ACCIDENT
Bumulong ang inang si Delia sa binata. “Lucas, the people are watching. Why did you let Beatrice go alone?” “She’s in the restroom,” tamad na untag ni Lucas. “Besides, the area has a tight security.” Nagsalin ito ng wine sa baso. Wala itong nagawa kundi ang bumuntong-hininga. Tumayo siya ilang saglit matapos umalis si Beatrice para sa restroom. Tinahak nito ang corridor. “Good evening, sir.” Yumuko ang nakasalubong na janitor. Balak ng binatang abangan si Beatrice nang sumulpot ang babaeng hindi niya inaasahang magpakita. “Luke. . .” Si Rafa, mugto ang mga mata nito. Nakapostura ang babae ngunit bakas ang pagkalasing sa mukha niya. “Why are you here?” Hinila ni Lucas ang babae tungo sa kasalungat na pasilyo. “I told you. We’re done.” “I-I love you, Luke.” Nagsimulang pumatak ang luha sa mukha ng babae. Sikat itong modelo sa Pilipinas. Anak din ito ng senador. Hindi kataka-takang ginamit niya ang koneksyon para makapasok sa pribadong anunsyo ng engagement nina Lucas at Beatrice. “You promised me, Luke! You promised that you would stop this marriage!” “I’m getting married. Please, don’t do this.” Salubong ang kilay ng binata. Ngunit tanaw sa mga nito ang emosyong tila yata. . . kirot. Hahalikan sana siya ng babae. Pinigil niya ang braso nito. “Rafa. . .” sambit ni Lucas. “. . . leave.” Nakaramdam si Lucas ng pares ng mga matang nanonood sa kanila. Nag-angat siya ng tingin at natagpuan si Beatrice. “You’re not married yet. I won’t stop unless you give me reason to. You don’t love that girl; that marriage is just a freaking business transaction!” humihikbing rason ni Rafa. Isa lang ang naiisip ni Lucas. Diretso ang tingin ni Lucas kay Beatrice. Mabilis ang pagkurap ng dalaga nang humakbang palapit siya rito. “W-What?” halos hindi maisatinig ni Beatrice ang sasabihin. Hinapit ni Lucas ang baywang ni Beatrice. Lumapat ang labi niya sa labi nitong nakaawang. Napakapit nang mahigpit si Beatrice sa matigas nitong braso. Kumalabog ang hakbang ni Rafa palayo. Lumayo si Lucas mula kay Beatrice. Umangat ang kilay nito nang nanatiling nakapikit ang babae. Kinalas nito ang hawak ng babae sa kaniya. Napaigtad si Beatrice. “You enjoyed it,” anang Lucas. Napasinghal ang dalaga. Lumipad ang palad nito sa kaniyang pisngi. Umalingawngaw ang lagapak ng sampal niya sa buong pasilyo. “How dare you kiss me?!” Tinulak siya ni Beatrice. *** Malikot si Beatrice sa kama. Ilang oras na itong palipat-lipat ng pwesto. Hanggang sa napagod siya, balak yatang palipasin ng dalaga ang gabi nang nakatitig lang sa kawalan. “What the hell?” makailang beses niya na ring naisambit. Hindi mawala sa kaniyang isip ang pinagsaluhang halik nila ni Lucas. Uminit ang kaniyang pisngi. Animo nabilad sa ilalim ng arawan sa sobrang pamumula. “Why did he do that? Huwag niya sabihing may gusto siya sa akin. . .” Kinagat ni Beatrice ang labi. Nang hindi makatiis, dinampot niya ang unan sabay takip sa mukha. Kumawala ang impit niyang tili. Inalis niya iyon para makahinga nang malalim. “Gosh, no’ng isang araw lang kami nagkita. What was that kiss for? Ah, it might be some sort of deception.” Ngumiwi ang dalaga. “Akala ba ng Lucas na iyon makukuha niya ako sa pahalik-halik niya? Hell! Hindi ako marupok!” Napaahon ang dalaga. “And that kiss wasn’t consented!” “You enjoyed it.” Rumehistro ang boses ng binata sa likod ng kaniyang isip. Napahilamos na lang sa mukha ang babae. Kinabukasan, mistulang sabog ang wangis ni Beatrice. Maga ang mga mata at mababanaag ang dark circles sa ilalim. Dahil tuliro gawa ng kulang siya sa tulog, parang nakalutang ang ulo niya sa puyat. Hindi ito nag-abalang magbihis o maligo muna. Tanging pajama outfit ang suot. “Good morning, ma’am,” bati ng mga kasambahay. Inignora niya ang mga iyon. Pumanhik siya sa dining area. Awtomatikong nakabig niya ang pinto nang mamataan ang lalaki roon. “WHAT THE FUCK?!” singhal ni Beatrice. “Anong ginagawa mo sa pamamahay ko?” Nasa mayor na upuan si Lucas. Tinaas nito ang tasa bago sumimsim doon. Fresh tingnan ang binata; nakatupi abot siko ang white button down polo. Dalawa sa taas na butones, naiwang nakabukas. Kuminang ang silver nitong wristwatch. “Your parent’s house,” pagtatama niya. “This is your parent’s house. And I am a very important guest. What are you nagging about anyway? Soon, ikakasal tayo. We would share a same house. Dapat masanay ka nang makita ako paggising mo from now on.” Kinilabutan si Beatrice sa narinig. Ngunit, taas-noo siya. Ni walang pakialam sa itsura niya. Napag-isip itong marami nga pala silang dapat pag-usapan. Hinila niya ang kabilang dulong upuan ng dining table. “I’m not stupid,” panimula ni Beatrice. “This marriage is set to strengthen the family business and connection. But I don’t wanna be your mistress. Kung anong relasyon mo kay Ms. Rafa Thomas, bakit ‘di mo na lang unahin?” “At hindi ka stupid sa lagay na ‘yan,” sarkastikong insulto ni Lucas. Agad na kumulo ang dugo ni Beatrice. “Bakit ba ang yabang-yabang mo? Bilyonaryo ka nga at a young age pero hindi mo afford ang proper attitude?” “Look who’s talking.” Sumilay ang ngisi ni Lucas. Ganoon na lang ang pagngingitngit ni Beatrice. “Ito lang ba ang pinunta mo? Ang insultuhin ako?!” “Oh that. . .” Tumayo ang binata. Lumangitngit pa ang upuan nang sumadsad sa sahig paghila niya. Dumungaw siya sa kabilang hilera ng mga upuan at dinampot mula roon ang bouquet ng mga rosas. Saka humakbang siya patungo sa kinauupuan ni Beatrice. Nanigas sa kaniyang upuan ang dalaga. Kulang na lang ay mahulog ang panga niya sa hapag sa labis na pag-awang. Sa pagkakataong iyon, muling kumalabog ang dibdib niya. Bagay na hindi nito ikinakatuwa. Dahil kung laro iyon, alam niyang talo na siya. Dahil kung negosyo iyon, sigurado siyang nalugi na siya. “Accept this as my offering of apology” Wala sa sariling tinanggap ni Beatrice ang kumpol ng mga rosas. Nagtama pa ang mga daliri nila ni Lucas; gumapang ang kakaibang kuryente sa balat niya. “I kissed you without your consent. How about now, though? I need to go to work. Mind giving your future husband some?” pilyong saad ni Lucas. Gulat na binalingan siya ni Beatrice. “Never mind. You might want to wash your face first. Bye, future Mrs. Apollo.” Hinagis ni Beatrice ang bouquet sa pinto ngunit sumara na iyon. Rinig niya ang halakhak ng lalaki. Nagkalat ang mga talulot ng pulang rosas sa sahig. Tila pinaglalaruan tuloy siya ng puso niya. Ang kaninang gulat at kilig, tinabunan ng insulto at galit. “Fuck you, Lucas Sebastian. . .” mariin nitong bulong. Maghahapon na, inubos ni Beatrice ang libreng oras sa pakikipagvideo call sa mga kaibigan sa high school. Kinaiinggitan pa siya ni Mary dahil hindi niya na kailangang magstruggle sa pag-aapply sa mga college university. Nagawa lang maka-graduate ni Mary ng senior high school sa academy nila dahil sa scholarship. Inis na tinapon ni Beatrice sa sahig ang mga pipino galing sa kaniyang mata. Umahon siya mabulang tubig ng bath tub sabay sinuot ng puting roba. Bubulyawan niya sana ang kasambahay nilang paulit-ulit na kumatok nang mapansin ang pagpapanic nito. “What?” Mahigpit ang hawak ng dalaga sa laso ng robe. “Ma’am, nasunog po ang isa sa mga hotel ninyo sa Makati. Critical po ang lagay nina Madame Helen at Sir Brent!”SAFETYKasalukuyang nasa isang conference meeting si Lucas nang pumasok ang babaeng secretary nito sa silid. Bumulong ito sa binata.Nangunot ang kuno ni Lucas. Sinenyas niya ang secretary bago umahon. Nakuha niya ang atensyon ng mga board member maging ang empleyadong nagsasalita katabi ng presentation. “Le’ts put this meeting on hold. I have something urgent to attend to.” Sabay labas doon.Mabilis ang mga hakbang nito. Nang makapasok sa elevator, sumunod sa tabi niya ang mga nakaitim na bodyguards. Isa mga iyon ang naglahad ng cellphone sa kaniya.“Thyro. . .” anang Lucas sa kabilang linya.“The hotel is currently under investigation, Sir. Some CCTV footages were blocked. No any other guests was harmed. The fire started at Mr. Lustre’s office alone. He alonside Mrs. Lustre were the main target.” May kaluskos sa linya nito. “New intel sir: a footage at the parking ground displayed a suspicious man.”“Find him,” mariing sagot ni Lucas. Binalik nito ang cellphone sa isa mga bodyguard
SOON-TO-BENakaalis na si Lucas ngunit ang presensya nito, naiwan yata sa katawan ng dalaga.Lutang si Beatrice. Tila inukitan ng yakap ng lalaki ang kaniyang isip. Naroon pa rin ang kabog ng dibdib. Naroon pa rin ang warmth ng bising ng lalaki. “Sa dami-daming pwedeng isipin, mamaya na ang lalaking ‘yon please. . .” bulong niya sa sarili.Bumukas ang pinto ng silid. Awtomatiko siyang napaahon. Gayundin ang mga kasambahay.“Who’s the relative?” anang doctor.“Doc, I’m their daughter. How are my parents?” salubong ni Beatrice.“Nawalan sila ng malay due to suffocation. Buti at naisugod agad sila rito. Both Mr. and Mrs. Lustre had first degree burns. Nabigyan na namin sila ng lunas. Sa ngayon, let’s wait for them to wake up.”“May I now see them inside?”“Sure. I’ll go ahead.”“Thank you, Doc!” Kumaripas si Beatrice sa kwarto.Nagkamalay kanina ang amang si Brent. Sandali itong nagrequest na pag-isahin sila ng kwarto ng kaniyang asawa bago nawalan ulit ng malay. Kung kaya ganoon na lang
SUNDAYKatabi ni Georgia si Beatrice. Habang kaharap nila sina Delia, George at Lucas.“On behalf of Helen and Brent, I’d like to suggest that they should get married immediately,” panimula ni Georgia.Tahimik ang cafe. Tanging drinks ang nasa lamesa. Kahit walang katabing security, ramdam sa paligid ang presensya na may nagbabantay sa pagtatagpo nilang iyon.Pasimpleng tiningnan ni Beatrice si Lucas. Kunwari’y umarko ang kilay niya saka umiwas ng tingin. Kahit pa ang totoo, hindi niya inaasahang nakamasid din ang lalaki sa kaniya. Kahit pa ang totoo, hindi niya kayang tagalan ang tingin ni Lucas.“Well, it’s up to them when,” anang Delia. “What do you think, Beatrice?”Binalik ni Beatrice ang mga mata sa lalaki. Mahigpit siyang napahawak sa tela ng shorts nang nakatingin ulit si Lucas sa kaniya.“N-Next month,” mariing napalunok ang dalaga. “So, there would be room for preparation.”“Masyadong matagal,” sabat ni Lucas.Napaamang si Beatrice sa sinabi nito.Tumikhim ang binata. “Kung
KISS THE BRIDELimitado ang galaw ni Beatrice. Mahigpit ang security sa paligid ng kanilang bahay. Pinagbawalan na rin siyang umalis nang walang kasamang bodyguard. Kung kaya imbes na pumunta na lang ng salon, naghire siya ng private stylist.“Should I dye my hair? Which do you think is bagay kaya?” maarteng untag ni Beatrice. Hindi na yata nito mabitiwang catalog. Nakapulupot ang white towel sa kaniyang ulo at tanging pink na roba ang suot. Maliwanag ang separate na dressing room ng bahay sa ikalawang palapag. Nakaharap siya sa salamin. “Tingin mo? Lumilitaw ba ang pores ko?”“Hmm, mas highlighted po ang skin niyo sa itim na buhok. Ang ganda-ganda, shiny at natural, madame!” komento ng gay hair stylist. “Normal lang po ang ma-anxious kapag malapit na ang kasal.”Naisara ni Beatrice ang katalog. Tinignan nito ang repleksyon nila sa salamin. “I’m not anxious.” Pumirmi siya ng upo.“Excited po?” anang stylist.“Nah, I’m not!”Napansin ng stylist ang pagtataas niya ng boses kung kaya nan
HONEYMOON?Mabilis na nagsalin-salin ang mga balita sa media. Inanunsyo ng parehong pamilya sa publiko ang nangyaring private marriage. Solemn lang din ang reception.Hinakot ng mga tauhan ng mga Lustre ang gamit ni Beatrice saka inihatid sa bago nitong tahanan.“Kuya, where’s Lucas?” walang emosyong tanong ni Beatrice sa driver.Matapos kasi ng reception, inutusan ng binata ang driver na ihatid nito si Beatrice sa bahay nila.“Kayo po ang asawa, hindi niyo po alam?” inosenteng tugon ng driver.Tila napahiya ang babae sa sinabi nito. “Syempre alam ko. Tinatanong ko lang kung alam mo rin.”Nawi-wirduhang nilingon siya ni manong driver sa rear mirror.Simpleng puting dress ang suot ni Beatrice. Hindi niya na napagmasdan ang lugar na dinaraanan dahil bukod sa madilim na, pagod din siya sa pakikipag-usap sa mga bisita. Ang isa pang kinaiinsulto niya, parang wala lang kay Lucas ang lahat. Iyon ba talaga ang marriage na gusto niya? Ganoong buhay may asawa ba talaga ang papasanin niya hangga
ATTRACTIVESinilip ni Beatrice ang ibaba. Tanging ang mga kasambahay na pabalik-balik ang naabutan niya. Gabi na, ngunit abala pa rin ang mga iyon. Matapos siyang magbihis ng floral na pajama outfit, saka lang siya lumabas sa kwarto.“Magtatabi ba kami ni Lucas?” bulong niya sa sarili. “At bakit ba? Syempre hindi, hindi kami dapat magtabi! Yuck, iw, napaka-arogante niya. Akala niya ba patay na patay ako sa kaniya. Ang family ko ang patay na patay sa kaniya.”Kagat niya ang labi. Kanina pa nito hinahagod ang buhok. Huminga siya nang malalim. Nagtago siya sa sulok ng corridor habang inaabangang dumaan ang lalaki.“What are you doing?” galing sa gilid niya ang baritonong boses.Napatalon si Beatrice nang matanaw sa unahan si Lucas. White tee at black maong shorts ang suot nito. “M-magpapatulong ako kina yaya sa pag-unload ng damit ko. Marami akong dala.”“Matulog ka na. Do it tomorrow.”“Bakit? Ang mga gawaing puwedeng gawin ngayon, hindi dapat pinagpapabukas,” rason ni Beatrice.Binalewa
ALIVEMaagang gumising si Beatrice. Lalo’t hindi naman siya nakatulog nang maayos kagabi. Tila namamahay pa ang babae sa bagong kwarto at bahay. Kinatok niya pa saglit ang kwarto ni Lucas. At kung tama nga ang hinala niyang early bird ang mga billionaire, malamang ay nasa trabaho na ang lalaki.“Good morning, Ma’am!” bati ng kasambahay.“Hi, ah, pumunta na sa work si Lucas?” Hinila ni Beatrice ang mayor na upuan ng dining table. Umupo siya roon.“Panigurado po. Nagjogging po si sir, saka bumalik at umalis din.” Tumayo ang ginang sa harap niya. “May request po ba kayong lutuin?”“Anything’s fine. I want some coffee rin pala.”“Sige po, ma’am.”Natulala si Beatrice sa mesa. Lumayag ang isip ng babae sa residensya ng mga magulang. Bigla na lang siyang nagising na mabigat ang loob. Naho-homesick ba siya? Unang umaga iyon sa buhay niya bilang Mrs. Beatrice Lustre-Apollo. Marahil nga, naninibago lang ang babae. Gusto man niyang tawagan ang mga magulang pero naghesitate siya. Hindi naman yat
ISLAND“Summer. . . beach. . .” Hinalukay ni Beatrice ang mga damit. Tinaas niya ang pulang two-piece. “This is perfect!”Puno ang tatlong maletang pinababa niya sa mga kasambahay. Nagpalit din siya ng summer tequila dress at itim na wedge. Tinernuhan niya iyon ng brown summer hat. Nakalugay ang abot-balikat na buhok ng babae. Light make-up naman ang ayos ng kaniyang mukha.Bumalik siya sa walk-in closet ni Lucas. Hinalughog niya ang mga lagayan. Pigil ang ngiti ni Beatrice. May nakuha siyang luggage saka nilamanan ng mga damit. Gumapang ang kilabot sa katawan niya nang makita ang collection ng mga brief ni Lucas.“Wow. . .” hiwalay sa sariling bulong niya. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapagtanto ang paninitig niya roon saka sinalampak sa loob ng maleta. Agad na namula ang kaniyang pisngi. Sa halip na pagtuunan ang sumaging emosyon, siya na mismo ang naghila pababa ng gamit.Nang nasa baitang na ng hagdan, halos matapilok siya nang matanaw ang unwanted visitor sa living room. K