Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Kabanata 1361 - Kabanata 1370

Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1361 - Kabanata 1370

2479 Kabanata

Kabanata 1361

Nang makita niya ang eksenang ito ay napahinto si Madeline. Lumitaw na naman sa kanyang mga mata ang pagbaril kay Ryan at ang pagtumba niya sa kanyang harapan. Ang init ng dugong tumalsik sa kanyang mukha ay para bang nakakapaso sa kanyang pisngi. Naramdaman ni Jeremy ang biglaang pagbaba ng temperatura sa kamay na nasa kanyang palad. Naging napakalamig nito. "Linnie, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Jeremy. Nahimasmasan si Madeline pagkatapos niyang marinig ang kanyang boses. Marahan siyang umiling. "Ayos lang ako. Bigla ko lang naaalala ang gabing yun. Sabi niya ay kailangan niya kong dalhin sa malayo, pero gusto ko lang bumalik sa'yo tapos––" “Eveline Montgomery!”Bago makatapos si Madeline, biglang sumugod si Mrs. Jones sa kanya nang may namumulang mga mata at sinubukang kaladkarin si Madeline. Hinila ni Jeremy si Madeline sa kanyang yakap para protektahan siya. Mayroong matalim na kinang sa kanyang mga mata. Hindi nahablot ni Mrs. Jones si Madeline at naga
Magbasa pa

Kabanata 1362

Pagkatapos niya itong sabihin, lahat ay napatingin kay Madeline. Kasabay nito ay nabigla rin si Madeline. Pinunasan ni Mrs. Jones ang mga luha sa kanyang mukha at nagmadaling nagtanong, "Nurse, kumusta na ang anak ko? Magigising pa ba siya?" "Masyadong seryoso ang mga sugat niya at delikado pa rin ang buhay niya sa ngayon. At saka mukhang wala siyang kagustuhang mabuhay. Binabanggit niya lang ang pangalang Eveline paminsan-minsan."Tumingin ang nars kay Madeline habang sinabi niya ito. "Siya ba ang Eveline na binabanggit ng pasyente?" Tumango si Madeline. "Ako nga." "Kaibigan ka ba ng pasyente? Napakahina ng kagustuhan niyang mabuhay, pero mukhang hindi ka niya mapakawalan. Hindi ko alam kung gusto mong pumasok at tulungan siya––" "Nagkakamali ba kayo? Nagkaganito ang anak ko nang dahil sa babaeng to. Bakit gusto pa rin niya siyang makita?" Hindi matanggap ni Mrs. Jones ang katotohanang ito. Nang marinig ito ng nars, tinignan niya si Mrs. Jones sa gulat. "Madam, tungkol
Magbasa pa

Kabanata 1363

Tumingin rin sina Madeline at Jeremy at nakita nilang bumuntong hininga ang doktor. "Ginawa namin ang lahat ng magagawa namin, pero walang kagustuhang mabuhay ang pasyente. Kailangan ninyong ihanda ang mga sarili ninyo." Nang marinig nila ito, sina Mr. at Mrs. Jones ay parehong nawalan ng sigla. Lumingon si Madeline sa ICU. Inisip niya ang mga salitang sinabi sa kanya ni Ryan bago tumumba at ang sinserong tingin sa kanyang mga mata sa oras na iyon. ‘Ryan. 'Hindi mo pa napagbabayaran ang mga ginawa mo. Talaga bang susukuan mo na ang lahat pati ang buhay mo nang ganito?'“Eveline!”Napahinto ang mga iniisip ni Madeline sa emosyonal na sigaw ni Mrs. Jones. Lumingon siya at nakita niya si Mrs. Jones na nagmamadaling sumusugod sa kanya. Inisip niya na pagbubuntunan siya ng galit ni Mrs. Jones at magpapatuloy na murahin at pagalitan siya, pero hindi niya inasahan na sa sandaling lumapit sa kanya si Mrs. Jones ay mayroong nagmamakaawang ekspresyon sa kanyang mukha. "Eveline, p
Magbasa pa

Kabanata 1364

Sinabi ng doktor na nagawa na ang lahat ng kailangang gawin para gamutin si Ryan, pero masyadong mahina ang kanyang kagustuhang mabuhay. Karamihan ay gugustuhing mabuhay, pero para bang naghihintay siya sa kanyang kamatayan. Pero, parang ang tanging bagay na hindi niya mabitawan ay si Madeline dahil paulit-ulit niyang tinatawag ang kanyang pangalan. "Siguro ikaw lang ang natatangi niyang pagsisisi na hindi niya mabitawan sa kanyang puso," sabi ng nars. Pagkatapos makinig nang tahimik ay naglakad si Madeline oaoaunta sa tabi ng kama. Kasing putla ng niyebe ang mukha ni Ryan habang mahina ang kanyang paghinga. Nakasuot sa kanyang katawan ang ilang tubo para panatilihin ang kanyang namamatay na katawan. Para bang hihinto ang mga tunog mula sa electrocardiogram kahit na anong oras. Nilapitan siya ni Madeline, at sa sandaling makalapit siya sa kama, narinig niya si Ryan na nagsabing, "Eveline." Kagaya ng inaasahan, hindi niya siya mabitawan. "Ryan," tawag sa kanya ni Madel
Magbasa pa

Kabanata 1365

Emosyonal si Mrs. Jones. Iniunat niya ang kanyang kamay para hilahin muli si Madeline, pero sa pagkakataong ito, hindi binigyan ni Jeremy ng tiyansa si Mrs. Jones na mahawakan si Madeline. Hinila niya si Madeline sa kanyang mga braso at hinarap si Mrs. Jones nang may malamig na ekspresyon. "Bakit? Sinusubukan mo bang abandonahin ang taong tumulong sa'yo pagkatapos mong makuha ang kailangan mo? Magsalita ka nang maayos," malamig niyang sabi. Medyo natatakot si Mrs. Jones kay Jeremy at hindi siya nagtangkang magsalita. Pero, nagsimula siyang tanungin muli si Madeline pagkatapos makita ang emergency sa ICU. "Eveline, ang tagal mo roon sa loob. Anong sinabi mo kay Rye? Sinadya mo bang magsabi kay Rye ng isang bagay na ayaw niyang marinig at kaya mas lumala ang kalagayan niya ngayon? Kung hindi, bakit nagmamadaling nagbibigay ng first aid ang mga doktor kay Rye?" "Eveline, hindi ko inasahan na ganito ka pala kasama!" Sumunod rin si Mr. Jones at pumuna. Mahal na mahal ni Jeremy a
Magbasa pa

Kabanata 1366

Hindi gusto ni Jeremy na manatili si Madeline sa isang lugar na kagaya nito. At saka sobra siyang nagalit sa ugali nina Mr. at Mrs. Jones. Nang makita ni Mrs. Jones na aalis na sina Madeline at Jeremy, malamig siyang tumingin saka ika at sumigaw kay Madeline habang hindi tinatanggap ang nangyari kanina, "Eveline, wag mong isiping pasasalamatan kita paggisising ni Rye!" Huminto si Jeremy sa kanyang paglalakad. Halatang hindi siya natutuwa pero pinigilan siya ni Madeline. "Jeremy, wag na." Kalmado si Madeline. Bahagya niyang nilingon ang kanyang mukha at ang kanyang magagandang mga mata ay tumingin kina Mr. at Mrs. Jones. "Sa tingin mo inaasahan ko ang pasasalamat ninyo? Ginagawa ko lang ang gusto kong gawin." Pagkatapos niyang sabihin iyon, hinawakan niya ang braso ni Jeremy at tinignan ang lalaki na puno ng inis. Kasunod nito ay ngumiti siya sa kanya. Lumambot ang tingin ni Jeremy. Hindi na niya gustong makipagtalo kina Mr. at Mrs. Jones. Kung kaya't hinwakan niya ang kam
Magbasa pa

Kabanata 1367

Anong sinabi niya sa kanya?Naalala ni Madeline ang nangyari sa ICU kanina. Nagpakita si Madeline ng isang pambihirang tusong ngiti pagkatapos niyang makita ang interes sa kaakit-akit na mga mata ni Jeremy. "Jeremy, gustong-gusto mo bang malaman kung anong sinabi ko kay Ryan?" Tumango si Jeremy at parang nagseselos siya nang sumunod siyang magsalita, "Gusto kong malaman kung paanong binigyan ng lakas ng asawa ko ang lalaking nagdala ng kapahamakan sa sarili niya." Naramdaman ni Madeline ang selos sa tono ni Jeremy. Ngumiti siya. Pagkatapos ay seryoso siyang nagsabi, "Sa gabing iyon sa firework viewing platform, may sinabi sa'kin si Ryan bago siya mabaril at tumumba"Humingi siya ng tawad sa'kin." Pagkatapos itong marinig ni Jeremy, nahuhulaan niya kung ano ang sinabi ni Madeline kay Ryan sa ICU. "Sa araw na yun, kinidnap niya ko sa bookstore. Sinabi niya sa'kin na dadalhin niya ko sa'yo kaya sumunod ako sa kanya. Noon, malabo talaga ang pag-iisip ko at naniwala ako sa lah
Magbasa pa

Kabanata 1368

Ngunit, pagkatapos malaman ni Felipe ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng kanyang mga magulang ay naglaho siya. Bago umalis si Felipe sa Whitman Manor, tinanong siya ni Madeline kung anong gusto niyang gawin. Pero nagsabi lang siya ng isang pangungusap kay Madeline. Sinabi niya na pagsisisihan niya ang mga kasalanan niya at tiyak na alam ni Cathy kung anong gagawin niya. Ngunit patay na si Cathy. Hindi nila mahulaan ni Madeline ang iniisip at nararamdaman ni Cathy. Sa kanilang daan pauwi, umupo si Madeline sa kotse habang nagsimulang maglayag ang kanyang isipan. "Napakabuting tao ni Cathy." Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline. "Wag mong isipin ang mga malulungkot na bagay." Bumuntong hininga si Madeline sa panghihinayang. "Mabuti sana kung naging maswerte si Cathy kagaya ko noon. Alam ko na pinagsisisihan to ni Felipe at nalulungkot siya na malamang si Cathy ang taong minamahal niya kung kailan huli na ang lahat at…" “Linnie.”"Oo." Alam ni Madeline na nag-aala
Magbasa pa

Kabanata 1369

Sa tingin ko hindi ka namamalik-mata." Nagbigay ng positibong sagot si Jeremy. Ang kanyang mga mata ay tumingin na naman sa likod ng lalaking nakaupo sa hindi kalayuan. Napakapamilyar ng anyo na ito sa kanya noon kaya hindi siya magkakamali ng tingin. Pero… Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline at pumasok. Biglang tumayo si Old Master Whitman mula sa kabilang parte ng sofa. Tinginan niya si Jeremy at gulat na nagsabi, "Jeremy, tignan mo kung sino ang nagbabalik!" Pagkatapos itong sabihin ng old master, mabagal na tumayo ang lalaking nakaupo nang nakatalikod sa kanila, mataas at diretso. Kasunod nito ay humarap siya. Ang kanyang maginoo at eleganteng mukha noon ay mas mukhang tumanda at kalmado ngayon. Nagkatinginan sila ni Madeline. Pagkatapos, bahagya siyang ngumiti bago nilipat ang tingin sa anyo ni Jeremy. Nang makita niya ang maikli at puting buhok ni Jeremy pati na ang kanyang mga mata na malapit na sa kulay ng amber, mukhang nagulat ang lalaki. "Alam ko na hin
Magbasa pa

Kabanata 1370

"Jeremy gusto mo bang malaman kung nasaan ang sikretong base ni Ryan sa F Country?" Tinaas ni Jeremy ang kanyang malalalim na mga mata. "Alam mo kung nasaan?" Tumango si Felipe. "Oo." Nabigla si Jeremy. Sinabihan niya si Madeline bago pumunta sa branch ng Interpol sa Glendale kasama ni Felipe. Binigay ni Felipe ang address at impormasyon. Pagkatapos, mabilis na tinawagan ng taong may hawak nito ang kanilang kasamahan na nasa F Country. Kaagad nga nilang nahanap ang lugar kung saan tinago ni Ryan ang kanyang ilegal na produkto sa F Country. Malaki ang ginampanan ng impormasyon ni Felipe sa kaso. Pagkaalis nila sa branch, naglakad sina Jeremy at Felipe sa daan. Dulo na ng tag-araw. Wala na sa kanilang dalawa ang hidwaan at pagkakaribal na mayroon sila noon. Ngayon, kaya na nilang mag-usap nang payapa at palakaibigan. "Paano mo nalaman ang tungkol sa negosyo ni Ryan? At saka paano mo nalaman kung saan niya tinatago ang mga produkto na ginagamit sa trading?" Tinanong ni Jer
Magbasa pa
PREV
1
...
135136137138139
...
248
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status