Meet the Parents
“Beatrice!”
Padabog na bumalik sa dressing room ang dalaga. Tuliro ito sa kawalan, tila noon pa lang napagtanto ang lahat. Dinaluhan ng mga mayayamang gaya niya ang debut party. Ibig sabihin, ganoon kagarbo ang isinigawa nilang selebrasyon. Bagay nakataka-taka lalo’t batid niya na alanganin ang kanilang hotel services ngayon.
“Beatrice!” Hinatak ng ina ang braso nito.
“Helen, let her process this alone,” saway ng amang si Brent na nakasunod pala sa kanila.
Humarap si Beatrice sa kanilang dalawa. “What is this? A sort of movie. . . cliche tropes? A soap opera? He’s my fiance! Wow?! I didn’t know that I’m set for marriage at this age. Ang bata-bata ko pa!”
Hindi nakaimik ang mga magulang.
“Did whoever-that-man-is fund this party?” Binagsak ni Beatrice ang mga braso sa magkabilang gilid.
“Anak. . .” panimula ni Helen.
“Oh my god,” bulalas ni Beatrice. “Wow, just wow. Are you guys excited about me. . . being 18 since now, I’m eligible to be married?” Umalingangaw sa pasilyo ang sarkastikong halakhak ng dalaga.
“Bea, this is for you.” Lumapit sa kaniya si Brent.
“Oh please!” Agad namang layo ni Beatrice. “For pete’s sake, don’t bring that reason up. Gasgas na ‘yan.”
“H-Huwag mo nga kaming babastusin!” singhal ni Helen. Namumula ang mga mata ng ginang. “We’re acting as your parents. You have no idea how miserable our financial standing is. Nasanay ka sa marangyang pamumuhay. Paano ka kapag wala na kami? You don’t know how business works, you don’t want to get into our business, paano ka?” Tuluyang umiyak ang ginang.
“Helen!”
Umawang ang bibig ng dalaga. “Right. I am a wasted ROI. So by marrying me to someone wealthy, I can be an asset now.”
Bingi na si Beatrice sa tawag ng mga magulang. Dumiretso sa palapag ng kwarto. Wala ang dalaga sa huling bahagi ng party. Pinagtakpan iyon ng organizer bilang sawayan na lamang. Tanging mga kabataan na lang ang natira. Dimmed ang paligid samantalang malikot ang party lights.
Hindi pa nakakabawi mula kagabi, sunod-sunod ang katok sa pinto ng dalaga. Tinapon ni Beatrice ang kumot sa sahig. Padarag nitong hinila ang doorknob. “What?” gigil niyang salubong.
Yumuko ang kasambahay. “Darating po ang fiance niyo-”
Tinulak na ng dalaga ang pinto. Ginulo niya ang buhok. Pinasadahan nito ang sarili. Tanging pajama outfit ang suot nito. “So what if hindi ako mag-ayos?” bulong niya.
May kumatok ulit. Mabigat, tatlong beses.
Bumalik si Beatrice para pagbuksan ang kung sinumang naroon. “Stop knocking-” Namilog ang mga mata niya. Awtomatiko siyang humakbang paatras nang pumasok ang lalaki sa kwarto. “What the hell?”
Nakatupi ang button down polo ng lalaki hanggang siko. Dinungaw siya nito. “Don’t keep me waiting. Come downstairs immediately,” walang emosyong bulong nito.
Tinabig ni Beatrice ang dibdib nito. Napaigik siya nang humapdi ang daliri. “Get out.”
“And fix yourself. You look embarassing.” Lumabas din kaagad ang lalaki.
Halos mangiyak-ngiyak si Beatrice sa narinig. “F-Fuck you. . .” Kinuyom niya ang kamao. Mistulang naapakan ang ego niya sa sinabi ng lalaking iyon.
Sa labis na pagkainsulto, inabot siya ng isang oras. Kinalkal niya ang cabinet at kinuha ang pinakamahal niyang bestida. Siniguro nitong lantad ang malusog niyang cleavage at bakat ang kurba ng katawan. Tumugma ang dark maroon nitong kulay sa animo’y labanos niyang balat. Nilugay niya ang buhok. At malakas ang loob na bumaba sa hagdan. Ngunit tila umurong ang sikmura niya nang matanawan ang mga bisitang nasa sala.
Nakikipagtawanan ang mga magulang sa isang babae’t lalaking naroon. Maski ang lalaking masungit kanina ay nahuli niyang may ngiti sa labi. Nagtama ang paningin nilang dalawa. Awtomatikong bumilis ang hakbang ni Beatrice. Napatili siya nang dumulas ang 4-inch heel niya sa baitang.
Bago pa man siya sumalampak sa marmol nilang sahig, bumagsak ang baywang niya sa mainit at matigas na mga braso. Nakaawang pa ang labi, hindi mapigilan ng dalaga ang tumititig sa hazelnut na kulay ng mga mata ng lalaki.
“Enjoying this so much, huh?” bulong nito.
Humiwalay agad si Beatrice.
Bumaba ang mga mata ng lalaki sa hita niya.
Kunot-noong sinamaan ni Beatrice ng tingin ang kaharap. At nang sulyapan ang hita, nagusot na pala ang laylayan ng hapit na bestida. Marahas niyang hinila iyon pababa. “Maniac!” angil niya.
“Really? When you’re the one who’s offerring your body to me?” Nilayasan siya ng lalaki. Naglakad ito pabalik sa sofa.
“What happened?!” rinig niyang tanong ng ina.
“I almost tripped, Mom. Thanks to his fast reflex, he was able to catch me,” ngiting-ngiting sabat ni Beatrice. Halos mapunit ang labi niya sa pagngiti. Sapat para magmukhang sarkasmo iyon.
“Thank you, Lucas,” madamdaming untag ni Helen.
“You two seem to be getting along well together. The party must have been fine.” Tumayo ang lalaking bisita saka naglahad ng palad kay Beatrice. “Young lady, I’m George.”
Humalik sa pisngi ng dalaga ang babaeng kasama nito. “My soon-to-be hija, feel free to call me Mama Delia.” Bumaling ito sa mga magulang niya. “I’m exhilirated that we could now talk about their engagement party.”
Napatingin si Beatrice sa katabing si Luke. Pareho pa rin silang nakatayo. “Engagement party?” bulalas niya rito.
“You heard them,” malamig ang tono ni Luke.
Labas sa magkabilang tainga ang diskusyon nila. In-excuse ni Beatrice ang sarili para sa rest room ngunit ang cellphone sa kwarto ang binalingan niya. Naka-tatlong dial pa siya bago sumagot ang kabilang linya.
“Aunt Georgia!” bulalas ni Beatrice. “When are you coming back to the Philippines? Auntie, please. Convince mommy and daddy-”
“Hey, Bea. I’m coming back soon. Dapat ako ang ninang mo sa kasal!”
“You knew?!” may halong panlulumo ang gulat ng dalaga.
“Bea, darling, you have to understand-”
“I’m sorry, Auntie. Your line’s weak.”
Pinatay niya ang tawag. Napamura si Beatrice nang tuluyang mapagtanto kung gaano kaseryoso ang plano ng kaniyang pamilya. Ni hindi niya kilala si Lucas at wala siyang balak na kilalanin ang lalaki! Ramdam niyang mabigat ang loob nito sa kaniya. Aba, lalo na ang babae rito!
Walang pinalampas na panahon ang mga magulang. Akala mo ay magtatapos na agad ang mundo. Gulat pa si Beatrice na kinabukasan, namamahagi na ng invitation ang parehong pamilya para sa engagement party nila ni Luke.
The Announcement“Wow, you’re marrying Lucas Sebastian Apollo?! The youngest billionaire in the country? Paanong hindi mo siya kilala?”Sinamaan ni Beatrice ng tingin ang kaibigan. “Anong pakialam ko sa business news? All this time, I had been lavishing in my parents’ wealth. Iyon pala, ako na ang next investment nila. Biruin mo, kaka-18 ko lang yesterday, ikakasal na ako agad.”“Oh, come on, Bea. Don’t exaggerate things. Engaged ka at 18. Pero, ikakasal naman pala kayo once you turn 25. Binigyan ka ng 7 years more para maging single. At, anong inirereklamo mo? Secured na ang future mo. You like your parents’ wealth, ‘di ba? Hindi ka nag-iisip; bilyonaryo ang fiance mo. Sa kaniya ka humingi ng luho!” Humalakhak ang kaibigan.“Shut up, Mary!” iritableng saway ni Beatrice.Nasa coffee shop sila ng kaibigang si Mary. Tinakasan ni Beatrice ang ina nang matapos ang dress fitting nila sa isang sikat na botique sa El Pueblo. Hindi nito maintindihan ang unreasonable na paghihigpit ni Helen sa
WHO'S RAFA THOMAS?“The hell. . .” komento ni Beatrice nang masilip sa labas ng tinted window ang hilera ng mga reporter.Bumaba ang driver at hinila ang pinto upang bumukas. Unang lumabas ang mga magulang. Saka siya sumunod. Malalim ang hiwa ng bestida bandang dibdib kung kaya halos lumuwa ang malulusog nitong hinaharap. Hanggang tuhod ang sultry tube red dress na pinili mismo ni Helen para sa kaniya.Nagkumpulan ang mga reporter sa harap nila. Kung hindi pa umabante ang mga gwardiya, hindi hihinto ang mga iyon. Pinaunlakan nina Brent at Helen ang ilang reporters. Habang si Beatrice, sinagot ang tanong galing sa babaeng reporter.“You look fabulous, Ms. Lustre. Where did you get the dress?”“El Pueblo’s Best,” maikling sagot ni Beatrice.Humina ang ingay ng mga tagapagbalita nang makapasok sila sa lobby ng hotel. Pamilyar ang bawat sulok ng estruktura kay Beatrice lalo’t ilang beses na siya nakapunta rito. Lamang, hindi inclined sa negosyo ang dalaga kung kaya hindi niya pa lubusang
ACCIDENT Bumulong ang inang si Delia sa binata. “Lucas, the people are watching. Why did you let Beatrice go alone?” “She’s in the restroom,” tamad na untag ni Lucas. “Besides, the area has a tight security.” Nagsalin ito ng wine sa baso. Wala itong nagawa kundi ang bumuntong-hininga. Tumayo siya ilang saglit matapos umalis si Beatrice para sa restroom. Tinahak nito ang corridor. “Good evening, sir.” Yumuko ang nakasalubong na janitor. Balak ng binatang abangan si Beatrice nang sumulpot ang babaeng hindi niya inaasahang magpakita. “Luke. . .” Si Rafa, mugto ang mga mata nito. Nakapostura ang babae ngunit bakas ang pagkalasing sa mukha niya. “Why are you here?” Hinila ni Lucas ang babae tungo sa kasalungat na pasilyo. “I told you. We’re done.” “I-I love you, Luke.” Nagsimulang pumatak ang luha sa mukha ng babae. Sikat itong modelo sa Pilipinas. Anak din ito ng senador. Hindi kataka-takang ginamit niya ang koneksyon para makapasok sa pribadong anunsyo ng engagement nina Lucas at
SAFETYKasalukuyang nasa isang conference meeting si Lucas nang pumasok ang babaeng secretary nito sa silid. Bumulong ito sa binata.Nangunot ang kuno ni Lucas. Sinenyas niya ang secretary bago umahon. Nakuha niya ang atensyon ng mga board member maging ang empleyadong nagsasalita katabi ng presentation. “Le’ts put this meeting on hold. I have something urgent to attend to.” Sabay labas doon.Mabilis ang mga hakbang nito. Nang makapasok sa elevator, sumunod sa tabi niya ang mga nakaitim na bodyguards. Isa mga iyon ang naglahad ng cellphone sa kaniya.“Thyro. . .” anang Lucas sa kabilang linya.“The hotel is currently under investigation, Sir. Some CCTV footages were blocked. No any other guests was harmed. The fire started at Mr. Lustre’s office alone. He alonside Mrs. Lustre were the main target.” May kaluskos sa linya nito. “New intel sir: a footage at the parking ground displayed a suspicious man.”“Find him,” mariing sagot ni Lucas. Binalik nito ang cellphone sa isa mga bodyguard
SOON-TO-BENakaalis na si Lucas ngunit ang presensya nito, naiwan yata sa katawan ng dalaga.Lutang si Beatrice. Tila inukitan ng yakap ng lalaki ang kaniyang isip. Naroon pa rin ang kabog ng dibdib. Naroon pa rin ang warmth ng bising ng lalaki. “Sa dami-daming pwedeng isipin, mamaya na ang lalaking ‘yon please. . .” bulong niya sa sarili.Bumukas ang pinto ng silid. Awtomatiko siyang napaahon. Gayundin ang mga kasambahay.“Who’s the relative?” anang doctor.“Doc, I’m their daughter. How are my parents?” salubong ni Beatrice.“Nawalan sila ng malay due to suffocation. Buti at naisugod agad sila rito. Both Mr. and Mrs. Lustre had first degree burns. Nabigyan na namin sila ng lunas. Sa ngayon, let’s wait for them to wake up.”“May I now see them inside?”“Sure. I’ll go ahead.”“Thank you, Doc!” Kumaripas si Beatrice sa kwarto.Nagkamalay kanina ang amang si Brent. Sandali itong nagrequest na pag-isahin sila ng kwarto ng kaniyang asawa bago nawalan ulit ng malay. Kung kaya ganoon na lang
SUNDAYKatabi ni Georgia si Beatrice. Habang kaharap nila sina Delia, George at Lucas.“On behalf of Helen and Brent, I’d like to suggest that they should get married immediately,” panimula ni Georgia.Tahimik ang cafe. Tanging drinks ang nasa lamesa. Kahit walang katabing security, ramdam sa paligid ang presensya na may nagbabantay sa pagtatagpo nilang iyon.Pasimpleng tiningnan ni Beatrice si Lucas. Kunwari’y umarko ang kilay niya saka umiwas ng tingin. Kahit pa ang totoo, hindi niya inaasahang nakamasid din ang lalaki sa kaniya. Kahit pa ang totoo, hindi niya kayang tagalan ang tingin ni Lucas.“Well, it’s up to them when,” anang Delia. “What do you think, Beatrice?”Binalik ni Beatrice ang mga mata sa lalaki. Mahigpit siyang napahawak sa tela ng shorts nang nakatingin ulit si Lucas sa kaniya.“N-Next month,” mariing napalunok ang dalaga. “So, there would be room for preparation.”“Masyadong matagal,” sabat ni Lucas.Napaamang si Beatrice sa sinabi nito.Tumikhim ang binata. “Kung
KISS THE BRIDELimitado ang galaw ni Beatrice. Mahigpit ang security sa paligid ng kanilang bahay. Pinagbawalan na rin siyang umalis nang walang kasamang bodyguard. Kung kaya imbes na pumunta na lang ng salon, naghire siya ng private stylist.“Should I dye my hair? Which do you think is bagay kaya?” maarteng untag ni Beatrice. Hindi na yata nito mabitiwang catalog. Nakapulupot ang white towel sa kaniyang ulo at tanging pink na roba ang suot. Maliwanag ang separate na dressing room ng bahay sa ikalawang palapag. Nakaharap siya sa salamin. “Tingin mo? Lumilitaw ba ang pores ko?”“Hmm, mas highlighted po ang skin niyo sa itim na buhok. Ang ganda-ganda, shiny at natural, madame!” komento ng gay hair stylist. “Normal lang po ang ma-anxious kapag malapit na ang kasal.”Naisara ni Beatrice ang katalog. Tinignan nito ang repleksyon nila sa salamin. “I’m not anxious.” Pumirmi siya ng upo.“Excited po?” anang stylist.“Nah, I’m not!”Napansin ng stylist ang pagtataas niya ng boses kung kaya nan
HONEYMOON?Mabilis na nagsalin-salin ang mga balita sa media. Inanunsyo ng parehong pamilya sa publiko ang nangyaring private marriage. Solemn lang din ang reception.Hinakot ng mga tauhan ng mga Lustre ang gamit ni Beatrice saka inihatid sa bago nitong tahanan.“Kuya, where’s Lucas?” walang emosyong tanong ni Beatrice sa driver.Matapos kasi ng reception, inutusan ng binata ang driver na ihatid nito si Beatrice sa bahay nila.“Kayo po ang asawa, hindi niyo po alam?” inosenteng tugon ng driver.Tila napahiya ang babae sa sinabi nito. “Syempre alam ko. Tinatanong ko lang kung alam mo rin.”Nawi-wirduhang nilingon siya ni manong driver sa rear mirror.Simpleng puting dress ang suot ni Beatrice. Hindi niya na napagmasdan ang lugar na dinaraanan dahil bukod sa madilim na, pagod din siya sa pakikipag-usap sa mga bisita. Ang isa pang kinaiinsulto niya, parang wala lang kay Lucas ang lahat. Iyon ba talaga ang marriage na gusto niya? Ganoong buhay may asawa ba talaga ang papasanin niya hangga