GABI. Maliwanag ang paligid na bunga ng mapayapang sinag ng buwan na tumatanglaw sa buong isla. Nakakaakit ang tahimik na atmospera na dala kanina pa nanng unti-unting magkalat ang gabi. Maging ang malakrystal na repleksiyon ng alon sa tuwing ihahampas sa mababaw at aninag na buhanginan ay masarap sa mata ng makakakita. Ang mapanuksong tanawin ay siyang pumigil kay Jino upang sandaling masdan ang ipinamamalas nitong kapayapaan at kapanatagan. Umupo siya sa naroong malapad ngunit flat na bato. Gamit ang indian sit, malaya at pinagkasya niya ang sarili sa panonood ng marahang paghampas ng alon. Kahit maingay ang hampas ng alon, naging musika naman iyon sa kaniyang pandinig. Para kasing may bagay na gusto itong ipaalam sa kaniya. Ang mahinang tunog ng paggalaw ng tubig at marahang tilamsik nito ay may hatid na kakaibang mensahe sa kaniya. May panaka-nakang ala-ala na saglit na parang kidlat na gumuguhit sa kaniya. Mga bagay na nagpapahilo sa kaniyang kaisipan. Minsan ay may mga
IBIG magpalahaw ng iyak ni Arianne ng mga oras na iyon. Para siyang binagsakan ng langit at lupa nang marinig ang sinabi ng nagpakilalang Rosing. Ang sigla,pananabik at pag-asa na muling makita ang anak niya na kanina lang ay nasa buong sistema ng kaniyang pagkatao ay parang mga ulap na nahawi sa kinalalagyan. Ang buong akala niya ay makikita na niya ang kanilang anak na si Jino pero isa lang pala iyong masamang biro. Kahit nakaupo ay parang nawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod at para siyang mabubuwal sa pagkakaupo. Gusto niyang isipin na ginigood time lang sila ng ginang dahil ayon kay Jake, ito mismo ang tumawag sa asawa tungkol sa nalalaman nito sa anak nila. Ano at parang binabawi lang nito ang mga sinabi nito gaya ng isang false witness sa court? "P-pero Aling Rosing, malinaw ang pagkakasabi niyo sa akin ng tumawag kayo. Hindi ko naisip na aabot kami rito kung isa lang palang biro ang itinawag niyo sa amin?" Si Jake na bagama't pormal pa din magsalita ay hindi naiwasang
"SINABI na ng asawa ko ang gusto niyang masabi. Nasagot na din ang mga tanong niyo kaya puwede na kayong makaalis." Pinal na wika ng asawa ni Aling Rosing na bigla na lamang sumulpot. "Sinabi na niya na wala siyang ideya kung nasaan ang anak niyo, tapos ang usapan. Huwag niyo na nang antayin pang magpatawag ako ng mga kapitbahay para lang palayasin kayo!" Pagpapatuloy nito na nilapitan ang asawa at niyakap. Sa pamamagitan ng paghaplos sa likod nito ay sinubukan nitong pagaanin ang bigat na nararamdaman nito na para bang alam na alam niya ang kung ano ang nasa loob nito.Wala nang nagawa sina Arianne at Jake. Hindi nila parehong hawak ang sitwasyon para igiit pa kung ano talaga ang dahilan kung bakit sila nandito sa Isla. Isang sulyap ang ibinigay niya sa mga ito at palipat-lipat sa dalawa. "Ano pang hinihintay niyo? Sige na at baka ano pang magawa ko sa inyo kung magtagal kayo rito." Muling pagtataboy nito sa kanila at ngayon ay may halong pagbabanta na. Matapos ang isang bunton
MALAMIG at walang emosyon ang ekspresiyon ng mukha ni Rose Mary nang sulyapan ang kaniyang Daddy Jonathan na nadatnan niya sa sala sa condo unit niya. Matapos kasi ang mga nangyari pagkatapos ng pagkawala ni Jino ay nagpasya na ding umuwi silang mag-ama sa kaniyang condo. Akala nga niya ay makakapag bagong buhay na silang mag-ama pero iyon ang malaki niyang pagkakamali.Wala siyang ideya na nagbabalak pala ang kaniyang Dad ng planong pagpapakasal niya kay Drax. Ito naman ay para daw sa kanilang kinabukasan dahil malaki daw ang pagkakautang nito sa mga Del Valle. Ang kapalit? Ang kaniyang sarili at isang kasal kay Drax gaya ng kung ano sana ang nakatakdang nangyari sa simula pa. Ang kaso nga lang, wala ng pag-ibig na nararamdaman pa si Rose Mary para kay Drax. Mula kasi ng mawala si Jino ay puro pagkamuhi na lang sa lalaki ang kaniyang nararamdaman. Iyon lang at wala ng iba.Ang buong akala niya ay tapos na ang pagkontrol ng kaniyang Dad sa buhay niya, hindi pa pala. Pagkatapos na i
KATULAD ng dati, hindi nga nagkamali si Jino sa pagsabing hinahanap naman siya ng asawa niyang si Naikkah. Totoo ngang kanina pa siya tuliro kung saan hahanapin ang asawa. Para kay Naikkah, hindi pangkaraniwan ang nawawala si Jino sa paningin niya. Hindi siya mapakali, hindi matatahimik hangga't hindi natatagpuan o nakikita ang asawa. Kunsabagay, sino nga ba naman ang hindi matatakot 'diba? Lalo pa ngayon na alam na ng pamilya ni Jino na buhay siya? Anumang oras, anumang sandali. Puwedeng mawala at bawiin si Jino mula sa kaniya. At sa bagay na iyon ay hindi siya makakapayag pa! Si Jino ay binigay ng kaniyang yumaong nobyo na maging kapalit nito pagkatpos na ito ay ganap na nilisan ang mundo. Simula ng nakasama na niya ang bagong Jino ay hindi na muling nagparamdam pa sa kaniya ang kaluluwa ni Jino. Hindi lang niya tiyak kung hindi na nga ito nagparamdam o dahil hallucinations lang naman niya ang lahat? Na ang nakikita niya ay likha lamang ng kaniyang isipan na hindi pa din h
MALINAW na para kay Zenaida ang tungkol sa pamilya ni Rose Mary Villadencio. Nangimbestiga siya tungkol sa tunay na pagkatao ng babae at kung ano ang papel na ginagampanan ng babae sa buhay ng kaniyang apong si Jino. Hindi siya makapaniwala na si Rose Mary ay anak ng ampon ng kaniyang mga magulang, walang iba kundi si Luz Ville. Hindi niya inakalang malaki pala ang koneksiyon niya sa babaeng pinakasalan ng apo.Ang pagkakatanda niya ay si Luz Ville ay nagpakalayo-layo at hindi na nagpakita sa kanila noon pagkatapos na malaman nitong ampon lamang ito ng kaniyang Dad at Mom. Mula nga noon ay wala na siyang balita sa kaniyang Ate. Ang huling pagkakatanda niya tungkol dito ay nag-asawa na ito at nagkaroon ng anak. Huli na nang mabalitaan niyang nagkasakit ito ng malubha at hindi na nakarecover. Ayon sa kaniyang pag-iimbestiga, may anak ito sa asawang si Jonathan Villadencio.Iyon na nga si Rose Mary Villadencio, ang pinakasalan ng kaniyang apo na si Jino!Ang buong akala niya ay na
MALAYO pa ay agad nang natanawan ni Aling Leah ang anak na si Arianne kasama ang asawa nitong si Jake na paparating. Kilalang-kilala niya ang kotseng pagmamay-ari ng mag-asawa kaya hindi siya maaring magkamali. Sabado noon kaya wala siyang schedule sa kaniyang wellness and Fitness program sa shop na siya mismo ang nagmamay-ari. Sa edad niyang halos magseseventy years old na, isa siyang instructor at the same time ay owner ng isang Fitness Program para sa mga calendar-off age na gusto pa rin maging health conscious at physically fit kahit sa kanilang older age. Nagmamadali siyang lumabas ng bungalow at tila mansion built na bahay nila at lumabas. Gusto niyang salubungin ang anak at kamustahin ito sa lakad nito. Nasa isipan niya din ang pag-asang kasama na ng mag-asawa ang kaniyang apong si Jino. Sa kasalukuyan ay may apat na siyang apo. Si Jino at si Kayla Reece sa panganay na anak na si Arianne at si Glory Belle at Zayrah Mae naman sa pangalawang anak na si Joshua. Ang kaniyang b
TATLONG araw pa lamang mula nang makaalis si Naikkah sa kanila kasama ang asawang si Jino pero parang isang linggo na siyang nalayo sa mga magulang at mga kapatid. Malayo pa ay natanawan na siya ng kaniyang mga kapatid na agad na nagmadaling sinalubong siya ng yakap. "We miss you, Ate Naik!" Wika ni Tobby kahit mahigpit siyang yakap. Sumabad na din sa usapan nila si Zeneliah. "I miss you, Ate." Wika din ng kaniyang kaaptid na babae na nakasubsob ang ulo sa kaniyang tiyan."I miss you too." Masayang tugon niya na hinalikan pa ang dalawa sa mga buhok. Sobrang namiss niya ang kakulitan at pagiging magulo ng dalawa. "Sobra kayong namiss ng ate, lalo ka na Zeneliah."lalong naging mahigpit ang kanilang yakapan dahil sa sinabi niya. Normal na talaga siguro ito sa magkapatid. kahit man mag-away o may hindi pagkakaintindihan, nananatili pa din ang matibay na bonding na mas lalong naging malakas kapag nagkakalayo at muling nabuo.Noon niya naalala ang kaniyang mga magulang."Si Inay at Itay