Share

Art of Destiny CXIV

LUMIPAS ANG ILANG BUWAN...

"LADIES and gentleman, I would like and proudly to announce you, our new CEO of Hotel Uno, Mr. Kent Jino Zeke Domingo!" Malakas na anunsiyo ni Zieth kate sa lahat ng mga staffs, employees, co-partners, guests at iba pang importanteng tao na dumalo sa pagtitipong iyon. Sinundan naman iyon ng masigabong palakpakan na mula sa mga karamihan ay pamilya Del Fuego at Domingo.

"Mr. new CEO, please come forward." hiling ng kaniyang Tita Zeith Kate.

Nakangiti namang pumagitna si Jino sa nakahilerang mga tao at masayang kumaway sa lahat. Isang palakpakan muli ang iginawad sa kaniya ng lahat.

"Thank you. Thank you po sa inyong lahat." Pahayag niya na hindi mapunit-punit ang mga ngiti at iginala ang mga mata sa lahat. Naroon ang kaniyang Mommy Arianne at Daddy Jake, ang kaniyang tito Nikko at pamilya nito, ang kaniyang Tito Joshua kasama din ang pamilya nito, ang kaniyang Lolo Ron at Lola Zen, ang kaniyang Lola Adelaida at asawa ni Zieth Kate na si Kurt Justin Steve Del Pacio at anak ng mga itong si Janzel Thor.

Naroon din ang kaniyang Tita Chen-chen at Lola Leah, mga pamilya ng kanyang Mommy Arianne. Wala siyang iniwasan ng tingin o nilaktawan.

"Sa lahat ng mga kapamilya kong buo ang tiwala at suporta sa akin, ang aking Mom at Dad na kahit hindi payag ay napilitan na lang din. Mom, Dad, alam niyo pong sobrang thankful po ako sa lahat ng mga ginawa at sakripisyo niyo sa akin. Kay Dad na kahit hindi ko totoong ama, mahal na mahal ko po kayo." Mahabang pahayag niya na hindi napigilang maging emosyonal ng mga sandaling iyon.

Sinubukan niyang alisin ang pangulimlim ng mga mata sa pamamagitan ng paglakad-lakad habang nagsasalita. "Alam niyo po, ilang beses na po akong nalagay sa alanganin. Ilang beses na din akong nagkamali ng akala na akala ko oras ko...ngunit hindi pa pala." Pagkukuwento niya at muling nanariwa ang mga nangyari nang matamaaan siya sa dibdib ng baril na agaw-agaw niya kay Donya Fatima.

"Sadya sigurong 'pag hindi mo pa oras ay hindi pa din darating ang iyong katapusan. Pagkagising ko na lamang ay nasa ospital na ako. Akal ko nga ay nasa langit na ako noon e." Sinulyapan niya ang kaniyang Mom na hindi napigilang maluha. "But when I saw my Mom's face, I am so grateful that God never allows me again to say goodbye to all my love ones."

Maging ang kaniyang Tita Zieth Kate ay hindi napigilang lumuha.

"I know that God is always been with us. To my Mom who had a dark past, palagi na kaming hindi pinababayaan ng Diyos. And i know also, that---"

Hindi muna siya nagpatuloy sa pagsasalita at sa halip ay lumapit sa kay Naikkah na ngayon ay opisyal na niyang asawa. Matapos kasi siyang gumaling ng ilang araw dahil hindi naman ganoon kalala ang tama ng bala sa kaniyang didbib ay agad silang nagpakasal. Ito na din ay sa kadahilanang lumaalaki na ang tiyan ni Naikkah.

Hinapit niya ang asawa sa beywang at masuyong nginitian. "Our story, our epic love story is one I believed that is not just a product of destiny but a story already made by the Lord in the very start."Pagpapatuloy niya na matamis na nginitian ang babae. nagtama ang kanilang mga mata at naghinang ng ilang sandali.

"And now, I am proud to tell you this precious news that sooner or later, we will have another Domingo's princess!" Muling pahayag niya na hinuli ang labi ng babae kahit sa publikong sitwasyon.

Nagkaniya-kaniyang hiyawan ang mga bisita at may pumalakpak ng sunod-sunod.Ang iba naman ay kumuha ng litrato sa naghahalikang dalawang personalidad na hindi nahihiyang ipahayag sa isa't isa ang marubdob nilang pagmamahalan. may mga pasimpleng sumipol, may mga humiyaw.

"Mabuhay si Jino!" Very supportive na sigaw ni Nikko na pinangalawahan ni Joshua.

"Mabuhay ang bagong CEO ng Hotel Uno!" Sigaw naman nito na siyang umako sa pamamahala sa Hope habang si Jino naman ang nasa Hotel Uno.

Matapos kumalas sa paghahalikan ay muling nagsalita si Jino.

"Now, the home is yours, too. Let's enjoy the party!"

Iyon lang ang hinintay na hudyat ng mga tao.Mabilis na kumalat ang lahat sa iba't ibang dako. Ang iba ay kumuha ng wine at mga baso. Ang iba naman ay pumunta sa food area at nagkaniya-kaniyang sandok ng pagkain. Si Jino naman ay pumunta sa family table at masayang nagsalo-salo kasama ang bago niyang pamilya.

____________

HINDI nagtapos roon ang kasiyahan ng pamilya Domingo. Pagkalipas lamang ng ilang linggo ay nagsilang na si Naikkah ng kanilang panganay ni Jino. Sobrang saya ang nararamdaman ni Jino ng mga oras na iyon. Matapos ang matagumpay na panganganak ni Naikkah, pinayagan na ng doktor na makita nila ang kanilang anak.

"Congratulations, Mr and Mrs. Domingo. Finally, ligtas na naisilang ang inyong anak. It is a girl." Masayang balita ng Doktor na nagpaanak kay Naikkah. Daig naman ang isang bituin sa klase ng kislap ng mga mata ni Jino lalo na si Naikkah na matapos ang hirap na pinagdaanan upang matagumpay na maisilang ang kanilang anak ay napawi iyon dahil sa dalang balita ng doktor. Wala noon ang kanilang Mommy Arianne at Daddy Jake dahil lumabas ang mga ito sandali upang bumili ng makakain ng mag-asawa.

"Nurse, show up here thier daughter." Wika ng doctor sa nurse at lumabas ito pansamantala. Nang bumalik ito, karga-karga na nito ang baby nila.

"Let me see her." Si Naikkah na halos sumabog ang buhok at magulong mukha dahil sa hirap ng panganganak. Idagdag pa na panganay ito.

Tumingin ang nurse sa doctor na parang humihingi ng permiso. Kumumpas naman ang doctor na agad na naintindihan ng nurse.

"Narito po, Maam." nakangiting abot nito ng sanggol kay Naikkah. "She's very cute and healthy."

Nakangiting inabot ni Naikkah ang bata at ipinatong sa kandungan nito. Inalalayan naman ito ni Jino.

"Ang ganda niya!" Puri ni Jino sa anak. "Kasing ganda mo."

"Binola mo pa ako." sagot naman ni Naikkah na hindi naman naiinis. Walang pagsisidalng tuwa ang nakabaha sa mukha nito habang sinusulyapan ang bagong silang na sanggol na noon ay mahimbing na natutulog.

"Naturukan na namin siya ng vitamins at other necessary nutrients na kaylangan ng anak niya upang maging malakas ang kaniyang resistance. Ikaw din Mrs. Domingo, don't forget to take your medicines. Kaylangan mo iyon para mapabilis ang iyong recovery." Payo ng doctor na tinanguan naman ni NAikkah.

"Don't worry, Doc. Ako na ang bahala sa asawa ko." Pahayag naman ni Jino.

Matapos matiyak na maayos na ang kalagayan ng mag-ina ay nagpaalam na ang doctor sa kanila.

"By the way, I have to go na. I have some patients to attend so, maiiwan ko na kayo."Pamamalaam ng Doctor.

"Sige po, Doc." nakangiting tugon ni Jino samantalang busy naman si Naikkah sa paghagod ng tingin sa anak nila.

Sinenyasan lang nito ang alalay nitong nurse at magkasunod na lumabas. Nang makalabas ang dalawa ay tinabihan niya ang asawa sa patient bed at masaya nilang pinagmamasdan ang tahimik na natutulog nilang anak.

Hindi nagtagal ay isa-isang nagsisulputan ang iba pang mga miyembro ng pamilya Domingo na tuwang -tuwa na kargahin ang bagong silang at daragdag na naman sa bilang ng mga Domingo.

***WAKAS***

AUTHOR'S NARRATION:

Ngayon ay napatunayan na nina Jino at Naikkah na lahat ng pagdurusa sa mundo, sa huli ay may kapalit ding wakas at ligaya. Tahimik na muling namuhay sina Jino at Naikkah kasama angkanilang napakaganda at napakaputing anak na babae na pinangalanan nilang JUNICCAH na habang lumalaki ay masa lalong lumalabas ang angking kagandahan.

Kinagigiliwan ng lahat ang batang si Junnicah dahil sa taglay nitong pagiging migiliw at magalang sa lahat ng nakapaligid sa kaniya.

Tungkol sa Mama at Papa ni Naikkah? May paminsan-minsang dumadalaw silang mag-asawa sa Isla Maambeng sa Palawan para dalawin ang mga magulang ni Naikkah at para din makilala ng mga ito si Junnicah.

Tungkol naman kina Arianne at Jake? Umuwi na ito ng Palawan pagkatapos na maisilang si Junnicah. May paminsang dumadalaw ang mga ito sa Cebu upang makita si Jino at apo ng mga ito. Naroon ding may business transactions ang mga ito o kinukumusta ang Hope- Cebu Branch sa pamamahala ni Joshua Arevallo, kapatid na lalaki ni Arianne.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status