Tinignan niya si Adam na nakatayo sa iisang pwesto. Sa sandaling ito, di niya mapakawalan ang taong nagtatago sa loob ng kanyang puso. Gusto niyang magtanong ngunit nang tumingin siya sa mata ni Adam, pakiramdam niya hindi na kailangan. “Kapag tumanggi pa siya ulit na magpaaresto, barilin niyo na siya nang direkta!” Narinig ni Jeremy ang ganitong utos mula sa mga kasamahan niya. Hindi na niya pinatagal pa at kaagad na sinimulang tugisin si Ryan kasama nilang lahat. Ngunit mukhang inasahan ni Ryan na magnyayari ang ganitong bagay matagal na. Sumakay siya sa kanyang motorsiklo na nakaparada sa garahe at humarurot. Isa sa mga agent ng Interpol ang nagoaoutok kay Ryan na tumatakas sa motorsiklo. Kahit na di nito tinamaan sa delikadong bahagi si Ryan, tumama sa braso niya ang bala at napuruhan siya. “Habulin niyo siya!” Iniutos ng pinuno. Bago siya umalis, nalungkot siya para kay Jeremy nang makita niya ang nag-aalalang mukha ni Jeremy. “Jeremy, alam kong nag-aalala ka ngayo
Pinakalma ni Jeremy ang kanyang sarili at dinala niya si Madeline palabas ng kotse. Nang ilabas niya si Madeline, nakita ni Jeremy ang isa pang lalaking nakahiga sa driver’s seat. Mukhang siya ang driver. Di siya interesadong malaman ang kalagayan ng tao. Puno ng pagkabahalas i Jeremy nang tignan niya si Madeline na tulog pa rin. “Adam, anong nangyari kay Linnie? Di mo sinabi sa akin ang lahat sa kotse kanina.” “Di mo kailangang mag-alala masyado. Tulog lang siya sa ngayon. Binigay ko sa kanila ang lahat ng injection kasama na ang driver. Kung hindi, paano ko nagawang bumalik kaagad?” Nagpaliwanag si Adam, “Iuwi mo muna si Eveline sa kung saan kayo nakatira. Tumawag na ako ng pulis at may darating na para arestuhin ang driver ni Ryan na ito.”Nang sabihin niya ito, inilabas niya ang isang business card at itinabi ito sa bulsa ng jacket ni Jeremy. “Ito ang aking contact information. Kapag may tanong ka pa, pwede mo akong tawagan ulit. Kailangan kong bumalik at asikasuhin ang
Subalit, nang yakapin ni Jeremy si Madeline, nagpumiglas ito at itinulak siya palayo. Nagmamadali nitong ibinalik ang binti nito sa kama at hinila pataas ang kumot para ibalot ito sa kanyang sarili. Napuno ng takot ang mata ni Madeline nang hawakan niya nang mahigpit ang braso niya habang binubulong sa kanyang sarili, “Wag kang lalapit. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, makikinig ako sa’yo. Wag mo akong pwersahin…” Tinitigan ni Jeremy si Madeline na mukhang natatakot. Nang pakinggan niya ang sinasabi nito sa sandaling ito, unti-unti niyang naunawaan kung bakit ganito ang reaksyon ni Madeline. Dahil sa pinahirapan siya nang sobra ni Ryan kaya siya nagkaganito. Itinikom ni Jeremy ang kanyang kamao. Nagkaroon ng bagyo sa kanyang mata. Di nagtagal, ang dilim at lamig sa kanyang mata ay naglaho para sa kapakanan ni Madeline, naiwan lamang ay ang lambing na parang ang simoy ng hangin sa tagsibol.“Linnie,” tinawag nang marahan ni Jeremy si Madeline bago itaas ang kanyang kamay para
Sinuri ni Adam ang kalagayan ni Madeline bago sabihing, “Mukhang mas lumala ang kalagayan niya kaysa noong una. Di nito maaalis ang posibilidad na makakalimutan ka niya nang tuluyan.” Tumikom ang manipis na labi ni Jeremy. Pinipigil niya ang kanyang galit na halos umapaw na. “Si Ryan ba ang dahilan kung bakit nagkaganito siya? Anong ginawa ng baliw na yun kay Linnie?” Ihinampas ni Jeremy ang kamao niya sa lamesa. Pinipigilan na niya ang kanyang damdamin, ngunit di na niya kayang manatiling kalmado. Dahil ang pananaw niya ay pang tigalabas, mas kalmado si Adam kay Jeremy. Pagkatapos itong pag-isipan, sinabi na niya dito ang masaklap na katotohanan. “Maraming beses siyang nasugatan sa mga oras na ito, at ang lahat ng ito ay kagagawan ni Ryan. “Akala ni Ryan na masyadong malakas at matigas ang ulo ni Eveline. Ang inaasahan niya ay susundin siya nang lubusan ni Madeline at kakapit ito sa kanya, kaya gustong sirain ni Ryan ang kanyang tapang. “Ang pamamaraan niya ay ang pilitin
Parang nagmamakaawa pakinggan sin Jeremy nang yakapin niya ito nang mas mahigpit sa takot na mawawala uli siya, ngunit mukhang natakot si Madeline sa kanya at nagpumiglas ito gamit ng natitira nitong lakas. “Bitiwan mo ako, kailangan kong hintayin si Jeremy! Papunta na siya para sunduin ako!” Nadurog ang puso ni Jeremy. Ang mata niya ay namumula nang maluha siya. Tapos itinaas niya ang natatarantang mukha ni Madeline. “Linnie, ako si Jeremy! Nandito ako para sunduin ka.” Huminto si Madeline at itinaas ang kanyang bukod-tangi at magagandang mata para tignan ang malambing at maamong mata ni Jeremy. Tinignan niya ulit si Jeremy nang maigi na parang may siusuri siya. Nang makitang di na masyadong nagwawala si Madeline, hinaplos ni Jeremy nang marahan ang pisngi nito. “Linnie, tignan mo nang maigi. Ako ang pinakamamahal mo, si Jeremy.” “Jeremy…” “Oo Linnie, ako ito,” Sumagot si Jeremy nang di nag-iisip. Kung kailan akala na niyang nagugustuhan na siya ni Madeline, kasunod ni
Nagmamadali ang lalaki, ngunit nang makita niyang talagang di siya pinapansin ni Madeline at walang balak na magbigay-daan, nagmamadali niyang iniliko ang kanyang motorsiklo. Nabangga niya ang isang puno sa harap niya at bumagsak sa sahig. Huminto si Madeline nang makita niyang may biglang bumagsak sa harap niya. Sumigaw sa sakit ang lalaki at itinaas ang tingin nito para makita si Madeline na nakatayo sa harapan niya. Tapos ibinuka niya ang kanyang bibig patra magmura nang walang-tigil. “Di mo ba ako narinig noong sinabi kong tumabi ka? Maganda ka pero bulag o bingi ka ba? Dahil sa’yo natumba ako!” “Sino sa tingin mo ang kinakausap mo? Sabihin mo yan ulit kung matapang ka!” Lumapit si Jeremy para hilahin si Madeline sa likod niya. Nang tignan niya ang lalaki gamit ng malamig at nakakatakot niyang mata, nanginig ang lalaki. Yumuko siya at hinawakan ang damit ng lalaki. Tapos galit siyang nagbanta, “Umaandar ka sa salungat na direksyon ng sidewalk tapos may kapal ka pa ng mukh
Bumagal si Jeremy dahil sa salitang ito. Ang tagal na mula noong narinig niya ang pangalang ito, at naantig siya nang marinig ito. Ang alaalang parang nabaon sa alikabok nang lumipas ang panahon ay muling bumuklat sa harapan niya. Natukoy ni Jeremy na naiisip rin siguro ni Madeline ang alaala nila sa dagat noon. Ngumiti siya at biglang nagkaroon siya ng kagustuhang asarin si Madeline. “Ang Jez ba na tinutukoy mo ay isang napakahalagang tao para sa’yo?” Sadyang itinanong ni Jeremy nang nagtataka. Tumigil si Madeline sa pagbabalik-tanaw at sumagot nang seryoso nang walang alinlangan, ”Syempre importante siya.” “Gaano kaimportante?” Nang sasagot na si Madeline, bigla siyang sumagot nang naiinis, “Bakit ko naman sasabihin sa’yo?” “...” Walang masabi ngayon si Jeremy. Sa katotohanan, alam niya ang sagot sa puso niya matagal na. ‘Linnie, sisiguraduhin kong unti-unti mong maaalala na ako ang Jez na napakahalaga sa’yo,” Nangako si Jeremy nang tahimik. Sa sandaling iyon, nar
Siya ang lalaking pinaghintay siya nang sobrang tagal hanggang sa nagawa ni Ryan na pahirapan siya hanggang sa nagkaganito siya. “Bukas. Bukas, ibabalik kita para hintayin si Jeremy.” Sinuyo niya ito nang wala na siyang magawa. Kinabukasan, dadalhin niya ito pabalik ng Glendale. Kahit anong mangyari ito ang Y Country. Ang lugar na ito ay di kasing kumportable kumpara sa pinagmulan niya. Nagn sumapit agn gabi, nagluto ng masarap na hapunan si Jeremy. Natuwa si Madeline sa pagkain. Hindi siya nito tinanggihan nang sobra gaya noong una at handang kumain ng hipon na binalatan ni Jeremy para sa kanya. Higit pa rito, may maliit at eleganteng ngiti sa mukha nito. Sa isang saglit, nakaramdam din ng tuwa si Jeremy sa kasalukuyang kalagayan niya. Napakaraming sakit at paghihirap na ang dinanas niya. Kaunti lang ang masasayang araw niya. Tapos bigla niyang hinilang na sana kaya niyang maging walang bahala tulad ng ngayon. Hiniling niya na sana magawa nitong mabuhay nang walang pro