Di tinawag ni Jeremy si Madeline dahil nag-aalala si Jeremy na baka maalerto si Ryan kung nasaan siya. Di napansin ni Ryan na palapit si Jeremy. Binuksan niya ang pinto ng kotse at inutusan si Madeline na pumasok, “Pumasok ka sa kotse. Dadalhin kita kay Jeremy.” Nagtatakang tumingin si Madeline kay Ryan at sumimangot bago tumalikod nang nag-aalinlangan. Ngunit sa sandaling papasok na siya ng kotse, nakita ni Madeline si Jeremy an tumatakbo mula sa sulok ng kanyang mga mata. Lumingon siya para tignan ito nang biglang magkaroon ng gulat na ngiti sa kanyang mukha. Napansin din ni Jeremy na nakita siya ni Madeline. Gusto niyang sabihin kay Madeline na magpanggap na hindi siya nakita nito para hindi siya makita ni Ryan, ngunit kaagad na sumigaw si Madeline na parang natural lang ito. “Jeremy!” Ngumiti si Madeline at tinawag si Jeremy. Kasabay nito, sinubukan niyang tumakbo papunta dito. Kalaunan, napagtanto ni Ryan na nahanap na ni Jeremy kung nasaan siya. Nang makitang sinu
Nang marinig ang sinasabi ni Ryan, napagtanto ni Madeline na seryoso ang kalagayan niya. Tumagilid siya at nagapakahirap na bumangon mula sa sahig nang hilahin siya nang malakas ni Ryan para lumingon siya dito.“Eveline, di ko pwedeng palagpasin ang pagkakataong ito.” Puno ng di natitinag na determinasyon ang mata ni Ryan. Ang mata niya ay namumula na parang isang demonyong mula sa impyerno nang iunat niya ang kanyang kamay para punitin ang palda ni Madeline. Hinawakan ni Madeline ang malikot na kamay ni Ryan at kinagat ito nang walang alinlangan. Sumimangot si Ryan sa sakit. Hindi niya inakalang magpupumiglas pa rin si Madeline. Ngunit binalewala niya ito at hinawakan ang kamay ni madeline. Tapos yumuko siya para halikan ito. “G*go ka, bitiwan mo ako!” Nagpumiglas si Madeline nang buong lakas, ngunit ang lakas niya ay walang laban sa lalaking ito. “Jeremy!” Tinawag niya si Jeremy, nag-aasam na lilitaw ito para protektahan siya. “G*go ka, nagsinungaling ka sa akin! Sabi
Medyo nagdududa pa rin siya pero hindi siya nagdalawang-isip na tanggalin ang gasa sa na namantsahan ng dugo. Nang makita niya ang madugong sugat, nagulat si Madeline. “Nagsisinungaling ka. Hindi ako ang gumawa nito.” Tinitigan ni Madeline si Ryan dahil sa nadismaya siya dito. “Ang lupit mo. Nagsinungaling ka sa akin at sabi mo sasamahan mo kong hanapin si Jeremy, at ngayon nagsisinungaling ka nanaman nang sinabi mo na ako ang tumulak at nanakit sayo.” Tumawa lang si Ryan ng marinig niya na pinapagalitan siya ni Madeline. “Oo, nagsinungaling ako sayo. Ano ngayon ang gagawin mo sa akin?” Tinikom ni Madeline ang kanyang mga labi ng mahigpit habang nakatingin kay Ryan sa sobrang inis. “Wala akong gagawin sayo. Ang gusto ko lang ay pakawalan mo ang mga magulang ko at tigilan mo na ang panggugulo kay Jeremy.”Sandaling naguluhan si Ryan ng marinig niya ang pakiusap ni Madeline. Ligtas na ang kanyang mga magulang pati si Jeremy. Halatang lam na niya ito, pero ngayon, mukhanh
Malumanay ang mga mata ni Ryan. Wala na ang dating mabangis at delikadong anino sa mga mata nito. Subalit, may kaunting takot pa rin si Madeline sa kanya. “Anong gusto mo?” Tinignan ni Ryan ang kanyang sugat na nakabalot ng gasa sa kanyang balikat at pagkatapos ay inunat niya ang kanyang kamay para subukang hawakan ang kamay ni Madeline, pero ang resulta ay tulad ng kanyang inaasahan. Iniwasan siya ni Madeline. “Anong binabalak mo?” Direktang tanong ni Madeline. Malungkot na ngumiti si Ryan. “Malalaman mo rin.” Dahan dahan tumayo si Ryan pagkatapos niyang magsalita. Habang nakatingin sa hindi mapalagay at nagtatakang mga mata ni Madeline, biglang seryosong nagsalita si Ryan, “Eveline, pagkatapos mong gawin ang kondisyon ko, ako mismo ang maghahatid sayo kay Jeremy.”Nanlaki ang mga magagandang mata ni Madeline. Halata naman na hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ni Ryan, pero alam niya na wala siyang magagawa. …Nang makalagpas sa crossroad ang sinasakyang taksi ni Jer
”Nasaan si Eveline? Hindi ba siya bumalik kasama mo?” Puno ng pangungulila ang mga mata ni Eloise. Sumimangot si Jeremy, at hindi siya mapakali. Tumingin siya kay Eloise at nangako, “Ibabalik ko kaagad si Eveline. Mom, Dad, huwag kayong mag-alala. Ibabalik ko ng ligtas si Eveline. Pagkatapos magsalita ni Jeremy, kaagad itong lumingon paalis. Balak niya talaga sanang tanungin si Old Master Whitman tungkol sa isang bagay, pero ngayon ay wala siyang oras para gawin ito. Alam niya na tama si Sean para pagalitan siya dahil si Ryan ay isang baliw. Wala nang ibang magagawa pa si Ryan ngayon at ang tanging pag-asa na lang niya para manalo ay ang gamitin si Madeline. Ginamit na lahat ni Jeremy ang kanyang mga koneksyon sa Glendale. Pagkalipas ng isang oras, nakahanap na rin siya ng impormasyon tungkol sa lokasyon nila Madeline at Ryan. Sa may isang kalye na nasisikatan ng araw, may hawak si Ryan na ice cream na may whip cream na toppings at binigay ito kay Madeline. Hindi ito gust
Tumaas ang kilay ni Madeline, ang ice cream na kinakain niya ay matabang na. Kahit na wala siya sa katinuan, nauunawaan pa rin niya ang sinasabi sa kanya. Sa sandaling yun, ang maamo at malumanay na mukha ni Old Master Whitman ay bigla na lang lumitaw sa isipan ni Madeline. “Kalokohan ang sinasabi mo. Hindi ganyang klase ng tao si lolo.” Ipinagtanggol ni Madeline si Old Master Whitman n walang alinlangan. “May ebidensya ako.” Malamig na sagot ni Ryan. Mukhang nagulat si Madeline. Natahimik siya at pagkatapos ay narinig niya na sinabi ni Ryan, “Matalik na magkaibigan noon ang lolo ko at ang lolo ni Jeremy. Pinagkatiwalaan ng husto ng lolo ko ang matandang yun masyado at yun ang dahilan kung bakit naging miserable ang pagkamatay niya.” May gusto pa sanang sabihin si Ryan, pero naramdaman niya na baka hindi na siya maunawaan ni Madeline. Napabuntong hininga siya at tumawa na para bang kausap niya ang kanyang sarili. Sa tingin ko ay naranasan mo na noon na pagtaksilan ka ng
“Linnie!”Nasupresa si Jeremy, at kumalma ang ninenerbiyos niyang puso. Nagsimula siyang maglakad patungo sa direksyon ni Madeline, pero sa sumunod na sandali, nakita niya si Ryan na nakatayo sa tabi ni Madeline. Bigla siyang nakaramdam ng matinding galit. Ang mga pulis at interpol agents na kasama niya ay kaagad ding napansin si Madeline. Nakilala din nila ang lalakeng nakasuot ng itim na damit at sumbrero ay si Ryan. “Oo, si Ryan Jones nga yan. Kailangan na nating kumilos, pero bago yun, kailangan nating masiguro ang kaligtasan ng hostage.” Nagsalubong ang mga kilay ni Jeremy dahil sa may inaalala din siya. “Masyado maraming mga turista dito. Kapag nagmadali tayong arestuhin siya ngayon dito, baka mataranta ang lahat ng tao dito ngayon at baka may madamay pa.” Kinonsidera niya ang mga pwedeng mangyari kapag inaresto nila ngayon si Ryan. Habang sa buong oras na ito, nakatuon lang ang kanyang tingin kay Madeline at hindi niya inalis ang tingin niya dito.Walang nakakaa
Ito rin ang sandali na may tumasik na mainit na likido sa mukha ni Madeline. Pagkatapos, ang kumikinam na pulang likido ay nagsimulang tumagas kung saan ang puso ni Ryan. Ang nakakatakot na pangyayari na ito ay makikita sa mga mata ni Madeline. Minulat ni Madeline ang kanyang mga magagandang mga mata sa gulat at hindi makapaniwala sa nangyari. Hindi inaasahan ni Ryan na may taong lihim na babaril sa kanya. Tumagos ang bala sa kanyang puso, sa isang iglap, alam na niya na katapusan na niya. Pero, mukhang meron pa rin siyang bagay na ayaw bitawan. Andun pa rin ang kanyang kagustuhan. Mahigpit na hinawakan ni Ryan ang kamay ni Madeline. Pagkatapos, nawalan ng kinam at pokus ang mga mata nito. Bago siya bumagsak, may binulong si Ryan kay Madeline. Nanlaki ang mga mata ni Madeline habang pinapanood na bumagsak si Ryan ng dahan dahan. Ang tanging bagay na nasa isipan niya ngayon ay ang madugong eksena na nakita niya at ang sinabi ni Ryan bago ito bumagsak. “Linnie!”Haban