Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Chapter 1331 - Chapter 1340

All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 1331 - Chapter 1340

2479 Chapters

Kabanata 1331

Nagtataka si Old Master Whitman kung bakit biglang tinanong ni Karen ang tungkol dito. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Saan mo narinig ang tungkol dito?” Sa inis, sinabi ni Karen kay Old Master Whitman na kakabalik lang niya mula sa Jones Manor, “Ang Jones family ay hindi makatwiran. Tignan niyo ang nangyari kay Eveline. ang lakas ng loob nilang sabihin na nararapat lang sa atin ang nangyari?!” “Dapat lang sa atin ang nangyari? Sinabi ba talaga yan ng Jones family?” Dumilim ang mukha ni Old Master Whitman. Halatang hindi siya nasisiyahan.Tumango si Karen. “Paano ko magagawang biro ang bagay na to? Maraming tao ang nasa labas ng kanilang bahay at narinig nila ang lahat ng yun.” Kumunot ang noo ni Old Master Whitman ng marinig niya ito. Magsasalita na sana siya ng biglang narinig nila ang boses ni Jeremy. “Kung ganun, hindi magtatagal at kakalat sa buong media online ang istoryang to.”“Jeremy.” Kaagad na tumayo si Karen at lumapit kay Jeremy, puno ng kalituha
Read more

Kabanata 1332

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Madeline ng marinig niya ito. Kinakabahan siyang nagtanong, “Mawawala ka na ba?”Ang pait sa puso ni Jeremy ay nawala dahil sa tamis na naramdaman niya ng makita niya kung paano nag-alala ito, pero hindi nagtagal, pakiramdam niya ay sumosobra na siya. ‘Bakit ko siya pinapapili? hindi ba’t lalo ko lang siya pinapahirapan?’ Binigyan ni Jeremy si Madeline ng isang nakakapampalubag ng loob na sagot, “Hindi. Palagi lang ako na nasa tabi mo.”Binitawan ni Madeline ang kanyang kamay ng makahinga ito ng maluwag, at ng may ngiti sa mga labi, pumunta siya sa malapit na restroom para baguhin ang kanyang itsura. Malapit ng matapos ang tag-init. Hindi gaanong karami ang tao sa may beach. Nakatayo si Madeline sa may kotse ng mag-isa, nakatingin sa kulay asul na karagatan. Maraming magagandang imahe ang pumasok sa kanyang isipan. Pero, habang nakatingin siya, ang magadan niyang mga mata ay may nahagip na isang imahe na nagpanginig sa kanyang katawa
Read more

Kabanata 1333

Sinigurado muna ni Jeremy na ligtas si Madeline bago umalis para hulihin si Ryan. Kapag nahuli si Ryan dun lang hindi na matatakot si Madeline a gagaling na ito sa isang maayos at ligtas na paligid. Inilabas ni Madeline ang kanyang ulo sa labas ng bintana at tinignan ang likod ni Jeremy habang tumatakbo ito. May bahid ng pangamba ang mga mata nito. “Umalis nanaman si Jeremy,” malungkot niyang binulong. Muling nabalot ng takot at pangamba ang kanyang magadang mukha. Ng maisip niya ang sinabi sa kanya ni Jeremy kanina, tahimik na umupo sa loob ng kotse si Madeline. Pero, malaks ang tibok ng kanyang puso. Ang paglitaw ni Ryan kanina ay gumulat sa kanya. Sa kabilang banda, patuloy na minamatyagan ni Ryan sila Madeline at Jeremy. Sinundan niya ang mga ito pabalik ng Glendale sa parehong araw na lumipad ang mga ito pabalik. alam niya na ang pulis at IBCI ay tinutugis siya, pero hindi hahayaan ang sarili niya na mahuli hangga’t hindi niya nagagawa ang kanyang layunin. Pagkat
Read more

Kabanata 1334

Pagkatapos nun, tinigil na ni Ryan ang mayabang niyang tawa at kaagad na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Naglabas siya ng isang baril na hinanda niya at mabilis na pinaputok ito kay Jeremy bago lumingon para tumakbo. Pero, hindi hahayaan ni Jeremy na makatakas si Ryan sa kanyang mga kamay uli. Inangat niya ang kanyang binti at iniwasan ang bala sa tulong ng isang magkapatong na mga kahon sa malapit. At sa mga oras na yun, kaagad siyang tumalon. Ang malamig niyang katawan ay kaagad na nakalapit sa katawan ni Ryan sa isang lundag lang. Umatras si Ryan, nabalot ng gulat ang kanyang mukha. Hinawakan niya muli ang kanyang baril, at sinubukan na magpaputok uli kay Jeremy.Pero, mabilis na kumilos si Jeremy. Bigla niyang hinablot ang nahawakan ang baril mula sa kamay ni Ryan. Kinontra niya si Ryan at itinutok ang baril dito. Habang nakatutoko ang baril sa kanya, napatulala si Ryan. Hindi ikya inaasahan na mangyayari ito. Tinitigan ni Jeremy si Ryan ng walang emosyon h
Read more

Kabanata 1335

Itinaas ni Ryan ang kanto ng kanyang labi, at ang kanyang mga mata, na may malabong paningin dahil sa kanyang mga sugat, ay halatang nanghihina na. “Ayos lang ba na habulin mo ako dito at iwanan si Madeline na mag-isa sa kotse?” Naging tuso ang ngiti ni Ryan. Nang makatapos siyang magsalita, napansin ni Ryan na lumuwag ang pagkakahawak ni Jeremy sa gatilyo ng baril. Pakiramdam ni Jeremy ay may paru-paro sa kanyang sikmura ng maalala niya si Madeline na naiwan na mag-isa sa kotse bago siya dumating para hulihin si Ryan. Tumingin siya kay Ryan na nakangiti ng masama at kaagad na lumingon at tumakbo pabalik kay Madeline. ‘Linnie!’ Sinigaw ni Jeremy ang pangalan ni Madeline sa kanyang isipan. Natatakot siya. Natatakot siya na baka malagay nanaman sa panganib si Madeline. Napagtanto niya na masyado siya naging padalos-dalos. Hindi niya dapat iniwanan si Madeline na mag-isa sa kotse. ‘Wala siya sa tamang pag-iisip. Paano ko nagawang iwanan lang siya doon at habulin si R
Read more

Kabanata 1336

’Salamat sa Diyos, nagsisinungaling lang si Ryan.’Tahimik siyang nakahinga ng maluwag, at ang pangamba sa kanyang dibdib ay naglaho. “Linnie, sinabi ko sayo na hintayin mo ako sa loob ng kotse. Anong ginagawa mo dito?’ Niluwagan ni Jeremy ang kanyang yakap at tinignan si Madeline sa mata habang malumanay siyang nagtatanong. Binaba ni Madeline ang kanyang magandang mata. “Ayoko nang malagay ka pa sa alanganin at hindi na kita makita pang muli.”Nakaramdam ng init si Jeremy sa loob ng kanyang katawan ng marinig niya ang sagot ni Madeline. Nararamdaman din niya ang init sa kanyang mga mata. Pagkatapos, inabot niya ang mga braso at muling niyakap ng mahigpit si Madeline. Ang kanilang mga hininga ay humalo sa hangin, at ang kanilang mga puso ay mabilis ang tibok dahil sa tuwa. “Linnie, hindi mo na kailangan pang tiisin ang mga araw na wala ako sa iyong piling. Simula ngayon, makakasama mo na ako bawat segundo.” Ngumiti si Madeline at pinikit ang mga mata, habang nakasandal sa
Read more

Kabanata 1337

Hindi na kayang panatilihin pa ni Jeremy ang kanyang katinuan sa sitwasyon na ito. Pagkatapos na mawala sa sarili ng ilang segundo, naging aktibo na siya. Hinawakan niya si Madeline at hinalikan ang labi nito. Lalo siyang nasabik dahil sa tagal ng kanilang pagkakawalay ay lalong lumakas ang kanyang pangungulila kay Madeline kaya hindi na niya kaya pang pigilan ang kanyang sarili. Kahit sa kanyang mga panaginip, matagal na niyang gustong yakapin ang pinakamamahal niya hanggansa makatulog. Pero, hindi niya magawa ang kanyang tanging hiling. “Linnie, Linnie…” Paulit-ulit niyang tinawag ang pangalan ni Madeline sa tapat ng tenga nito. Bawat salita na sinasabi niya ay puno ng pagmamahal. Hindi na kaya pang pigilan ni Jeremy ang sarili niya at hinayaan ang kanyang emosyon na kontrolin ang kanyang katawan. Pareho silang nagpakalulong sa gabi ng tag-init na iyon na nilamon ng matinding emosyon. Nakatulog sila ng mahimbing. Nang sumikat na ang araw, nagising na si Jeremy. Binab
Read more

Kabanata 1338

Narinig ni Madeline ang komento ni Eloise at naguluhan siya. Kasunod nito, muli niyang narinig ang malungkot na buntong-hininga ni Eloise. “Ang Eveline ko ay ayaw sa isang nanay na tulad ko, kaya akala ko pati ang Eveline na ito ay ayaw rin sa akin.” Habang nagsasalita si Eloise, dinampot niya ang isang pagkain na ginawa niya at naglagay ng ilang piraso sa kamay ni Madeline. “Kung alam ko lang na darating ka, gumawa sana ako ng mas marami dahil sabi mo dati na gusto mo ito.” Ikinurap ni Madeline ang maganda niyang mata. May gusto siyang sabihin ngunit di niya alam kung ano bang dapat niyang sabihin. Nakita ni Jeremy at Sean ang eksenang ito at kumunot ang noo nila. “Akala ko naalala na ni Eveline ang lahat. Di ko inakalang naaalala lang niya ay ang dating ikaw.” “Talagang wala akong masabi. Natulad rin pala si Eveline sa nanay niya, kalahating baliw, kalahating walang alam.” Napabuntong-hininga si Sean sa lungkot at tumingala siya para tignan si Jeremy na suot ang isang w
Read more

Kabanata 1339

Pakiramdam ni Jeremy na hinihila nang matindi ang puso niya nang magising siya nagn tuluyan sa sandaling ito. Binuksan niya ang lampara. Sa ilalim ng liwanag, nakita niya si Madeline na basang-basa ng malamig na pawis. Mahigpit niyang hawak ang kumot, habang ang mata niya ay nakapikit nang sumimangot. Paulit-ulit siyang sumigaw nang humihingi ng tulong. Takot na takot siya. “Jeremy, wag kang aalis, wag kang aalis…” Nananaginip siya at ang tono niya ay parang umiiyak. Nakikita pa ni Jeremy ang luha na lumalabas sa sulok ng mata ni Madeline. Nahuhulaan niya na binabangungot ito. Habang nadudurog ang kanyang puso, hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline. “Linnie.” Ngunit sa sandaling tawagin niya ito, biglang kumibo si Madeline at itinaboy nang mapwersa ang kamay niya. “Ryan, anong gusto mo?” Bigla itong nagtanong. Malinaw na napapanaginipan nito si Ryan. Sa panaginip niya, pinipilit siya ni Ryan na gawin ang isang bagay na ayaw niyang gawin. Nasasaktan si Jeremy, at muli
Read more

Kabanata 1340

’Hindi, saglit pa lang ito. Siguro di pa nakakalayo si Linnie.’ Inisip ni Jeremy sa loob niya habang sinusubukan niyang pagaanin ang kanyang loob. Takot na takot siya na mawawala na naman ito. Dati siyang isang lalaking di natatakot mamatay, ngunit sa ngayon, nanginginig siya sa takpt hanggang sa basang-basa na ng malamig na pawis ang palad niya. “Linnie!” Habang kaharap ang hangin, isinigaw ni Jeremy ang pangalan ni Madeline, ngunit ang sagot na natanggap niya ay ang tunog ng mga sanga ng puno na hinihipan ng simoy ng gabi. ‘Nasaan ka na Linnie? ‘Baliw ka, nandito lang ang Jeremy mo.’ Pakiramdam ni Jeremy parang sinisilaban ang puso niya at sinusunog siya. Sa sandaling ito, nakarinig siya ng isang sigaw at tunog ng isang taong bumabagsak sa sahig mula sa malayo. “Linnie!” Kaagad na tumungo si Jeremy sa pinagmulan ng tunog at nakita na si Madeline ito na nadapa. Nang hindi alam ang dahlan, tumakbo siya sa ilog sa likod ng villa. Sa ilalim ng mga ilaw sa daan, ma
Read more
PREV
1
...
132133134135136
...
248
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status