Nagsimulang maglakbay ang isipan ng babae habang nakatitig siya nang maigi sa katawan nito. “Mommy, Mommy…” Tulalang nahimasmasan ang babae nang marinig niyang tinatawag siya ng anak niya. “Mommy, uwi na. Kailangan na nating umuwi.” “Okay.” Tumango ang babae at lumingon ulit habang hawak ang kanyang anak. Ngunit pagkatapos tumalikod, hindi niya mapigilang tignan ang direksyon kung saan umalis si Felipe. … Sa Whitman Manor. Pagkatapos ng hapunan, ang buong pamilya ay umupo sa sala at nag-usap. Pakiramdam ni Madeline na nalulunod siya. Dinudumog siya ng tatlong bata at ng nanay niya. Buti na lang nakakaunawa si Jackson at Lilian at hindi kailangang suyuin masyado. Salungat nito, si Eloise ang kailangan ng kasama at pakikiramay. Sa sandaling ito, ang bunso niyang anak na si Pudding ay nakadagan din kay Madeline. Sumipa ito at gumapang sa sofa bago bulabugin si Madeline na yakapin at halikan siya. “Mommy, hug!” Kumurap nang masigla ang batang lalaki at inosenten
Pagkatapos itong mabanggit ni Sean, nagkaroon ng bakas ng tuwa sa mata ni Jeremy. Ang mahahalagang alaala na nawalan sa kanya dahil sa espesyal na sigarilyong ginawa ni Lana para sa kanya sa oras na iyon ay malinaw na malinaw sa isip niya sa sandaling iyon. “Hindi ako ang nagsimula ng apoy noon.”Sa wakas nagkaroon na ng pagkakataon si Jeremy na sabihin ang totoo. Tinignan siya pabalik ni Sean at Madeline nang sabay. Kumunot ang noo ni Sean. “Sinabi mo na ito sa akin noon. Kahit na nawalan ka ng alaala at ginamit ka lang ni Lana noong oras na yun, ang sunog—” “May inutusan si Lana na magsimula ng apoy nang maaga. Tapos tinawagan niya ako para pumunta dito bilang panakip-butas. Ang layunin niya ay para isipin ni Eveline na ako ang nagsimula ng apoy at masira ang relasyon naming dalawa.” Nagulat si Sean at Madeline sa sagot ni Jeremy. Syempre hindi na sila nagduda sa sinasabi ni Jeremy dahil talagang kayang gawin ni Lana ang ganitong bagay. “Jeremy, bakit hindi mo ito sina
Nakaluhod siya doon at hindi alam kung anong nahanap niya. Nakatingin siya dito nang emosyonal habang hawak ito. “Nahanap ko na ito, tignan mo! Si Eveline yun!” Lumingon si Eloise para tignan si Sean. Tumatalon siya nang paulit-ulit habang iwinawagayway ang family photo sa kanyang kamay. Nagmamadaling lumapit si Sean kay Eloise at tinulungan itong bumangon mula sa sahig. “Ellie, bumangon ka.” “Sean, tignan mo. Si Eveline.” Itinuro ni Eloise ang tao sa napakalabong larawan. “Nandito si Eveline.” Naluha ang mata ni Madeline nang makita niya ang nangyayari sa harap niya. Lumapit siya kay Eloise at hinawakan nang marahan ang kamay nito. “Mom, nandito si Eveline.” Tinignan ni Eloise si Madeline na parang naunawaan niya ito pero hindi talaga. Tapos biglang kumislap ang mata niya. “Oh? Kamukhang-kamukha ng Eveline ko ang Eveline na ito.” “...” Seryoso itong sinasabi ni Eloise. Nasaktan si Madeline sa pahayag na ito. Siya ang anak na inaasam ni Eloise araw-araw, pero tina
Lumapit si Madeline sa hagdan na biglang bumagsak. Nasa phone si Sean nang marinig niya ang sigaw ni Madeline. Nagbago ang mukha niya bago sumugod papasok. Nataranta si Madeline at tumakbo sa lugar kung saan bumagsak si Jeremy. Ang nakita niya ay isang lalaking nakahiga nang d gumagalaw sa sahig, pakiramdam niya may tumaga sa puso niya. “Jeremy!” Habang maputla ang mukha, tumakbo si Madeline sa tabi ni Jeremy at lumuhod sa tabi niya. Hinawakan niya ang kamay nito at niyakap. “Jeremy, gising, Jeremy! Wag mo akong takutin!” Mukhang naguguluhan ang mata ni Madeline nang manginig ang kamay niya. Pinawi niya ang alikabok sa mukha ni Jeremy. Habang nanginginig ang daliri niya, hinaplos niya ang magandang kilay nito. Tapos tahimik na tumulo ang luha sa mga mata niya. “Jeremy, wag mo akong takutin. Pakiusap wag mo akong takutin. Di ko talaga kakayanin na mawala ka. “Jeremy, pagod na pagod na talaga ako. Sa buong buhay ko gusto kong alagaan mo ako. Wag mo akong pabayaang harapin
Pagkatapos makatanggap ng sagot mula sa doktor, ang bigat sa dibdib ni Madeline ay unti-unting nawala. Ngunit kahit na ayos lang si Jeremy, nawawala pa rin si Eloise. “Eveline, alagaan mo si Jeremy. Hahanapin ko ang nanay mo.” Tinapik ni Sean si Madeline sa balikat. Nang panoorin ni Madeline ang likod ni Sean nang magmadali itong umalis, nauunawaan ni Madeline kung anong nararamdaman ng tatay niya sa sandaling ito. Si Eloise ang pinakamamahal ni Sean tulad ng kung gaano niya kamahal si Jeremy. Kapag may nangyaring masama sa taong pinakamamahal niya, ang pagkabahala sa kanyang puso ay hindi maipaliwanag. Inilipat si Jeremy sa general ward kung saan nanatili si Madeline sa tabi ng kama niya. Tinignan niya ang sikat ng araw sa gwapo at matikas nitong mukha. Ang kilay at mata niya ay maamong tignan. Hinawakan ni Madeline ang kamay ni Jeremy at hinalikan ang likod ng kamay nito pagkatapos yumuko. “Jeremy, alam kong ginawa mo ito para sa akin dahil nag-aalala ka sa kaligtasan k
Parang nahulog si Felipe sa isang magandang panaginip, pero alam niya na talagang nasa harapan niya ito. Namumula ang mata niya ang mukha ng babae ay unti-unting lumabo sa kanyang luhaang mata. Gayunpaman, naririnig niya nang malakas ang kabog ng puso niya. “Cathy…” Tinawag siya ni Felipe nang marahan. Ang boses niya ay nanginginig nang sobra at pati ang kamay niya ay nanginginig. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang braso para hawakan ang magandang mukha sa harapan niya, ngunit bago niya pa ito mahawakan, bigla siyang iniwasan nito.Tinignan ng babae ang tulalang si Felipe na may luha sa mga mata nang mukhang gulat. Tapos kaagad siyang lumapit para damputin ang batang lalaking pangalan ay Juan. “Juan, kilala mo ba ang lalaking ito?” Tanong ng babae, ngunit nanigas ang kamay ni Felipe sa ere sa tanong niya.Tumitibok sa tuwa ang pusa niya na parang nanigas siya. Tapos nakaramdam siya ng walang hanggang lamig na nilalamon ang paghinga at puso niya. “Tito, kotse, delikado,”
”Hindi, hindi ka si Cathy.” Siguradong-sigurado si Felipe nang titigan niya ang mukha ng babae. Huminga ang babaeng nang may naiinis na ngiti at magsasalita na nang isang maamong boses ng lalaki ang tumawag sa kanya. “Amy.” Ngumiti ang babae nang marinig ang boses at lumingon sa pinanggalingan nito habang hawak ang batang lalaki. “Nandito na si Dad, Juan. Umuwi na tayo.” “Okay.” Masunuring tumango ang batang lalaki at sinalubong nang malambing ang lalaki na nasa malayo, “Daddy.” Nilamig ang dibdib ni Felipe nang tignan niya kung nasaan ang isang lalaki. Naaninag niya ang isang pamilyar na mukha. Kahit na hindi pa niya nakikita nang personal si Adam, alam ni Felipe na siya ito sa isang tingin. Mukhang nagulat din si Adam na makita si Felipe. Nag-isip sandali ang lalaki bago lumapit kay Felipe. “Felipe Whitman, tito ni Jeremy?” Tanong ni Adam. Tinignan ni Felipe si Adam bago bumalik ang kanyang titig sa babaeng nakatayo sa tabi ni Adam. Ngumiti nang magalang si Adam a
Narinig ni Madeline si Jeremy na tinatawag siya ngunit masyado siyang nabigla sa nakita niya. “Jeremy…” “Linnie.” Itinaas ni Jeremy ang kumot at bumaba siya ng kama. Nang makita ang lalaking tumatakbo patungo sa kanya nang nag-aalala, kaagad niyang tinulungan agn lalaki. “Anong nangyari Linnie?” Binalewala ni Jeremy ang kalagayan niya. Ang nakikita lang niya ay si Madeline. Nang magsalita siya, isang mukhang hindi niya inaasahan ang naaninag niya. “Cathy?!” Nabigla si Jeremy. Tumango rin si Madeline nang nagagalak. “Si Cathy nga! Si Cathy talaga yan!” Lalong naisip ng babae kung gaano niyang kamukha si Cathy nang makita niya ang reaksyon nila Madeline at Jeremy. Magpapaliwanag na sana siya ngunit mas mabilis si Adam. “Nagkakamali kayo. Ito ay si Amy Young, ang fiancee ko. Nauunawaan ko na kamukha siya nitong Cathy na sinasabi niyo, pero hindi siya si Cathy.” Unti-unting humupa ang galak ni Madeline at Jeremy. “Hello. Ako si Amy Young, ang fiancee ni Adam. siguro k