BONUS CHAPTER:
GANOON na lamang ang palahaw na iyak ni Yna, asawa ni Joshua Arevallo ng araw na iyon. Iyon ay ganap nang alas -singko ng hapon pero hindi pa din nakakauwi si Glory Belle, ang panganay na anak ng mag-asawa. Magaanim na taon pa lamang ito at kasalukuyang nasa ikatlong baitang at nagaaral sa Central Cebu Elementary School. Hindi kalayuan sa bahay nila kaya may tiwala siyang hindi mapapano ang bata. Idagdag pa na kasa-kasama nito ang yaya Cherry nito at hatid-sundo sa school na piapasukan nito. Ano kaya ang nangyari at wala pa din ang kaniyang anak at ang kaniyang Yaya? May ilang minuto na ang paroo't parito ang ginawa ng babae habang ang mga mata ay hindi inaalis sa may pintuan. Alalang-alala na si Yna dahil supposed to be ay hindi pa din nakakauwi ang kanilang anak. Dapat alas-singko pa lamang ay nakauwi na ang bata. Dahil sa labis na pag-alala ay nagawa niyang tawagan ang asawang si Joshua. Batid niyang nasa office pa nito ito at tiyak na busy pa sa lahat ng mga papeles.Hindi biro din ang trabaho ng asawa niya bilang CEO ng Hope. Kulang na lang nga ay doon na ito magtira sa opisina para lang hindi mabulalyaso ang trabaho. Sa totoo lang ay tutol talaga siya sa kasunduan ng kaniyang asawa at sa anak ng kaniyang Ate Arianne na si Jino. Iyon ay nang hirangin si Joshua bilang CEO ng Hope. Hindi din basta-basta ang Hope. Unti-unti na niyang nakikita ang gulong pinasok ng kaniyang asawa. "U hubby, ano't napatawag ka? Namiss mo na ba ako? Masyado pang maaga para doon." Pabiro at pilyong tgon sa kabilang linya. Ang asawa niya iyon, si Joshua. "Ikaw talaga Joshua, kahit kaylan puro ka biro. Nawawala na nga ang anak natin, nakuha mo pang magbiro?" Wika naman niya na abala ang isip sa kung ano na ba ang lagay ng anak niya sa mga sandaling ito. Para namang minulto ang asawa niya at napabulalas. "Ano?!" Paanong nangyaring nawawala ang anak natin ay di'ba nag-aaral iyon? Nasaan na ba si Yaya Cherry?" Napangiwi pa siya dahil napalakas yata ang boses ng asawa na nagkastatic sa kabilang linya. "Iyon na nga e. Ano'ng oras na ito o?" Pagkukuwento niya at panakaw na sinulyapan ang oras. "Magka-quarter to six na ng hapon. Hanggang ngayon ay wala pa din si Glory Belleo kahit si Yaya.Naku naman, Joshua. Umuwi ka na muna please? Kanina pa talaga ako alalang-alala." Hindi na niya naiwasang magsumamo sa asawa sapagkat hindi na talaga siya mapalagay kanina pa. "Wait me diyan. Magaasikaso lang ako. Pagkaligpit ko rito, uuwi na ako." Alo naman sa kaniya ng asawa na hindi naiwasang mataranta. "Bilisan mo ha? Hindi na talaga ako mapalagay." May pagmamadali niyang utos rito. "Sandali lang. Naitawag mo na ba kay Jino? O kina Lolo Ronaldo? Malay mo ay naisip ng mga iyon na dumalaw sa mansiyon De Domingo?" konklusiyon ng asawa na nagbigay din sa kaniya ng clue. Sa totoo lang kasi, sa sobrang panic niya at pag-aalala, naging clueless na siya sa mga taong posibleng puntahan ng kaniyang anak. "Sige, itry ko silang tawagan pero basta, umuwi ka na rito. Mas panatag ako kung sabay tayong maghahanap sa anak natin." Muli niyang kambiyo sa asawa. "Oo na, Yna. I'll be there in ten minutes. Don't be so much worried. Glory Belle will be fine." "Puwede ba iyon? Paano'ng hindi magpanic e, ngayon lang ito nangyari?" May pamimilosopo pa niyang habol na salita rito. "O siya, siya. Hintayin mo na lang ako. Io-off ko na ang tawag. I love you." "I love you, too. Ingat ka sa pag-uwi." Iyon lang at nawala na sa kabilang linya si Joshua. Naiwan siyang muli na namang palakad-lakad sa tabi ng pintuan. "My God, Glory Belle! Nasaan ka na anak ko?" Dalangin niya sa hangin na tinangay lamang. "Umuwi ka na please?" Itutuloy....... ***ABANGAN!!!INTRODUCTION: PangungulilaSa dalawang magkaibang dako, may magkaibang puso na naghihintay, umaasa at nananabik na magkitang muli... Malulunasan ba pareho ang mga sugat ng panahon at oras??βββββOne night of a full moon.Makikita ang isang taong nakaupo sa isang bangkong kawayan. Nagiisa lang ang person. Walang balak mag-ingay, magsalita o sumigaw.Nakapako lang ang mga mata niya sa galaw ng dagat. Pinagmamasdan nito din ang tila kristal na tubig na tinamaan ng liwanag ng buwan.Matiyaga nitong pinakikinggan ang mga tila awit ng hampas ng alon sa pampang.Mayamaya ay saglit nitong ginalaw ang mga nangangawit na paa dahil sa tagal ng pagkakaupo.Pinaglagutok din nito ang mga daliri sa kamay na parang namanhid na din. Masaya nitong binilang habang pinakikinggan iyon hanggang sa huling lagutok. Di pa nakuntento ay isinunod nito ang mga daliri sa dalawa nitong paa. Nakaramdam ito ng ginhawa matapos gawin ang mga iyon. Naginat pa ito at pinaglagutok din ang likod sa sarili nitong pamamar
One/ Nakatagong lihim"Sa likod ng mga realidad na nagaganap, may mga nakatagong lihim ng nakaraan na mauungkat , katulad ng librong may mga kabanatang nilumot na ng panahon."ββββ"Miss Rose Mary Gaile Villadencio, will you marry me?"Ito ang mga katagang binanggit ni Jino na punong-puno ng eksaytment at 'di masusukat na saya. Noon ay nasa isang sikat na restaurant ang dalawa at kasalukuyang nasa dinner date. Nakatayo si Jino sa pormang paluhod sa harap ng kaniyang girlfriend at wala silang paki sa mga nakapaligid sa kanila o kung pinagtitinginan man sila ng mga ito.It was Jino's most awaited moment. A moment to propose marriage to his fiancee for more than five years and still counting.Even though na parang sinasalakay ng kaba ang puso niya at handang makipagkarera sa laban sa sobrang bilis ng pintig niyon, still Jino's trying to do what he should do a year ago.Jino thought that those five years are enough to make them both settled in peace. Marami na silang pinagdadaanan as a lov
Two/ Mr. Discoverer"Lahat ay may karapatang malaman tungkol sa pagkatao niya o sa kaniyang nakaraan. Pero paano kung ang nakatagong nakaraan ang mga bagay na 'di na dapat pang mabalikan?"ββββHAWAK-hawak ni Jino ang calling card na ibinigay ng nagpakilalang Zieth Kate Del Fuego at kapatid daw ng totoong biological father niya na si Blake John Del Fuego.Matapos ang proposal kanina at nangyaring diskusyon sa pagitan ng babae at ni Rose Mary ay napaliwanagan na din niya ito. Aniya, ay wala namang dapat pagselosan ang nobya dahil unexpected person naman daw ang babae idagdag pang hindi niya iyon kilala.Matapos maihatid ang nobya ay agad na din siyang umuwi sa Lola Zenaida niya at Lolo Ronaldo niya. Noon ay ganap nang alas otso ng gabi at nagpapahinga na na ang matanda. Tatatlo na lamang sila sa napakalaking mansiyon ng Domingo.Ang kaniyang Tito na si Niko ay bumukod na din dahil may sarili na din itong pamilya sa edad na 35 at may dalawang anak na na parehong lalaki. Ang sumunod kay
βββ "HELLO, my beloved Jino. Ano't napatawag ang gwapo kong anak?" Sagot sa kabilang linya. Boses iyon ng Mommy Arianne niya. Matapos ang grand reunion ng pamilya, although kahit wala na ang Lolo Arthur niya ay masaya siyang nagpaalam na umuwi sa Mansiyon ng Domingo family. Naisipan niyang tawagan ang Mommy niya para kahit paano ay masabi niya rito ang kaniyang natuklasan tungkol sa pagkatao niya. Iyon din ay para huwag ng bigyang pangamba pa ang ina kung sakaling malaman man ng mga ito na nalaman na niya ang tungkol sa totoo niyang ama. Saglit muna siyang huminga upang sumagap ng lakas. "Mom, nagkita na kami ni Dad sa personal." Sagot niya. Dahan- dahan niyang binanggit ang pagkasabing iyon na parang tinitimbang ang bawat sabihin. Napatawa si Mom sa kabilang linya. "Bored ka na ba diyan at nagkakaganyan ang Jino namin? Why spend some of your days with us here in Palawan? Baka naman naho-homesick ka na? Hmmm. Huwag mong sabihing namimiss mo na ako? Kami ng Dad mo?" Sinundan
~~~ Labinlimang taon na ang nakakaraan... KAUSAP ng kaniyang Dad ang ang isa sa mga kasosyo nito sa Hope Marketing. Iyon ang pangalan ng isa sa mga negosyong pinagkaabalahan nito these past few days. Isa iyong company ng mga Home appliances, gadgets at Kitchenwares. "Well, wala naman akong nakita na gusot o butas about my clients proposal so I suggest na idaan na natin ito sa board meetings next week?" Tinig ni Mr. Jonathan Villadencio. "Sure. As far as I know, daanan naman sa majority ang nasabing projects." panatag na tugon ni Dad rito. Nakikinig lamang siya sa usapan ng mga ito na kinakalikot ang sariling tainga para may pagkabalahan. "That was not my point, Jake." Pakli nito. "What I mean is, kung na-review mo ito ng husto, makikita mo na agad ang grounds at pwede mo na iyong dagdagan or bawasan. After all, it is you who was the biggest share in this company.You should study the whole proposal well. Sa akin ay paalala lang." Hindi nito masisi si Jonathan kung ganito na ito k
ILANG araw na lang ay matatakda na ang kasal nina Rose Mary Gaile Villadencio at Kent Jino Zeke Domingo. Eksayted at walang pagsisidlang tuwa ang nararamdaman niya dahil sa nalalapit nilang kasal ni Jino. Magkahalong kaba din at takot ang kakambal ng kaniyang kasiyahang iyon. Hindi niya alam kung bakit pero nakakaramdam siya ng takot. Kahapon lang ay tumawag si Jino at ikinuwento sa akin na nagkita na nga sila ng totoong biological father nito pati na din ang Lola at Auntie nitong napakamaldita ang looks. They already met na, noong nasa restaurant sila ni Jino at kakatapos lang magproposed ng binata sa kaniya. Ang babae palang iyon ay kapatid ng totoong Dad niya. Medyo nahiya siya nang makumpirmang inaway biya at pinagselosan ang Tita ni Jino. Sa tingin nga niya ay wala siyang mukhang ihaharap sa babae oras na magkita silang muli. Paano ba naman kasi? Kulang na lang ay sugurin niya ang babae kung hindi lang siya napigil ng nobyo. Baka kung ngakataon ay nagkasabunutan pa sila
ββββ"IT was your Dad's plan. Kuya Blake desired you to replace me as the new CEO of Hotel Uno."Parang nalula si Jino sa sinabi ng kaniyang Auntie Zieth Kate nang ganap silang magsarilinan. Being surprised, he didn't answer her eagerly. He was left muted yet double-minded. How he supposed to be a CEO of Hotel Uno if he had a company to manage with?He was the Overall Managing Head of the three branches of Hope Marketing within the entire Cebu and these businesses are going a lot of profit. This position was animously hidden to the knowledge of all managers of Hope. What they had already known and known alone is Mr. Jonathan was the CEO of the Cebu branch and he was the branch manager, nothing more.Tinapunan niya nang sulyap ang magamang nagkasya sa pagharutan sa isang tabi. Kung ito ngang sa Hope pa lang ay halos ko na maimanage ang time, how about kung siya na ang CEO ng Hotel Uno?Kilala niya ang nasabing Hotel. It was one of the renowned largest and most luxuriant hotel in the
"BAKIT ka sumunod pa dito sa akin?" Reklamo ni Zenaida sa asawang si Ronaldo. Iniwan kasi nito ang mga bisita ng apo na sa halip ay i-entertained ang mga bisita ng apo sa labas. "Nakalimutan mo na kung ano ang ginawa ng pamilyang iyan kay Arianne?" Katwiran ni Ronaldo na hindi mapalagay. Panay ang upo-tayo at paroo't parito na parang may ibig sabihin pero hibdi magawang magsalita. Sinaway naman ito ng asawa. "Pst. Magdahan-dahan ka nga ng boses mo at baka marinig tayo nila." Suhestiyon ni Zenaida sa asawa na kinakabahang baka narinig ng mga bisita ang sinabi ni Ronaldo. "Ikaw, Ronaldo, pakitikom nga ng bibig mo." Sumang-ayon naman ang asawa habang hinahaluan ng chicken spread mayo ang mga loof bread. Nasa harap din nito ang isang pitsel na naglalaman ng orange juice para sa mga bisita na patuloy na hinahalo niya. "Di ba nga? May usap-usapan na may cultong kinabibilangan ang mga ito ayon na din sa kuwento at karanasan ni Arianne? Puwera pa doon sa napabalita noon ang kasong murde