Naunawaan na niya ang nararamdaman ni Felipe. Siya man o hindi si Cathy, ang presensya niya ay nagbibigay ng pag-asa kay Felipe. Pinirmahan ni Madeline ang discharge papers ni Jeremy, at nang pauwi na sila, tinawagan ni Madeline si Sean. Tinanong niya kung nahanap na ba si Eloise ngunit sinabi ni Sean hindi. Lalong nabahala si Madeline sa pagkawala ni Eloise. Naunawaan ni Jeremy ang nararamdaman ni Madeline. “Wag mong sisihin ang sarili mo Linnie. Di mo ito kasalanan. Puno ng surpresa ang buhay at hindi inaasahang mga pangyayari, kaya di natin mapipigilan ang lahat. Malay natin pauwi na si Mom.” Ngumiti nang marahan si Madeline, sa kaalamang sinusubukan lang ni Jeremy na pagaanin ang loob niya. “Tama ka Jeremy. Di rin natin malalaman kung ang di inaasahan ay mabuti o masama. Tulad ni Cathy.” Tumingin siya sa taas para salubungin ang titig ng lalaki. “Naaalala mo ba kung paano mo sinabihan si Cathy na bumalik sa Glendale para humingi kay Adam ng pain medication noong nasa F Co
Kahit na alam niya ang nangyayari, nararamdaman ni Madeline na may nangyari mula sa tono ni Jeremy. Natatakot siya na baka may nangyaring masama kay Eloise. Dahil ayaw na niyang magsayang pa ng oras, kaagad niyang dinala si Sean pabalik ng Whitman Manor. Pumasok ang dalawa sa sala at nasalubong nila si Jeremy at Karen na nakaupo nang seryoso sa sofa. “Seryoso, gagawin ng mga taong ito ang lahat para sa pera.” Suminghal si Karen. Napatayo siya nang makita niyang nakauwi na si Madeline at Sean. Nang marinig ang reklamo ni Karen, lalong nabahala si Madeline. Tinitigan niya ang lalaking dahan-dahang lumalapit sa kanya. “May balita ba tayo kay Mom, Jeremy?” “Oo.” Tumango siya, ngunit ang matalas niyang kilay ay magkasalubong. Nagalak si Sean, ngunit parang kakaiba ang dating. “Anong nangyari? Ayos lang ba si Ellie?” Inabot ni Jeremy ang kamay ni Madeline nang tignan niya ang nag-aalalang mukha nito. “Nakatanggap ako ng tawag mula sa isang di kilalang numero. Sinabi nil
Sa sandali ng pagkabahala na iyon, naglakad paharap si Madeline at kinuha ang phone mula sa kamay ni Jeremy.“Ako ang asawa ni Jeremy Whitman at ang anak ng babaeng dinakip mo. dadalhin ko ang pera mo kung yan ang gusto mo. Basta ipapangako mong magiging ligtas ang nanay ko, dadalhin ko ang pera!” Kaagad na sumang-ayon ang lalaki, hindi inaasahang napakabilis papayag ni Madeline. “Napakaprangka mo naman Mrs. Whitman. Tama lang na tuparin ko din ang sinabi ko. Gusto ko lang ay mabayaran sa pag-aalaga ng nanay mo, wala nang iba pa. Bayaran mo ako at mababawi mo ang nanay mio. Maghihintay ako!” Tapos ibinaba ng lalaki ang linya. Sa sandaling iyon, nakatanggap ng tawag si Jeremy mula sa bangko na sinasabi sa kanyang naihanda na ang pera. Naghanda si Madeline na pumunta sa bangko para sa pera. Tapos kukunin niya si Eloise. Ngunit nag-aalinlangan si Jeremy na hayaan siyang umalis nang ganon na lang. “Di ka pwedeng umalis nang mag-isa Linnie.” Napuno ng pag-aalala ang mukha ng lalaki
Tumagos sa puso ni Madeline ang eksena. Kaagad siyang bumangon at tumakbo patungo kay Eloise na nakahiga at walang malay sa sahig. “Mom! Mom!”Hindi alam ni Madeline kung sadyang nawalan lang ng malay si Eloise o higit pa rito, ngunit hindi ito kumikibo kahit ilang beses pa siyang tawagin ni Madeline. Kasalukuyang nakatali ng lubid si Eloise nang sobrang higpit na nagkapasa na ang braso niya. May dumi at alikabok sa kanyang mukha habang ang buhok niya ay napakagulo. Nakakaawa itong tignan. “Mom! Gising, Mom. Nandito na si Eveline. Gusto mo akong makita diba?”Kaagad na inalis ni Madeline ang lubid at dinala si Eloise bago ito ilapag sa tapat ng pader. “Mom.” Ilang beses niya itong tinawag ulit ngunit hindi kumibo si Eloise. Bumangon si Madeline at nanggigil nang makita niya ang lalaking binubuksan ang maleta at nakatitig sa pera nang may kumikislap na mata. “Anong ginawa mo sa nanay ko? Bakit di siya gumigising?!” Galit na tanong ni Madeline. Pinabitin ng lalaki ang s
”Nandito ako oh. Ano pa bang gusto mo? Kung ang pera, kunin mo na lang yan at umalis ka na.” Nabigla ang lalaki. Hindi niya inakalang wala talagang takot sa kanya si Madeline. Bumilib siya sa tapang ni Madeline pero nanliit siya sa ugali niya at nagalit lang siya dito. “Tingin mo siguro uto-uto ako ano? Pagsisisihan mo ito!” Hinigpitan niya ang hawak sa talim at kumilos para tagain si Eloise. Buti na lang mabilis kumilos si Madeline kaya nasalo niya ang braso ng lalaki. “Wag mong sasaktan ang nanay ko!” Nagkaroon ng galit sa kanyang maamong mukha. Napahinto saglit ang lalaki bago siya kumawala sa pagkakahawak ni Madeline at sinipa si Eloise. Habang wala pa ring malay, bumagsak si Eloise sa sahig at tumama ang ulo niya sa sahig. “Mom!” Tumakbo si Madeline nang kinakabahan at nakita si Eloise na nakakunot ang noo na parang namimilipit ito sa sakit. Inabot ni Madeline si Eloise. Kararating lang niya sa tabi ng nanay niya nang makaramdam ng sakit si Madeline sa kanyang
Binalewala ni Madeline ang sakit at bigla siyang bumangon. “Uy, bakit di mo ako pinapansin?” Habang naiinis, hinawakan ni Eloise ang kamay ni Madeline. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa likod niya. “Bakit di kita papansinin, Mom?” Hinawakan ni Madeline nang mahigpit ang kamay ni Eloise. Sumakit ang puso niya nang makita ang dumi at alikabok sa inosenteng mukha ni Eloise. Hindi niya alam kung anong nangyari habang wala siyang malay, bukod sa gising na si Eloise at wala nang malay ang lalaki sa sahig sa tapat ng pinto. Wala nang oras si Madeline para isipin pa ito. Nang makita ang kumakalat na apoy na kanina pang nagsimula, hinawakan niya ang kamay ni Eloise at tumungo sa labasan. Humarang sa daan nila ang kumakalat na apoy, at inubo si Madeline sa makapal na usok. Doon lang napansin ni Eloise na nasusunog ang bahay. Habang nakatulala sa nagbabagang apoy, mukhang naguguluhan siya. “Mom! Ahem. Kailangan na nating umalis ngayon na!” Hinawakan ni Madeline ang kamay ni E
Isa lang ang nasa isip niya at ito ay ang iligtas si Madeline. Hindi inasahan ni Madeline na biglang lalakas si Eloise para lang ilgitas ‘siya’. Napaatras siya nang dalawang hakbang bago niya nasagi ang bookshelf sa tabi niya. Gumewang ang bookshelf nang dalawang beses na parang babagsak ito. Masakit nang bahagya ang mabangga ito, pero wala nang oras si Madeline para mag-alala para sa kanyang sarili nang makita niyang nakaapak na sa apoy si Eloise. “Mom!” Napasigaw siya at tumakbo palapit para yakapin si Eloise nang tumulo ang luha mula sa mahapdi niyang mata. “Tumingin ka sa akin Mom. Ako talaga ang Eveline mo!” Niyakap ni Madeline si Eloise at idiniin ang salitang ito. “Ang aking Eveline…” Nabigla saglit si Eloise nang tumingin siya nang tulala sa mukha ni Madeline. Puno ng pagdududa at pagtataka ang mata niya. “Hindi, di ikaw. Di ako kakausapin ni Eveline. Ayaw niya sa akin. Hindi ikaw… ehem, ehem, di ikaw…” Hinigpitan ni Madeline ang pagkakayakap niya kay Eloise. “M
"Nandito ako, Linnie." Umupo si Jeremy sa kama at niyakap niya si Madeline upang pakalmahin siya. "Ayos na ang lahat, Linnie. Huminahon ka." Unti-unting huminahon si Madeline nang maramdaman niya ang yakap ni Jeremy. Habang iniisip niya kung ano ang mga nangyari bago siya mawalan ng malay, kinuyom niya ang kanyang mga kamao at napuno ng kaba at pag-aalala ang kanyang mga mata. "Nadaganan ng bookshelf si Mom dahil niligtas niya ako." Hinawi ni Madeline ang kumot at bumangon siya sa higaan. Nagmadali si Jeremy at hinawakan niya si Madeline. "Saan ka pupunta, Linnie? Hindi ka magaling.""Alam kong nasa ospital rin si Mom! Dalhin mo ako sa kanya, Jeremy. Kailangan kong malaman kung anong lagay ni Mom." Natataranta siya, napuno ng takot at pangamba ang kanyang mga mata. Nagsalubong ang mga kilay ni Jeremy. "Ayos lang si Mom, Linnie. Magpakabait ka at magpahinga ka na lang muna, okay?" "Pangako, magpapahinga ako, pero kailangan ko munang malaman kung anong kalagayan ni mom." Hin