Share

CHAPTER 4

WHO'S RAFA THOMAS?

“The hell. . .” komento ni Beatrice nang masilip sa labas ng tinted window ang hilera ng mga reporter.

Bumaba ang driver at hinila ang pinto upang bumukas. Unang lumabas ang mga magulang. Saka siya sumunod. Malalim ang hiwa ng bestida bandang dibdib kung kaya halos lumuwa ang malulusog nitong hinaharap. Hanggang tuhod ang sultry tube red dress na pinili mismo ni Helen para sa kaniya.

Nagkumpulan ang mga reporter sa harap nila. Kung hindi pa umabante ang mga gwardiya, hindi hihinto ang mga iyon. Pinaunlakan nina Brent at Helen ang ilang reporters. Habang si Beatrice, sinagot ang tanong galing sa babaeng reporter.

“You look fabulous, Ms. Lustre. Where did you get the dress?”

“El Pueblo’s Best,” maikling sagot ni Beatrice.

Humina ang ingay ng mga tagapagbalita nang makapasok sila sa lobby ng hotel. Pamilyar ang bawat sulok ng estruktura kay Beatrice lalo’t ilang beses na siya nakapunta rito. Lamang, hindi inclined sa negosyo ang dalaga kung kaya hindi niya pa lubusang maintindihan noon ang halaga ng kanilang mga hotel.

Ang tanging imbitadong reporters ay mula sa ilang international news companies. May several representatives din galing sa popular local magazines publishing corporations. Nakaabang sila sa audience. Sa entabladong nasa harapan, umahon si Lucas sa kaninang kinauupuan.

Isa-isa nitong binati ang mga magulang niya. At nang papalapit na siya sa hagdan, naglahad ng palad si Lucas.

Tinanggap ni Beatrice ang kaniyang palad. Binitiwan niya rin nang tuluyang siyang makaapak sa platform.

Tahimik silang gumiya tungo sa mga upuan. Magkatabi silang dalawa kung kaya hinila ni Lucas ang upuang para sa kaniya.

“Didn’t know you’re a gentleman,” pasaring ni Beatrice.

Hindi siya inimik ni Lucas.

Nagsimulang magbato ng tanong ang mga interviewer. At alien sa pandinig ni Beatrice ang pinag-uusapan nila. Hindi niya mapigilan ang mamangha sa articulation ni Lucas. Sabagay, bilyonaryo nga naman sa murang edad. Paano niya mararating ang gano’ng estado kung wala siyang kakayahang intelektuwal?

“Sir Lucas, there are rumors that you’re still dating Ms. Rafa Thomas, the model  daughter of Senator Piolo Thomas. Following that is this announcement of your engagement to Ms. Beatrice Luster. What can you say about this?” anang lalaking mula sa sikat na magazine publishing.

Umangat ang kilay ni Beatrice. Pasimple itong tumingin sa katabi. Bagay na naging dahilan ng pagkunot ng kaniyang noo. Pinagmamasdan din pala siya ni Lucas.

Bumaling si Lucas sa interviewer. Mas pinalalim pa ng mikropono ang baritonong boses ng binata. “Rumors are rumors for a reason. I have here my future wife. And I am committed to her from this moment on.”

Kumurap-kurap si Beatrice sa narinig. Napakapit siya nang mahigpit sa tela ng bestida. Bigla ay nag-init ang kaniyang pisngi kahit pa kulob sa artipisyal na lamig ng air conditioner ang buong room.

“I have a question, Ms. Beatrice,” anang babaeng foreign, American features, ang mukha.

Tumuwid ng tayo si Beatrice. At taas-noong tumingin dito.

“Now that you’re getting married, do you still plan to pursue your college studies?” pagpapatuloy na babaeng interviewer.

Kinuha ni Beatrice ang mikropono. “Yes. In fact, I am taking interest in business-aligned programs. I think, my future husband would be very supportive of this idea.” Sabay lingon sa katabi.

Ngumisi ang lalaki. Binasa nito ang labi. “Of course,” malambing na saad ni Lucas.

Ang pang-aasar ni Beatrice, mistulang nagbackfire sa kaniya. Nawawala siya sa tuwing mapapatitig sa hazelnut na mga mata ni Lucas. Kaya naman, pagkatapos na pagkatapos ng announcement ng engagement nila, nagpasintabi siya para tumungo saglit sa restroom.

Halos sampalin niya ang sarili nang makita ang repleksyon ng kaniyang mukha sa salamin. “Bakit ka nagba-blush?!” impit nitong singhal. “Bakit ang bilis ng tibok ng puso mo?” mangiyak-ngiyak ang dalaga sa reaksyon ng puso kay Lucas.

Hinugasan niya ang mga kamay. Piniling tabunan ng totoong blush on makeup ang kaninang natural na pamumula ng kaniyang pisngi. “Fix yourself, Beatrice. For pete’s sake, business deal lang ang lahat ng ‘to. Hindi ka pa nagkakaboyfriend, yes! But don’t be fooled by that Lucas Sebastian. Negosyante ‘yon, bilyonaryo, paniguradong tuso. Talo ka kapag nauto ka!” eksaheradang sermon niya sa sarili. Nagawa pa nitong iduro ang mukha.

Lumabas siya mula sa banyo. Liliko na dapat ang dalaga pabalik sa pinanggalingang conference room nang makarinig ng mahihinang hiyawan sa kasalungat na corridor.

“You promised me, Luke! You promised that you would stop this marriage!”

Tinig ng babae iyon.

Salubong ang plakadong mga kilay ni Beatrice. Umirap siya. “Scandalous. . .” panglalait nito kahit hindi pa nakikita ang nagsasalita.

Ngunit natigil ang hakbang niya nang maulinigan din ang baritonong boses ng lalaki.

“I’m getting married. Please, don’t do this.”

Nanlaki ang mga mata ni Beatrice. “Is that Lucas?” bulong niya. Doble ang bilis ng mga hakbang niya para silipin nang tuluyang ang papalikong hallway.

Una niyang nakita ang backless na likuran ng morenang babae. Kung susumahin, balikat lang nito ang height ni Beatrice. Maiksi at makintab ang itim na buhok ng babae. Hapit ang lilang dress sa katawan, hanggang hita iyon.

Humagulhol ang babae.

“Rafa. . .” sambit ni Lucas. “. . . leave.”

Naningkit ang mga mata ni Beatrice nang mapagtantong ito ang tinutukoy ng lalaking interviewer kanina.

Lumihis ang mga mata ni Lucas at nagkasalubong ang kanilang mga tingin.

“You’re not married yet. I won’t stop unless you give me reason to. You don’t love that girl; that marriage is just a freaking business transaction!” humihikbing rason ni Rafa.

Natuod sa kinatatayuan si Beatrice. Diretso ang tingin sa kaniya ni Lucas. Mabilis ang pagkurap ng dalaga nang humakbang palapit sa kaniya ang binata. Nakita niya sa likuran nito ang pagmamasid ng lumuluhang si Rafa.

“W-What?” halos hindi maisatinig ni Beatrice ang sasabihin.

Distracted ang dalaga sa itsura ni Rafa. Nakatanaw iyon sa kanila. Muling lumipat ang paningin niya kay Lucas. At ganoon na lang ang pamimilog ng kaniyang mga mata.

Huli na nang mamalayan. Tanging paulit-ulit na kalabog na lamang ng dibdib ang humataw sa katawan ng dalaga.

Hinapit ni Lucas ang kaniyang baywang sabay dungaw. Lumapat ang malambot nitong labi sa labi niyang nakaawang. Napakapit nang mahigpit si Beatrice sa matigas nitong braso.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status