Share

CHAPTER 6

SAFETY

Kasalukuyang nasa isang conference meeting si Lucas nang pumasok ang babaeng secretary nito sa silid. Bumulong ito sa binata.

Nangunot ang kuno ni Lucas. Sinenyas niya ang secretary bago umahon. Nakuha niya ang atensyon ng mga board member maging ang empleyadong nagsasalita katabi ng presentation. “Le’ts put this meeting on hold. I have something urgent to attend to.” Sabay labas doon.

Mabilis ang mga hakbang nito. Nang makapasok sa elevator, sumunod sa tabi niya ang mga nakaitim na bodyguards. Isa mga iyon ang naglahad ng cellphone sa kaniya.

“Thyro. . .” anang Lucas sa kabilang linya.

“The hotel is currently under investigation, Sir. Some CCTV footages were blocked. No any other guests was harmed. The fire started at Mr. Lustre’s office alone. He alonside Mrs. Lustre were the main target.” May kaluskos sa linya nito. “New intel sir: a footage at the parking ground displayed a suspicious man.”

“Find him,” mariing sagot ni Lucas. Binalik nito ang cellphone sa isa mga bodyguard niya. “Contact Lustre Residence.”

“Yes, sir,” sagot ng bodyguard.

Sinalubong siya ng valet pagkababa ng elevator sa ground floor. Pumarada sa hiwalay na parking space ang itim nitong kotse.

***

Magkaibang kulay ng sandals ang naisuot ni Beatrice: pula sa isa at pink ang kabila. Sando at maikling itim na shorts lang ang nakuha niyang damit sa pagmamadali. Ano pa’t maski ang pagsuklay sa buhok hindi niya nagawa. Wala na rin siyang panahong makapag-make up pa kung kaya imbes na makulay na koloreto, baha ng luha ang kaniyang mukha.

Sinugod niya ang room number ng mga magulang. Ngunit, hindi siya pinapasok ng mga doctor at nurse doon. Nakasunod ang ilan sa mga kasambahay nila; halos maubusan ang mga ito ng hangin sa bilis ng pagtakbo.

“What the hell? What the hell? What the hell?” Sumalampak ang dalaga sa hilera ng mga upuan. Tinukod niya ang magkabilang braso sa mga tuhod. Kinulong ng dalaga ang mukha sa kaniyang mga palad.

Nagring ang cellphone niya sa bulsa. Umayos siya ng upo. Nang makita ang name caller, sinagot niya iyon agad.

“M-Mary. . .” nabiyak ang boses ni Beatrice.

“I’ve seen the news! I’m sorry. I can’t be there. I’m out of the town. Please be strong, Bea!”

“It’s fine. Don’t worry about me,” lumuluhang sagot ng dalaga.

“I’ll pray for them. . .”

Sumandal si Beatrice sa upuan. Pinatong niya ang cellphone sa katabi matapos mamatay ang tawag. Kagat niya ang labi, napako ang mga mata sa mga pinto ng mga kwarto. Bawat minuto, palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya. Wala pang doktor o nurse na lumalabas mula sa mga silid. Magkatabi ang private rooms nina Brent at Helen. Kung kaya, liyo na ang mga mata ng dalaga kung aling pinto ang titingnan.

“Sir. . .” rinig niyang untag ng isa sa mga kasambahay.

Bumaling si Beatrice sa dako nila. Agad siyang tumayo nang bumungad ang matangkad na katawan ni Lucas. Muling umagos ang bulto ng mga luha pababa sa kaniyang pisngi.

“L-Lucas,” bulong ng dalaga.

Gumalaw ang lalagukan ng lalaki. Sandali siyang pinagmasdan nito muli ulo hanggang paa. Bumuntong-hininga si Lucas. Istrikto ito kung tumingin, kulang na lang ay magdikit ang mga kilay at masama ang timpla ng awra niya. Bigla nitong hinubad ang suot na coat. Pinunan ng hakbang nito ang distansya nila ni Beatrice.

Nanlambot lalo ang ekpsresyon ng babae matapos ipatong nito ang coat sa kaniyang balikat. Kung hindi pa nakaramdam ng warmth, hindi niya mamamalayang kanina pa nilalamig ang kaniyang balat. Ilang segundong nagtagal ang titigan nila.

Umiwas ng tingin si Lucas. “What did the doctor say?” masungit pa rin ang tono nito.

Pinasok ni Beatrice ang mga braso sa mahabang manggas. Mas lumiit tuloy siya tingnan dahil lampas sa kamay niya ang dulo ng sleeves. Kinagat nito ang labi para pigilan ang hikbi. Ngunit bakas sa pangangasim ng mukha niya ang nakaabang na paghagulhol. Hindi rin nito napigilan at tuluyang sumabog nga ang palahaw ng dalaga. “W-Wala pa! Until now, wala pa.” Hinarang nito ang likod ng palad sa bibig nang sa gayon supilin ang pag-iyak. Mabilis ang pagtaas-baba ng mga balikat niya.

“They must be doing everything that they can,” kalmadong untag ni Lucas. Pinagmasdan niya si Beatrice. Wala pang segunod, nag-iwas na naman ito ng tingin. Mahina siyang suminghal. Saka muling binalingan ang babae. “Stop crying, will you? Mamamaga lang ang mga mata mo. Your tears wouldn’t do anything.”

Nag-angat ng tingin sa kaniya ang dalaga. “R-Really? Ganito na nga ang situation ko, nakakaya mo pa akong insultuhin?” Humikbi si Beatrice.

Lumapit si Lucas. “Come here.”

“What?”

“Come here.”

“What do you mean-”

Hinila ni Lucas ang palapulsuhin ng dalaga.

Gulat man, nagawang magpatianod ni Beatrice sa binata. Napasubsob siya sa dibdib ni Lucas.

“Hush now. We will do anything to save your parents. Kung kinakailangang bilhin ang hospital na ito just to ensure their safety, then I would.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status