All Chapters of Love & Revenge: The Stubborn Heiress: Chapter 241 - Chapter 250

303 Chapters

Chapter 240: She Barged Into His Room

NAMUTLA si Manang Carol sa sinabing ito ni Denise. Napilitan siyang tumabi at binigyan ito ng alanganing ngiti. Batid niyang may dahilan si Reymond kung bakit nagsusuot ito ng mask sa tuwing lumalabas at hula niya may kinalaman ang magandang babae na nasa harapan niya ngayon. “So, okay na po ba akong pumasok?” hinging pahintulot ni Denise. Sunud-sunod na tango ang naging sagot ni Manang Carol. “Papasok na rin po ako sa loob, sabay na po tayo.” Nauna na itong humakbang. Kitang-kita ni Denise ang pamumutla ng matanda. Hindi niya alam kung bakit ganon ang reaksyon nito ng makita siya na papasok sa main entrance. Nagtangka pa itong harangin siya. Gusto niya sanang tanungin ang matanda ngunit mas pinili niyang tumahimik nalang.
Read more

Chapter 241: How Would I Forgive A Devil Like Him?

NANG mga sandaling ito nasa harapan ng salamin si Reymond at nagmamadaling isinuot pabalik ang mask. Dinig na dinig niya ang kabog ng dibdib niya na sinasabayan pa ng malakas na pagkalampag ni Denise sa labas ng banyo. Muntik na siyang mahuli nito at mabuti nalang maagap siyang tumalikod. “Hoy, lalaki lumabas ka dyan,” umalingawngaw ulit ang matinis na boses ni Denise sa labas ng pinto ng banyo at pinipihit pa nito ang doorknob. Kinakalma muna niya ang sarili bago binuksan ang pinto. “Hindi ka na ba talaga makapaghintay na masilayan ang gwapong mukha ko at talagang nangalampag ka pa?” pang-aasar niya rito. Napaatras ang dalaga at tinitigan siyang mabuti, bago biglang dumilim muli ang anyo nito ng mapagtanto ang laman ng sin
Read more

Chapter 242: Lunch Together

MAKATWIRAN lamang kung tutuusin ang galit na nararamdaman nito dahil nasira ang magandang kinabukasan nito dahil sa ginawa niya ngunit sadyang masakit pa ring pakinggan ang katotohanan. Marahil nga kahit buong buhay niya kulang pang kabayaran sa pagdurusang dinanas nito ng mga panahong iyon. Ngunit maging siya rin ay siningil din ng Diyos dahil ilang buwan din siyang nakaratay sa higaan at ang masaklap paggising niya itinago pa ng pamilya niya ang katotohanang buhay pa ito. Hindi niya alam kung paano niya naitawid ang mga araw na iyon na puno ng labis ng lungkot at pagkabalisa dahil ang buong akala niya nawala na nga ito ng tuluyan. Ah, hindi na niya matandaan kung ilang beses niyang iniyakan ang dalaga. Hindi na niya matandaan kung paano niya nagawang bumangon dahil sa kagustuhang maitama ang lahat ng pagkakamali niya. Hindi na rin niya mabilang ku
Read more

Chapter 243: His Weekend Get Away Invitation

NAKATINGIN pa rin si Reymond kay Denise nang mga sandaling ito. Abot ang labis niyang kaba ng mga sandaling ito dahil pakiramdam niya mapili ito sa pagkain. “Anong verdict mo?” “Hmm, masarap,” maikling tugon ni Denise. “Tigilan mo na ako sa kakatitig. Nakakailang. Kumain ka na rin,” puna niya rito habang sumusubo. Mabilis namang nagbawi ng tingin si Reymond at kumuha na rin ng pagkain. Maya-maya pa makalipas ang ilang subo, “Sa Sabado kung papayag ka talaga doon sa sinabi ko, yayain ko rin sana kayong mag-ina. Ipagluluto ko kayo ng hapunan.” Nabitin sa ere ang kutsara ni Denise at napalingon ulit kay Drake. “Marunong kang magluto?” Nataw
Read more

Chapter 244: I Will Be Home Soon

DAMANG-DAMA ni Manang Carol ang paghihirap ng kalooban ni Reymond habang binabanggit ang mga katagang ito. Naintindihan niya kaagad kung bakit gusto nitong makipagmalapit kay Denise. “Gusto mong iligtas ang anak ninyo katulad ng ginawa mo kay Kevin? Handa ka na bang harapin ang galit niya kapag nalaman niyang ikaw rin ang taong minsan ng nagkasala sa kanya.” Bago sumagot kay Manang Carol tinanggal muna ni Reymond ang suot na mask. Inilapag iyon sa gilid niya at hilam ng luha ang mga mata ng muli siyang tumingin kay Manang Carol. “Hindi po eh. Naduduwag po akong tanggalin ang maskarang ito sa harapan niya. Baka lalo lamang makasama sa kanya. May memory loss din po kasi siya dala ng pinsalang tinamo namin noon. Naaksidente po ang kotseng sinakyan namin noon ng tinangka ko siyang ita
Read more

Chapter 245: Denise Fainted

KINAPA niya ito at sa naalimpungatang diwa sinagot ang tawag. He heard her choke voice. She is obviously in pain. “P- ple- please help me!” Denise faintly uttered these words. Tuluyang nagising si Reymond at mabilis na bumangon. Kinapa ang switch ng lampshade at agad na tinurn-on ito. Kumalat ang liwanag at saka lamang niya inilayo sa tenga ang cellphone. Ang akala niya ay tawag mula sa cellphone ang sinagot niya ngunit videocall ito ni Denise. Namutlang bigla ang mukha ni Reymond ng makitang nakapikit ang dalaga habang paulit-ulit itong humingi ng saklolo. Nakalimutan na rin niyang tinanggal na pala niya ang maskara. Sa sobra taranta agad siyang bumaba ng kama. “Denise, hold on! I’m coming!” His voice was anxious.&nb
Read more

Chapter 246: I’m Good, Don’t Worry

TUMALIKOD na si Mang Ramon. Panay naman ang bukas-kuyom ng mga kamay ni Reymond. Hindi siya mapakali sa upuan at ilang saglit lang tumayo siya mula rito. Palakad-lakad siya sa harapan ng nakapinid na kurtina. He unconsciously rubbed his hands and tiny beads of sweat popped out in his forehead. He was so nervous for Denise as minutes passed by. Maya-maya pa muling lumapit ang nurse sa kanya. May dala itong maliit na papel, laman ang information niya at ni Denise. “Sir, pakibayaran lang po ito sa billing department. Kailangan po ng deposit.” He stood tall, facing the nurse. He took the paper immediately, “I will just wait for my driver. He just went out a while to buy me water. I will ask him to fetch my wallet left in the car.” 
Read more

Chapter 247: Facing The Santillian's Family

TAHIMIK namang sumunod ang pamilya niya. Nang nasa living room na silang lahat, lumapit muna si Ivana kay Brendon. “Anak, kayo muna maiwan dito sa bahay. Puntahan lang namin ang tita ninyo.”Tumango si Brendon, “Okay lang Mommy. Malalaki naman na po kami.” “Mommy, ano po kaya'ng nangyari kay Tita Denise?” bakas sa boses ni Brianna ang pag-aalala. Bago sumagot nahagip ng paningin niya na pumanhik sa ikalawang palapag si Brielle. Tiyak niyang sa kwarto nila ang punta nito. “Anak, malalaman natin kapag nakarating na kami roon sa hospital. Maiwan muna kayo rito ha. O, bago ko makalimutan baka mag-aaway na naman kayong dalawa ng kuya mo.” Nanulis ang nguso ni
Read more

Chapter 248: Comforting His Son

ANDREI pouted his tiny lips. He looked at Reymond’s eyes, holding himself not to burst into tears. “She’s sleeping again,” these words slipped from Andrei’s mouth, and sadness was added to his voice. Nagulantang ang lahat sa sagot na ito ni Andrei. Lalong bumigat ang damdamin ni Reymond para sa anak. Dama niya ang labis nitong lungkot at takot sa nakitang kalagayan ng ina nito. Tumikhim si Reymond, yumukod at kinarga si Andrei. Biglang rumagasa sa kaiburan niya ang father instinct. Mahigpit na yakap ang binigay niya rito na sinabayan niya ng marahan paghagod sa likod nito. “Hush, your Mom is a very strong woman. She will pass this trial,'' soothing and calming words came out from Reymond’s mouth. Everyone
Read more

Chapter 249: Brielle Began To Doubt

SAMANTALA, pagdating ni Reymond sa parking area kung saan naroon ang kotse na ginamit nila ni Mang Ramon saka lamang siya nakahinga ng maluwag. Kanina habang kasama niya sa loob ng pribadong silid ng hospital ang pamilya ni Denise parang nakalutang siya sa matinding dagat ng apoy na anumang sandali ay tutupok sa kanya. Muli siyang tumingala sa hospital at marahang umusal. “Denise, honey, please be healed. I will come back tomorrow.”Matapos ang mahinang usal dumukwang siya at sinilip sa salamin ng bintana si Mang Ramon. Nakasubsob na ito sa manibela at hula niya nakatulog na ito. Ayaw sana niyang abalahin ang matanda ngunit kailangan na rin niyang umuwi dahil bukas ng umaga marami siyang gagawin. Marahan siyang kumatok sa bintana. “Man
Read more
PREV
1
...
2324252627
...
31
DMCA.com Protection Status