’Salamat sa Diyos, nagsisinungaling lang si Ryan.’Tahimik siyang nakahinga ng maluwag, at ang pangamba sa kanyang dibdib ay naglaho. “Linnie, sinabi ko sayo na hintayin mo ako sa loob ng kotse. Anong ginagawa mo dito?’ Niluwagan ni Jeremy ang kanyang yakap at tinignan si Madeline sa mata habang malumanay siyang nagtatanong. Binaba ni Madeline ang kanyang magandang mata. “Ayoko nang malagay ka pa sa alanganin at hindi na kita makita pang muli.”Nakaramdam ng init si Jeremy sa loob ng kanyang katawan ng marinig niya ang sagot ni Madeline. Nararamdaman din niya ang init sa kanyang mga mata. Pagkatapos, inabot niya ang mga braso at muling niyakap ng mahigpit si Madeline. Ang kanilang mga hininga ay humalo sa hangin, at ang kanilang mga puso ay mabilis ang tibok dahil sa tuwa. “Linnie, hindi mo na kailangan pang tiisin ang mga araw na wala ako sa iyong piling. Simula ngayon, makakasama mo na ako bawat segundo.” Ngumiti si Madeline at pinikit ang mga mata, habang nakasandal sa
Hindi na kayang panatilihin pa ni Jeremy ang kanyang katinuan sa sitwasyon na ito. Pagkatapos na mawala sa sarili ng ilang segundo, naging aktibo na siya. Hinawakan niya si Madeline at hinalikan ang labi nito. Lalo siyang nasabik dahil sa tagal ng kanilang pagkakawalay ay lalong lumakas ang kanyang pangungulila kay Madeline kaya hindi na niya kaya pang pigilan ang kanyang sarili. Kahit sa kanyang mga panaginip, matagal na niyang gustong yakapin ang pinakamamahal niya hanggansa makatulog. Pero, hindi niya magawa ang kanyang tanging hiling. “Linnie, Linnie…” Paulit-ulit niyang tinawag ang pangalan ni Madeline sa tapat ng tenga nito. Bawat salita na sinasabi niya ay puno ng pagmamahal. Hindi na kaya pang pigilan ni Jeremy ang sarili niya at hinayaan ang kanyang emosyon na kontrolin ang kanyang katawan. Pareho silang nagpakalulong sa gabi ng tag-init na iyon na nilamon ng matinding emosyon. Nakatulog sila ng mahimbing. Nang sumikat na ang araw, nagising na si Jeremy. Binab
Narinig ni Madeline ang komento ni Eloise at naguluhan siya. Kasunod nito, muli niyang narinig ang malungkot na buntong-hininga ni Eloise. “Ang Eveline ko ay ayaw sa isang nanay na tulad ko, kaya akala ko pati ang Eveline na ito ay ayaw rin sa akin.” Habang nagsasalita si Eloise, dinampot niya ang isang pagkain na ginawa niya at naglagay ng ilang piraso sa kamay ni Madeline. “Kung alam ko lang na darating ka, gumawa sana ako ng mas marami dahil sabi mo dati na gusto mo ito.” Ikinurap ni Madeline ang maganda niyang mata. May gusto siyang sabihin ngunit di niya alam kung ano bang dapat niyang sabihin. Nakita ni Jeremy at Sean ang eksenang ito at kumunot ang noo nila. “Akala ko naalala na ni Eveline ang lahat. Di ko inakalang naaalala lang niya ay ang dating ikaw.” “Talagang wala akong masabi. Natulad rin pala si Eveline sa nanay niya, kalahating baliw, kalahating walang alam.” Napabuntong-hininga si Sean sa lungkot at tumingala siya para tignan si Jeremy na suot ang isang w
Pakiramdam ni Jeremy na hinihila nang matindi ang puso niya nang magising siya nagn tuluyan sa sandaling ito. Binuksan niya ang lampara. Sa ilalim ng liwanag, nakita niya si Madeline na basang-basa ng malamig na pawis. Mahigpit niyang hawak ang kumot, habang ang mata niya ay nakapikit nang sumimangot. Paulit-ulit siyang sumigaw nang humihingi ng tulong. Takot na takot siya. “Jeremy, wag kang aalis, wag kang aalis…” Nananaginip siya at ang tono niya ay parang umiiyak. Nakikita pa ni Jeremy ang luha na lumalabas sa sulok ng mata ni Madeline. Nahuhulaan niya na binabangungot ito. Habang nadudurog ang kanyang puso, hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline. “Linnie.” Ngunit sa sandaling tawagin niya ito, biglang kumibo si Madeline at itinaboy nang mapwersa ang kamay niya. “Ryan, anong gusto mo?” Bigla itong nagtanong. Malinaw na napapanaginipan nito si Ryan. Sa panaginip niya, pinipilit siya ni Ryan na gawin ang isang bagay na ayaw niyang gawin. Nasasaktan si Jeremy, at muli
’Hindi, saglit pa lang ito. Siguro di pa nakakalayo si Linnie.’ Inisip ni Jeremy sa loob niya habang sinusubukan niyang pagaanin ang kanyang loob. Takot na takot siya na mawawala na naman ito. Dati siyang isang lalaking di natatakot mamatay, ngunit sa ngayon, nanginginig siya sa takpt hanggang sa basang-basa na ng malamig na pawis ang palad niya. “Linnie!” Habang kaharap ang hangin, isinigaw ni Jeremy ang pangalan ni Madeline, ngunit ang sagot na natanggap niya ay ang tunog ng mga sanga ng puno na hinihipan ng simoy ng gabi. ‘Nasaan ka na Linnie? ‘Baliw ka, nandito lang ang Jeremy mo.’ Pakiramdam ni Jeremy parang sinisilaban ang puso niya at sinusunog siya. Sa sandaling ito, nakarinig siya ng isang sigaw at tunog ng isang taong bumabagsak sa sahig mula sa malayo. “Linnie!” Kaagad na tumungo si Jeremy sa pinagmulan ng tunog at nakita na si Madeline ito na nadapa. Nang hindi alam ang dahlan, tumakbo siya sa ilog sa likod ng villa. Sa ilalim ng mga ilaw sa daan, ma
Kasunod ng komento niya, itinuon ni Madeline ang titig nito sa bagay na hawak ni Jeremy. Binalot ng isang manipis na hamog ang liwanag ng buwan, habang tahimik na iniilawan ang mukha ni Madeline na biglang naging maamo.Sa sandaling ito, para siyang isang tahimik na manika. Tahimik siya at masunurin nang hindi kumikibo. Makikita sa mata niya ang makulay na mga sinag. “Jeremy.” Itinaas ni Madeline ang kanyang kamay at kinuha ang makulay ngunit kupas na kabibe mula sa kamay ni Jeremy. Lumilitaw sa kanyang isipan ang kabataan niya. “Ito ang kabibeng ibinigay ko kay Jeremy,” Sinabi ni Madeline nang marahan, habang ang kanyang emosyon ay di na naiinis tulad ng kanina. “Bakit nasa iyo yan? Edi totoo ngang kinuha niyo si Jeremy diba? Ninakaw niyo iyan sa kanya!” Hinawakan ni Jeremy ang malamig na kamay ni Madeline. “Linnie, ito agn regalo mo sa akin bilang patunay ng pagmamahal mo. Hindi ko ito kailanman ibinigay sa iba at walang umagaw nito sa akin, baliw. Makinig ka sa akin, ako
Nang parating na ang madaling-araw, narinig ni Jeremy ang isang kaguluhan mula sa labas. Lumabas siya at pinalalahanan si Karen na bantayan si Madeline kung gumising ba siya. Naguluhan si Karen ngunit tumango pa rin siya at pumayag. Nang tatanungin na niya ang dahilan sa likod nito, nakatalikod na si Jeremy at bumalik sa kwarto. Ngayong tulog na si Madeline, makakapikit na si Jeremy para makaidlip. Ngunit di nagtagal nang makatulog siya, nagsimula siyang magkabangungot. Napanaginipan niya na nakatakas na naman si Madeline at umigkas siya dahil dito. Biglang siyang nagising dahil sa gulat at napansin na walang laman ang kalahati ng kama. “Linnie.” Bumaba ng kama si Jeremy at sumugod palabas ng kwarto. Sa sandaling gusto niyang bumaba para hanapin si Madeline, nakita niya itong kausap ang dalawang bata sa pasilyo sa baba. Kumalma bigla ang kumakabog niyang dibdib dahil dito. Bumalik ng kwarto si Jeremy, naglinis at nagmadaling magpalit ng damit. Tapos tumakbo siya pababa sa
Nilamig si Madeline na para siyang bumagsak sa isang malamig na kulungan at ang katawan niya ay nabalot sa lamig ng kwebang yelo. Naramdaman niyang dumaan ang isang braso sa kanyang ulo. Tapos dinala siya ng lalaki sa likod niya paharap. “Tigil,” Muling nagsalita ang lalaki. Nagulo ang tibok ng puso ni Madeline nang kaagad siyang lumingon nang marinig niya ang boses. Nang itaas niya ang kanyang mata, nakita niya ang isang pares ng matamlay na mata na kumikislap at tuso. Ang emosyon ni Madeline na umayos matapos ang pagsisikap ay muling napipilitang mawalan ng kontrol. “Ryan.” Gumalaw ang labi niya nang bigkasin niya ito. Itinaas ni Ryan ang kanyang kamay at inayos ang sumbrero habang tinatakpan ang malalalim niyang mata. Ang maputla niyang labi ay bahagyang ngumiti. “Akala ko nakalimutan mo na ako,” Sinabi niya nang may halos malanding tono. Habang nakatingin sa nababahalang mukha ni Madeline, itinaas niya ang kanyang kamay at sinubukang hawakan ang mukha nito, ngun