Ang unang pumasok sa isipan ni Jeremy ay hawakan ng mahigpit ang kamay ni Madeline. Akala niya ay si Ryan ito, pero sumigla siya ng makita niya kung sino ang pumasok sa loob ng kanyang apartment.Walang pakialam si Madeline kung sino ito dahil sa kinakabahan siya habang hawak ang kamay ni Jeremy, namumugto ang mga mata nito at naluluha. “Nasaan ang phone mo? Ibigay mo sa akin. Tatawag ako ng ambulansya!” Aligaga siyang naghalungkat sa bulsa ni Jeremy. “Hindi na kailangan na tumawag ng ambulansya. Magiging ayos lang siya.” Naglakad papalapit si Adam kay Jeremy dala ang kanyang medical kit. Napansin na rin ni Madeline na may pumasok. Tinignan niya si Adam at bahagya itong nagulat. Ibinaba ni Adam ang kanyang medical kit at lumuhod sa harap ni Jeremy. Tinignan niya ang kondisyon ni Jeremy bago mabilis na naglabas ng siringhilya at ang gamot bago niya tinurukan si Jeremy ng gamot. At muli, naramdaman ni Jeremy ang pamilyar na lamig na gumagapang sa buo niyang katawan. Pagka
”Kung isa itong sikreto, paano ko masasabi ito sa ibang tao ng ganung kadali?” Mukhang ayaw sabihin ni Adam ang buong detalye, pero hindi rin niya ito tinatago. Tinitigan niya ang mga mata ni Jeremy at sinabi, “Jeremy, kapag sinabi ko sayo na hindi ako ang gumawa ng slow-acting poison na ito, maniniwala ka ba?” Kung noon, hindi maniniwala si Jeremy sa kanya.Ngayon, sumagot siya ng walang alinlangan, “Oo.” May kinam ang mga mata ni Adam ng marinig niya ang sagot ni Jeremy, at nabalot ng lungkot ang kanyang mukha. “Alam mo ba kung bakit ko gusto maging doktor?” Nag-isip muna ng malalim si Jeremy bago sumagot, “May kinalaman to sa mga magulang mo, tama?” Hindi nagulat si Adam na may ganung spekulasyon si Jeremy. “Mukhang tinignan mo na ang aking pinag,ulan.”“Tinignan ko na ang tungkol sayo at kay Ryan.” Pag-amin ni Jeremy. Bahagyang ngumiti si Adam. Tumingin siya sa baba, at ang kanyang mga mata ay natago sa anino ng kanyang salamin kaya hindi makita ang ekspresyon nito.
Nagulat si Sean ng panandalian bago malamig na tumawa. “Sinasabi mko ba na ginamit ka lang ni Lana? Hmph, hindi nito mabubura ang katotohanan na ikaw ang nagsimula ng sunog! Nakalimutan mo na ba kung gaano ka kamasunurin kay Lana? Hindi mo nga tinitignan si Eveline!” Galit si Sean. Matapos ang araw na yun, hindi kayang patawarin ni Sean si Jeremy dahil sa ginawa nito kay Madeline noon. “Iniisip ni Eveline patay ka na at umiiyak tuwing gabi. Bilang kanyang ama, alam ko ito!“Nagpakahirap siya na dalhin ang abta para sayo, pero ano ang ginawa mo? Hindi ba sumakit ang dibdib mo nung hinayaan mo ang baliw na babae na yun na galitin si Eveline kaya napaaga ang kanyang panganganak kay Pudding ng walang tulong?” Napakunot ang noo ni Jeremy. ‘Paano ako hindi masasaktan?’Nang makita niya itong duguan at nahihirapan, nalaman niya kung gaano kahalaga si Madeline sa kanya. Nabubulagan lang siya nung mga panahon na yun dahil sa mga pekeng alaala na binigay sa kanya ni Lana. “Jeremy,
Nagulat si Karen pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Madeline. “Eveline, ano… Anong sinasabi mo? Ito sila Jack at Lillian. Anong problema? Hindi mo ba sila nakikilala?” Tanong niya dahil sa hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Nalipat ang kanyang tingin mula sa nalilitong mukha ni Madeline papunta kay Jeremy. "Jeremy, Eveline..."May nangangambang simangot ang mukah ni Jeremy. “Binaliw siya ni Ryan.”“Ano?!” Nagulat at nagalit si Karen. “Anong ginawa ni Ryan kay Eveline? Paano niya binaliw si Eveline?” Lalong lumalim ang simangot ni Jeremy. Pero, dahil sa takot na baka sumama ang loob ni Madeline, wala siyang binanggit at sinabi kay Karen na mamaya na lang magtanong. Inutusan ni si Jackson na dalhin si Lillian sa hardin para maglaro habang dinala niya si Madeline sa kanilang kwarto. Nang nakapasok si MAdeline sa kwarto nila ni Jeremy, ang pamilyar na mga kagamitan sa loob ay hindi pamilyar para sa kanya. Pero, mukhang interesado si Madeline sa mga gamit ng kwarto. P
Nagtataka si Old Master Whitman kung bakit biglang tinanong ni Karen ang tungkol dito. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Saan mo narinig ang tungkol dito?” Sa inis, sinabi ni Karen kay Old Master Whitman na kakabalik lang niya mula sa Jones Manor, “Ang Jones family ay hindi makatwiran. Tignan niyo ang nangyari kay Eveline. ang lakas ng loob nilang sabihin na nararapat lang sa atin ang nangyari?!” “Dapat lang sa atin ang nangyari? Sinabi ba talaga yan ng Jones family?” Dumilim ang mukha ni Old Master Whitman. Halatang hindi siya nasisiyahan.Tumango si Karen. “Paano ko magagawang biro ang bagay na to? Maraming tao ang nasa labas ng kanilang bahay at narinig nila ang lahat ng yun.” Kumunot ang noo ni Old Master Whitman ng marinig niya ito. Magsasalita na sana siya ng biglang narinig nila ang boses ni Jeremy. “Kung ganun, hindi magtatagal at kakalat sa buong media online ang istoryang to.”“Jeremy.” Kaagad na tumayo si Karen at lumapit kay Jeremy, puno ng kalituha
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Madeline ng marinig niya ito. Kinakabahan siyang nagtanong, “Mawawala ka na ba?”Ang pait sa puso ni Jeremy ay nawala dahil sa tamis na naramdaman niya ng makita niya kung paano nag-alala ito, pero hindi nagtagal, pakiramdam niya ay sumosobra na siya. ‘Bakit ko siya pinapapili? hindi ba’t lalo ko lang siya pinapahirapan?’ Binigyan ni Jeremy si Madeline ng isang nakakapampalubag ng loob na sagot, “Hindi. Palagi lang ako na nasa tabi mo.”Binitawan ni Madeline ang kanyang kamay ng makahinga ito ng maluwag, at ng may ngiti sa mga labi, pumunta siya sa malapit na restroom para baguhin ang kanyang itsura. Malapit ng matapos ang tag-init. Hindi gaanong karami ang tao sa may beach. Nakatayo si Madeline sa may kotse ng mag-isa, nakatingin sa kulay asul na karagatan. Maraming magagandang imahe ang pumasok sa kanyang isipan. Pero, habang nakatingin siya, ang magadan niyang mga mata ay may nahagip na isang imahe na nagpanginig sa kanyang katawa
Sinigurado muna ni Jeremy na ligtas si Madeline bago umalis para hulihin si Ryan. Kapag nahuli si Ryan dun lang hindi na matatakot si Madeline a gagaling na ito sa isang maayos at ligtas na paligid. Inilabas ni Madeline ang kanyang ulo sa labas ng bintana at tinignan ang likod ni Jeremy habang tumatakbo ito. May bahid ng pangamba ang mga mata nito. “Umalis nanaman si Jeremy,” malungkot niyang binulong. Muling nabalot ng takot at pangamba ang kanyang magadang mukha. Ng maisip niya ang sinabi sa kanya ni Jeremy kanina, tahimik na umupo sa loob ng kotse si Madeline. Pero, malaks ang tibok ng kanyang puso. Ang paglitaw ni Ryan kanina ay gumulat sa kanya. Sa kabilang banda, patuloy na minamatyagan ni Ryan sila Madeline at Jeremy. Sinundan niya ang mga ito pabalik ng Glendale sa parehong araw na lumipad ang mga ito pabalik. alam niya na ang pulis at IBCI ay tinutugis siya, pero hindi hahayaan ang sarili niya na mahuli hangga’t hindi niya nagagawa ang kanyang layunin. Pagkat
Pagkatapos nun, tinigil na ni Ryan ang mayabang niyang tawa at kaagad na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Naglabas siya ng isang baril na hinanda niya at mabilis na pinaputok ito kay Jeremy bago lumingon para tumakbo. Pero, hindi hahayaan ni Jeremy na makatakas si Ryan sa kanyang mga kamay uli. Inangat niya ang kanyang binti at iniwasan ang bala sa tulong ng isang magkapatong na mga kahon sa malapit. At sa mga oras na yun, kaagad siyang tumalon. Ang malamig niyang katawan ay kaagad na nakalapit sa katawan ni Ryan sa isang lundag lang. Umatras si Ryan, nabalot ng gulat ang kanyang mukha. Hinawakan niya muli ang kanyang baril, at sinubukan na magpaputok uli kay Jeremy.Pero, mabilis na kumilos si Jeremy. Bigla niyang hinablot ang nahawakan ang baril mula sa kamay ni Ryan. Kinontra niya si Ryan at itinutok ang baril dito. Habang nakatutoko ang baril sa kanya, napatulala si Ryan. Hindi ikya inaasahan na mangyayari ito. Tinitigan ni Jeremy si Ryan ng walang emosyon h