All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 1301 - Chapter 1310

2479 Chapters

Kabanata 1301

Di mapigilan ni Ryan na matawa sa reaksyon ni Madeline. "Akala mo ba papatayin kita?" Ngumiti siya. "Paano ako magkakaroon ng lakas ng loob na saktan ka?" Diba ginawa na niya yun? Tingin ni Madeline nakakatawa ang sinasabi ni Ryan. Mula pa noong una sinasaktan na siya nito. Tinapik ulit ito ni Ryan, at naging maamo ang kanyang tono nang sabihin niya, "Bumalik ka dito at umupo." Tinignan ni Madeline ang gunting na hawak ni Ryan. Wala siyang magawa kundi ang sumunod. Lumapit sa kanya si Ryan nang umupo siya. Sinimulan nitong padaanin ang daliri nito sa kanyang basang buhok. “Matagal mo nang nakasama si Jeremy. Sigurado akong mahal na mahal ka ng lalaking yun sa kung gaano siya kahandang ibuwis ang kanyang buhay para sa’yo.” Di maintindihan ni Madeline kung anong ipinapahiwatig ni Ryan, pero nararamdaman niya ang daliri nitong humahaplos sa hibla ng buhok niya. Nandiri siya nang sobra. Gusto niyang tumakas ngunit ang magagawa lang niya ay itikom ang kanyang kamao at pil
Read more

Kabanata 1302

“Jeremy.” Maamo ang tono ni Old Master Whitman na parang di niya alam kung anong nangyari nitong nakaraan. “Bakit tinatawagan mo ako sa halip na gamitin ang oras para samahan si Eveline at ang mga bata na maglaro?” Di man lang maprotektahan ni Jeremy ang asawa niya ngayon lalo na ang ilabas ang asawa at anak niya para maglaro. May gusto akong itanong Grandpa.” Pinigilan ni Jeremy ang kanyang damdamin at nanatiling kalmado ang kanyang tono. Nang walang alinlangan, nagtanong si Old Master Whitman nang maamo, “Anong gusto mong itanong sa akin?” “Tungkol ito sa Jones family.” Huminto si Old Master Whitman sa kabilang linya. “Ang Jones family? Isa sa apat na pinakamayamang pamilya sa Glendale, yung Jones family na yun?” “Oo,” Kinumpirma ni Jeremy. “May nangyari ba sa pagitan nating mga Whitman at Jones family noon? Kilala mo ba ang elder nila na yumao nitong nakaraang 15 taon?” Napahinto saglit si Old Master Whitman. Nagtaka si Jeremy sa reaksyon nito. “Grandpa?” “Sabihin
Read more

Kabanata 1303

Nang makapagpasya siya, hinanap ni Madeline si Ryan. Walang bahalang nakaupo sa bakuran ang lalaki habang may hawak na libro at isang tasa ng kape. Dumapo sa likod niya ang sikat ng araw at naglagay ng mainit na kulay sa kanyang makinis at gwapong mukha. Sa likod ng maamo at gwapong mukha niya ay ibang tao, isang taong nakakakilabot. Itinikom ni Madeline ang kanyang kamay at lumapit. Nakita siya ni Ryan at itinaas ang tingin nito sa kanya nang interesado. Ang maliit at makinis na mukha ni Madeline ay nakikita sa kanyang titig. Mukhang masaya ang lalaki sa nagawa niya nang makita niya ang preskong bob cut nito. “Anong maitutulong ko? O siguro, nakapag desisyon ka na?” Isinara ni Ryan ang libro nang magkaroon ng kampanteng ngiti sa mukha ng lalaki. Lumapit sa kanya si Madeline. Nang maharap ang lalaki sa harapan niya, nagulat siya na magkaroon ng pagkabahala sa kanyang dibdib. “Ryan.” “Hmm?” Tamad na sumagot ang lalaki nang dumaan sa mukha ni Madeline ang mata nito. “
Read more

Kabanata 1304

Subalit, di nagdadalawang-isip si Ryan na gumamit ng karumal-dumal na paraan!” Sinubukan ni Madeline na kumawala sa pagkakahawak ni Ryan, ngunit sobrang lakas ng lalaki at pakiramdam niya mababali na ang kanyang buto. Habang pwersahan siyang pinapasunod sa likod nito, ang kanyang sapatos ay nalaglag sa gitna ng magulo niyang hakbang. Sumabog ang galit ni Ryan. Di na ito ang maamo at maginoong lalaking nakilala niya. Hinila nito si Madeline sa storage room ng villa kung saan sari-saring bagay ang nakalagay. Dahil di ito nasisinagan ng araw, amoy luma ang kwarto. Idiniin ni Ryan si Madeline sa pader at hinawakan siya sa balikat, pinilit siyang harapin ang galit nitong mukha. “Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Dapat ba pahirapan kita? Sasabihin ko sa’yo, Eveline Montgomery, di kita mahal tulad ng inaakala mo. Di lalambot ang puso ko dahil sa’yo!” Itinikom ni Madeline ang kanyang labi at ngumiti nang sarkastiko. “Ano ngayon kung mahal mo ako o hindi? Pahirapan mo ako kung gusto mo
Read more

Kabanata 1305

Hinayaan ni Madeline na takutin siya ni Ryan nang manatiling di natitinag ang kanyang titig. “Patayin mo na ako. Mas gusto ko nang mamatay kung di ko na makikita si Jeremy. Wala namang pinagakaiba ang dalawa.” Ngumiti siya nang may pait. Nabawasan na ni Ryan ang tapang niya nitong nakaraan, kaya wala na siyang lakas para pumalag. Di matanggap ni Ryan na nanggagaling ang ganitong mga salita sa bibig ni Madeline sa sandaling ito. “Bakit mo ba ako pinipilit Eveline? Bakit ba kailangan mo akong pilitin?” Nabalot ng nakakakilabot at pangit na mukha ang gwapong mukha ni Ryan. Idiniin niya si Madeline sa malamig na sahig at sinunggaban siya na parang isang nakawalang tigre at pinunit nang walang awa ang kanyang damit. “Layo!” Nagpumiglas si Madeline nang buong-lakas. Ngunit di makagalaw ang kamay ni Madeline sa pagkakahawak ni Ryan at isang kamay nito ay pinepwersa ang mukha ni Madeline na harapin ang manipis nitong labi nang yumuko ito para halikan siya. Lumingon si Madeline
Read more

Kabanata 1306

Tinitigan ni Ryan si Madeline saglit nang naiinis bago biglang sumigaw sa katulong, “Dalhin niyo si Dr. Brown dito, dali!” Sumunod ang katulong tapos natataranta nitong hinanap si Adam na kasalukuyang nasa underground lab. Pagpasok sa kwarto, nasalubong ni Adam si Madeline na dumudugo mula sa kamay at binti nito nang umupo siya sa sulok ng kama. May malaking mantsa ng dugo sa kama. Ang makita ito ay nakakakilabot. “Bendahan mo ang sugat niya.” Idiniin ni Ryan ang kanyang kamay sa kanyang noo at umalis ng kwarto nang mukhang napapagod. Kaagad na inabot ni Adam ang kanyang medical kit at kumunot ang kanyang noo nang titigan niya si Madeline na pagod ang isipan. “Sinabihan na kitang wag kang magpadalos-dalos diba?” Sadyang binabaan ni Adam ang kanyang boses at tinignan ang pinto mula sa sulok ng kanyang mata. “Bakit ba di niyo kayang tumigil ng asawa mo sa pagiging matigas ang ulo?” Lumipat ang tingin ni Madeline nang tignan niya ang walang bahalang mukha ni Adam. Di niya ala
Read more

Kabanata 1307

Napuno ng pagkabahala ang puso ni Jeremy nang makita niya ang masamang ngiti ni Ryan sa kanyang phone screen. Natutukoy niya na kung anuman ang gustong sabihin sa kanya ni Ryan sa video call ay may kinalaman kay Madeline. “Anong ginawa mo kay Linnie, Ryan?” Nahulaan ito ni Jeremy at nanatiling kalmado. Mabagsik siyang nagtanong ngunit tumawa lang ang lalaki. Tapos inilipat ni Ryan ang camera sa sahig. “Magsalita ka Ryan!” Nainis si Jeremy. Pinanood ni Ryan ang reaksyon ni Jeremy nang natutuwa. Habang lalong naiinis si Jeremy, lalo siyang natutuwa. Di pinansin ni Ryan si Jeremy at lumapit sa kwartong tinuluyan ni Madeline. Tapos tinutok niya ang camera sa duguang kama. Pakiramdam ni Jeremy na parang pinupunit ang puso niya nang makita ang dugo. Ang kulay ng kanyang mata ay naging kakulay na din nito. “Nakikita mo ba yan Jeremy Whitman? Di ba mukhang napakaganda ng matingkad na pula sa kama?” Ininis ni Ryan si Jeremy. “Ang dugong ito ay nanggaling sa pinakamamahal mong ba
Read more

Kabanata 1308

Bumalik si Jeremy sa lamesa at nagpatuloy na panoorin ang mga surveillance footage, ngunit napansin niyang hindi siya makapokus. Paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang imahe ni Madeline na naiipit sa isang sulok at pumapalag kay Ryan nang buong-lakas. Lagi siyang nasusugatan at duguan bago pa siya pakawalan ni Ryan. "Linnie." Lumapit si Jeremy sa bintana nang nababahala nang malamatan niya ang sahig sa inis niya. Lumabas siya ng bahay at huminto kung saan ipinakita ng surveillance footage ang huling pinuntahan ni Ryan. Susuriin na ni Jeremy ang lugar nang bigla siyang makatanggap ng isang mensahe mula sa hindi kilala: [Makakaasa ka na ayos pa ang kalagayan niya ngayon.] Walang duda na ang taong tinutukoy sa text ay si Madeline. Unti-unting kumalma ang nagwawalang tibok ng puso ni Jeremy. Gayunpaman, nagtataka siya kung sino ang nagpadala sa kanya ng text. Ito rin ba ang taong tumulong sa kanya at nagdala sa kanya sa ospital mula sa warehouse? … Nanatiling nakakul
Read more

Kabanata 1309

Nang marinig ang boses na pinapangarap niya bawat sandali ng bawat araw, tinignan ni Madeline ang phone sa kamay ni Ryan. Nanlaki sa gulat ang mata niya nang subukan niyang hanapin ang pinagmulan ng boses ni Jeremy. Ngunit itinalikod ni Ryan ang phone at ang nakita lang ni Madeline ay ang likod ng phone. “Ikaw ba yan Jeremy? “Boses mo ba yan?’ Bumangon si Madeline at lumapit para tumingin, ngunit hinawakan siya ni Ryan sa braso bago pa siya makalapit. Hinila siya nito palapit sa kanya. Tumalikod si Madeline kaya ang likod niya ay nakadiin sa dibdib nito. Tapos hinawakan nito ang panga niya at pwinersa siyang tumitig sa phone screen. Nagpumiglas sa takot si Madeline sa pagkakahawak ni Ryan, ngunit biglang naaninag niya ang mukha ni Jeremy. “Jeremy…” “Linnie!” Narinig nang malakas ang boses ni Jeremy sa tainga ni Madeline. Tinitigan ni Madeline ang natatarantang lalaki. Pakiramdam niya umiinit ang sulok ng kanyang mga mata. Alam niya kung bakit mukhang mababaliw na si
Read more

Kabanata 1310

Ibinuhos ni Madeline ang kanyang lakas para iwasan ito, ngunit di niya magawa dahil isang araw na siyang di kumakain. Higit pa rito, nakatanggap din siya ng sari-saring pagpapahirap mula kay Ryan. “Alis!” Sumigaw si Madeline ngunit hawak ni Ryan ang likod ng ulo niya para di siya makatakas. Nahalikan ni Ryan sa pisngi si Madeline sa huli. Parang natusok ng isang libong palaso ang puso ni Jeremy nang madurog ito. Natatakpan ng buhok ni Madeline ang kanyang mukha habang nagpupumiglas siya, ngunit di nito napigilan si Jeremy na makitang umiiyaka ng pinakamamahal niya. “Masakit diba Jeremy? Kung ayaw mong magdusa pa si Eveline, edi ilipat mo ang lahat ng stocks ng Whitman Corporation sa pangalan ko at ipaalam mo sa publiko na bankrupt na ang Whitman Corporation.”Puno ng bangis ang mata ni Ryan nang mag-utos siya. Ang luhaang mukha ni Madeline ay tumingala habang nakatitig dito. “Wag kang makinig sa kanya Jeremy! Di niya ako pakakawalan kahit tuparin mo pa ang lahat ng hiling
Read more
PREV
1
...
129130131132133
...
248
DMCA.com Protection Status