A famous vlogger and a carefree daughter of the magnate tycoon Brent Santillian and popular internationally renowned fashion model Shantal Rodriguez Santillian-she is none-other than Denise Santillian. Her world was perfect and happy! And she was engaged to the most handsome Doctor named Carl Cruz. But her perfect life is doomed to be destroyed by the unknown enemy. She was abducted and assaulted by someone who sought revenge for his family against hers. The tragic night happened five years ago that left a permanent scar and shattered her perfect world. She lost her memory and bore a cute little son whose father was unknown. Her son was way more intelligent than a normal child as he had inherited the exceptional knowledge from her family. Seeking for the truth of the painful death of her fiance, her unknown enemy dragging her back to hell. But this time around, their fate changed when the notorious enemy encountered her intelligent son. Would she find the truth of the man who assaulted her and left a painful mark on her heart, mind, and body? Will she forgive the man who showed no mercy that night five years ago when he confessed his love? Book 1: Love and Love (Completed) Book 2: Love & Revenge: The Return Of The Heiress (Ongoing)
View MoreA pair of dark eyes staring at the big Television screen wherein a clear video coverage of an exquisite garden wedding was played. The man strongly clenched his fist and jawline while looking at the happy moment right in front of his very eyes.
CLINK! A small bit of glass knocking together and smashing when he threw it towards the screen. It breaks violently into small pieces and creates a strong sound. The television automatically shutdown!
“Santillian family, your days are numbered!” He said in silence. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa pang isahang sofa at naglakad patungo sa bintana na bahagyang nakabukas. Tanaw sa paligid ang mumunting ilaw na nagbibigay liwanag sa kadiliman. Kahalintulad ito ng munting alitaptap na nagliliparan sa isang madilim na lugar na nagbibigay tanglaw upang masilayan ang kagandahan ng paligid tuwing gabi.
Magkahalong lungkot at galit ang pumupuno sa puso at isipan niya. Galit para sa mga taong nanakit ng mahal niya sa buhay at lungkot para sa sinapit ng mga ito sa kamay ng mga Santillian.
Sa kabila ng kasikatan ng pamilyang Santillian sa larangan ng negosyo at teknolohiya, lingid sa kaalaman ng karamihan ang lawak ng puwersa ng pamilyang ito na kayang bumuo at sumira ng buhay ng ibang tao. Ito ay batay sa prinsipyo at pananaw ng kanilang mga kalaban.
“Brent Santillian, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang araw na bumuo ka ng pamilya dahil sila ang babalikan ko, hanggang sa dumating ang araw na hihilingin mo'ng buhay mo nalang sana ang kinitil ko!”
***
KNOCK! KNOCK! KNOCK!
"Denise, it's almost seven o'clock in the morning!" boses ng Mommy niya sa labas ng pinto ng kwarto niya. Sa lakas ng mga katok nito at pagtawag sa pangalan nya ay malabong di siya magising kaya't iritable siyang bumangon.
“Ugh!!! Mom...please, I wanna sleep more! Ang aga mong mambulahaw!” tili niya at pilit na tinatakpan ang tenga at bumalik ng higa sa kama.
"Naghihintay ang Daddy mo sa dining room, ano ba? Tanghali na, eh! Today is Monday, your first day at work!" muling tugon nito sa likod ng pinto niya.
"Ow! Huh! Ugh...I don't wanna be a Santillian anymore!" lihim na reklamo niya. Padarag na bumangon siya sa kama at isinuot ang malambot na tsinelas.
"Bilisan mong maligo at magbihis, kanina pa naghihintay ang Daddy mo!" muling tugon nito.
“Oo na nga, Mommy naman eh, paulit-ulit ka eh!”
“Okay, hintayin ka namin sa baba!”
Narinig niya ang mahinang hakbang nitong papalayo sa pintuan ng kwarto niya. Nag-uunat muna siya ng ilang beses bago dinampot ang cellphone na nakapatong sa bedside table. She opened up the screen and quickly searched Carl's name on her messenger.
“Hi, honey!” bungad nito sa kanya. Nakahiga na ito sa kama at halatang hinihintay ang tawag niya.
“Hi hon, morning!” walang ganang tugon niya.
“O, bakit parang ang tamlay mo?” anito.
“Ah...nakakainis ang agang nanggigising ni Mommy!” reklamo niya.
"Hahaha! Oh, c’mon! It's past seven in the morning, Beijing time right now. Habang ako dito halos maghahating gabi na ang oras. Hinintay ko lang ang tawag mo talaga. Saka Monday ngayon dyan sa Beijing at sabi mo nga ilang buwan lang ang extension ng bakasyon ng parents mo para turuan kang mamahala ng Elite Digital Marketing," Carl gently said.
"Ummm… How I wish I am with you in London. I miss you!" sa halip ay tugon niya.
"I miss you too, but hey, c’mon, you should be serious at this time. You are already twenty-five years old and a Graduate of Business Administration and remember, your destiny is to be an heiress of your family business. Alam mo namang may pamilya na si Brielle at siya na rin ang namamahala sa kumpanya ni Ivana, at dahil dyan…...walang ibang sasalo sa responsibilidad ng Kuya mo kundi ikaw lang talaga!" mahabang litanya ni Carl sa kanya.
“Oo na, ang dami mong sinabi eh. Tumawag ako para magsabi ng burden ko hindi para sermonan mo,” angil niya sabay simangot rito.
"Honey, we've talked about these things before, and you've promised me to be more mature and sincere, right?" muling tugon ni Carl.
"I love you! And I just miss you!" naiiyak niyang tugon.
"I love you, too! O, siya tapusin mo na ang tawag na ito at maligo kana. I'm sure your parents waited for you in the dining room!"
“Bumalik kana dito sa Beijing!” muling ungot niya.
"Oo, babalik ako two weeks before our engagement party next month!" Carl smiled at her.
"Promise?" she asked hesitantly.
"Of course, I will fulfill my promise. I love you,"
"Love you too, Carl! Bye, honey!"
She ended the video call and went straight to the bathroom. She took a quick shower and changed into a formal business suit before heading to the dining.
Nadatnan niyang masayang nag kwentuhan ang mga magulang niya.
“Morning Mom, Dad! Muah! Muah!” bati niya sa magulang sabay halik sa pisngi ng mga ito.
"Morning princess!" nakangiting bati ni Brent.
Ipinaghila siya ng upuan ni Shantal sa tabi nito. Mabilis siyang umupo at naglagay ng pagkain sa plato. Ipinagsalin siya ni Shantal ng orange juice sa baso niya, sabay lapag nito sa harapan niya.
"Thank you, Mom!" She quickly said.
Shantal nodded. “Kayo lang ng Daddy mo ang pupunta sa kumpanya dahil ako ay doon sa bahay nina Brielle tutungo,”
“Eh, bakit? Pinapunta ka ni Ivana?” saglit siyang huminto sa pagnguya at lumingon sa ina.
“Susurpresahin ko ang mga bata, namimiss ko ang mga apo ko,” masayang tugon nito.
“Aba ang swerte ng mga apo mo ha, halos kada dalawang araw dumadalaw ka sa kanila ah,” aniya.
“Humph! Wag kanang mainggit, dahil mga pamangkin mo naman ang dadalawin ko. Araw-araw na nga tayong tatlo nagkikita dito sa bahay, maiinggit kapa?” tugon ni Shantal.
Si Brent naman tahimik lang na nakikinig sa usapan nilang mag-ina habang nagbabasa ng news paper.
“Hindi ako naiinggit, naninibago lang ako. Noon kasi parati kang nakabuntot kay Daddy papuntang opisina, ngayon naman halos gusto mo nang doon tumira sa bahay nina Kuya Brielle,” tugon niya.
“Hayaan mo na, ilang buwan nalang yong extension ng bakasyon namin ng Daddy mo dito sa Beijing, pagkatapos nito babalik na kami ng Singapore. Kaya tandaan mo, dapat matutunan mo na lahat ng pagpapatakbo ng Branch Office natin dito sa Beijing” anito.
“Eh papano pag nagpakasal na kami ni Carl? Wala akong bakasyon?” reklamo niya.
"Saka na natin pag-usapan iyan. After three years pa naman ang kasal ninyo. Engagement party pa lang naman ang gaganapin natin next month," singit ng Daddy niya.
"Ugh!!! This is really torturing!" reklamo niyang muli.
"You are the heiress of the Santillian, so you don't have an option," tinapik ng Mommy niya ang kanyang balikat.
"Yeah, that sounds bad at all. Being a Santillian's child is really a pain in the ass. Dapat kasi nag-anak kayo ng maraming lalaki," aniya.
Nag angat ng mukha si Brent at ngumiti sa kanya, “Eh, sisihin mo ang Mommy mo. Huwag ako dahil sa totoo lang mas gusto ko ng maraming anak. Ang Mommy mo lang ang may ayaw dahil masisira ang iniingatan niyang sexy figure,” aniyang Daddy niya na may halong diin pa ang huling salita nito.
Tiningnan ng masama ni Shantal si Brent, “Ang hirap mag-alaga ng maraming anak. Tama na sa akin na kayong dalawa lang ng Kuya mo. Saka balang araw lalaki rin ang mga pamangkin mo, sila naman ang tutulong sa inyo,”
“Ah! Mom, ang liliit pa ng mga anak ni Kuya Brielle. Si Brianna di mo maaasahan sa ganitong bagay dahil ang focus ng atensyon noon ay sa fashion world. Si Brendon lang ang tiyak na susunod sa yapak ni Dad at Kuya. Saka ilang taon pa ang bubunuin ni baby Kyree para maging isa rin sa tagapagmana ng negosyo ninyo ni Dad,”
“Okay, tama na ang reklamo mo, kayang-kaya mo ang trabaho sa kumpanya. Tandaan mo isa kang Santillian,” nakangiting tugon ng Mommy niya.
She rolled her eyes and continued her food.
***
Saglit na inihinto ni Brent ang kotse nito sa harapan ng gate ng Villa ni Brielle.
"Love, ikaw nalang ang bumaba dahil tatanghaliin na kami ng anak mo," Brent said.
Kinabig ni Shantal si Brent at hinalikan ito sa labi, "Ingat kayong mag ama. Ako na ang bahala, basta daanan niyo nalang ako dito mamayang gabi. Ah, teka, agahan niyo ng uwi dahil maghahanda kami ng masarap na dinner ni Ivana mamayang gabi. Sabi ng anak mo dito na tayo maghapunan,"
Tumango si Brent at tinapik ang pisngi ng asawa. "Sige na, love you!"
Bago tuluyang bumaba ng kotse, nilingon pa ni Shantal si Denise sa likurang upuan na abala sa kakakalikot ng cellphone nito.
"Princess, huwag mong kalimutang ayain sa tamang oras ng lunch ang Daddy mo,"
"Yes Mom! Sige na bumaba kana, eh malalate na kami ni Dad," aniya.
"Okay, okay, take care, guys!" sigaw nito habang kumakaway sa kanila ng pinaandar na ni Brent ang kotse.
Agad na naglakad si Shantal patungo sa gate ng Villa ni Brielle. Napansin niyang biglang may kumislap na liwanag at mahinang shutter sounds mula sa isang camera lens. She felt nervous, and she turned her back and swiped the surroundings to check if there’s someone who dared to take photos of her. Ngunit wala siyang makitang tao sa paligid kundi ang mga malalaking bahay sa tapat ng Villa ni Brielle.
Biglang nilukob ng takot ang puso niya kaya agad siyang nagmamadaling humakbang, kaagad siyang nakarating sa main gate ng bahay ni Brielle.
HER hands shivered while tightly gripping the whip and the high-power laser. Her jaw locked and she greeted her teeth. Naglaho lahat ng paghanga niya sa pekeng Drake Yin. Napalitan ng galit ang pagmamahal na sana unti-unti na niyang naramdaman dito.Marahang umangat ang duguang kamay ni Reymond para sana punasan ang mga luha ni Denise ngunit mabilis niya itong tinabig.Mahinang yugyog ng balikat sanhi ng marahang tawa ang naging tugon ni Reymond. Alam niyang ito na ang huling mga sandali niya at gagamitin niya na lang ito para humingi ng kapatawaran dito.“Bakit? Bakit mo nagawa sa akin ito? Anong kasalanan ko sa’yo?” malakas na sigaw ni Denise kay Reymond.Marahang nag-angat ng mukha si Reymond. Puno ng pasa at sugat ang katawan
IN a quick reflexes Reymond tried to escape from their grasp but he was too tired to make it. Pumihit paharap sa kanya si Brent at unti-unting naglakad palapit sa kanya.“Sir, ano po ang ibig sabihin nito?” kalmadong tanong ni Reymond kahit may nakaambang panganib ayon na rin sa hinala niya.Hindi sumagot si Brent at nang huminto ito sa harapan niya bigla itong nagtanong, “Nakalimutan mo na ba na ako si Brent Santillian? At malinaw kong sinabi sa’yo noon na aalagaan mo ang anak ko kapag ipagkakatiwala ko siya sa’yo? Ha ha ha! Ang laki kong hangal dahil naniwala ako sa panlilinlang mo!”Bago pa man nakasagot si Reymond malakas na hinila ni Brent ang suot niya maskara. Sinundan agad nito ng malakas na suntok sa sikmura niya.
NAMULA lalo ang mga mata ni Reymond. Ang salitang binitawan ng anak niya ang tanging natitirang pag-asa niya para maitama lahat ng kasalanan niya pagkatapos niyang isagawa ang heart surgery nito.Marahan siyang tumango, “Oo naman. Hindi ako aalis hanggang sa gumaling ka ng tuluyan.”Nag-angat ng mukha si Andrei at pinahid ang mga luha ni Reymond, “Bakit ka umiiyak?”“Nalungkot lang ako dahil tayo lang dalawa ang narito eh. Wala ang Mommy mo na sana inasahan kong dadatnan siya rito. Marahil nga masaya na siya na bumalik si Carl,” madamdaming tugon niya.Umiling si Andrei, “Tulog pa si Mommy nang umalis kami. Late na rin kasi siyang umuwi kagabi, pero tiyak ako kapag nagising na iyon mamaya susunod siya rito
NAPANSIN ni Brent na tulala ang manugang niya at saglit itong namutla. He snapped his finger in front of Ivana.“Penny, on your thoughts, Ivana?” Brent gazed at her daughter-in-law with a bit of doubt.“Ah-- I was just shocked with the news, dad. Who is the good doctor that will perform the surgery?” She queried calmly, avoiding Brent’s eyes.Brent smiled lightly, “It’s Drake Yin!”Lihim na naikuyom ni Ivana ng mariin ang kamay dahil tulad ng inasahan niya si Reymond nga ang tinutukoy ni Brent. Gustong magalit ni Ivana kay Reymond ng mga sandaling ito dahil pinapairal nito ang katigasan ng ulo.“Wow, I can’t believe Drake will do that!”
SAGLIT na natigilan si Brielle. Hindi niya inasahan ang ganitong sitwasyon na kinalalagyan ng matalik niyang kaibigan. Ngunit hindi niya rin masisisi ito na tumakas sa poder ng magulang dahil niloko rin ito ng sariling ama.Bahagya siyang nakadama ng awa para rito at tulad ng pinangako niya noon kay Carl, mananatili siyang magtuturingang magkapatid.“Don’t worry, I will be at your back. Just make sure to win back my sister’s trust. Lately, I could sense her anxious thoughts about you.” Brielle said, trying to console his best friend.“Yeah. Actually, a minute ago, we had a bit of a hateful confrontation, no… it’s an argument. I think she was typing a message for Reymond, so I came to her angrily, telling her that she was cheating on me.” Carl let out
MAHIGIT dalawang araw na ang nakalipas ngunit hindi na muling nagpakita si Reymond kay Denise. Hindi rin nag-abalang mag-message ang dalaga sa kanya kaya’t nagmumukmok lamang siya loob ng kanyang kwarto.He tried to comfort himself and preparing for Andrei’s surgery but deep inside his heart there was an emptiness he could barely bear. Halos hindi siya makatulog sa loob ng dalawang araw at iba’t-ibang imahe nina Denise at Carl na masayang magkasama ang paulit-ulit na naglalaro sa utak niya.Ilang beses na rin nagdala ng pagkain si Manang Carol sa silid niya ngunit ni hindi niya ito halos galawin. Nawalan siya ng ganang kumain at lalo itong ikinabahala ng mga kasambahay niya.He jolted when his phone suddenly rang.“Reymond,
SA bawat salitang naririnig niya mula sa anak ibayong tuwa ang hatid nito. Mabilis na gumaan ang pakiramdam niya at nanumbalik ang determinasyon niya sa sarili.“Anak, salamat sa mga sinabi mo. Kung alam mo lang gaano mo pinawi ang hinanakit ko.”“It’s okay, dad. Take care of yourself, okay?”“I will. I love you. Bye for now!”He ended the call. Saka lamang niya napansin na madilim na ang paligid. Tinawagan na rin niya ang restaurant kung saan nag-book sana siya ng dinner date nila ni Denise. Bayad na niya ito at hindi rin napakinabangan ngunit nagpasya na lamang siyang palipasin ang nangyari. Bumalik na siya sa sariling bahay at natulog na lamang.Samantala, k
MABILIS na lumuwag ang kamay ni Reymond na nakahawak sa kamay ni Denise bago pa man makapag-react ang dalaga. Binitawan na rin ni Reymond ang bouquet ng bulaklak at nalaglag ito sa harapan nilang magnobyo.Mabibilis na hakbang ang ginawa ni Reymond at agad na pumasok sa loob ng kotse nito. His car galloped away from the parking area, leaving heavy pain in Denise's heart. Gusto niyang magpaliwanag dito ngunit tila nawalan siya ng lakas ng loob na magsalita kanina dala ng matinding pagkabigla.Akma na siyang dudukwang para damputin ang bulaklak mula sa lupa ngunit pinigilan siya ni Carl.“Bakit mo pa dadamputin iyan? Pwede naman kitang bilhan ng mas maganda dyan mamaya kapag may nadaanan tayong flower shop sa highway,” sita ni Carl.Gigi
SHE gently pulled herself away from him. Carl could sense Denise’s bothered reaction but he tried to understand her. Nasabi na ni Brielle sa kanya na madalas nitong kasama si Reymond na akala nito ay ibang tao ngunit sa pagkakataong ito hindi na rin siya makakapayag na aagawin pa ni Reymond ang nobya niya at sisirain ang buhay nilang dalawa.“Kailan ka pa dumating?” seryosong tanong ni Denise kay Carl, matapos nitong bitawan siya.Hinawakan nito ang braso niya at inakay siya patungo sa tabi ni Brielle. Tahimik naman siyang nagpahila rito.“Kaninang madaling araw lang. Umalis ako sa bahay namin kagabi. Marami pa akong sasabihin sa’yo pero sa ngayon hindi na muna natin pag-uusapan dahil ang mahalaga nagkabalikan na tayo ulit at buhay pareho,” nakangiting tugon ni C
Comments