Share

Chapter 4

Author: ashtrizone
last update Last Updated: 2021-11-18 04:09:01

Mas dumoble lang ang kaba sa d****b ko dahil hindi ko alam kung nasaan talaga ako. Kabado man ay sinikap kong panatalihin na kalmado ang mga kilos ko nang lumabas ako sa kwarto na pinagmulan ko.

I was walking silently, determined that I won't make any noise. Nagmasid ako sa paligid nagbabaka-sakaling may ibang tao na narito. Baka mamaya ay na-kidnap na pala ako at manghihingi ng ransom, pero wala namang mapapala sa akin ang kidnapper kung sakali.

Nang makarating ako sa sala ay wala akong nakita na ibang tao. Dumiretso naman ako sa kusina at nabigo rin nang makitang wala tao roon. Maging ang banyo na katabi ng kusina ay sinilip ko pero wala rin akong nadatnan.

"What the hell is happening?" I whispered to myself.

The last time I remembered, we were just having fun on that party not until everything went chaos...

Smoke...

A rare smoke suddenly appeared that made us lose our senses...

Then, when I woke up, I am here...

I don't know where I am.

I was dumbfounded when I reached the path outside the house I am in right now.

Saan 'to?

Nasaan ako?

Ano'ng ginagawa ko rito?

Bakit ako nandito?

Sino ba ang nagdala sa akin dito?

Tanong ako nang tanong pero alam ko naman na hindi ko masasagot iyon dahil wala akong ideya sa kung ano ang nangyayari ngayon.

Sa pagkakatanda ko ay wala namang may ganitong bahay sa mga kaibigan ko kaya imposible na sila ang nagdala sa akin dito.

Am I really being kidnapped?

Pero kung na-kidnapped naman ako ay may posibilidad na dadalhin ako ng kidnapper sa isang madungis na lugar, ‘di ba?

Ang sosyal naman yata ng kidnapper ko? Ang ganda ng pinagdalhan na lugar sa ‘kin?

Hindi pamilyar ang lugar sa akin. Mukhang sibilisado ang lugar na ito dahil sa tahimik at malinis ang paligid. Napapaligiran din ako ng mga bahay na tulad no’ng sa akin.

I think I was in a village, this house rather.

But how the hell I ended up here?

Who brought me here?

Napasinghap na lang ako sa inis at nag-umpisang magtipa sa cellphone na hawak ko. Napahinto rin ako kalaunan dahil maging ang cellphone ko ay nag-iba!

Damn! Hindi ito ang cellphone ko!

Agad kong binuksan ang mga applications at contacts ko. Bumagsak ang mga balikat ko nang makitang wala ni isang numero ang naka-save sa contacts.

Inumpisahan kong i-dial ang mga numero ng kaibigan ko na natatandaan ko, pero lahat ay unattended.

Ano ba'ng nangyayari?

Wala naman akong makita na ibang tao ngayong oras kaya wala akong mapagtanungan kung nasaan ba talaga ako.

I am not scared with my whole existence not until now...

I am scared with what will happen to my life being here that I don't even know in the first place.

My face lit up when an idea sinked in.

Paniguradong may guwardiya ang village na 'to!

Agad akong nagtungo kung saan madalas nakapwesto ang mga guwardiya sa mga village na kagaya rito. Lakad takbo ang ginawa ko para makarating agad doon. Hindi nga ako nagkamali dahil mayroon nga.

"Manong? Manong?" agad na tawag ko nang makarating ako sa silid ng pwesto niya.

Sumilip muna siya sa maliit niyang bintana at nang makita ako ay binuksan niya ang pintuan. Nagtataka naman siyang nakatingin sa akin.

I think he’s in 40s of age. His body is still lean though. Baka noong mga kabataan niya ay maganda talaga ang pangangatawan niya kaya nadala niya hanggang ngayon. He has a tanned skin, maybe because this place was like a province.

"Ano'ng kailangan mo, hija? Ikaw 'yong bago rito, 'di ba?" tanong niya.

Tumango-tango naman ako bilang sagot.

"Opo, manong. At saka nasaan po ba ako? Ano'ng lugar po ‘to?" naguguluhang tanong ko sa kaniya pero sinigurado ko na maayos ang pagkakatanong ko.

"Ah, nasa El Kanjar ka, hija. El Kanjar Village naman ito rito," sagot niya.

El Kanjar?

Saan naman 'yon?

Ngayon lang ako nakarinig ng ganoong pangalan ng bayan o probinsya. Kahit sa mapa ng Pilipinas ay wala akong natatandaan na ganoong pangalan ng lugar.

"May d-daan po ba paalis dito?" tanong ko, nagbabaka-sakali.

Bumuntonghininga si manong guard bago malungkot na tumingin sa akin. Agad naman akong nabigo sa tingin niyang iyon.

Is there no way out from here?

Is that even possible?

"Ang totoo niyan, hija... napaliligiran tayo ng kagubatan. Ang sabi nila ay kailangan mong makatawid sa kagubatan. May nakapagsabi rin na delikado naman na gawin 'yon dahil ang mga nagtangka na umalis sa lugar na ito ay hindi talaga nakakalabas ng El Kanjar at natatagpuang patay pa."

Napalunok ako.

Totoo kaya iyon?

Seryoso ang mukha ni manong guard habang nagsasalita kaya sa palagay ko ay hindi siya nagbibiro.

"S-Sigurado po ba kayo, manong? Paano po kung h-hindi naman 'yon totoo?" tanong ko pa.

"Alam ko na sa ngayon ay hindi mo ako paniniwalaan, hija. Pero sa mga susunod na araw na narito ka ay malalaman mong nagsasabi ako ng totoo," mahabang sagot niya.

"Paano ako makakaalis dito?" mahinang bulong ko sa sarili ko.

I let out a frustrated sigh. I need to go home. This isn’t my place to begin with. Hindi ako taga rito.

"Ayos ka lang ba, hija? Namumutla ka at... 'yong suot mo..." nag-aalalang puna niya.

Agad namang bumaba ang paningin ko sa suot ko. Suot ko pa rin ang ayos ko noong party. May mga punit na ang tank top at leather skirt ko. Paniguradong marumi na rin ito pero hindi lang halata dahil kulay itim.

Tsk. Hindi man lang ako nilinisan no’ng kung sinong nagdala sa akin dito?

"A-Ayos lang po ako, manong. Salamat po sa sagot n'yo," magalang na sambit ko.

Aalis na sana ako roon nang pigilan ako ni manong guard, mukhang may sasabihin pa siya kaya nanatili ako.

"Siya nga pala, hija. Mayro'ng dalawang tao rito na nakikita raw ang hinaharap at ang nakaraan...” panimula niya.

My forehead creased.

Ano sila manghuhula?

Weird.

”Pero hanggang ngayon ay hindi rin namin alam kung sino ang dalawang taong 'yon. Baka makatulong sila sa 'yo," dugtong niya pa.

“Sigurado po kayo, manong? Baka ji-no-joke time n’yo lang po ako, ah?” natatawang asik ko.

Napakamot naman si manong guard sa batok niya at bahagyang natawa. “Hindi ko rin alam, hija. Sabi-sabi lang kasi iyon. Pero malay natin totoo, ‘di ba?” Nagkibit-balikat siya.

Nakikita ang hinaharap at nakaraan?

Paano naman mangyayari 'yon?

Posible ba 'yon?

At saka sa paanong paraan naman nila ako matutulungan?

Maiaalis ba nila ako rito?

Nalilito kong tinahak ang daan pabalik sa bahay na pinanggalingan ko.

El Kanjar?

Sino'ng nagdala sa 'kin dito?

May kinalaman ba 'yong nangyari sa amin sa party kaya ako narito?

Pero bakit? Para saan?

Ano ba 'to?

Paulit-ulit na lang ang mga tanong ko pero hindi ko naman nasasagot.

Argh!

Sanay akong mag-isa, oo. Pero sa lugar na hindi ko naman alam, pakiramdam ko ay gusto ko na lang na maglaho.

Kahit naguguluhan ay sinikap kong makapasok ulit sa loob ng bahay na iyon. Hindi ko alam kung kanino ba ito. Hindi ko alam kung tama ba na nandito ako.

Paano kung umalis lang ang totoong may-a*i nito at bumalik?

Tapos, kung ano na ang mangyari sa akin?

Sa sobrang aligaga ko ay ini-lock ko ang pintuan pagkapasok ng bahay.

The sure, the better for me.

Nagtungo rin ako sa kusina at kumuha ng isang kutsilyo bago ulit nagtungo sa kwarto na pinanggalingan ko kanina.

Napaupo na lang ako sa dulo ng kama dahil sa kaguluhan ng nangyari.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntonghininga.

What about my friends?

What happened to them?

Are they safe?

Naalala ko pa noong bago ako mawalan ng malay ay may mga yabag akong naramdaman at narinig na papalapit sa amin.

Hindi ko alam...

Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanila ngayon.

Damn!

I am getting frustrated with this shit!

My forehead creased when I noticed a laptop suddenly made its life. Bumukas ito ng kusa.

Agad kong hinawakan nang mahigpit ang kutsilyong dala ko at saka dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ng laptop na nakapatong sa isang study table.

Am I being monitored?

May nakakanood ba ng mga galaw ko sa bahay na ‘to?

My heart was now throbbing so fast. I can't literally explain what I'm feeling right now. I wanted to explode!

Humigpit ang hawak ko sa kutsilyo habang dahan-dahan na lumalapit sa study table kung saan naroon ang laptop.

Pagkalapit ay napakunot ang noo ko dahil sa nabasa ko. Naguluhan ako sa mensahe na naroon.

BLISSFUL DAY, ANVESHIKA!

ENJOY YOUR STAY. THE HOUSE IS YOURS.

— D.S.R

Ano'ng ibig sabihin nito?

Sino ang nagpadala nito?

Bumagsak ang paningin ko sa initials na nasa ibaba ng mensahe.

D.S.R?

Who the hell is that person?

Wala naman ang may ganoong initials sa aming magkakaibigan kaya imposible na sila talaga ang nagdala sa akin dito.

Enjoy?

How would I fucking enjoy here?

Nagpapatawa ba siya?

Hindi nakakatuwa ang nangyayari ngayon. Gusto kong sapakin kung sino man ang may pakana nito. Kahit kailan ay hindi ako matutuwa.

But one thing is for sure right now.

I don't know where I am.

I am lost...

Related chapters

  • Unraveled Puzzle   Chapter 5

    BLISSFUL DAY, ANVESHIKA!ENJOY YOUR STAY. THE HOUSE IS YOURS.— D.S.RHindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa screen ng laptop laman ang mensahe na iyon.Para saan ba ‘yon?Sino ang nagpadala ng mensahe na ‘yon?Siya ba ang nasa likod ng lahat ng ‘to?Hindi ko alam kung matutuwa ba ako roon o matatakot. Nakakatuwa kasi kahit papaano ay may tutuluyan na ako rito at siyempre, hindi mawawala ang takot ko sa lugar na ito. Hindi ko nga alam kung nasaan ako kaya hindi dapat maging kampante na walang mangyayari sa akin sa lugar na ‘to.I won’t let my guard down this time.I regretted that I didn’t follow my guts before the party happens. We should have talked about that deeply. Hindi dapat kami nagpadalos-dalos at agad na pumayag na pumun

    Last Updated : 2021-11-18
  • Unraveled Puzzle   Chapter 6

    "Putangina! Sino ka ba?! Ano ba'ng kailangan mo?!" Hindi ko na napigilan na pagtaasan ng boses ang kausap ko.He deserves it!Pinaglalaruan niya ako!Maaaring hindi lang ako!Baka pati ang mga kaibigan ko rin!Tanging halakhak lang niya ang narinig ko sa kabilang linya. Halatang tuwang-tuwa sa mga naririnig niya sa akin.This shouldn't be this way. I should be calm. I shouldn't be affected. But this shit, just mentioned my beloved brother and my whole system fucked up."Nasaan sila? Ano'ng ginawa mo sa mga kaibigan ko! Papatayin talaga kita kapag nagkita tayo, tandaan mo 'yan! Fuck you!" sigaw ko pa pero gaya kanina ay tinawanan lan

    Last Updated : 2021-11-18
  • Unraveled Puzzle   Chapter 7

    Kinabukasan ay maaga akong gumising. Kahit hindi pa rin ako sigurado sa naghihintay sa akin ngayong araw ay haharapin ko pa rin iyon. Hindi ko malalaman kung ano ang mangyayari kung hindi ko ito haharapin.Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit kailangan na gawin 'to?Ano ang saysay ng pagpunta ko rito sa lugar na 'to?Iyon talaga ang hindi ko makuha.Matapos ko makapag-ayos sa sarili ay natuwa ako sa tumambad sa walk-in closet na naroon. Napangiti ako dahil ang mga damit na narito ay talagang pasok sa panlasa ko.Hanga ako sa gagong 'yon. Mukhang maayos naman ang taste ng kidnapper ko.I picked a white ruffled top and a cream pencil cut skirt partnered with a cream blazer. I also wear a cream stilettos.At saka ko

    Last Updated : 2021-11-18
  • Unraveled Puzzle   Chapter 8

    I swallowed hard as I hold the door handle. Parang gusto kong umurong at hindi na makita pa ang kung sinong nasa loob.But no!I shouldn't let that fucker win over me!Never!Over my fucking dead body!Bumuntonghininga ako sa huling pagkakataon at matapang na binuksan ang pintuan. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at hindi agad nag-aangat ng tingin. Ramdam ko ang presensiya niya sa aking likuran pero hindi agad ako lumingon.Paano kung mali naman ang iniisip ko?"You're here."I swallowed hard as I heard his baritone voice. Unti-unti akong humarap sa kaniya at ganoon na lang ang pangangatal ko.

    Last Updated : 2021-11-18
  • Unraveled Puzzle   Chapter 9

    “Ngayon lang nagkaroon ng sekretarya si Sir Dearil,” komento ng staff habang nakangiting nakatitig sa akin.Naguluhan naman ako sa sinabi niya.Ha?Seryoso ba siya?Kaso mukhang hindi naman siya nagbibiro dahil hindi ako makabasa ng bakas ng pagbibiro sa mukha niya."Po?" naguguluhang tanong ko. Napakamot pa ako sa kilay ko at naghihintay sa sagot niya. Sa totoo lang ay kinakabahan ako, nakakakilabot."Ikaw pa lang ang naging sekretarya ni Sir Dearil. Hindi na niya kailangan ng sekretarya dahil nariyan naman si Gian, ang kaniyang personal butler. Pero ngayon lang talaga siya nagka-sekretarya." Mariin ang titig sa akin ni manang staff na para bang pinapasok niya ang kaloob-looban ko.Tumikhim naman ako para maibsan ang kaunting kaba na nararamdaman ngayon.Oo, kaunti lang, promise.&nbs

    Last Updated : 2021-11-18
  • Unraveled Puzzle   Chapter 10

    “You have a car?” kuryosong tanong niya.Agad siyang lumabas sa elevator nang bumukas ang mga pinto nito. Sumunod naman ako sa kaniya.Para pa akong madadapa sa pagsunod ko sa kaniya dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.What’s happening to me?"Beside yours," sagot ko. I tried to sound calm and I think I made it.Tumango naman siya. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Sinadya kong hindi siya sabayan sa paglakad niya kaya nandito ako likod, nakasunod lang.Habang nasa likod niya ako ay hindi ko mapigilan na tingnan ang kabuuan niya habang naglalakad kami.He has a lean body. I think his muscles were just put in the right places. The way he walked, screams authorativeness and power.

    Last Updated : 2021-11-18
  • Unraveled Puzzle   Chapter 11

    Nang makarating sa entrance ng El Kanjar village ay huminto muna ako sa tapat ng silid ni manong guard. I rolled down the car's window. Bumusina pa ako para makuha ang atensyon ni manong."Hija!" masiglang bati niya.Napangiti naman ako at binati siya."Magandang hapon po," bati ko."Buti naman at hindi ka masyado ginabi. Delikado na ang mga oras na 'yon," paalala niya.Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ganoon din ang sinabi sa akin ni Sir Dearil pero ipinagwalang-bahala ko lang iyon.Normal lang naman siguro ang paalala na iyon, 'di ba?"Gaano po ba ka-delikado, manong?" kuryosong tanong ko.Hindi naman nila paulit-ulit na ibilin sa akin na huwag magpagabi kung hindi talaga delikado, ‘d

    Last Updated : 2021-11-18
  • Unraveled Puzzle   Chapter 12

    Warning: Brutal triggers.Tinanaw ng isang lalaki ang paglayo ng sasakyan ng bagong babae sa lugar nila, ang El Kanjar."Mukhang hindi ka naniniwala. Tingnan natin kung hindi ka pa maniwala matapos ang gabi na 'to," bulong nito sa kaniyang sarili.Pinanood din ng lalaki ang pag-alis ng dalawang sasakyan na nakabuntot sa babaeng iyon. Nakita niyang mga bodyguards ang sakay noon dahil bumaba ang isa sa kanila kanina at sumulyap sa sasakyan noong babae na pumasok sa village."Tingnan din natin kung magawa n'yo ba na mabantayan talaga siya ng maayos," mariing bulong niya pa.Napangisi ang lalaki.Noong una niyang nakita ang babae sa kagubatan ay inakala niyang wala itong buhay. Nakahandusay lang iyon sa lupa at madungis ang hitsura. Lalapitan niya sana iyong babae nang may nakauna sa kaniya.Agad siyang nagtago sa

    Last Updated : 2021-11-20

Latest chapter

  • Unraveled Puzzle   Epilogue

    "I can see the past... while Damien can see the future..."Nagimbal ako sa katotohanang sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba iyon o tatanggihan.Sa likod ng mga asul na mga mata ko pala mahahanap ang mga taong hinahanap ko... pero masaya ba ako na silang dalawa iyon?Sa halip na magdiwang ay parang nalungkot ako sa likod ng nalaman ko mula kay Dearil.Bakit sa dinami-dami ng tao ay silang dalawa pa ang hinahanap ko?Ito na ba ang papel ng dalawang Ravides sa buhay ko rito sa El Kanjar?"H-How come?" utal na tanong ko."Remember our first phone call?" Tumango ako sa kaniya dahil naalala ko iyon. "I've mentioned your brother... I saw him on your past as long as what happened to your family..." sambit niya."Paano?" mahinang tanong ko."That day when we saw you on t

  • Unraveled Puzzle   Chapter 43

    Natagpuan ko na lang ang sarili ko ilalim niya habang siya ay nasa ibabaw ko na unti-unting pinapasok sa akin ang alaga niyang tila isang mandirigma na ngayon."Fuck!" I cried as I felt like there's something in between me got broke."I'm sorry... it's my gentle way already though it's really painful at first..." malambing bulong niya.Napatango naman ako habang pinupunasan niya ang luha na tumulo sa mata ko."Just tell me, if I can move, hmm? I won't move if it still hurts..." marahang sambit niya at sunod na sinunggaban ng halik ang labi ko.I returned the same ferocity. His tongue was poking my lips so I opened my mouth to let his tongue enter and taste every bit of my mouth. I moaned between the kisses.Ang mga kamay niya na akyat baba ang haplos sa aking baywang ay unti-unting nagtutungo sa aking dibdib. Napaliyad ako nang mar

  • Unraveled Puzzle   Chapter 42

    "Ay, tangina! Live porn na naman!"Napalingon kami sa may pintuan nang marinig ang sigaw ni Detective France. Natawa naman kami ni Damien at dahan-dahan niya akong ibinaba mula sa pagbuhat niya.Hindi ka siya nangalay?Ang bigat-bigat ko na kaya!Halos pakainin ba naman niya ako segu-segundo!Tingnan na lang natin kung hindi madagdagan ang timbang ko dahil doon!Pero siyempre, nasa tamang pangangalaga kasi ako kaya wala dapat reklamo, 'di ba?Argh! I'm crazy."Ang landi n'yo talagang dalawa!" akusa pa ni Detective France at pumasok na siya dahil nanatili pa rin siya pintuan kanina."Inggit ka, Detective France?" pang-aasar ko sa kaniya.

  • Unraveled Puzzle   Chapter 41

    "Baby..." magaang tawag sa akin ni Damien at pinisil ang mga kamay ko.Mapait akong ngumiti. "I'm fine."Ganito pala ang pakiramdam na matraydor ng isang taong itinuring mong kaibigan. Hindi sumagi sa isip ko na magagawa niya ito sa akin dahil sa mga kabutihang ginawa niya. Pagpapakitang tao lang ba ang lahat ng iyon?"That explains why you received the threat. There's a manual on the security's post revealing the house numbers at the village, I saw it. May bahay rin ako roon at may suspetya na ako sa kaniya simula noong nagtanong siya sa akin kung may kilala raw ba akong pangalan na Anveshika Ferolinoz," mahabang paliwanag ni Detective France na siyang nagpatango sa aming lahat.Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga rebelasyon na 'to."I forgot! The first victime of Heart Forest Crime was your HR Head, Maniro Derso." Napasinghap naman kami ni Dearil ha

  • Unraveled Puzzle   Chapter 40

    "Maraming salamat, Anveshika. Patawad din sa lahat ng nangyari..." malungkot na sabi ni Rhianne habang hawak ang kamay ko."You're not at fault, Rhianne," sabi ko sa kaniya.Umiling lang siya at malungkot na tumitig sa kabaong unti-unting bumaba sa ilalim ng lupa. Gaya ng ipinangako ko kay Manong Liher ay ginawa ko ang paglibing kay Lhianne Jimenez. Nalungkot ako nang sinabi niyang hindi siya pupunta ngayon dahil sa sobrang hiya niya raw sa anak niya, wala raw siyang karapatan na harapin ang anak niya dahil sa lahat ng kasalanang nagawa niya."Sobrang maraming salamat..." bulong niya.Ngumiti na lang ako sa kaniya. Lumapit na kami sa lumubog na kabaong sa lupa. Hawak pa rin ni Rhianne ang kamay ko at ramdam ko ang panginginig at panlalamig no'n kaya marahan ko iyong pinisil. Hawak-hawak ang putik bulaklak ay unti-unti namin iyong inihagis sa ibabaw ng kabaong. Ganoon din ang ginawa nina Damien at Dea

  • Unraveled Puzzle   Chapter 39

    Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko pero agad din iyong nagdilim nang makabawi siya at humalakhak."Hindi ko inaasahan na mas maaga mong malalaman. Pinahahanga mo ako, Anveshika." Marahan pa siyang pumalakpak. Napairap ako at bumaba sa sasakyan para makaharap siya ng maayos."What are you doing, Anveshika? Stay inside the fucking car!" Rinig ko ang boses ni Damien mula sa earpiece na suot ko.Napangisi ako. "What now, Liher Jimenez? The father of Lhianne and Rhianne Jimenez, right? Also, the mastermind behind the Heart Forest Crime," mariin kong sabi."Ano ngayon ang gagawin mo ngayong alam mo na?" nakangisi niyang tanong sa akin."You're busted." Nakangisi lang ako sa kaniya habang nakatitig at maya-maya lang ay narinig na namin ang sirena ng mga pulis.Nakita kong natigilan siya dahil sa tunog na iyon. Agad siyang humugot ng bari

  • Unraveled Puzzle   Chapter 38

    Kailangan ko na matapos ang kahibangan na ‘to. Gusto ko nang mabawasan kahit papaano ang tumatakbo sa isipan ko dahil baka hindi ko na lang mamalayan ay nababaliw na pala ako.Una ay nasagot ko na kung bakit kamukha ng mga nakakasalamuha kong tao rito sa El Kanjar ang mga tao sa totoong buhay ko bilang Anveshika. Parehas ang mga mukha nila pero iba ang pangalan nila rito sa El Kanjar at may pagkakaiba rin pagdating sa ugali.Pangalawa ay hindi ko pa rin alam kung may kinalaman ba ang mga tao na ito sa paraan ng pag-alis ko rito sa El Kanjar.Pangatlo ay ano nga ba ang katotohanan sa likod ng Heart Forest Crime? Ang totoong kwento kay Lhianne Jimenez?Pang-apat ay ano’ng kinalaman ko sa suspek ng Heart Forest Crime? May posible akong sagot dito na maaari ngang, ang mukha ng suspek ng Heart Forest Crime ay siya ring mukha ng totoong dahilan ng pagkamatay ni Kuya Gignesh. Hindi ko akalain na

  • Unraveled Puzzle   Chapter 37

    Kinabukasan ay naging normal naman na ang paggising ko. Ramdam ko pa rin ang pamumugto ng mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kagabi.Naghilamos muna ako bago ako bumaba ng kwarto. Wala pang kumakatok dito sa kwarto ko, siguro ay hindi pa tapos ang paghahanda ng umagahan namin.Hinayaan lang ako ng magkambal na umiyak na kagabi. Alam kong may ideya sila sa kung ano’ng nangyari kay Kuya Gignesh dahil nabanggit ko iyon. Siguro’y naguguluhan sila kung bakit ako umiyak nang makita ko ang picture ng lalaking biktima ng Heart Forest Crime. Ako lang naman ang nakakakilala ng mukha ni Kuya.Hindi nga ako nagkamali dahil hindi suicide ang ikinamatay ni Kuya. Ilang taon na ang lumipas pero hindi pa rin talaga napapalagay ang loob ko dahil doon. My Kuya didn’t deserve this, his death deserves justice! Gagawin ko ang lahat para makaalis sa laro na ito.

  • Unraveled Puzzle   Chapter 36

    “A man?” hindi makapaniwalang tanong ni Detective France.Dearil nodded his head.“What the fuck?” Hindi ko na napigilan na hindi makisingit. “She looked innocent! What did you do?” tanong ko sa magkambal.“We were on leave that time,” sagot ni Damien kaya napatingin ako sa kaniya at nakakunot ang noo. “Gian told us that the HR Department already handled it, that’s why we let it pass,” dugtong niya.Bumuntonghininga ako dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko na iyon.“So, maybe it was a wrong accused...” Detective France concluded.“She’s in HR Department, meaning she was applying in your company or was she an employee already?” tanong ko.Damien shook his head. “I remembered it now, clearly. I saw her on t

DMCA.com Protection Status