TAHIMIK namang sumunod ang pamilya niya. Nang nasa living room na silang lahat, lumapit muna si Ivana kay Brendon.
“Anak, kayo muna maiwan dito sa bahay. Puntahan lang namin ang tita ninyo.”
Tumango si Brendon, “Okay lang Mommy. Malalaki naman na po kami.”
“Mommy, ano po kaya'ng nangyari kay Tita Denise?” bakas sa boses ni Brianna ang pag-aalala. Bago sumagot nahagip ng paningin niya na pumanhik sa ikalawang palapag si Brielle. Tiyak niyang sa kwarto nila ang punta nito.
“Anak, malalaman natin kapag nakarating na kami roon sa hospital. Maiwan muna kayo rito ha. O, bago ko makalimutan baka mag-aaway na naman kayong dalawa ng kuya mo.”
Nanulis ang nguso ni
ANDREI pouted his tiny lips. He looked at Reymond’s eyes, holding himself not to burst into tears.“She’s sleeping again,” these words slipped from Andrei’s mouth, and sadness was added to his voice.Nagulantang ang lahat sa sagot na ito ni Andrei. Lalong bumigat ang damdamin ni Reymond para sa anak. Dama niya ang labis nitong lungkot at takot sa nakitang kalagayan ng ina nito. Tumikhim si Reymond, yumukod at kinarga si Andrei. Biglang rumagasa sa kaiburan niya ang father instinct. Mahigpit na yakap ang binigay niya rito na sinabayan niya ng marahan paghagod sa likod nito.“Hush, your Mom is a very strong woman. She will pass this trial,'' soothing and calming words came out from Reymond’s mouth.Everyone
SAMANTALA, pagdating ni Reymond sa parking area kung saan naroon ang kotse na ginamit nila ni Mang Ramon saka lamang siya nakahinga ng maluwag. Kanina habang kasama niya sa loob ng pribadong silid ng hospital ang pamilya ni Denise parang nakalutang siya sa matinding dagat ng apoy na anumang sandali ay tutupok sa kanya.Muli siyang tumingala sa hospital at marahang umusal.“Denise, honey, please be healed. I will come back tomorrow.”Matapos ang mahinang usal dumukwang siya at sinilip sa salamin ng bintana si Mang Ramon. Nakasubsob na ito sa manibela at hula niya nakatulog na ito. Ayaw sana niyang abalahin ang matanda ngunit kailangan na rin niyang umuwi dahil bukas ng umaga marami siyang gagawin.Marahan siyang kumatok sa bintana. “Man
BIGLANG kumirot ang puso niya ng lumabas ang mga katagang ito. Pakiramdam niya bumalik siya noong mga panahong ang akala niya nawala na si Denise. Nang mga panahong miserable ang buhay niya at halos nawalan na siya ng pag-asang mabuhay.Tumikhim si Mang Ramon, “Hindi po ako naniniwalang masama kayong tao dahil niligtas niyo po si Senyorito Kevin. Kitang-kita ko rin po na malumanay kayong magsalita at madaling kausap.”Bumalik ang tingin ni Reymond kay Mang Ramon, “Salamat po ah. Pasensya na po kayo kung kailangan kong nagtago, nag-iipon lang po ako ng lakas ng loob para itama ang lahat ng pagkakamali ko.”“Okay, lang ho iyon. Lahat naman tayo hindi perpekto at madalas may mga mali tayong desisyon sa buhay na humihila sa atin sa isang pagkakamali na maaaring makakapagdu
SUNUD-SUNOD na tango ang sagot nito habang tinatanggap ang perang inabot ni Alice.“Ano pong gusto ninyong kainin, Sir, Ma’am.”“Hon, ikaw na ang bahalang magdesisyon,” anunsyo ni Alice.“Western breakfast nalang po Mang Ramon. May restaurant po doon sa katapat nitong hospital. Palagay ko bukas na ng ganitong oras,” sinipat pa nito ang relong pambising.“Sige ho, sir! Alis po muna ako.”Nang makaalis na si Mang Ramon saka lamang bumalik ang atensyon ni Aris kay Reymond. Tinapik nito ang balikat niya.“Natutuwa ako at nakadalaw ka ulit kay Kevin. Salamat sa tulong mo Reymond, gagaling na rin s
NAPANSIN ng mag-asawa ang biglaan niyang pagkatulala at pananahimik. Nagliwaliw sa ibayong sulok ng mundo ang isip niya kaya’t nakatitig siya sa kawalan.Naramdaman niya ang pagtapik muli ni Aris sa balikat niya. “Saka mo na siya isipin. Kung para talaga siya sa’yo anumang unos na darating sa buhay ninyong dalawa malalampasan ninyong pareho at tatanawin mo nalang ito nang may ngiti sa labi balang araw.”Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya at napatingin kay Aris, tumangu-tango, “Hindi naman po ako umasa na tatanggapin niya ako. Alam ko namang hindi mangyayari iyon dahil mahal po niya ang namayapa niya nobyo at kapag nalaman niya na ako ang taong naging dahilan sa pagkamatay nito baka labis na pagkamuhi ang maramdaman niya laban sa akin.”Umiling si Aris, “H
NGUMITI siya rito at tumuwid ng tayo matapos bumaba ng kotse. Narinig niya ang mahinang locked sound ng bintana ng kotseng sinakyan nila. Nauna na siyang humakbang dala ang isang box ng wild orchids para kay Denise at ang pagkain ni Andrei na niluto ni Manang Carol. Sumunod naman sa kanya si Mang Ramon at panay ang iling nito habang nakatingin sa paika-ika niyang lakad.“Mang Ramon, huwag na po kayong mag-alala sa akin, okay lang po ako.” sinipat niya ito nang nakasabay na ito sa hakbang niya.“Naku, baka po lumala iyan. Aba’y mag-aalala ho kaming lahat eh,” bakas sa boses nito ang pagtutol.He just smiled at him and glanced at his wristwatch. It’s already past 8 in the morning. Tuloy-tuloy sila sa elevator patungo sa VIP room ni Denise. Umusad na ang elevator ng
NAGULAT naman ito sa tanong ni Brent ngunit sumagot din ito ng malumanay.“Oho, taga rito ho talaga ako. Hinire lang ako ni sir Re- Drake!” muntik na itong magkamali at biglang napalingon din dito si Reymond.Abot-abot ang kaba ni Reymond habang nakatingin sa matanda. Panay ang lihim niyang usal na huwag itong magkamaling banggitin ang pangalan niya. Mabubuking siya ng maaga kapag nagkataon.Napansin ni Brent ang kakaibang kilos ng matanda. Umiiwas ito ng tingin sa kanya. “Okay, lang po kayo? Huwag po kayong matakot sa akin, hindi po ako nangangain ng tao,” pabirong tugon ni Brent.Hilaw na ngiti ang isinukli ni Mang Ramon at lihim niyang sinipat si Reymond. “Nanibago lang ho ako sir. Ngayon ko lang ho kasi kayo nakita ng m
AYAW niyang patulan si Brielle dahil alam niyang may pagdududa ito sa kanya. Laking pasalamat nalang niya at tila nahulog agad ang loob ng magulang ni Denise sa kabutihang ipinamalas niya.Pakunswelo na rin niya sa sarili ang maayos na pakikipag-usap ng magulang ni Denise. Ang buong akala niya ay pakikitaan din siya ng mga ito ng ‘di kanais-nais na pakikitungo ngunit kabaligtaran naman ang pinakita ng mga ito.Nakahinga siya ng maluwag kahit papaano. Saka na lamang niya iisipin kung paano magtapat sa mga ito sa mga susunod na araw. Ang tanging hiling niya ay magising ang babaeng mahal niya at makasama ito ng ilang beses man lamang bago siya nito tuluyang kamuhian.Nilamon ng labis ng lungkot bigla ang puso niya sa alalahaning ito. Ngunit kailangan din niyang harapin ang kasalanang ginawa niya