Share

Art of Destiny LX

"SINABI na ng asawa ko ang gusto niyang masabi. Nasagot na din ang mga tanong niyo kaya puwede na kayong makaalis."

Pinal na wika ng asawa ni Aling Rosing na bigla na lamang sumulpot. "Sinabi na niya na wala siyang ideya kung nasaan ang anak niyo, tapos ang usapan. Huwag niyo na nang antayin pang magpatawag ako ng mga kapitbahay para lang palayasin kayo!" Pagpapatuloy nito na nilapitan ang asawa at niyakap. Sa pamamagitan ng paghaplos sa likod nito ay sinubukan nitong pagaanin ang bigat na nararamdaman nito na para bang alam na alam niya ang kung ano ang nasa loob nito.

Wala nang nagawa sina Arianne at Jake. Hindi nila parehong hawak ang sitwasyon para igiit pa kung ano talaga ang dahilan kung bakit sila nandito sa Isla.

Isang sulyap ang ibinigay niya sa mga ito at palipat-lipat sa dalawa.

"Ano pang hinihintay niyo? Sige na at baka ano pang magawa ko sa inyo kung magtagal kayo rito." Muling pagtataboy nito sa kanila at ngayon ay may halong pagbabanta na.

Matapos ang isang bunton
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status