Nang marinig ang boses na pinapangarap niya bawat sandali ng bawat araw, tinignan ni Madeline ang phone sa kamay ni Ryan. Nanlaki sa gulat ang mata niya nang subukan niyang hanapin ang pinagmulan ng boses ni Jeremy. Ngunit itinalikod ni Ryan ang phone at ang nakita lang ni Madeline ay ang likod ng phone. “Ikaw ba yan Jeremy? “Boses mo ba yan?’ Bumangon si Madeline at lumapit para tumingin, ngunit hinawakan siya ni Ryan sa braso bago pa siya makalapit. Hinila siya nito palapit sa kanya. Tumalikod si Madeline kaya ang likod niya ay nakadiin sa dibdib nito. Tapos hinawakan nito ang panga niya at pwinersa siyang tumitig sa phone screen. Nagpumiglas sa takot si Madeline sa pagkakahawak ni Ryan, ngunit biglang naaninag niya ang mukha ni Jeremy. “Jeremy…” “Linnie!” Narinig nang malakas ang boses ni Jeremy sa tainga ni Madeline. Tinitigan ni Madeline ang natatarantang lalaki. Pakiramdam niya umiinit ang sulok ng kanyang mga mata. Alam niya kung bakit mukhang mababaliw na si
Ibinuhos ni Madeline ang kanyang lakas para iwasan ito, ngunit di niya magawa dahil isang araw na siyang di kumakain. Higit pa rito, nakatanggap din siya ng sari-saring pagpapahirap mula kay Ryan. “Alis!” Sumigaw si Madeline ngunit hawak ni Ryan ang likod ng ulo niya para di siya makatakas. Nahalikan ni Ryan sa pisngi si Madeline sa huli. Parang natusok ng isang libong palaso ang puso ni Jeremy nang madurog ito. Natatakpan ng buhok ni Madeline ang kanyang mukha habang nagpupumiglas siya, ngunit di nito napigilan si Jeremy na makitang umiiyaka ng pinakamamahal niya. “Masakit diba Jeremy? Kung ayaw mong magdusa pa si Eveline, edi ilipat mo ang lahat ng stocks ng Whitman Corporation sa pangalan ko at ipaalam mo sa publiko na bankrupt na ang Whitman Corporation.”Puno ng bangis ang mata ni Ryan nang mag-utos siya. Ang luhaang mukha ni Madeline ay tumingala habang nakatitig dito. “Wag kang makinig sa kanya Jeremy! Di niya ako pakakawalan kahit tuparin mo pa ang lahat ng hiling
NIlamig ang katawan ni Jeremy sa sinabi ni Madeline. Pinanood niya ang gumegewang na camera nang idiin ni Madeline ang matalas na dulo ng clip sa kanyang pulso. Di malubhang sandata ang clip pero binubuhos ni Madeline ang buong lakas niya. Isang pulang linya ang kaagad na gumuhit sa kanyang braso nang magsimulang tumulo ang pula sa sugat nang nakakatakot. “Linnie!” Sumigaw si Jeremy nang nalulungkot nang kumalat sa kanyang katawan ang sakit na parang binabalatan siya nang buhay. Alam niya na malamang napahirapan na nang sobra si Madeline sa puntong wala na siyang pag-asa dahil kung hindi, hindi niya gagawin ang ganyang bagay. Nabigla si Ryan sa ikinilos ni Madeline. Tinitigan niya nang tuliro si Madeline nang tumigil ang babae. Sumakit ang puso niya, ngunit kasabay nito, nagkaroon ng galit sa kanyang mata. “Bakit? Bakit ba di ko mapantayan si Jeremy?” Tulad ng isang manika, nakakaawang tignan si Madeline na may magulong buhok at damit. Ngunit ang mata niya ay malinaw
Pinanood ni Jeremy si Adam na itinurok ang syringe kay Madeline. Ang kasunod na sandali ay parang isang siglo para sa kanya. Nanatiling walang malay si Madeline sa buong oras. Dahil wala siyang magawa kundi manood, nagsimulang mawalan ng malay si Jeremy. Pakiramdam niya na ang di malilimutang sakit ay kumakalat na naman sa katawan niya. “Nasa panganib ba ang buhay niya?” Nagtanong si Ryan. Hinihintay din ni Jeremy ang sagot na ito. Pinanood niya si Adam na nakaupo sa sahig. Sinimulan nitong itabi ang kanyang medical kit bago siya magsimulang magsalita, “Ayos lang ang kanyang major arteries. Kung hindi wala na akong magagawa.” Itinapat ni Ryan ang camera sa kanyang sarili. “Narinig mo siya diba Jeremy? Sundin mo ang mga sinasabi ko kanina o di mo na muling makikita si Eveline.” Tapos ibinaba ni Ryan ang tawag. Nang makitang nagbago ang screen, kaagad na lumabas sa isipan ni Ryan ang impormasyong nakita niya kanina lang. Tumalikod siya nang natataranta nang walang ali
Nagbago ang mukha ni Ryan at isang bugso ng damdamin ang lumitaw sa mata ni Madeline nang mabanggit ang pangalan ni Jeremy. “Paano nahanap ni Jeremy ang daan papunta dito?” Tanong nin Ryan at inututsan ang dalawang katulong, “Bantayan niyo ang Madam at manatili kayo sa loob.” Tumango sila nang magmadaling umalis si Ryan. naglakad siya patungo sa kama para bantayan si Madeline. Tinignan ni Adam nang nagtataka ang balisang mukha ni Madeline bago ito tumalikod para umalis. Bumalik si Ryan sa study at pinindot ang isang software sa computer na ipinakita sa kanya ang maraming mga kotse na bumabyahe papasok ng villa. Pinalaki niya ang footage at nakita niya nang malinaw ang mukha ni Jeremy. Masyadong gwapo ang mukha ni Jeremy para maging ibang tao. “Paano niya nalaman kung nasaan tayo?” Mukhang naguguluhan at naiinis si Adam. “Ano nang gagawin natin?” “Ang katotohanang natunton niya tayo ay nangangahulugang dumating siya nang handa. Ilayo mo si Eveline at ang magulang niya. A
Nagbago ang mukha ni Madeline na parang may naisip siya. “Mom, Dad..” Kinurap niya ang kanyang nakakaakit at madamdaming mata, tapos nagsalubong ang kanyang kilay. Seryoso niyang inudyok si Ryan, “Pakiusap tulungan mo akong ipaalam kay Jeremy na babalik ako matapos makipagkita sa mga magulang ko. Pag hinanap niya ako, sabihin mo sa kanya…” “...” Nang marinig ang sinabi ni Madeline, sabay na nagulantang si Ryan at Adam. Umupo nang diretso si Madeline nang parang sinapian, at sinabi sa driver, “Pakiandar na ang kotse. Pag maaga tayong umalis, makakauwi tayo nang maaga. Kailangan ko pang bumalik dito at hintayin si Jeremy. Sabi niya susunduin niya ako.” Nalaman na ni Ryan kung anong kakaiba kay Madeline. Tinignan niya ang walang kupas na ganda nito nang di makapaniwala, habang kumukunot ang kanyang kilay. “Alagaan mo siya at wag mong hayaang may mangyari sa kanya,” Iniutos ni Ryan. Tumango si Adam para ipahayag ang kanyang pag-unawa, tapos itinaas niya ang bintana ng kotse.
Pamilyar na pamilyar kay Ryan ang boses na ito. Lumagpas sa mga tao sa harapan niya ang tingin ni Ryan at dumapo sa isang lalaking dahan-dahang lumalapit sa kanya. Di lang ito basta isang tao. Ito ang taong pinaka pinagkakatiwalaan niya nitong nakaraan—si Adam. Medyo nagulat si Jeremy nang makita niya si Adam ngunit di rin siya masyadong nagulat. Nalaman na niya ang halos lahat nang papunta siya dito. Ang misteryosong lalaking nagbigay ng first aid sa kanya, nagdala sa kanya sa ospital, at nagpadala ng mensahe sa kanya ay si Adam. Tinignan ni Ryan si Adam na dahan-dahang lumalapit sa kanya, ang mayabang na ngiti sa kanyang mukha ay naglalaho. “Bakit ka nandito?” Malamig ang mukha ni Ryan. Sa katotohanan, gusto niyang itanong kay Adam kung bakit niya sinabi ang mga salitang ito kanina. Ngumiti nang kalmado si Adam, itinaas ang madilim niyang mata sa likod ng salamin. “Sa tingin mo saan ako pupunta?” Tanong ni Adam nang nakangiti. “Tingin mo ba susundin ko ang utos mo
Hinawakan niya ang braso ni Ryan at itinulak ito palayo bago ayusin ang kwelyo ng kanyang puting coat. “Ryan, ang tungkulin ng isang doktor ay magligtas ng tao.” Nagulat si Ryan sa sagot ni Adam at nagwala ito. “Anong sinasabi mo Adam?” Ngunit nanatiling kalmado si Adam. Ngunit ang kanyang mata ay naiinis. “Ayaw kitang ibuking sa oras na ito, ngunit ang pinakamasamang ginawa mo ay manakit ng ibang tao nang paulit-ulit sa harapan ng isang doktor.” “Ano?” Tumawa nang sarkastiko si Ryan. “Kaya sinabi mo kay Jeremy na nandito ako?” “Oo,” Harapang umamin si Adam. “Di ko lang sinabi sa kanya ang tungkol sa lugar na ito, iniligtas ko rin siya matapos mo siyang puruhan at dinala sa ospital. Noong pinagbantaan mo siya gamit ni Eveline, sinabi ko sa kanya na magiging ayos lang ito.” Sinabi ni Adam sa kanya ang lahat ng ginawa nito. Ang lahat ng ito ay eksakto sa naiisip ni Jeremy. Talagang si Adam Brown ang misteryosong lalaking tumutulong sa kanya! Ngunit nagulantang nang sobr