Napuno ng pagkabahala ang puso ni Jeremy nang makita niya ang masamang ngiti ni Ryan sa kanyang phone screen. Natutukoy niya na kung anuman ang gustong sabihin sa kanya ni Ryan sa video call ay may kinalaman kay Madeline. “Anong ginawa mo kay Linnie, Ryan?” Nahulaan ito ni Jeremy at nanatiling kalmado. Mabagsik siyang nagtanong ngunit tumawa lang ang lalaki. Tapos inilipat ni Ryan ang camera sa sahig. “Magsalita ka Ryan!” Nainis si Jeremy. Pinanood ni Ryan ang reaksyon ni Jeremy nang natutuwa. Habang lalong naiinis si Jeremy, lalo siyang natutuwa. Di pinansin ni Ryan si Jeremy at lumapit sa kwartong tinuluyan ni Madeline. Tapos tinutok niya ang camera sa duguang kama. Pakiramdam ni Jeremy na parang pinupunit ang puso niya nang makita ang dugo. Ang kulay ng kanyang mata ay naging kakulay na din nito. “Nakikita mo ba yan Jeremy Whitman? Di ba mukhang napakaganda ng matingkad na pula sa kama?” Ininis ni Ryan si Jeremy. “Ang dugong ito ay nanggaling sa pinakamamahal mong ba
Bumalik si Jeremy sa lamesa at nagpatuloy na panoorin ang mga surveillance footage, ngunit napansin niyang hindi siya makapokus. Paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang imahe ni Madeline na naiipit sa isang sulok at pumapalag kay Ryan nang buong-lakas. Lagi siyang nasusugatan at duguan bago pa siya pakawalan ni Ryan. "Linnie." Lumapit si Jeremy sa bintana nang nababahala nang malamatan niya ang sahig sa inis niya. Lumabas siya ng bahay at huminto kung saan ipinakita ng surveillance footage ang huling pinuntahan ni Ryan. Susuriin na ni Jeremy ang lugar nang bigla siyang makatanggap ng isang mensahe mula sa hindi kilala: [Makakaasa ka na ayos pa ang kalagayan niya ngayon.] Walang duda na ang taong tinutukoy sa text ay si Madeline. Unti-unting kumalma ang nagwawalang tibok ng puso ni Jeremy. Gayunpaman, nagtataka siya kung sino ang nagpadala sa kanya ng text. Ito rin ba ang taong tumulong sa kanya at nagdala sa kanya sa ospital mula sa warehouse? … Nanatiling nakakul
Nang marinig ang boses na pinapangarap niya bawat sandali ng bawat araw, tinignan ni Madeline ang phone sa kamay ni Ryan. Nanlaki sa gulat ang mata niya nang subukan niyang hanapin ang pinagmulan ng boses ni Jeremy. Ngunit itinalikod ni Ryan ang phone at ang nakita lang ni Madeline ay ang likod ng phone. “Ikaw ba yan Jeremy? “Boses mo ba yan?’ Bumangon si Madeline at lumapit para tumingin, ngunit hinawakan siya ni Ryan sa braso bago pa siya makalapit. Hinila siya nito palapit sa kanya. Tumalikod si Madeline kaya ang likod niya ay nakadiin sa dibdib nito. Tapos hinawakan nito ang panga niya at pwinersa siyang tumitig sa phone screen. Nagpumiglas sa takot si Madeline sa pagkakahawak ni Ryan, ngunit biglang naaninag niya ang mukha ni Jeremy. “Jeremy…” “Linnie!” Narinig nang malakas ang boses ni Jeremy sa tainga ni Madeline. Tinitigan ni Madeline ang natatarantang lalaki. Pakiramdam niya umiinit ang sulok ng kanyang mga mata. Alam niya kung bakit mukhang mababaliw na si
Ibinuhos ni Madeline ang kanyang lakas para iwasan ito, ngunit di niya magawa dahil isang araw na siyang di kumakain. Higit pa rito, nakatanggap din siya ng sari-saring pagpapahirap mula kay Ryan. “Alis!” Sumigaw si Madeline ngunit hawak ni Ryan ang likod ng ulo niya para di siya makatakas. Nahalikan ni Ryan sa pisngi si Madeline sa huli. Parang natusok ng isang libong palaso ang puso ni Jeremy nang madurog ito. Natatakpan ng buhok ni Madeline ang kanyang mukha habang nagpupumiglas siya, ngunit di nito napigilan si Jeremy na makitang umiiyaka ng pinakamamahal niya. “Masakit diba Jeremy? Kung ayaw mong magdusa pa si Eveline, edi ilipat mo ang lahat ng stocks ng Whitman Corporation sa pangalan ko at ipaalam mo sa publiko na bankrupt na ang Whitman Corporation.”Puno ng bangis ang mata ni Ryan nang mag-utos siya. Ang luhaang mukha ni Madeline ay tumingala habang nakatitig dito. “Wag kang makinig sa kanya Jeremy! Di niya ako pakakawalan kahit tuparin mo pa ang lahat ng hiling
NIlamig ang katawan ni Jeremy sa sinabi ni Madeline. Pinanood niya ang gumegewang na camera nang idiin ni Madeline ang matalas na dulo ng clip sa kanyang pulso. Di malubhang sandata ang clip pero binubuhos ni Madeline ang buong lakas niya. Isang pulang linya ang kaagad na gumuhit sa kanyang braso nang magsimulang tumulo ang pula sa sugat nang nakakatakot. “Linnie!” Sumigaw si Jeremy nang nalulungkot nang kumalat sa kanyang katawan ang sakit na parang binabalatan siya nang buhay. Alam niya na malamang napahirapan na nang sobra si Madeline sa puntong wala na siyang pag-asa dahil kung hindi, hindi niya gagawin ang ganyang bagay. Nabigla si Ryan sa ikinilos ni Madeline. Tinitigan niya nang tuliro si Madeline nang tumigil ang babae. Sumakit ang puso niya, ngunit kasabay nito, nagkaroon ng galit sa kanyang mata. “Bakit? Bakit ba di ko mapantayan si Jeremy?” Tulad ng isang manika, nakakaawang tignan si Madeline na may magulong buhok at damit. Ngunit ang mata niya ay malinaw
Pinanood ni Jeremy si Adam na itinurok ang syringe kay Madeline. Ang kasunod na sandali ay parang isang siglo para sa kanya. Nanatiling walang malay si Madeline sa buong oras. Dahil wala siyang magawa kundi manood, nagsimulang mawalan ng malay si Jeremy. Pakiramdam niya na ang di malilimutang sakit ay kumakalat na naman sa katawan niya. “Nasa panganib ba ang buhay niya?” Nagtanong si Ryan. Hinihintay din ni Jeremy ang sagot na ito. Pinanood niya si Adam na nakaupo sa sahig. Sinimulan nitong itabi ang kanyang medical kit bago siya magsimulang magsalita, “Ayos lang ang kanyang major arteries. Kung hindi wala na akong magagawa.” Itinapat ni Ryan ang camera sa kanyang sarili. “Narinig mo siya diba Jeremy? Sundin mo ang mga sinasabi ko kanina o di mo na muling makikita si Eveline.” Tapos ibinaba ni Ryan ang tawag. Nang makitang nagbago ang screen, kaagad na lumabas sa isipan ni Ryan ang impormasyong nakita niya kanina lang. Tumalikod siya nang natataranta nang walang ali
Nagbago ang mukha ni Ryan at isang bugso ng damdamin ang lumitaw sa mata ni Madeline nang mabanggit ang pangalan ni Jeremy. “Paano nahanap ni Jeremy ang daan papunta dito?” Tanong nin Ryan at inututsan ang dalawang katulong, “Bantayan niyo ang Madam at manatili kayo sa loob.” Tumango sila nang magmadaling umalis si Ryan. naglakad siya patungo sa kama para bantayan si Madeline. Tinignan ni Adam nang nagtataka ang balisang mukha ni Madeline bago ito tumalikod para umalis. Bumalik si Ryan sa study at pinindot ang isang software sa computer na ipinakita sa kanya ang maraming mga kotse na bumabyahe papasok ng villa. Pinalaki niya ang footage at nakita niya nang malinaw ang mukha ni Jeremy. Masyadong gwapo ang mukha ni Jeremy para maging ibang tao. “Paano niya nalaman kung nasaan tayo?” Mukhang naguguluhan at naiinis si Adam. “Ano nang gagawin natin?” “Ang katotohanang natunton niya tayo ay nangangahulugang dumating siya nang handa. Ilayo mo si Eveline at ang magulang niya. A
Nagbago ang mukha ni Madeline na parang may naisip siya. “Mom, Dad..” Kinurap niya ang kanyang nakakaakit at madamdaming mata, tapos nagsalubong ang kanyang kilay. Seryoso niyang inudyok si Ryan, “Pakiusap tulungan mo akong ipaalam kay Jeremy na babalik ako matapos makipagkita sa mga magulang ko. Pag hinanap niya ako, sabihin mo sa kanya…” “...” Nang marinig ang sinabi ni Madeline, sabay na nagulantang si Ryan at Adam. Umupo nang diretso si Madeline nang parang sinapian, at sinabi sa driver, “Pakiandar na ang kotse. Pag maaga tayong umalis, makakauwi tayo nang maaga. Kailangan ko pang bumalik dito at hintayin si Jeremy. Sabi niya susunduin niya ako.” Nalaman na ni Ryan kung anong kakaiba kay Madeline. Tinignan niya ang walang kupas na ganda nito nang di makapaniwala, habang kumukunot ang kanyang kilay. “Alagaan mo siya at wag mong hayaang may mangyari sa kanya,” Iniutos ni Ryan. Tumango si Adam para ipahayag ang kanyang pag-unawa, tapos itinaas niya ang bintana ng kotse.
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si