." Nagbigay ng positibong sagot si Jeremy. Ang kanyang mga mata ay tumingin na naman sa likod ng lalaking nakaupo sa hindi kalayuan. Napakapamilyar ng anyo na ito sa kanya noon kaya hindi siya magkakamali ng tingin. Pero… Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline at pumasok. Biglang tumayo si Old Master Whitman mula sa kabilang parte ng sofa. Tinginan niya si Jeremy at gulat na nagsabi, "Jeremy, tignan mo kung sino ang nagbabalik!" Pagkatapos itong sabihin ng old master, mabagal na tumayo ang lalaking nakaupo nang nakatalikod sa kanila, mataas at diretso. Kasunod nito ay humarap siya. Ang kanyang maginoo at eleganteng mukha noon ay mas mukhang tumanda at kalmado ngayon. Nagkatinginan sila ni Madeline. Pagkatapos, bahagya siyang ngumiti bago nilipat ang tingin sa anyo ni Jeremy. Nang makita niya ang maikli at puting buhok ni Jeremy pati na ang kanyang mga mata na malapit na sa kulay ng amber, mukhang nagulat ang lalaki. "Alam ko na hin
"Jeremy gusto mo bang malaman kung nasaan ang sikretong base ni Ryan sa F Country?" Tinaas ni Jeremy ang kanyang malalalim na mga mata. "Alam mo kung nasaan?" Tumango si Felipe. "Oo." Nabigla si Jeremy. Sinabihan niya si Madeline bago pumunta sa branch ng Interpol sa Glendale kasama ni Felipe. Binigay ni Felipe ang address at impormasyon. Pagkatapos, mabilis na tinawagan ng taong may hawak nito ang kanilang kasamahan na nasa F Country. Kaagad nga nilang nahanap ang lugar kung saan tinago ni Ryan ang kanyang ilegal na produkto sa F Country. Malaki ang ginampanan ng impormasyon ni Felipe sa kaso. Pagkaalis nila sa branch, naglakad sina Jeremy at Felipe sa daan. Dulo na ng tag-araw. Wala na sa kanilang dalawa ang hidwaan at pagkakaribal na mayroon sila noon. Ngayon, kaya na nilang mag-usap nang payapa at palakaibigan. "Paano mo nalaman ang tungkol sa negosyo ni Ryan? At saka paano mo nalaman kung saan niya tinatago ang mga produkto na ginagamit sa trading?" Tinanong ni Jer
Bago matapos magsalita si Jeremy ay ngumiti si Felipe at tumango. Tumayo siya sa ilalim ng puno sa tabi ng tawiran at tinignan ang mataong kalsada. Ang kanyang mga mata ay napuno ng hindi maipaliwanag na matinding kalungkutan. "Wala na si Cathy at wala na akong masyadong dahilan para mabuhay. Hindi sana mamamatay si Cathy kung hindi ko pinili ang maling daan noon at hinawakan ang bagay na hindi ko dapat hinawakan." Binaba ni Felipe ang kanyang tingin sa pagsisisi. Nakahawak sa maliit na bote ng abo ang kamay niya na nasa bulsa ng kanyang pantalon. Ang taong pinakamamahal niya ay naroon. "Nagawa ko na ang lahat ng kailangan kong gawin. Wala na ang Stygian Johnson Gang, patay na si Yorick, ay naaresto na si Ryan, kaya dapat isuko ko na ang sarili ko."Pagkatapos niyang sabihin iyon ay huminga nang malinaw si Felipe. Sumuot ang araw sa pagitan ng mga luntiang dahon at mga tangkay habang gumawa ito ng sari-saring sinag ng ilaw sa gwapong mukha ni Felipe. Nakangiti siya, pero m
May bitay pa rin sa F Country. Bitay ang eksaktong gusto niyang mangyari. Beep beep!Bigla na lang, isang malakas na busina ang narinig mula sa kanyang harapan. Hindi ito napansin ni Felipe habang nakatayo siya sa tabi ng daan. Habang papalapit nang papalapit ang kotse, isang mainit at maliit na kamay ang biglang humawak nang mahigpit sa kanyang kamay. Doon lang may naramdaman si Felipe at biglang nahimasmasan. Binaba niya ang kanyang tingin at nakita niya ang isang pares ang malilinaw at bilugang mga mata. Bago niya matignan nang maigi ang bata, napansin ni Felipe ang kotse na mabilis na papalapit sa kanila. Dahil dito, kinarga niya ang bata ligtas na pumunta sa daanan ng tao. Binaba ni Felipe ang bata at napansin niya na ang batang lalaki ay mga isa o dalawang taon pa lamang. Napakabata pa niya. Kumurap ang malalaking mata ng bata at tumingin sa kanya, pagkatapos ay binuka niya ang kanyang bibig para magsalita nang pabulol, "Delikado. Sabi ni Mommy delikado ang kotse."