Share

Art of Destiny LII

BUSY noon si Naikkah sa pagliligpit ng mga damit nilang mag-asawa dahil balak niyang maglaba nang umagang iyon. Nakabukas noon ang kaniyang kuwarto kaya hindi na niya namalayang tahimik na nakapasok na ang kaniyang ina. Wala noon si Jino dahil tulad ng karaniwan ay isinasama ito ng kaniyang Itay Ramon sa pangingisda.

Nagulat na lamang siya nang mahagip ito ng kaniyang tingin na nakatayo sa pintuan ng kanilang kuwarto. Malambong ang mga mata nito at hindi maipinta ang mukha.

"Inay naman! Nakakagulat kayo e." bulalas niya dahil sa pagkagulat. "Kanina pa po ba kayo nandiyan?" dagdag pa niya na hindi naman mababakasan ng galit ang tono ng pananalita.

Hindi muna sumagot ang Ginang sa halip ay lumapit sa kaniya at mahinang umupo sa ibabaw ng kanilang kama.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang pagmumukha ng kaniyang ina. Parang miserable na hindi niya maipaliwanag. Sa buong buhay na magkasama sila ng kaniyang ina sa iisang bubong, ngayon lang ito naging balisa at parang may ibig
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status