“Linnie!”Nasupresa si Jeremy, at kumalma ang ninenerbiyos niyang puso. Nagsimula siyang maglakad patungo sa direksyon ni Madeline, pero sa sumunod na sandali, nakita niya si Ryan na nakatayo sa tabi ni Madeline. Bigla siyang nakaramdam ng matinding galit. Ang mga pulis at interpol agents na kasama niya ay kaagad ding napansin si Madeline. Nakilala din nila ang lalakeng nakasuot ng itim na damit at sumbrero ay si Ryan. “Oo, si Ryan Jones nga yan. Kailangan na nating kumilos, pero bago yun, kailangan nating masiguro ang kaligtasan ng hostage.” Nagsalubong ang mga kilay ni Jeremy dahil sa may inaalala din siya. “Masyado maraming mga turista dito. Kapag nagmadali tayong arestuhin siya ngayon dito, baka mataranta ang lahat ng tao dito ngayon at baka may madamay pa.” Kinonsidera niya ang mga pwedeng mangyari kapag inaresto nila ngayon si Ryan. Habang sa buong oras na ito, nakatuon lang ang kanyang tingin kay Madeline at hindi niya inalis ang tingin niya dito.Walang nakakaa
Ito rin ang sandali na may tumasik na mainit na likido sa mukha ni Madeline. Pagkatapos, ang kumikinam na pulang likido ay nagsimulang tumagas kung saan ang puso ni Ryan. Ang nakakatakot na pangyayari na ito ay makikita sa mga mata ni Madeline. Minulat ni Madeline ang kanyang mga magagandang mga mata sa gulat at hindi makapaniwala sa nangyari. Hindi inaasahan ni Ryan na may taong lihim na babaril sa kanya. Tumagos ang bala sa kanyang puso, sa isang iglap, alam na niya na katapusan na niya. Pero, mukhang meron pa rin siyang bagay na ayaw bitawan. Andun pa rin ang kanyang kagustuhan. Mahigpit na hinawakan ni Ryan ang kamay ni Madeline. Pagkatapos, nawalan ng kinam at pokus ang mga mata nito. Bago siya bumagsak, may binulong si Ryan kay Madeline. Nanlaki ang mga mata ni Madeline habang pinapanood na bumagsak si Ryan ng dahan dahan. Ang tanging bagay na nasa isipan niya ngayon ay ang madugong eksena na nakita niya at ang sinabi ni Ryan bago ito bumagsak. “Linnie!”Haban
Ang mga kasamahan niya na naghihintay sa may labas ng operating room ay ipinaalam sa kanya ang sitwasyon. “Tumama ang bala malapit sa kanyang puso at maraming dugo ang nawala sa kanya. Ikinakatakot ko na hindi maganda ang kanyang kondisyon.” Nagsalubong ang kilay nji Jeremy ng marinig niya ang balita. “Bakit niyo siya binaril? Kampante ako na kaya kong pakawalan ang asawa ko sa mga kamay ni Ryan.” “Nakita ng mga pulis na ang asawa mo at si Ryan ay mukhang nag-aaway at mukhang si Ryan ay tatangayin ang asawa mo. Para masiguro ang kaligtasan ng hostage at dahil sa wanted si Ryan, nagpaputok sila.”Walang sinabi is Jeremy nang marinig niya ang bagay na ito. Katunayan, naisip na niya ang bagay na ito. Hanada na siyang ipaliwanag kay Ryan ang tungkol sa nangyaring gulo sa pagitan ng kanilang mga lolo. Kapag nangyari yun, natural lang na papakawalan ni Ryan si Madeline. Pero, hindi niya inaasahan na babarilin ng mga pulis si Ryan. Si Ryan ay nasa loob pa rin ng emergency room at a
Nanggaling sa may pasilyo ang boses ng isang galit na lalake. Itinaas ni Jeremy ang kanyang tingin para makita ang mga taong sumugod at kaagad niyang naunawaan ang kanilang intensyon. Sinenyasan niya ang mga kasambahay na bumalik na sa kanilang mga ginagawa at sinabi ng malumanay, "Kung may oras kayo, dapat kayong pumunta sa ospital at hindi dito para ipakita ang mahihina niyong mga utak." "Ano? Jeremy, pinatay mo si Ryan at may lakas ka pa ng loob na magkunwari na parang wala kang kinalaman dito?! Jeremy, sasabihin ko sayo, hindi ko hahayaan na mamatay si Rye ng ganito ng walang ginagawa tungkol sa bagay na to!" Pagbabanta ni Mrs. Jones habang may luha sa mga mata nito, bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Galit na galit din si Mr. Jones. "Jeremy, kahit na pinatay nga ni Ryan ang babaeng nagngangalang Lana Johnson, amg mga pulis ang dapat na magkulong sa kanya! Sino ka para barilin si Rye ng ganun na lang? "May ugali ba ang mga Whitman na kastiguhin ang mga Jones? Hindi niy
Walang tigil na nagsisigaw sa galit si Mrs. Jones. Nang marinig niya ito, tumaas ang kilay ni Jeremy. Babalaan na niya sana ito, nang biglang hinimatay si Mrs. Jones sa sobrang sama ng loob. Pinigilan ni Jeremy ang kanyang galit bago naglakad sa isang tabi para tumawag. Pinatanggal niya ang lahat ng mga video na kumakalat sa internet at inasikaso ang lahat ng mga komento na patungkol kay Madeline. Pero, pagkatapos niyang asikasuhin ang mga ito, mas maraming opinyon ng publiko ang lumitaw sa internet. Sinasabi nila na nakokonsensya si Jeremy pagkatapos niyang patayin si Ryan, kaya gumastos siya ng malaking halaga para burahin ang lahat ng mga artikulo at video tungkol sa ginawa niya. Wala siyang pakialam sa mga opinyon ng mga netizen. Ginawa lang niya ito dahil ayaw niyang makita si Madeline na madamay sa bagay na ito. Pagkatapos mailipat si Ryan sa ICU, binisita siya ni Jeremy. Ang marangal na young master na kilala bilang isang mabait at mapagkumbabang tao ay isa na ng
Kaagad naramdaman ni Jeremy ang paggising ni Madeline. Pero, ng ibinaba niya ang kanyang tingin, nakita niya na puno ng takot at pagkalito ang mga mata ni Madeline. Tumingin siya sa kisame at napatulala, at pagkalipas ng ilang segundo, mukhang napagtanto ni Madeline na merong tao sa kanyang tabi. Nang makita niya na masyadong malapit si Jeremy sa kanya, hinablot niya ang kumot at kaagad na tumalon palayo. “Lumayo ka sa akin!” Nalungkot si Jeremy. At sa sandaling yun, pakiramdam niya ay nahulog siya sa ilalim ng isang malamig na lawa. Ganun pa man, nangyari na ang kanyang kinatatakutan. “Linnie, ako si Jeremy.” Paliwanag ni Jeremy. Pero, mukhang hindi siya pinapansin ni Madeline. Nagtago siya sa sulok ng kama na may natatarantang ekspresyon. Ang kanyang malaki, matalino, at magandang mga mata ay nakatingin lang at naguguluhan. Wala ito sa pokus. "Linnie, anong problema, Linnie? Si Jeremy to. Huwag kang matakot." Dahan dahang lumapit si Jeremy habang matiyagang nagpapal
Naramdaman niya na kinakabahan siya. "Linnie, wag kang magtakot. Hindi na ko mawawala sa paningin mo. Wag kang matakot, okay?" Saglit na napahinto si Madeline. Pagkatapos, tinaas na niya ang mukha niya at sinalubong ang malalambing na mga mata ni Jeremy na kasing malumanay ng simoy ng tagsibol. Mukhang mayroong lumitaw na kalinawan sa mga mata niya at bigla na lang, malinaw niyang nakilala ang lalaki sa kanyang harapan. "Jeremy? Ikaw ba si Jeremy?" "Oo, ako si Jeremy. Ako ang asawa mo, Eveline Montgomery." Positibong sumagot si Jeremy. Bahagyang kumunot ang noo ni Madeline na para bang nahihirapan siya. "Jeremy, hindi kita makilala, pero naaalala ko na si Jeremy ang pinakamamahal ko." Pakiramdam ni Jeremy ay parang tinusok ng karayom ang kanyang puso nang marinig niya ito. "Linnie…" "Bakit di ko makilala ang lalaking pinakamamahal ko? Jeremy, sisisihin mo ba ko rito?" "Ikaw talaga, bakit kita sisisihin?" Hinaplos ni Jeremy ang nag-aalalang mukha ni Madeline bago yumuko p
Napansin ni Jeremy na mayroong kakaiba kaya pinigilan niya ang kanyang sarili at lumingon sa kanyang likuran. Nakita niya si Madeline na nakatayo hindi malayo sa kanyang likuran nang may nagdududa ng tingin. Hindi niya alam kung kailan siya sumunod sa kanya. At saka, may posibilidad na narinig niya ang lahat ng tanong na sinabi ng mga mamamahayag na ito. Naipapaliwanag niyo kung bakit medyo kakaiba ang ekspresyon ni Madeline. “Linnie.”Lumiko si Jeremy at naglakad papunta sa kanya, pero sa sandaling ito, nilipat ng grupo ng mga mamamahayag ang kanilang kamera kay Madeline at nagsimulang magtanong. "Ms. Eveline, kasama mo ba si Ryan nang mabaril siya kagabi?" "Mrs. Whitman, ano ang relasyon sa pagitan ninyo ni Ryan?" "Ang dahilan kung bakit binaril ni Mr. Whitman sh Ryan ay dahil nagseselos siya na kasama mo si Ryan, tama?" Nagalit si Jeremy nang magtanong ang mga mamamahayag ng mga kalokohang tanong. Lumingon siya at tinignan sila nang may mga matang kasing talim ng kuts