Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1321 - Kabanata 1330

2479 Kabanata

Kabanata 1321

Parang nagmamakaawa pakinggan sin Jeremy nang yakapin niya ito nang mas mahigpit sa takot na mawawala uli siya, ngunit mukhang natakot si Madeline sa kanya at nagpumiglas ito gamit ng natitira nitong lakas. “Bitiwan mo ako, kailangan kong hintayin si Jeremy! Papunta na siya para sunduin ako!” Nadurog ang puso ni Jeremy. Ang mata niya ay namumula nang maluha siya. Tapos itinaas niya ang natatarantang mukha ni Madeline. “Linnie, ako si Jeremy! Nandito ako para sunduin ka.” Huminto si Madeline at itinaas ang kanyang bukod-tangi at magagandang mata para tignan ang malambing at maamong mata ni Jeremy. Tinignan niya ulit si Jeremy nang maigi na parang may siusuri siya. Nang makitang di na masyadong nagwawala si Madeline, hinaplos ni Jeremy nang marahan ang pisngi nito. “Linnie, tignan mo nang maigi. Ako ang pinakamamahal mo, si Jeremy.” “Jeremy…” “Oo Linnie, ako ito,” Sumagot si Jeremy nang di nag-iisip. Kung kailan akala na niyang nagugustuhan na siya ni Madeline, kasunod ni
Magbasa pa

Kabanata 1322

Nagmamadali ang lalaki, ngunit nang makita niyang talagang di siya pinapansin ni Madeline at walang balak na magbigay-daan, nagmamadali niyang iniliko ang kanyang motorsiklo. Nabangga niya ang isang puno sa harap niya at bumagsak sa sahig. Huminto si Madeline nang makita niyang may biglang bumagsak sa harap niya. Sumigaw sa sakit ang lalaki at itinaas ang tingin nito para makita si Madeline na nakatayo sa harapan niya. Tapos ibinuka niya ang kanyang bibig patra magmura nang walang-tigil. “Di mo ba ako narinig noong sinabi kong tumabi ka? Maganda ka pero bulag o bingi ka ba? Dahil sa’yo natumba ako!” “Sino sa tingin mo ang kinakausap mo? Sabihin mo yan ulit kung matapang ka!” Lumapit si Jeremy para hilahin si Madeline sa likod niya. Nang tignan niya ang lalaki gamit ng malamig at nakakatakot niyang mata, nanginig ang lalaki. Yumuko siya at hinawakan ang damit ng lalaki. Tapos galit siyang nagbanta, “Umaandar ka sa salungat na direksyon ng sidewalk tapos may kapal ka pa ng mukh
Magbasa pa

Kabanata 1323.

Bumagal si Jeremy dahil sa salitang ito. Ang tagal na mula noong narinig niya ang pangalang ito, at naantig siya nang marinig ito. Ang alaalang parang nabaon sa alikabok nang lumipas ang panahon ay muling bumuklat sa harapan niya. Natukoy ni Jeremy na naiisip rin siguro ni Madeline ang alaala nila sa dagat noon. Ngumiti siya at biglang nagkaroon siya ng kagustuhang asarin si Madeline. “Ang Jez ba na tinutukoy mo ay isang napakahalagang tao para sa’yo?” Sadyang itinanong ni Jeremy nang nagtataka. Tumigil si Madeline sa pagbabalik-tanaw at sumagot nang seryoso nang walang alinlangan, ”Syempre importante siya.” “Gaano kaimportante?” Nang sasagot na si Madeline, bigla siyang sumagot nang naiinis, “Bakit ko naman sasabihin sa’yo?” “...” Walang masabi ngayon si Jeremy. Sa katotohanan, alam niya ang sagot sa puso niya matagal na. ‘Linnie, sisiguraduhin kong unti-unti mong maaalala na ako ang Jez na napakahalaga sa’yo,” Nangako si Jeremy nang tahimik. Sa sandaling iyon, nar
Magbasa pa

Kabanata 1324

Siya ang lalaking pinaghintay siya nang sobrang tagal hanggang sa nagawa ni Ryan na pahirapan siya hanggang sa nagkaganito siya. “Bukas. Bukas, ibabalik kita para hintayin si Jeremy.” Sinuyo niya ito nang wala na siyang magawa. Kinabukasan, dadalhin niya ito pabalik ng Glendale. Kahit anong mangyari ito ang Y Country. Ang lugar na ito ay di kasing kumportable kumpara sa pinagmulan niya. Nagn sumapit agn gabi, nagluto ng masarap na hapunan si Jeremy. Natuwa si Madeline sa pagkain. Hindi siya nito tinanggihan nang sobra gaya noong una at handang kumain ng hipon na binalatan ni Jeremy para sa kanya. Higit pa rito, may maliit at eleganteng ngiti sa mukha nito. Sa isang saglit, nakaramdam din ng tuwa si Jeremy sa kasalukuyang kalagayan niya. Napakaraming sakit at paghihirap na ang dinanas niya. Kaunti lang ang masasayang araw niya. Tapos bigla niyang hinilang na sana kaya niyang maging walang bahala tulad ng ngayon. Hiniling niya na sana magawa nitong mabuhay nang walang pro
Magbasa pa

Kabanata 1325

Akala ni Jeremy nagkamali siya ng dinig, ngunit di nagtagal, narinig niyang tinatawag siya ulit ni Madeline. "Nandyan ka ba?" Tanong nito. Wala nang tunog ng tubig mula sa loob, kaya malinaw ang boses nito. "Sabi mo magbabantay ka sa pinto, pero ngayon di ka man lang sumasagot kapag tinatawag kita, sinungaling." Narinig ni Jeremy ang reklamo ni Madeline. Di niya alam na matutuwa siya nang sobra kahit matapos siyang matawag na sinungaling. Hindi na nag-alinlangan pa si Jeremy. Binuksan niya muli ang pinto ng banyo at pumasok sa loob. Tapos nang maligo si Madeline at nakasuot ng isang maluwag na bathrobe habang nakaupo sa dulo ng bathtub. May natitira pang hamog na hindi pa naglalaho sa banyo. Sa ilalim ng hamog, ang mapulang mukha ni Madeline ay natakpan ng patak ng tubig na mukhang isang malinis na lotus nang makita ito ni Jeremy. Magsisinungaling si Jeremy kung sasabihin niyang di siya naantig, ngunit wala siyang magawa kundi tiisin ito sa sandaling ito. Nang makitan
Magbasa pa

Kabanata 1326

Ang kanyang nakakaakit na boses ay dumaan sa tenga ni Madeline na parang isang hangin sa tag-init.Hindi kumikibo si Madeline sa kanyang kinatatayuan na para bang napasailalim sa hipnotismo habang pinapanood ang makisig na lalake na papalapit. Hinalikan ni Jeremy sa labi si Madeline, at tulad ng kanyang inaasahan, hindi siya iniwasan ni Madeline. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Jeremy. Hinawakan niya sa bewang si Madeline at muli itong hinalikan. Habang nakadilat, hinayaan ni Madeline si Jeremy na gawin ang gusto nito at hindi nagpakita ng anumang senyales ng panlalaban. Medyo natuwa si Jeremy dahil sa sumusunod sa kanya si Madeline. May nararamdaman siya. Baka hindi naaalala ni Madeline kung anong klase ng tao si Jeremy, pero may nararamdaman pa rin si Madeline para sa kanya. Kaya, hindi ito nanlaban sa kanya hindi tulad nung nakaraan. Humiga si Jeremy habang yakap-yakap si Madeline. Hinila niya ang sinturon ng bathrobe ni Madeline, pero bigla nito ito hinila palayo
Magbasa pa

Kabanata 1327

Ang unang pumasok sa isipan ni Jeremy ay hawakan ng mahigpit ang kamay ni Madeline. Akala niya ay si Ryan ito, pero sumigla siya ng makita niya kung sino ang pumasok sa loob ng kanyang apartment.Walang pakialam si Madeline kung sino ito dahil sa kinakabahan siya habang hawak ang kamay ni Jeremy, namumugto ang mga mata nito at naluluha. “Nasaan ang phone mo? Ibigay mo sa akin. Tatawag ako ng ambulansya!” Aligaga siyang naghalungkat sa bulsa ni Jeremy. “Hindi na kailangan na tumawag ng ambulansya. Magiging ayos lang siya.” Naglakad papalapit si Adam kay Jeremy dala ang kanyang medical kit. Napansin na rin ni Madeline na may pumasok. Tinignan niya si Adam at bahagya itong nagulat. Ibinaba ni Adam ang kanyang medical kit at lumuhod sa harap ni Jeremy. Tinignan niya ang kondisyon ni Jeremy bago mabilis na naglabas ng siringhilya at ang gamot bago niya tinurukan si Jeremy ng gamot. At muli, naramdaman ni Jeremy ang pamilyar na lamig na gumagapang sa buo niyang katawan. Pagka
Magbasa pa

Kabanata 1328

”Kung isa itong sikreto, paano ko masasabi ito sa ibang tao ng ganung kadali?” Mukhang ayaw sabihin ni Adam ang buong detalye, pero hindi rin niya ito tinatago. Tinitigan niya ang mga mata ni Jeremy at sinabi, “Jeremy, kapag sinabi ko sayo na hindi ako ang gumawa ng slow-acting poison na ito, maniniwala ka ba?” Kung noon, hindi maniniwala si Jeremy sa kanya.Ngayon, sumagot siya ng walang alinlangan, “Oo.” May kinam ang mga mata ni Adam ng marinig niya ang sagot ni Jeremy, at nabalot ng lungkot ang kanyang mukha. “Alam mo ba kung bakit ko gusto maging doktor?” Nag-isip muna ng malalim si Jeremy bago sumagot, “May kinalaman to sa mga magulang mo, tama?” Hindi nagulat si Adam na may ganung spekulasyon si Jeremy. “Mukhang tinignan mo na ang aking pinag,ulan.”“Tinignan ko na ang tungkol sayo at kay Ryan.” Pag-amin ni Jeremy. Bahagyang ngumiti si Adam. Tumingin siya sa baba, at ang kanyang mga mata ay natago sa anino ng kanyang salamin kaya hindi makita ang ekspresyon nito.
Magbasa pa

Kabanata 1329

Nagulat si Sean ng panandalian bago malamig na tumawa. “Sinasabi mko ba na ginamit ka lang ni Lana? Hmph, hindi nito mabubura ang katotohanan na ikaw ang nagsimula ng sunog! Nakalimutan mo na ba kung gaano ka kamasunurin kay Lana? Hindi mo nga tinitignan si Eveline!” Galit si Sean. Matapos ang araw na yun, hindi kayang patawarin ni Sean si Jeremy dahil sa ginawa nito kay Madeline noon. “Iniisip ni Eveline patay ka na at umiiyak tuwing gabi. Bilang kanyang ama, alam ko ito!“Nagpakahirap siya na dalhin ang abta para sayo, pero ano ang ginawa mo? Hindi ba sumakit ang dibdib mo nung hinayaan mo ang baliw na babae na yun na galitin si Eveline kaya napaaga ang kanyang panganganak kay Pudding ng walang tulong?” Napakunot ang noo ni Jeremy. ‘Paano ako hindi masasaktan?’Nang makita niya itong duguan at nahihirapan, nalaman niya kung gaano kahalaga si Madeline sa kanya. Nabubulagan lang siya nung mga panahon na yun dahil sa mga pekeng alaala na binigay sa kanya ni Lana. “Jeremy,
Magbasa pa

Kabanata 1330

Nagulat si Karen pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Madeline. “Eveline, ano… Anong sinasabi mo? Ito sila Jack at Lillian. Anong problema? Hindi mo ba sila nakikilala?” Tanong niya dahil sa hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Nalipat ang kanyang tingin mula sa nalilitong mukha ni Madeline papunta kay Jeremy. "Jeremy, Eveline..."May nangangambang simangot ang mukah ni Jeremy. “Binaliw siya ni Ryan.”“Ano?!” Nagulat at nagalit si Karen. “Anong ginawa ni Ryan kay Eveline? Paano niya binaliw si Eveline?” Lalong lumalim ang simangot ni Jeremy. Pero, dahil sa takot na baka sumama ang loob ni Madeline, wala siyang binanggit at sinabi kay Karen na mamaya na lang magtanong. Inutusan ni si Jackson na dalhin si Lillian sa hardin para maglaro habang dinala niya si Madeline sa kanilang kwarto. Nang nakapasok si MAdeline sa kwarto nila ni Jeremy, ang pamilyar na mga kagamitan sa loob ay hindi pamilyar para sa kanya. Pero, mukhang interesado si Madeline sa mga gamit ng kwarto. P
Magbasa pa
PREV
1
...
131132133134135
...
248
DMCA.com Protection Status