Share

CHAPTER 3

The Announcement

“Wow, you’re marrying Lucas Sebastian Apollo?! The youngest billionaire in the country? Paanong hindi mo siya kilala?”

Sinamaan ni Beatrice ng tingin ang kaibigan. “Anong pakialam ko sa business news? All this time, I had been lavishing in my parents’ wealth. Iyon pala, ako na ang next investment nila. Biruin mo, kaka-18 ko lang yesterday, ikakasal na ako agad.”

“Oh, come on, Bea. Don’t exaggerate things. Engaged ka at 18. Pero, ikakasal naman pala kayo once you turn 25. Binigyan ka ng 7 years more para maging single. At, anong inirereklamo mo? Secured na ang future mo. You like your parents’ wealth, ‘di ba? Hindi ka nag-iisip; bilyonaryo ang fiance mo. Sa kaniya ka humingi ng luho!” Humalakhak ang kaibigan.

“Shut up, Mary!” iritableng saway ni Beatrice.

Nasa coffee shop sila ng kaibigang si Mary. Tinakasan ni Beatrice ang ina nang matapos ang dress fitting nila sa isang sikat na botique sa El Pueblo. Hindi nito maintindihan ang unreasonable na paghihigpit ni Helen sa kaniya. Pumayag na nga siya’t lahat sa kasal na hindi niya alam na siya pala ang magiging bride. Pati, sa engagement party, na hindi niya wari ang pagiging rush. Pagkatapos ito, ang pagbabawal ng ina sa kaniyang lumabas nang walang guard.

“Ang OA nina mommy,” reklamo ni Beatrice. Makailang ulit niya nang patayin ang cellphone. Nang tuluyang mapigtas ang pasensya, ni-shut down niya ang device.

“Sometimes, I wish na kasingyaman niyo ako. But judging your life, talagang gusto ko nang matupad iyon,” dagdag pa ni Mary. Naghiwa ito ng slice sa cheesecake na inorder niya.

“Mayaman na, oo na. What’s the use kung wala kang freedom?” rason ni Beatrice.

“Freedom? Gosh, sayang ka! Kung ang gwapong gaya ni Lucas Sebastian Apollo ang bibihag sa akin, ayaw ko nang lumaya!”

“Gwapo nga, masama naman ang ugali.” Lumingon si Beatrice sa salaming wall ng coffee shop. Bumusina nang malakas ang driver ng isang kotse sa sulok saka malutong na nagmura. Mabilis ang takbo nito. Inaliw ni Beatrice ang sarili sa panonood sa mga sasakyan at nagbingi-bingihan sa pantasya ng kaibigan sa lalaking nakatakdang ipakasal sa kaniya.

Umarko ang kilay ng dalaga. Napako ang tingin niya sa nakaparadang puting sasakyan sa kabilang kalsada. Tinaas ng driver ang salamin nang mapansin nakatitig siya. Hindi niya mamukhaan ang nasa driver’s seat dahil sa itim nitong cap. Nanlamig ang sikmura ni Beatrice. Tila nataranta siya bigla. Bumaling siya kay Mary.

“Tradition na talaga ng mga anak sa conglomerate families ang arranged marriage. Kaya nga, mas yumayaman ang mayayaman-”

“Girl, let’s go,” putol ni Beatrice sa litanya ng kaibigan.

“Why the rush?” takhang tanong ni Mary. Sabay silay ng ngiting-aso. “Oh, excited ka ba? Bea, gwapo si Luke pero, pakipot muna a. Baka honeymoon agad-”

“Err, tara na nga!” Hinablot ni Beatrice ang bag.

Sinalubong sila ng driver ni Mary sa parking lot ng coffee shop. Sandali pang ginala ni Beatrice ang paningin. Hindi niya na mamataan ang kaninang puting sasakyan sa dating puwesto nito kanina.

Sa kabilang banda, hindi ang susuotin ang kinaabalahan ni Lucas. Seryoso itong nakikinig sa sinasabi ng kausap doon sa linya ng itim na telepono. Nasa top floor ng Apollo Groups of Company building ang kaniyang opisina. Salamin ang dingding, kasinglaki ng pinagsamang dalawang hotel suite room.

“Connect me to Thyro,” utos ni Lucas sa kausap. Sumandal ito sa back rest ng upuan. Tinapik niya ang mga daliri sa puting lamesa kung kaya umalingawngaw ang mahinang tapping sounds sa silid. Binasa niya ang labi, bagay na habit niya sa tuwing invested sa naririnig. Dahilan iyon para mas mamula ang mamasa-masang pulang labi. “Does she have no guards?” nagsalubong ang kilay ng binata.

“None observed, sir. Ms. Lustre is with a woman named Mary Abella. The results found that they shared the same senior high institution,” malalim ang tinig ng tinukoy nitong si Thyro.

“That brat. . .” bulong ni Lucas sa sarili. “Guide the car. Observe any suspicious behaviors around.”

“Roger that.”

Bumukas ang pinto. Pinatay ni Luke ang tawag at buo ang atensyong tinuon sa ginang na pumasok. “Mom, you don’t have to fetch me.”

“Oh!” Tumawa ang ina. “Come on, I’d love to see you in your suit.” Nagseryoso rin si Delia. “Lustre and Apollo clan have been tied in a great friendship ever since. Kapag kailangan ng mga Apollo ng tulong, nariyan ang mga Lustre. And the same goes with us to the Lustres. You’ve been an obedient to son. Kahit ang sarili mong relasyon, kaya mong isakripisyo for this-”

“I’d be pleased if we end this discussion now, Mom.” Tumikhim si Lucas. Umahon ito sa kinauupuan. “I still have some hours to prepare. Excuse me.”

Pinanood ni Delia na ang pag-awang ng pinto matapos siyang iwan ni Lucas sa opisina nang mag-isa. Mariing lumunok ang ginang. Tila inayos muna ang sarili bago sundan ang anak.

Panay kislapan ang shots ng mga camera. Nakahanda rin ang reporters sa labas ng hotel. Sa isa sa mga malalaking hotel ng mga Lustre gaganapin ang announcement ng engagement nina Beatrice at Lucas. Huminto ang limousine sa harap nila at tila sinabuyan ng asin ang mga reporter at photographer.

Lumabas mula roon si Lucas, sa pormang black suit and tie. Sinenyasan niya ang mga nakaantabay na guard na awtomatikong naging human cordon para harangan siya.

“Mr. Apollo, gaano na po katagal ang inyong relasyon sa heiress ng Lustre Hotel Corporation?”

“Mr. Apollo, look here please!”

“Mr. Apollo, ano pong masasabi niyo sa alleged affair niyo kay Ms. Lustre gayong may relasyon pa kayo ni Ms. Rafa Thomas?”

Hindi na siya nahabol ng mga reporters sa lobby ng hotel.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status