MAY kakaibang kislap na nabuhay sa mukha ni Arianne nang may mapabalitang naririto lang pala sa Palawan ang kanilang nawawalang anak na si Jino. Ayon sa mapagkatiwalaang source ay matagal nang naninirahan si Jino sa isang Isla na kung tawagin ay Isla Maambeng. ayon sa ibinalita, nasa bahaging Southern Palawan ang nasabing Isla mararating sa loob ng isang oras lamang mula sa bayan. "Totoo? Buhay ang anak natin? Buhay si Jino?" Walang pagsisidlang tuwa na pangungumpirma ni Arianne sa asawang si Jake ng ibalita niya rito ang tungkol sa nalaman. Mabilis na tumango si Jake bilang kumpirmasyon na walang balak panisin ang pananabik at sayang nakaguhit sa mukha ng asawa. "Kahapon lang ay may tumawag sa akin na isang caller dala ang balitang natagpuan daw nito ang anak natin at alam nito kung nasaan si Jino. Hindi nga lang muna siya nagbigay ng pangalan dahil gusto niyang personal tayong makausap." Agad na inayos ni Arianne ang sarili na para lang nagising sa isang matagal na bangun
BUSY noon si Naikkah sa pagliligpit ng mga damit nilang mag-asawa dahil balak niyang maglaba nang umagang iyon. Nakabukas noon ang kaniyang kuwarto kaya hindi na niya namalayang tahimik na nakapasok na ang kaniyang ina. Wala noon si Jino dahil tulad ng karaniwan ay isinasama ito ng kaniyang Itay Ramon sa pangingisda.Nagulat na lamang siya nang mahagip ito ng kaniyang tingin na nakatayo sa pintuan ng kanilang kuwarto. Malambong ang mga mata nito at hindi maipinta ang mukha."Inay naman! Nakakagulat kayo e." bulalas niya dahil sa pagkagulat. "Kanina pa po ba kayo nandiyan?" dagdag pa niya na hindi naman mababakasan ng galit ang tono ng pananalita.Hindi muna sumagot ang Ginang sa halip ay lumapit sa kaniya at mahinang umupo sa ibabaw ng kanilang kama. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang pagmumukha ng kaniyang ina. Parang miserable na hindi niya maipaliwanag. Sa buong buhay na magkasama sila ng kaniyang ina sa iisang bubong, ngayon lang ito naging balisa at parang may ibig
WALANG-wala talaga sa kagustuhan ni Rose Mary ang magpakasal kay Drax. Ang papa lang niya na si Jonathan ang may gusto ng lahat ng iyon. Sa simula pa lamang ng kuwento ay wala naman talaga siyang balak magpakasal. Mas lalo na nang dumating sa buhay niya si Jino. Si Jino lang ang bukod-tanging lalaking nagpahalaga sa kaniya. Ang nag-iisang lalaking nagparamdam sa kaniya na hindi siya isang materyal na bagay o pag-aari ng kahit na sino.Hindi kagaya ni Drax na sex ang katuparan ng pagmamahalan nilang dalawa. Para kay Drax, ang sex ang nagpapatibay sa isang relasyon. Ito ang nagbibigay ng malalim na koneksiyon sa isang nagmamahalan para manatiling kumapit sa isang relasyon. Kung wala ang sex, walang buhay ang isang relasyon at walang intense meaning.Dahil nga doon, unti-unting nababawasan ang respeto at dating mataas na pagtingin sa kaniya ni Drax. Bagay na nagdulot din sa kaniya ng unti-unting paglaho ng pagmamahal niya para sa lalaki.Mula nang makilala niya si Jino,nagbago ang tin
INTRODUCTION: PangungulilaSa dalawang magkaibang dako, may magkaibang puso na naghihintay, umaasa at nananabik na magkitang muli... Malulunasan ba pareho ang mga sugat ng panahon at oras??βββββOne night of a full moon.Makikita ang isang taong nakaupo sa isang bangkong kawayan. Nagiisa lang ang person. Walang balak mag-ingay, magsalita o sumigaw.Nakapako lang ang mga mata niya sa galaw ng dagat. Pinagmamasdan nito din ang tila kristal na tubig na tinamaan ng liwanag ng buwan.Matiyaga nitong pinakikinggan ang mga tila awit ng hampas ng alon sa pampang.Mayamaya ay saglit nitong ginalaw ang mga nangangawit na paa dahil sa tagal ng pagkakaupo.Pinaglagutok din nito ang mga daliri sa kamay na parang namanhid na din. Masaya nitong binilang habang pinakikinggan iyon hanggang sa huling lagutok. Di pa nakuntento ay isinunod nito ang mga daliri sa dalawa nitong paa. Nakaramdam ito ng ginhawa matapos gawin ang mga iyon. Naginat pa ito at pinaglagutok din ang likod sa sarili nitong pamamar
One/ Nakatagong lihim"Sa likod ng mga realidad na nagaganap, may mga nakatagong lihim ng nakaraan na mauungkat , katulad ng librong may mga kabanatang nilumot na ng panahon."ββββ"Miss Rose Mary Gaile Villadencio, will you marry me?"Ito ang mga katagang binanggit ni Jino na punong-puno ng eksaytment at 'di masusukat na saya. Noon ay nasa isang sikat na restaurant ang dalawa at kasalukuyang nasa dinner date. Nakatayo si Jino sa pormang paluhod sa harap ng kaniyang girlfriend at wala silang paki sa mga nakapaligid sa kanila o kung pinagtitinginan man sila ng mga ito.It was Jino's most awaited moment. A moment to propose marriage to his fiancee for more than five years and still counting.Even though na parang sinasalakay ng kaba ang puso niya at handang makipagkarera sa laban sa sobrang bilis ng pintig niyon, still Jino's trying to do what he should do a year ago.Jino thought that those five years are enough to make them both settled in peace. Marami na silang pinagdadaanan as a lov
Two/ Mr. Discoverer"Lahat ay may karapatang malaman tungkol sa pagkatao niya o sa kaniyang nakaraan. Pero paano kung ang nakatagong nakaraan ang mga bagay na 'di na dapat pang mabalikan?"ββββHAWAK-hawak ni Jino ang calling card na ibinigay ng nagpakilalang Zieth Kate Del Fuego at kapatid daw ng totoong biological father niya na si Blake John Del Fuego.Matapos ang proposal kanina at nangyaring diskusyon sa pagitan ng babae at ni Rose Mary ay napaliwanagan na din niya ito. Aniya, ay wala namang dapat pagselosan ang nobya dahil unexpected person naman daw ang babae idagdag pang hindi niya iyon kilala.Matapos maihatid ang nobya ay agad na din siyang umuwi sa Lola Zenaida niya at Lolo Ronaldo niya. Noon ay ganap nang alas otso ng gabi at nagpapahinga na na ang matanda. Tatatlo na lamang sila sa napakalaking mansiyon ng Domingo.Ang kaniyang Tito na si Niko ay bumukod na din dahil may sarili na din itong pamilya sa edad na 35 at may dalawang anak na na parehong lalaki. Ang sumunod kay
βββ "HELLO, my beloved Jino. Ano't napatawag ang gwapo kong anak?" Sagot sa kabilang linya.Boses iyon ng Mommy Arianne niya. Matapos ang grand reunion ng pamilya, although kahit wala na ang Lolo Arthur niya ay masaya siyang nagpaalam na umuwi sa Mansiyon ng Domingo family.Naisipan niyang tawagan ang Mommy niya para kahit paano ay masabi niya rito ang kaniyang natuklasan tungkol sa pagkatao niya. Iyon din ay para huwag ng bigyang pangamba pa ang ina kung sakaling malaman man ng mga ito na nalaman na niya ang tungkol sa totoo niyang ama.Saglit muna siyang huminga upang sumagap ng lakas."Mom, nagkita na kami ni Dad sa personal." Sagot niya. Dahan- dahan niyang binanggit ang pagkasabing iyon na parang tinitimbang ang bawat sabihin. Napatawa si Mom sa kabilang linya. "Bored ka na ba diyan at nagkakaganyan ang Jino namin? Why spend some of your days with us here in Palawan? Baka naman naho-homesick ka na? Hmmm. Huwag mong sabihing namimiss mo na ako? Kami ng Dad mo?"Sinundan iyon ng
~~~ Labinlimang taon na ang nakakaraan... KAUSAP ng kaniyang Dad ang ang isa sa mga kasosyo nito sa Hope Marketing. Iyon ang pangalan ng isa sa mga negosyong pinagkaabalahan nito these past few days. Isa iyong company ng mga Home appliances, gadgets at Kitchenwares. "Well, wala naman akong nakita na gusot o butas about my clients proposal so I suggest na idaan na natin ito sa board meetings next week?" Tinig ni Mr. Jonathan Villadencio. "Sure. As far as I know, daanan naman sa majority ang nasabing projects." panatag na tugon ni Dad rito. Nakikinig lamang siya sa usapan ng mga ito na kinakalikot ang sariling tainga para may pagkabalahan. "That was not my point, Jake." Pakli nito. "What I mean is, kung na-review mo ito ng husto, makikita mo na agad ang grounds at pwede mo na iyong dagdagan or bawasan. After all, it is you who was the biggest share in this company.You should study the whole proposal well. Sa akin ay paalala lang." Hindi nito masisi si Jonathan kung ganito na ito k