HINDI agad nakapagsimula ang isa man sa kanila maliban sa Dad ni Rose Mary na agad na nakabawi."What have you said?"Bumuga muna siya ng hangin bago nagsalita. Pilit niyang pinalakas ang kaniyang loob at matatag na muling nagsalita. "I said, there will be no marriage to happen anymore!"Isang malakas na sampal ang naging sagot ng kaniyang Dad. Hindi niya inakalang ganoon kabilis ang kamay nito na dumapo sa mukha niya. Napaluha siya sa sakit matapos maramdaman ang sampal na halos yumugyog sa buo niyang katawan. Napatda naman sina Drax, Isaac at mga magulang ni Drax na nabigla din sa naging reaksiyon ng kaniyang daddy Jonathan."Do you hear yourself talking? " nangigigil na wika nito na hinawakan siya ng mahigpit sa braso. Napangiwi naman siya sa sakit na sinisikap na iiwas rito ang kaniyang braso. "Sa loob ng tatlong taon, inintindi kita! Inunawa ka naming lahat dahil sa kalagayan mo! But your time is up now! Tapos ka na sa pag-inarte na hindi ka pa handang ikasal. You have no excus
Pero bakit naman tayo aalis?"Nagtatakang usisa ni Jino sa asawang si Naikkah ng mga oras na iyon. Hindi niya maintindihan ang babae kung bakit sa mga oras na iyon ay parang kulang na lang ay apurahin siya nito na umuwi na at may pupuntahan daw sila sa kabilang Isla. Idagdag pa na nakakahiya naman kung basta na lamang nila iiwan ang kanilang Itay Ramon na noon ay abala sa pagka-classify ng mga isda para mas mapresyuhan ng mataas ang mga at may quality at kalakihan kaysa sa mga normal size na isdang huli nila. Sinulyapan niyang muli ang asawa at kitang-kita niya sa mga mata nito ang nakapintang pagkatakot at hindi mapalagay na isipan. Hindi siya mindreader pero para niyang natratrace up ang ibig nitong mangyari. Parang may tinatakasan ito na parang ewan kung kaya't kanina pa nito siya kinukulit na umuwi na."Basta! Kaylangan mo nang umuwi at lalakad na tayo ngayon. Hayaan mo na sina Itay ang magtinda ng mga nakuha niyong isda." muling pangungulit nito sa kaniya ng makitang hindi pa
NAGING mainit naman ang naging pagtanggap ng pamilya ni Mang Carding Favila sa mag-asawa pagdating ng dalawa roon sa Isla Corona, ang lugar kung saan nagmula ang yumaong nobyo ni Naikkah na si Jino Favila. Si Mang Carding ay kapatid ng papa ni Jino. Ito din ang pinakaclose nito na tito sa lahat ng lima pang kapatid ng kaniyang ama. Gaya ng pagkakasabi ni Naikkah, may malapad na kaniyugan ang naturang tiyuhin ni Jino kaya nga doon niya napag-isip na doon muna sila ni Jino pansamantalang mamalagi para maitago si Jino sa mga naghahanap sa asawa niya. Nasa plano na ni Naikkah na iyon ang mangyayari kaya naman, sa pagdating pa lamang nila roon ay agad na ipinagtapat niya na baka matatagalan sila sa lugar na iyon. Nagulat man si Jino ay hindi nagawang makapagsalita. Hindi niya alam kung nahihiya ito o baka naman wala itong makitang masama sa sinabi niya. "Ikaw ang bahala. Nasa iyo naman iyon kung magtatagal kayo rito." tanging tugon ng kaniyang tito Carding na bagama't patay na ang
WALANG nagawa si Aling Rosing sa kagustuhan ng anak na si Naikkah ng magpaalam ito na aalis kasama si Jino upang tumungo sa kabilang Isla, ang isla Corona. Ayon sa anak niya, doon muna sila pansamantala upang sandaling itago si Jino sa pamilya nito na ngayon ay alam niyang pupunta sa Isla upang hanapin ang nawawalang anak na tatlong taon nang nawawala. Mali man ang mga naging aksiyon ng anak ay wala naman siyang magagawa para pigilan ito. Ano'ng karapatan niyang hadlangan ang anak kung alam niyang dahil lang sa pagkakatagpo nito at ni Jino ay saka lang nagkaroon ng bagong buhay ang anak niya? Hindi niya masisisi si Naikkah. Alam niyang mali man ang kagustuhan nito ay wala din naman itong pagpipilian. Pagpapanggap man ang lahat nang naganap sa pagitan nito at ni Jino ay hindi pa din niya maitatangging minahal ng anak niya ang bilyonaryong si Kent Jino Zeke Domingo at kasama na doon ang pagiging asawa nito! Hindi man totoong ikinasal si Naikkah sa lalaki ay iyon ang pinaniniwalaan
GABI. Maliwanag ang paligid na bunga ng mapayapang sinag ng buwan na tumatanglaw sa buong isla. Nakakaakit ang tahimik na atmospera na dala kanina pa nanng unti-unting magkalat ang gabi. Maging ang malakrystal na repleksiyon ng alon sa tuwing ihahampas sa mababaw at aninag na buhanginan ay masarap sa mata ng makakakita. Ang mapanuksong tanawin ay siyang pumigil kay Jino upang sandaling masdan ang ipinamamalas nitong kapayapaan at kapanatagan. Umupo siya sa naroong malapad ngunit flat na bato. Gamit ang indian sit, malaya at pinagkasya niya ang sarili sa panonood ng marahang paghampas ng alon. Kahit maingay ang hampas ng alon, naging musika naman iyon sa kaniyang pandinig. Para kasing may bagay na gusto itong ipaalam sa kaniya. Ang mahinang tunog ng paggalaw ng tubig at marahang tilamsik nito ay may hatid na kakaibang mensahe sa kaniya. May panaka-nakang ala-ala na saglit na parang kidlat na gumuguhit sa kaniya. Mga bagay na nagpapahilo sa kaniyang kaisipan. Minsan ay may mga
IBIG magpalahaw ng iyak ni Arianne ng mga oras na iyon. Para siyang binagsakan ng langit at lupa nang marinig ang sinabi ng nagpakilalang Rosing. Ang sigla,pananabik at pag-asa na muling makita ang anak niya na kanina lang ay nasa buong sistema ng kaniyang pagkatao ay parang mga ulap na nahawi sa kinalalagyan. Ang buong akala niya ay makikita na niya ang kanilang anak na si Jino pero isa lang pala iyong masamang biro. Kahit nakaupo ay parang nawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod at para siyang mabubuwal sa pagkakaupo. Gusto niyang isipin na ginigood time lang sila ng ginang dahil ayon kay Jake, ito mismo ang tumawag sa asawa tungkol sa nalalaman nito sa anak nila. Ano at parang binabawi lang nito ang mga sinabi nito gaya ng isang false witness sa court? "P-pero Aling Rosing, malinaw ang pagkakasabi niyo sa akin ng tumawag kayo. Hindi ko naisip na aabot kami rito kung isa lang palang biro ang itinawag niyo sa amin?" Si Jake na bagama't pormal pa din magsalita ay hindi naiwasang
"SINABI na ng asawa ko ang gusto niyang masabi. Nasagot na din ang mga tanong niyo kaya puwede na kayong makaalis." Pinal na wika ng asawa ni Aling Rosing na bigla na lamang sumulpot. "Sinabi na niya na wala siyang ideya kung nasaan ang anak niyo, tapos ang usapan. Huwag niyo na nang antayin pang magpatawag ako ng mga kapitbahay para lang palayasin kayo!" Pagpapatuloy nito na nilapitan ang asawa at niyakap. Sa pamamagitan ng paghaplos sa likod nito ay sinubukan nitong pagaanin ang bigat na nararamdaman nito na para bang alam na alam niya ang kung ano ang nasa loob nito.Wala nang nagawa sina Arianne at Jake. Hindi nila parehong hawak ang sitwasyon para igiit pa kung ano talaga ang dahilan kung bakit sila nandito sa Isla. Isang sulyap ang ibinigay niya sa mga ito at palipat-lipat sa dalawa. "Ano pang hinihintay niyo? Sige na at baka ano pang magawa ko sa inyo kung magtagal kayo rito." Muling pagtataboy nito sa kanila at ngayon ay may halong pagbabanta na. Matapos ang isang bunton
MALAMIG at walang emosyon ang ekspresiyon ng mukha ni Rose Mary nang sulyapan ang kaniyang Daddy Jonathan na nadatnan niya sa sala sa condo unit niya. Matapos kasi ang mga nangyari pagkatapos ng pagkawala ni Jino ay nagpasya na ding umuwi silang mag-ama sa kaniyang condo. Akala nga niya ay makakapag bagong buhay na silang mag-ama pero iyon ang malaki niyang pagkakamali.Wala siyang ideya na nagbabalak pala ang kaniyang Dad ng planong pagpapakasal niya kay Drax. Ito naman ay para daw sa kanilang kinabukasan dahil malaki daw ang pagkakautang nito sa mga Del Valle. Ang kapalit? Ang kaniyang sarili at isang kasal kay Drax gaya ng kung ano sana ang nakatakdang nangyari sa simula pa. Ang kaso nga lang, wala ng pag-ibig na nararamdaman pa si Rose Mary para kay Drax. Mula kasi ng mawala si Jino ay puro pagkamuhi na lang sa lalaki ang kaniyang nararamdaman. Iyon lang at wala ng iba.Ang buong akala niya ay tapos na ang pagkontrol ng kaniyang Dad sa buhay niya, hindi pa pala. Pagkatapos na i