Share

Art of Destiny CXII

GULAT na gulat si Naikkah nang ganap na makilala kung sino ang bumaril sa kaniya. Agad siyang natumba dahil sa impact ng tumamang bala sa balikat niya. Sapo-sapo ang tinamaang kanang balikat na ngayon ay nagdurugo na, nahihilong tumingala siya upang tiyakin kung sino nga talaga ang nasa likod ng pagkabaril niya. Hinintay niyang makalapit ang nasabing bulto ng taong papalapit ang mga yabag at kahit sa kabila ng panlalabo ng kaniyang mga mata ay nakilala niya pa rin ang may-ari ng bultong iyon.

Isang babae, may hawak na baril na bahagya pang umuusok ang nasa kaniyang harapan ngayon at tinitingnan siyang walang kaemo-emosyon.

"I-ikaw??" Gulat na bulalas niya. "P-paano niyo po ito nagawa sa akin? A-ano bang k-kasalanan ko sa inyo?" Hirap na hirap niyang wika sapagkat napapaimpit siya ng daing sa walang tigil na pagdurugo at pangingirot ng kaniyang sugat.

Hindi siya makapaniwalang si Donya Fatima nga ito nasa harapan siya.

"Oo Naikkah! Ako nga ito!" Mayabang na wika ni Donya Fatima. Kit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status