CHAPTER TEN Nang mabasa ko ang message ay tila lumagpak ang panga ko diretso sa sahig. Ipinabasa ko kay Dhaeny ang message mula kay Sir Lester at umalingawngaw ang tili niya sa buong bahay. Kinalog kalog niya pa ako at nagpatakbo takbong paikot ikot. Tumigil siya sa harapan ko at humawak sa akin habang hinahabol ang hininga niya. "Gurl, ano? Sasama ba tayo?" tanong ko habang nagpipigil ng tawa dahil sa hitsura niya. "Wait, pahingahin mo muna ako, pag iisipan ko... Oo!!! Bakit hindi?! Si Sir Lester yun! I wonder anong mangyayari, baka ito na ang simula!" gigil na sabi ni Dhaeny at patuloy na tumitili. Hindi siya mapakali at kinalog kalog ang lahat ng mahagip ng kamay niya. "Kumalma ka nga gurl, mamaya maubusan ka ng hininga kakatili lalo ka hindi nakasama." saad ko at natawa. "Gurl, hindi mo ba naiisip?! Ito na ang chance mo para
Last Updated : 2021-12-07 Read more