NANG makapasok sa loob ng gate panay pa rin ang lingon ni Shantal sa labas, lalung-lalo na sa mga katapat na Villa sa bahay ni Brielle.
“Mommy La!” tili ni Brianna ang umagaw sa atensyon niya. Patakbo itong sumugod sa kanya kasunod ang bunsong kapatid na si Kyree.
“Dahan-dahan lang apo,” nakangiting tugon niya. Humakbang na rin siya patungo sa mga ito at kinalimutan ang agam-agam niya.
Brianna threw herself to Shantal's arms. She gave light to her grandma's cheek, "Muah! We are glad you are here now!" masayang bati nito sa kanya matapos humalik sa pisngi.
“Mo---Mommy La! Kyree wants a hug!” utal na tugon ni Kyree. Halos magdadalawang taon pa lamang ito kaya’t hirap pang banggitin ang mga tamang salita.
"Muah! Muah! My precious grandchildren! Mommy La miss you both!" isa-isa niyang hinalikan sa pisngi ang dalawang bata. Agad niyang kinarga si Kyree at sumabay naman sa kanila si Brianna papasok ng living room. "Where is your Kuya? Huh?" aniya at nilingon si Brianna na nasa gilid niya.
“Nasa taas po, ewan ko busy sa computer niya,” Brianna said.
“O, Shantal nandito kana pala,” bungad ni Yaya Santina sa kanya na lumabas mula sa kitchen.
“Hi, Yaya! Kadarating ko lang po. Ito nga at agad akong sinalubong nitong dalawang makulit,” she smiled at her nanny.
“Tamang-tama lang ang dating mo may ginagawa akong black forest cake pang merienda nitong mga bata. Ipaghahanda kita ng maiinom, sasamahan ko na rin nung cake,” tatalikod na sana ito ng agad nitong napansin ang ikinikilos niya na di mapakali. “Okay, ka lang ba? Napansin ko’ng panay ang tanaw mo sa labas,” anito.
“Ah...ewan ko Ya, parang may nagmamasid kasi sa akin kaninang pagbaba ko ng kotse ni Brent. May nahagip akong tunog ng camera at kislap ng liwanag galing sa isang lens ng camera,” aniya.
“Hayy, sus ikaw talagang bata ka, guni-guni mo lang iyon. O marahil isa lamang sa mga tagahanga mo na namukhaan ka kaya ka kinunan ng larawan,” nakangiting tugon nito.
She heaved a deep sigh and put down her grandson, "Maybe I am just so tired lately. That's why I have several weird thoughts. Sige na Ya, bring me a coffee, please?"
"Okay!" anito at mabilis na nagtungo ng kitchen.
Maya-maya pa bumalik na ito at inilapag ang tray na may lamang coffee, orange juice at cake. Tahimik na naghihintay ang dalawang bata na abutan din ni Yaya Santina ng merienda. Shantal put a small amount of cake in Kyree’s saucer.
Agad itong nag-angat ng mukha at tumingin sa kanya. His small lips pouted. Shantal understood that her little grandson didn't like the small amount of cake she'd put into his saucer.
"Little prince, Mommy La, only put in a small amount because it's not good for you to have a lot of cake intake,"
Ilang beses itong kumurap at itinuro ang platito ni Brianna. "Aiyo!... Ate Brianna had a bigger tummy than yours," paliwanag niya ulit.
"Baby Kyree, it's not good to eat more sweet food!" hinaplos ni Brianna ang pisngi ng bunsong kapatid.
“Hahaha! Ayaw pala nito ng malamangan,” tugon ni Shantal at napapangiti na rin si Yaya Santina.
“Hahaha! Oo nga, kaya ayaw ni Brendon makipagsabayan sa dalawang iyan. Mas matured na ang isip non kumpara dito sa dalawa,” wika ng yaya niya.
Pinisil ni Shantal ang pisngi ng apo. “Kapag lumaki ka na, pwede na ang marami. Sa ngayon hindi pa pwede,”
Kumurap-kurap ang singkit na mata ni Kyree. At unti-unting sumilay ang matamis na ngiti nito sa labi. Inangat nito ang tinidor na hawak at sumandok ng konting cake at isinubo.
"Ah!..ahh..!" anito habang iniabot sa bibig ni Shantal ang tinidor na may lamang cake.
Ibinuka ni Shantal ang bibig. "Wow, it tastes good! My little grandson is so sweet!"
“Mabait talaga iyan. Madaling kausap. O paano maiwan ko muna kayo dito. Babalik ako sa kusina dahil maghahanda ako ng pananghalian. Uuwi na rin kasi mamayang konti si Ivana. Sumama lang iyon kay Brielle sa HUO GROUP dahil may pipirmahan ata silang importanteng dokumento,”
“Ah, ganun po ba? Ya, teka lang! May sasabihin ako,” aniya.
"Ano iyon, Shantal?" huminto ito saglit at lumingon sa kanya.
“Gusto niyo na ba rito kay Brielle? Ayaw mo ng sumama sa amin ni Brent pagbalik namin ng Singapore?” nananantiyang tanong niya.
“Kung okay lang sa inyo ay mas gusto ko rito. Alam mo namang noon pa man ay mas malapit na ako kay Brielle,” nahihiyang tugon nito.
Ngumiti si Shantal dito at sumagot, “Okay lang naman sa amin ni Brent. Mukha namang nasanay kanang alagaan ang pamilya ni Brielle,”
“Salamat ha, alam mo namang mahilig ako sa bata. Di na rin ako nagpamilya dahil tumanda na ako sa kakaalaga sa inyo ni Brent, hanggang sa mga anak mo. At ngayon ito namang mga apo mo,” anito.
“Pwede naman na po kayong magpahinga. Ang tanda niyo na rin kasi,” biro niya.
“Naku, okay lang ako dito sa poder ni Brielle. Saka natutuwa akong makita lagi ang mga anak nila dito sa loob ng bahay,” anito.
"Okay. We always love you, Yaya!" she said.
***
Tapos na silang makapanghalian ng bumalik si Ivana. Pababa na ito ng kotse ng biglang may nahagip rin itong ilang kislap ng liwanag. Napalingon siya sa paligid ngunit tanging mga malalaking Villa lamang sa tapat ang nakikita niya. Sarado ang mga iyon.
Naglakad siya palapit sa main gate. Agad naman tumayo ang dalawang gwardya na nagbabantay.
"Good afternoon, Ma'am Ivana! May iuutos po kayo?" bati nito.
“Kuya may tao po ba dyan sa katapat ng Villa natin?” tanong niya.
“Wala po kaming napapansin Ma’am. Lagi pong sarado iyan. Bakit po?” nagtatakang tanong nito.
“May nahagip kasi ako kanina na parang kislap ng camera lens. Eksaktong pagbaba ko ng kotse, parang dyan galing eh!” aniya.
Lumingon ang dalawang guard sa katapat na Villa. “Parang wala naman pong tao Ma’am eh. Itatanong nalang po namin sa naka assign na pang gabi na guwardiya kung may napansin silang umuuwi dyan sa gabi. Pero pwede rin pong tingnan natin ang mga CCTV na nasa labas kung may nahagip bang images or tao na kahina hinala,” anito.
“Okay po! Paki-check nalang at kapag may napansin kayo, pakitawagan kami sa telepono,” tugon niya bago tumalikod.
Nadatnan niyang naglalaro sa sala sina Brianna at Kyree at kasama ng dalawa si Shantal.
"Mom, anong oras po kayo dumating?" She asked while walking towards them.
“Kaninang pasado alas-otso ng umaga. Dito na nga ako nang tanghalian kasabay ang mga bata,”
"Sorry po, inabot kami ng ilang oras sa video conference. May malaking gaganapin kasi na event sa London. Ilalaunch ng HOUSE OF FONTANER ang mga bagong designs na ginawa ko," aniya sabay upo sa tabi nito.
“Ganon ba? Buti naman at nakagawa ka ng panibagong mga designs ng alahas,” Shantal smiled.
Bigla niyang naalala ang dalawang jewelry box na nasa bag niya. Hinugot niya ito at ibinigay kay Shantal. “This one's for you and Denise! Hindi namin isasama ang dalawang alahas na iyan doon sa ilalaunch next week dahil ginawa ko iyan exclusively para lang sa inyo,”
Shantal was shocked when she saw the necklace, "Wow, so beautiful! I can't imagine that you can create wonderful jewelry designs like this! Muah! Thank you, anak!" agad na humalik si Shantal sa pisngi ni Ivana.
“Welcome Mommy. Alam ko matutuwa si Denise kapag nakita ang alahas na ginawa ko para sa kanya. Ilang beses nang nangungulit sa akin iyon. Kelan ko lang kasi natapos at naipagawa ang mga new designs ko kaya medyo natagalan,” she said.
"It's okay. As long as you made it, that only matters to us! Teka, kumain ka na ba?" anito.
"Opo, sabay kami nag-lunch ni Brielle kanina. We sneak out for a short lunch date," she said.
"Buti naman at nagkaroon kayo ng time na kumain sa labas,"
"Mommy, alam mo kaninang bumaba ako ng kotse parang may napapansin ako. O baka, guni-guni ko lang," biglang tugon niya.
Nagulat si Shantal ng marinig ang sinabi niya, "Ikaw rin may napansin? Ako rin eh, kaninang ibinaba ako ng Daddy mo sa tapat ng main gate ninyo, biglang may narinig akong camera lens shutter sounds kasabay ng biglang kislap ng liwanag. Pakiramdam ko may nagmamatyag sa akin,"
"Ha! ako din kanina, may ganong pakiramdam eh, nahagip din ng paningin ko na may kumislap na liwanag at parang may sumusunod sa akin at pa nakaw akong kinunan ng larawan," aniya.
"Kinakabahan ako, o baka kagaya mo napaparanoid lang din ako anak,"
"Yeah, baka nga nagkamali lang tayo, inisip lang siguro natin na may nagmamatyag sa atin," Ivana said.
"Di ko rin kasi talaga mawaglit sa isipan ko ang mga negatibong alalahanin dahil kailan lang nakulong si Simon. At hanggang ngayon nga sabi ni Samantha di pa rin nawawala ang galit ni Simon sa atin. May mga tauhan pa iyon sa labas ng kulungan," Dagdag ni Ivana at bakas sa boses niya ang pag-alala.
Humugot ng malalim na hininga si Shantal bago muling nagsalita," Sige lang may mga nagbabantay naman sa atin. Baka masyado lang tayong nag-iisip ng masama,"
"Mommy magbibihis lang ako at sabay na tayong maghanda ng hapunan. Excited na ang mga bata na sabay-sabay tayong mag hapunan ulit,"
"Okay, sige na umakyat kana. Hihintayin nalang kita dito sa living room. Daanan mo narin si Brendon sa kwarto niya at di na halos umaalis sa harapan ng computer. Pagsabihan mo nga iyang panganay mo," aniya.
"Okay, Mommy! Maiwan muna kita!"
Pumanhik na si Ivana sa kwarto niya at dali-daling nagpalit ng damit. Matapos nitong magbihis ay nagpasya siyang dumaan muna sa kwarto ni Brendon.
WHEN she push-open the door, Brendon is lying in bed and soundly sleeping. Lumapit siya sa kama nito at kinumutan ang anak. Tinitigan niya ang maamong mukha ng anak at umangat ang kamay niya sabay haplos sa pisngi nito.Mababaw lamang ang tulog nito kaya’t nagasing agad ito ng maramdaman ang presensya ng ina."Mmm...Mommy, you're here!" nakahiga pa rin ito sa kama ngunit nagising na.“Oo, dumaan ako sa kwarto mo kasi sabi ng Lola mo ay buong maghapon kanang naka babad sa komputer,” aniya."Kanina po iyon dahil may tinatapos lang akong bagong software at lesson activities na binigay ng online teacher ko," bumangon na ito at umupo sa kama.Tumabi si Ivana rito. "It's not good to s
The man sitting at the dark corner heard several tiny steps coming towards him. Naramdaman niyang huminto ito ilang distansya mula sa upuan niya."Uncle, why do you seem so sad," Nate said.Hindi siya gumalaw ni lumingon dito, ngunit sumagot siya sa tanong nito. "I just love a dark surrounding little Nate. Who is with you?"Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at huminto sa mismong harapan niya. Tumingala at titig na titig ang mapupungay nitong mga mata sa kanya. "Mommy is with me. She's in the kitchen preparing food for you. Galing kami kay Dad kanina, dinalaw namin sya,""You talk fluently, huh? You're just only two years old!" the man said."Mommy said, I'm intelligent like you and Dad. Uncle, y
BINUKSAN niya ang ilaw sa loob ng kwarto. Kumalat ang liwanag sa buong paligid at sumalubong sa kanya ang malungkot na paligid. He’s always been an introvert and has his own world that nobody understands. He glanced at the wall clock inside the room to check the time. It’s past six in the evening. Hindi niya alam na gano'n na pala kahaba ang mga oras na inilagi niya sa loob ng kwarto at nakatitig lamang sa kawalan. Nagpasya siyang maligo muna bago mag hapunan dahil marami siyang gagawin magdamag.***Elite Digital Marketing Office…Pasalampak na umupo sa sofa si Denise matapos bumalik sa loob ng opisina ng Daddy niya. Nakita niyang abala ang ama sa binabasa nitong dokumento at ni hindi man lamang ito nag-angat ng tingin kahit naramdaman nitong pumasok siya. She always admired her Dad for bei
SHANTAL went silent. Ramdam niyang iritable ang bunso niya. Nilingon niya si Brent na tahimik lamang na nakatitig sa kalsada habang nagmamaneho. Gusto niyang magbukas ng usapan tungkol sa nangyari kaninang umaga ngunit mas pinili niyang manahimik nalang dahil di rin naman siya sigurado kung tama nga ba ang hinala niya.Pagdating sa Villa nila, mabilis na bumaba si Denise at naglakad papasok ng bahay. Nahagip ng paningin ni Shantal ang regalong naiwan sa likurang upuan.“Brent, pinagod mo ata ang anak natin. Nakalimutan na niya ang regalo niya o,” sabay turo nito sa likod.“Ah...yeah, kunin mo nalang Love at ibigay mo sa kanya,” anito habang pababa ng sasakyan.Tumalima si Shantal at dinampot ang regalo bago sumunod kay Bren
BRENDON sat down in front of his computer while Brielle and Ivana were behind his back, waiting for the details he had saved earlier.Tahimik na inoobserbahan ni Brielle ang ginagawa ng anak niya. Ngayon lang niya ito nakitang magaling nga ito sa teknolohiya. Lumingon siya kay Ivana at kinabig ito palapit sa kanya."He inherited my knowledge and skills," Brielle whispered to his wife and a proud tone added to his words.“Ang yabang mo. Parang sinabi mong di ako matalino ah,” malakas na siniko ni Ivana si Brielle.“Hahaha, biro lang. Di ko naman sinabing hindi ka matalino. Magaling ka naman mag-alaga ng mga bata at magturo ng tamang asal sa kanila,” natatawang tugon ni Brielle.
HE cleared his throat before he talked again.“We need to find the person behind that mysterious gift, but you guys should keep your investigation in secret. Wala kayong sasabihin kay Ivana dahil hindi ko binanggit sa kanya ang bagay na ito. Mas gusto kong solusyunan ito ng maaga at mahanap ang kung sinuman na naglakas loob na takutin ako,” He said."Okay, sir. Iuutos ko nalang kay Anton ang bagay na 'to," Harold said.“Sige. Teka, nabanggit mo dati sa akin na may kapatid si Simon?” He asked again.“Opo. Reymond Yun ang pangalan ‘nun diba? Bakit niyo po naitanong?” nagtatakang tanong ni Harold.“Bigla ko lang naalala ang Science Laboratory sa Hainan
PABILING-biling sa higaan si Denise at mahapdi na ang mata niya sa kakapilit niyang matulog. Gising ang diwa niya kahit madaling araw na. Gusto niyang sabihin kay Carl na may nanggugulo sa kanya nitong mga nakaraang araw ngunit ayaw niya ring bigyan ito ng alalahanin. Nagdadalawang-isip rin siyang magsabi sa magulang niya dahil di rin siya sigurado kung ano talaga ang pakay ng taong nanggugulo sa kanya."Maybe this is just a prank from one of my followers. He may stop this kind of game later on," She thought silently.Napilitan siyang dumilat at bumangon. Umupo sa lamang siya sa kama at ilang beses na isinuklay ang kamay sa mahaba at makapal niyang buhok. Hinilot niya rin ang sentido para tanggalin ang stress na nararamdaman.Ilang minuto lang dinampo
AT Brielle’s Villa, everyone was too busy packing their things. Sa loob ng kwarto ng kambal di mapakali si Brianna. Lumapit ito kay Brendon.“Kuya, bakit tayo maglilipat ng bahay?”Lumingon si Brendon sa kanya at pinisil ang pisngi niya. “Huwag kanang maraming tanong, ligpitin mo na ang ilang importanteng gamit mo. Kanina pa tayo sinabihan ni Daddy na magligpit, ang tagal mo kasing bumangon,”Brianna pouted her tiny lips, “I love to stay here. We’ve been in this house for how many years. Why do we suddenly need to transfer?”“Brianna sige na, please? Ayusin mo na ang gamit mo. I’m sure mas maganda ang bagong bahay natin. Iyon nalang ang isipin mo,” muling tugon ni Brendon habang abalang i
HER hands shivered while tightly gripping the whip and the high-power laser. Her jaw locked and she greeted her teeth. Naglaho lahat ng paghanga niya sa pekeng Drake Yin. Napalitan ng galit ang pagmamahal na sana unti-unti na niyang naramdaman dito.Marahang umangat ang duguang kamay ni Reymond para sana punasan ang mga luha ni Denise ngunit mabilis niya itong tinabig.Mahinang yugyog ng balikat sanhi ng marahang tawa ang naging tugon ni Reymond. Alam niyang ito na ang huling mga sandali niya at gagamitin niya na lang ito para humingi ng kapatawaran dito.“Bakit? Bakit mo nagawa sa akin ito? Anong kasalanan ko sa’yo?” malakas na sigaw ni Denise kay Reymond.Marahang nag-angat ng mukha si Reymond. Puno ng pasa at sugat ang katawan
IN a quick reflexes Reymond tried to escape from their grasp but he was too tired to make it. Pumihit paharap sa kanya si Brent at unti-unting naglakad palapit sa kanya.“Sir, ano po ang ibig sabihin nito?” kalmadong tanong ni Reymond kahit may nakaambang panganib ayon na rin sa hinala niya.Hindi sumagot si Brent at nang huminto ito sa harapan niya bigla itong nagtanong, “Nakalimutan mo na ba na ako si Brent Santillian? At malinaw kong sinabi sa’yo noon na aalagaan mo ang anak ko kapag ipagkakatiwala ko siya sa’yo? Ha ha ha! Ang laki kong hangal dahil naniwala ako sa panlilinlang mo!”Bago pa man nakasagot si Reymond malakas na hinila ni Brent ang suot niya maskara. Sinundan agad nito ng malakas na suntok sa sikmura niya.
NAMULA lalo ang mga mata ni Reymond. Ang salitang binitawan ng anak niya ang tanging natitirang pag-asa niya para maitama lahat ng kasalanan niya pagkatapos niyang isagawa ang heart surgery nito.Marahan siyang tumango, “Oo naman. Hindi ako aalis hanggang sa gumaling ka ng tuluyan.”Nag-angat ng mukha si Andrei at pinahid ang mga luha ni Reymond, “Bakit ka umiiyak?”“Nalungkot lang ako dahil tayo lang dalawa ang narito eh. Wala ang Mommy mo na sana inasahan kong dadatnan siya rito. Marahil nga masaya na siya na bumalik si Carl,” madamdaming tugon niya.Umiling si Andrei, “Tulog pa si Mommy nang umalis kami. Late na rin kasi siyang umuwi kagabi, pero tiyak ako kapag nagising na iyon mamaya susunod siya rito
NAPANSIN ni Brent na tulala ang manugang niya at saglit itong namutla. He snapped his finger in front of Ivana.“Penny, on your thoughts, Ivana?” Brent gazed at her daughter-in-law with a bit of doubt.“Ah-- I was just shocked with the news, dad. Who is the good doctor that will perform the surgery?” She queried calmly, avoiding Brent’s eyes.Brent smiled lightly, “It’s Drake Yin!”Lihim na naikuyom ni Ivana ng mariin ang kamay dahil tulad ng inasahan niya si Reymond nga ang tinutukoy ni Brent. Gustong magalit ni Ivana kay Reymond ng mga sandaling ito dahil pinapairal nito ang katigasan ng ulo.“Wow, I can’t believe Drake will do that!”
SAGLIT na natigilan si Brielle. Hindi niya inasahan ang ganitong sitwasyon na kinalalagyan ng matalik niyang kaibigan. Ngunit hindi niya rin masisisi ito na tumakas sa poder ng magulang dahil niloko rin ito ng sariling ama.Bahagya siyang nakadama ng awa para rito at tulad ng pinangako niya noon kay Carl, mananatili siyang magtuturingang magkapatid.“Don’t worry, I will be at your back. Just make sure to win back my sister’s trust. Lately, I could sense her anxious thoughts about you.” Brielle said, trying to console his best friend.“Yeah. Actually, a minute ago, we had a bit of a hateful confrontation, no… it’s an argument. I think she was typing a message for Reymond, so I came to her angrily, telling her that she was cheating on me.” Carl let out
MAHIGIT dalawang araw na ang nakalipas ngunit hindi na muling nagpakita si Reymond kay Denise. Hindi rin nag-abalang mag-message ang dalaga sa kanya kaya’t nagmumukmok lamang siya loob ng kanyang kwarto.He tried to comfort himself and preparing for Andrei’s surgery but deep inside his heart there was an emptiness he could barely bear. Halos hindi siya makatulog sa loob ng dalawang araw at iba’t-ibang imahe nina Denise at Carl na masayang magkasama ang paulit-ulit na naglalaro sa utak niya.Ilang beses na rin nagdala ng pagkain si Manang Carol sa silid niya ngunit ni hindi niya ito halos galawin. Nawalan siya ng ganang kumain at lalo itong ikinabahala ng mga kasambahay niya.He jolted when his phone suddenly rang.“Reymond,
SA bawat salitang naririnig niya mula sa anak ibayong tuwa ang hatid nito. Mabilis na gumaan ang pakiramdam niya at nanumbalik ang determinasyon niya sa sarili.“Anak, salamat sa mga sinabi mo. Kung alam mo lang gaano mo pinawi ang hinanakit ko.”“It’s okay, dad. Take care of yourself, okay?”“I will. I love you. Bye for now!”He ended the call. Saka lamang niya napansin na madilim na ang paligid. Tinawagan na rin niya ang restaurant kung saan nag-book sana siya ng dinner date nila ni Denise. Bayad na niya ito at hindi rin napakinabangan ngunit nagpasya na lamang siyang palipasin ang nangyari. Bumalik na siya sa sariling bahay at natulog na lamang.Samantala, k
MABILIS na lumuwag ang kamay ni Reymond na nakahawak sa kamay ni Denise bago pa man makapag-react ang dalaga. Binitawan na rin ni Reymond ang bouquet ng bulaklak at nalaglag ito sa harapan nilang magnobyo.Mabibilis na hakbang ang ginawa ni Reymond at agad na pumasok sa loob ng kotse nito. His car galloped away from the parking area, leaving heavy pain in Denise's heart. Gusto niyang magpaliwanag dito ngunit tila nawalan siya ng lakas ng loob na magsalita kanina dala ng matinding pagkabigla.Akma na siyang dudukwang para damputin ang bulaklak mula sa lupa ngunit pinigilan siya ni Carl.“Bakit mo pa dadamputin iyan? Pwede naman kitang bilhan ng mas maganda dyan mamaya kapag may nadaanan tayong flower shop sa highway,” sita ni Carl.Gigi
SHE gently pulled herself away from him. Carl could sense Denise’s bothered reaction but he tried to understand her. Nasabi na ni Brielle sa kanya na madalas nitong kasama si Reymond na akala nito ay ibang tao ngunit sa pagkakataong ito hindi na rin siya makakapayag na aagawin pa ni Reymond ang nobya niya at sisirain ang buhay nilang dalawa.“Kailan ka pa dumating?” seryosong tanong ni Denise kay Carl, matapos nitong bitawan siya.Hinawakan nito ang braso niya at inakay siya patungo sa tabi ni Brielle. Tahimik naman siyang nagpahila rito.“Kaninang madaling araw lang. Umalis ako sa bahay namin kagabi. Marami pa akong sasabihin sa’yo pero sa ngayon hindi na muna natin pag-uusapan dahil ang mahalaga nagkabalikan na tayo ulit at buhay pareho,” nakangiting tugon ni C