Share

CHAPTER 7

SOON-TO-BE

Nakaalis na si Lucas ngunit ang presensya nito, naiwan yata sa katawan ng dalaga.

Lutang si Beatrice. Tila inukitan ng yakap ng lalaki ang kaniyang isip. Naroon pa rin ang kabog ng dibdib. Naroon pa rin ang warmth ng bising ng lalaki. “Sa dami-daming pwedeng isipin, mamaya na ang lalaking ‘yon please. . .” bulong niya sa sarili.

Bumukas ang pinto ng silid. Awtomatiko siyang napaahon. Gayundin ang mga kasambahay.

“Who’s the relative?” anang doctor.

“Doc, I’m their daughter. How are my parents?” salubong ni Beatrice.

“Nawalan sila ng malay due to suffocation. Buti at naisugod agad sila rito. Both Mr. and Mrs. Lustre had first degree burns. Nabigyan na namin sila ng lunas. Sa ngayon, let’s wait for them to wake up.”

“May I now see them inside?”

“Sure. I’ll go ahead.”

“Thank you, Doc!” Kumaripas si Beatrice sa kwarto.

Nagkamalay kanina ang amang si Brent. Sandali itong nagrequest na pag-isahin sila ng kwarto ng kaniyang asawa bago nawalan ulit ng malay. Kung kaya ganoon na lang ang paggapang ng relief sa dibdib ng dalaga sa sinabi ng doctor.

Mahimbing na natutulog sa unang kama ang ina, habang sa katabing kama ay ang ama. May gasa sa kanilang mga braso at noo.

“Oh my god. . .” bulalas ni Beatrice. “What the hell? Paanong. . . paanong nagkasunog sa office?”

Lumapit si Beatrice sa ina para haplusin ang buhok nito. Saka umikot para sa kama ng ama at sinuring mabuti ang sugat na mga natamo. Napapitlag ang dalaga nang bumukas ang pinto.

“Aunt Georgia!”

Matanda na ang tiyahin. Panganay na kapatid ito ng kaniyang ama. Dalawa lang si Georgie at Brent na anak ng pamilya. Walang anak si Georgia. Nanirahan ito sa States. At ngayon lang sumulpot ulit sa Pilipinas, specifically sa El Pueblo.

“Gosh, I’ve watched the news!” histerikal na bungad nito sa pamangkin.

Tumakbo si Beatrice para dambahin siya ng yakap.

“Poor girl, look at you. Mukha kang miserable!” anang tiyahin.

“You flew from the States right away, Aunt Georgia. Magpahinga ka na muna. . .” usal ni Beatrice.

“Where’s your husband?”

Kumalas si Beatrice. Nanlalaki ang mga matang tiningnan nito ang tiyahin. “Husband?”

“Yes, the heir of the Apollos.” Iniwan siya ng tiyahin sa pwestong kinatatayuan para pagmasdan sina Helen at Brent.

“W-We’re not married yet,” mahinang sagot ni Beatrice.

“Bakit pinatatagal niyo pa? Ilang pamilya ang nag-aabang si binatang Apollo. Tapos, patumpik-tumpik ka, Beatrice. Kung hindi sila kaibigan ng Papa, wala tayong edge sa ibang family.” Binalingan siya ng tiyahin. Mata sa mata siya nitong tinitigan. “Gaya ngayon, maraming nasisilaw sa yaman ng pamilya. Look at what happened to your parents. Sinong magpapatakbo ng mga hotel?”

“Ikaw po?” Kumunot ang noo ng dalaga.

“That’s funny, iha,” walang emosyong tugon ni Georgia. “Tinakwil ako ni Papa after breaking my engagement with a man he wanted me to marry. Isa pa, I never liked business. Wala akong alam sa nooks and crannies ng operation ng hotel. How about you?”

“I am afraid that I would not be of any help to the operation, Aunt Georgia.” Hinawakan ni Beatrice ang mga palad.

“Exactly, my point.” Nilampasan siya ng tiyahin.

“Don’t you wanna rest yet? I’ll contact the house to accommodate you,” pigil ni Beatrice dito. “Whe’re are you going, anyway?”

“I’ll meet with the Apollos.” Huminto ang ginang sa pinto. Nakadungaw ito sa pasilyo. “Oh, speaking of. . .”

Ginapangan ng lamig si Beatrice sa sinabi ng tiyahin. Halo-halo ang mga ideya sa isip niya. Handa na nga ba siyang magpakasal? Sino ang magma-manage ng hotel gayong iyon ang kasalukuyang kalagayan ng mga magulang? Posible nga ang sinabi ng tiyahin na maraming pamilya ang nakaabang kay Lucas, paano kung bigla itong umurong? Paano sila at ang negosyo? Noo’y nagsisi ang dalaga dahil imbes na pag-aralan ang pagpapatakbo ng kanilang mga hotel service, pinili niyang maglakwatsa at maglustay ng pera kung saan niya gustuhin.

“But I am still young!” Naghilamos siya sa banyo ng kwarto. “No, 18 na ako. Legally, I am now an adult. Kaya nga, eligible na ako to get married.”

Kumalabog ang puso niya sa napagtanto. Ibig sabihin, kung ikakasal na sila ni Lucas, magha-honeymoon sila? Namilog ang mga mata ni Beatrice sa eksenang rumehistro sa likod ng kaniyang isip. Kasabay ng ideyang iyon, gumapang ang pamumula sa kaniyang pisngi.

“Magha-honeymoon kami?” nauutal niyang bulong sa repleksyon niya sa salamin.

Sumilip siya sa labas ng banyo. Wala na sina Lucas sa silid. Marahil, sa labas sila nag-usap ng kaniyang Aunt Georgia. Tuluyan niyang tinulak ang pinto. Sandali pang ginala niya ang paningin sa mga magulang. Marahil, dahil sa binigay na gamot sa kanila, kung kaya ilang oras pa bago sila magising.

“What took you so long?”

Napatalon ang dalaga. Lumingon siya sa sulok at nakitang nakatayo si Lucas doon. Nakatanaw ang lalaki sa bintana bago dahan-dahang bumaling sa kaniya.

“Bakit nandito ka pa?” Umiwas ng tingin si Beatrice.

Halos pumikit siya sa pagtalbog ng kaniyang puso sa loob ng ribcage niya.

“Yeah? Sino ba ang ikakasal? You’re my soon-to-be bride at wala ka sa usapan?” masungit na namang sagot ni Lucas sa kaniya. Parang ang tanging nangingibabaw sa bokabularyo ng lalaki ay sarkasmo. Sa bawat salita, may undertone ng pang-iinsulto. “Let’s go. Nauna na sila sa cafe nearby.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status